Chapter 37: Kapag tinulungan mo kaming magparank, hindi ka namin bubugbugin.

Kinabukasan maagang nagising si Jacian para maghanap ng trabaho, naglakad lang siya sa baba ng mataas na sikat ng araw at kinatok ang ilang cafe at computer shop para mag-apply kung ano ang available na trabaho ngunit tatlong cafe at isang computer shop na ang inapply-an niya pero hindi parin siya natatanggap.

Lahat sila ay may iisang dahilan, "16?! 16 ka palang pero naghahanap ka na ng trabaho? Masyado ka pang bata hindi ka namin matatanggap."

"Ay.....hindi kasi kami tumatanggap ng minor."

"Kami ang pagagalitan ng baranggay kapag pinapasok ka namin. Bawal po ang minor."

"Hanap ka nalang ng ibang trabaho, bawal po ang 17 below."

Fuck your daddy!

Tinatawag akong daddy sa Chinese server tapos sasabihan niyo akong minor sa personal?!

Inis na umalis si Jacian sa mga shop na tinatanungan niya.

12 p.m na at wala pa siyang kain ng tanghalian, tirik na tirik na ang araw habang naglalakad siya sa street. Bitbit ang sama ng loob naglakad siya pabalik ng boarding house, kung hindi siya makakapaghanap ng trabaho ngayon ipagpapatuloy niya nalang ang pagiging accompanying player kahit na pailan-ilan lang ang client.

Mas mabuti naring meron siyang natatanggap kesa sa wala.

Lumilipad ang utak ni Jacian sa kakaisip ng trabaho habang naglalakad, nang lumiko siya sa isang street bahagya siyang napahinto nang makitang may apat na lalaki ang naka-abang. Nakalinya sila sa daan dahilan para hindi makadaan si Jacian.

Masama ang tingin nila kay Jacian na animo'y nakatanggap sila ng trash talk ni Boss sa online. Bagaman, wala namang natatandaan si Jacian na may na-trash talk siyang ordinary players dahil karamihan ng tina-trash talk niya ay pro players, hindi siguro fans ang apat na 'to, right?

"Boss." Tawag ng isa sa kanila.

"Mabuti naman lumabas ka, kanina ka pa namin sinusundan eh buti nalang nahulaan namin kung saan ka dadaan."

"Ngayon, hindi ka na makakatakas." Sambit pa ng isa sa kanila, ngunit napakunot-noo siya nang makitang hindi man lang natinag si Boss.

"Kayo 'yung humahabol sa akin nakaraan?" Tanong niya at tinanggal ang hood ng puti niyang hoodie. Nang tanggalin niya iyon, kuminang ang kilay pink niyang buhok nang tamaan iyon ng sikat ng araw. Maputi si Jacian kaya kapag ganitong nasa labas siya at sinisikan ng araw mas lalong pumuputi ang balat niya.

Proud naman na tumango ang isa. "Mm."

Nagbigay ng dismayadong tango si Jacian.

Nagsalubong ang kilay ng isa. "Minamaliit mo ba kami? Sasabihin ko sa'yo ngayon! Hindi ka makatakas ng walang pasa!" Sigaw pa nito.

"P'wede mo bang sabihin kung paano ako makakaalis ng walang pasa?"

"Walang ibang paraan!" Matigas na saad ng isa at bahagya pang humakbang.

Pareho silang malalaki kaya naisip ni Jacian na kapag nakipag-away siya sa apat na tambay na 'to hindi siya mananalo, kung online games siguro 'to baka kaya niya kahit 1v5 as long as ordinary players lang ang kalaban, katulad ng tambay na naka-abang sa kanya ngayon.

Naglakad si Jacian atsaka sumandal sa pader, inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon atsaka nilihis ang ulo para tingnan ang apat na tambay.

"Anong kailangan niyo? P'wedeng sabihin niyo na kaagad nang makauwi na ako?"

Napangisi naman ang isa. "Tsk! Natatakot ka ba kaya atat kang umuwi?" May panunuyang saad nito.

"Ako? Sino namang kakatakutan ko? Uwing uwi na ako kasi natatae na ako mukha ka kasing inidoro." Walang prenong saad ni Jacian.

"You...!" Inis na dinuro siya ng lalaking sinabihan niya na mukhang inidoro, ngunit kumalma 'din ito nang bulungan ito ng kasama.

Maya-maya lang ay lumapit kay Jacian ang isa. "Ganito nalang, kapag tinulungan mo kaming magparank up, hindi ka namin bubugbugin." Anito. "Payag ka ba?" Dagdag pa nito at mabangis na hinawakan ang braso ni Jacian.

"Oh bakit nanghahawak ka?" Ani Jacian at ikinawag ang kanyang braso.

Sumama naman ang mukha nung humawak sa kanya. "Babae ka ba? Kung makaiwas ka sa mga lalaki.."

"Hindi ba p'wedeng maging maarte ang lalaki?"

"........."

Makalipas ang ilang sandali, makikita sa tapat ng computer shop ang limang lalaki habang hawak ang kanilang cellphone. Matapos tanggapin ang invitation at tingnan ang history matches ng mga teammates hindi mapigilan ni Jacian ang hindi mang-trash talk.

"Ganito ka kahina?!" Tanong niya sa lalaking sinabihan niya na mukhang inidoro. Inis naman siya nitong nilinga.

"P'wedeng itikom mo 'yang bibig mo?! Hayaan mo muna akong maglaro ng mapayapa okay?!" Reklamo nito.

Ngunit hindi tumahimik ang bibig ni Jacian, natikom lang iyon nang mag-start na ang match. Nakaramdaman tuloy sila ng pagkainis at hindi nila namalayang dinudurog na nila ang enemies.

Hindi alam ni Jacian kung naka-ilang match sila pero narating ng apat na tambay ang Master III mula sa Diamond II nang walang lose streak.

_

Boarding house.

Lumabas si Jacian sa banyo habang tinutuyo ang kanyang buhok. Ito na yata ang nakakapagod na araw na nangyari sa buong buhay niya, pagkatapos ng ilang oras na paghahanap ng trabaho wala man lang tumanggap sa kanya at hinarang pa siya ng mga tambay para magparank-up.

Dahil sa pagod, pabagsak na humiga si Jacian sa kanyang kama para magpahinga ngunit bumangon uli siya para kunin ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa nang mag-vibrate iyon. Bumalik uli siya sa kama at binuksan ang message ni Chase.

Hindi naman masyadong importante ang message ni Chase dahil kinakamusta lang siya nito, nireplyan niya lang iyon ng simpleng 'Okay' atsaka pinatay ang cellphone.

Makalipas ang ilang sandali nang makaramdam ng bored si Jacian, hindi 'rin siya makatulog kahit na nakakaramdam ng pagod kaya nagdesisyon siyang buksan ang Melon app.

Pagbukas niya bumungad kaagad sa kanya ang trending sa hot search.

#1Trending: FTTRecruitingNewMidlaner

#2Trending: FTTLookingForNewMidlaner

Bahagyang kumunot ang noo ni Jacian. Hindi parin nakakahanap ng bagong mid laner ang FTT? Antagal na nito, hindi ba? Dahil sa kuryusidad, binuksan ni Jacian ang #1 trending at nagbasa ng mga post.

[FTT Official Account: Good day! All players, streamers of Honor of Kings, kasalukuyang naghahanap ng mid laner ang aming Team bilang starter ng FTT kasama ang starting players na sina @FTT' Blue @FTT' Just @FTT' Lucky at @FTT' Gem.

Please check the requirements below⬇️

(Role) Mid Lane

1. Rank: Diamond 1 & higher

2. Good at more than 5 heroes

3. 16 years old above (If 16-17 we need parent consent)

3. Send your gameplay on Official Page or make a post and mention FTT Official Account with caption '#FTTRecruitingNewMidLaner'

4. Send your resume

Please contact our page if you're willing, Thank You!]

[#FTTRecruitingNewMid Laner. GUYS! Ano pang hinihintay niyo? Mag-try out na!]

[Short sa mid laner ang Team FTT, may mga ni-recommend narin kami pero mukhang failed ata. #FTTRecruitingNewMidLaner]

Bahagyang nagbago ang reaksyon ni Jacian nang mabasa ang post ng Official Page. Kaagad niyang hinanap ang account ni Chase at ini-forward ang post ng Official Page.

[Just Call Me Boss: Kahit 16 years old p'wedeng sumali?]

Matapos niyang i-send iyon ay inilapag niya muna sa kanyang tiyan ang cellphone at itinutoktok ang daliri sa sapin habang hinihintay ang reply ni Chase.

Beep.

[Chase: Haha Of course.]

[Chase: Bakit mo natanong? Interested?]

Nakagat ni Jacian ang kanyang labi. [Just Call Me Boss: A bit.]

[Chase: Fuck! Kung interesado ka ano pang hinihintay mo mag-send ka na ng resume!]

[Chase: Fuck! Are you serious?!!!!!!]

[Just Call Me Boss: Isipin mo nalang na joke 'yan.]

[Chase: Holy shit!]

Matapos siyang paulanan ni Chase ng maraming 'Holy shit!' hindi niya na ito ni-replyan, marerealize 'din nito mamaya na walang big deal. Binalikan uli ni Jacian ang post ng Official Page at binasa ang requirements.

Hindi niya alam kung paano niya iyon nagawa ngunit makalipas ang mahabang sandali ay nai-send niya na lahat ng requirements.

FTT Base.

At 8:30 ng umaga, pumasok si Coach Dang sa meeting room habang bitbit ang folder.

Nasa loob ng meeting room ang apat na players ng FTT kasama ang ilang staff, naka-upo sila sa sofa habang nakaharap sa malaking flat screen TV para panoorin ang try out.

Naglakad si Coach Dang patungo sa dispenser atsaka kumuha ng tubig. Malamig sa loob ng kanilang base ngunit makikita ang butil butil na pawis sa noo ni Coach Dang at sa isang tingin palang ay masasabing kinakabahan ito.

Nilinga ni Lucky si Coach Dang at bahagyang binangga ang balikat ng katabi nitong si Gem. "Tingnan mo, si Coach Dang ang kinakabahan para sa mag-ta-try out."

Tiningnan ni Gem si Coach Dang, hindi siya sumagot at bahagya lang binawi ang tingin bago ibalik ang atensyon sa TV.

Namangha naman si Lucky. "Paano mo nagagawang hindi magsalita sa loob ng limang minuto?"

"P'wedeng mag huwag kang magsalita sa loob ng limang minuto?"

Lucky, ".........." Umayos siya ng upo. "Nevermind, hindi ko talaga kayo ma-gets, you introvert people." Aniya.

Lumapit si Coach Dang sa staff at nakipag-usap ng ilang sandali at pagkatapos ay lumapit siya sa sofa para umupo sa tabi ni Blue.

"What's up, Coach." Anito habang naglalaro sa cellphone.

Bumuntong hininga si Coach Dang. "Two rounds na pero hindi parin siya nananalo, rookie lang ang kalaban niya, kung matatalo pa siya sa third round----" Bahagyang napahinto si Coach Dang nang tumunog ang kanyang cellphone. "Oh, hinahanap ako ni Just, manood lang kayo." Anito at naglakad na palabas ng meeting room.

Paglabas niya, nakita niya si Just sa labas ng training room habang nakasandal sa pader, seryuso ito habang nakatingin sa cellphone.

Nang maramdaman nito ang presensya ni Coach Dang binalingan niya ito ng tingin.

"May... kailangan ka?" Tanong ni Coach Dang nang makalapit.

Halatang kakatapos lang ni Just maghimalos dahil basa pa ang kanyang buhok. "Mn. Yung streamer na si Boss nag-send siya sa account ko ng resume."

Sandaling natahimik si Coach Dang ngunit kaagad 'ding kumunot ang kanyang noo. "...Ano? Yung streamer na ni-recommend ng mama mo?"

Binigyan siya ni Just ng maliit na tango. "Mn."

"Hindi ba..may rumor na hindi siya interesado maglaro sa professional arena?"

"Siguro, nagbago ang isip niya."

Bahagyang natigilan si Coach Dang ngunit maya-maya lang.....

"Fuck! Ano pang hinihintay natin? Bilis! tawagan na natin, kapag nakuha siya ng ibang teams at nalaman ng mama mo siguradong ngayong season nalang ako magiging coach." Natatarantang saad ni Coach Dang at binuksan ang cellphone.

"Na-contact ko na, hindi pa siya online makikita niya rin mamaya." Kalmadong ani Just at pinadulas sa bulsa ang kanyang cellphone.

Dalawang beses napakurap si Coach Dang bago tumango, sinundan niya ng tingin si Just na ngayon ay paakyat ng hagdan patungo sa second floor.

_

Kasalukuyang nag-totoothbrush si Jacian nang tumunog ang kanyang cellphone, dinura niya muna ang bula at naghilamos bago niya iyon binasa.

[Coach Dang: Good Morning, ito ba si Streamer Boss sa Hi! Streaming platform?]

[Jacian Palma: Yes. May schedule po ba kung kailan ang try out?] 

[Coach Dang: May schedule ang Team namin pero 16 years old ka palang, right?]

Kumunot ang noo ni Jacian. Hindi ba ang sabi sa requirements p'wede magpasa ng resume ang 16 years old above?

Napakagat labi siya bago nagtipa.

[Jacian Palma: Yes.]

[Coach Dang: May sariling parent consent ang management namin, gusto mo bang kunin dito sa base o ipapasa ko sa'yo online?]

Nagtaka si Jacian. [Jacian Palma: Hindi ba dapat mag-try out muna ako bago kumuha ng parent consent?]

[Coach Dang: No. Hindi mo na kailangang mag-try out ni-recommend ka ng may-ari ng club kaya makakapasok ka kaagad sa Team.]

".........?" Napakurap si Jacian. Ni-recommend siya?

Nag-popped up uli ang panibagong message ni Coach Dang.

[Coach Dang sent an attachment.]

Isi-nend na nito ang consent.

[Coach Dang: No rush. Pag-usapan natin ang contract mamaya, hindi pa naman kailangan ng management ang parent consent p'wede mo 'yang ipasa sa araw ng registration.]

[Jacian Palma: Okay.]

[Coach Dang sent an attachment.]

[Coach Dang: Ito ang official copy ng contract, basahin mo ng mabuti. Kung meron kang hindi nagustuhan ipaalam mo kaagad sa akin, okay?]

[Jacian Palma: Okay, thanks Coach.]

Matapos silang mag-usap ni Coach Dang, umupo si Jacian sa kanyang kama at binuksan ang si-nend nitong kontrata. Marami narin naman siyang nabasa na kontrata galing sa streaming platform kaya ang pagbabasa ng ganito kahabang kontrata ay hindi big deal sa kanya.