Chapter 38: Siya ang bagong mid laner ng Team natin.

Sa loob ng training room. Si Lucky at Gem ay parehong nag-doudouque samantalang nagsosolo naman si Blue at Just.

Matapos ang isang match, kinuha ni Just ang bottled water na wala ng laman atsaka iyon inihulog sa trash can. Tumayo siya at naglakad palabas ng training room para kumuha ng panibagong bottled water ngunit paglabas niya ay tinatawag siya ni Coach Dang.

Kakapasok lang ni Coach Dang sa base kasama ang kanilang lead coordinator na si Lacey habang bitbit ang dalawang plastic bag.

Nilingon ni Coach Dang ang kanilang lead coordinator at sinabing dalhin sa training room ang breakfast na kaagad namang sinunod ng kanilang lead coordinator.

Napa-angat ang isang kilay ni Just. "Si Ate Lacey ba ang nagbuhat ng dalawang plastic bag mula sa van papunta dito?"

Inayos ni Coach Dang ang suot niyang salamin bago sumagot. "Sinasabi mo bang napaka-ungentleman ko?"

"Mn." Walang isang segundong pag-aalanganing sagot ni Just at umupo sa sofa.

Iniikot ni Coach Dang ang kanyang mga mata bago nagsalin ng tubig sa baso at umupo. "Na-contact ko na si Streamer Boss, nag-text siya sa akin kaninang umaga na wala siyang problema sa contract, tinatanong niya kung kailan siya pipirma, maybe 1 week bago pa siya makakapunta sa base kapag naayos na ang lahat." Ani Coach Dang at sumandal sa sofa. "Mabuti nalang mama mo ang may-ari ng club at siya 'rin ang nag-recommend sa bagong mid laner, kung hindi, matatagalan pa ang process natin siguro aabutin ng 2 to 3 weeks kasama ang try out."

Tumango si Just. "Tinanong mo ba kung may problema siya sa dorm?"

Umiling si Coach Dang. "Wala naman siyang problema sa dorm, sinabi ko 'rin sa kanya na tig-iisang dorm ang bawat players at may kanya-kanyang bathroom at living room kaya hindi maaabala ng iba ang isa't isa, mukhang wala siyang problema sa dorm kasi puro 'Its fine' ang sagot niya." Ani Coach Dang at lumagok sa baso.

Tumango si Just. "Is there anything else?" Tanong niya na inilingan ni Coach Dang. Tumayo si Just para umalis ngunit nakakailang hakbang palang siya nang tawagin uli siya ni Coach Dang.

"Wait! Ang sabi niya meron siyang alagang duchshand, paki tanong ang teammates mo kung allergy sila sa aso."

"Mn." Ani Just at naglakad paakyat sa second floor.

_

Nang magising si Jacian kaagad siyang naligo at nagbihis, bitbit ang parent consent pumunta siya sa convenience store ni Nay Sita. Hindi naman naiilang si Jacian lumapit sa kanilang landlady dahil sa tuwing may meeting sa kanilang school noon ay si Nay Sita ang nag-aattend ng meeting para sa kanya, ito rin ang nagpipirma sa kanyang parent consent at tumatayong Guardian.

Nang ilapag ni Jacian ang papel sa mesa hindi naman ito nagtanong at pumirma lang nang ituro ni Jacian kung saan siya pipirma. Nagpasalamat siya bago tuluyang bumalik sa kanyang boarding house.

Makalipas ang ilang araw, nasa malaking living room ang limang players ng FTT kasama si Coach Dang habang nanonood ng replay. Iyon ang match nila last season nang makalaban nila ang Team RG sa playoffs at tuluyan nang ma-i-eliminate, bagaman hindi sila sinermonan ni Coach Dang nang ma-elimate sila dahil maayos naman ang performance nila, tanging si Savage lang ang problema sa team na siyang humila sa kanila pababa.

Habang nakahanap sa malaking flat screen, merong 'ding napakaraming snacks sa harapan. Hindi binibigyan ni Just atensyon ang replay at napapatingin lang sa tuwing nagiging exaggerated ang reaksyon ni Lucky.

Sa kanilang lahat, bukod kay Savage si Lucky ang pinakadurog sa kanila, marksman ang gamit niya na siyang mahina sa early game pero boss sa game. Magaling ang FTT sa early at mid game game ngunit mahina sila sa late game at team fight dahilan para hindi makasabay si Lucky sa kanilang rhythm kaya 6 minutes palang dalawang beses na siyang namatay nang i-gank siya ng enemy jungler.

30 minutes ang match nila at sa loob ng 30 minutes anim na beses namatay si Lucky dahilan para mag-collapse ang mental state niya at hindi maka-level up. Madali lang i-target si Lucky dahil bukod sa hawak nitong hero na si Hou Yi na madaling aralin ang skills pure support din ang gamit ni Gem, ibigsabihin nakasalalay kay Lucky ang sitwasyon ng farm lane kaya nakaramdam siya ng sobrang pressure.

Madilim ang mukha ni Lucky nang matapos ang limang replay at walang lakas na humiga sa sofa.

Tiningnan siya ni Coach Dang. "Na-practice mo na ba si Shouyue?"

Walang buhay na tumango si Lucky. Tumango siya ngunit may bahid ng pagkadismaya ang kanyang ekspresyon.

"Hindi mo kaya?" Tanong ni Coach Dang habang kumakain ng chips.

"Coach, pwedeng huwag mo akong bigyan ng hero na kailangan ng sight? Hindi ko kayang tamaan ang enemies sa malayuan, kahit gaano pa kalakas ni Shouyue magiging useless ang skills niya kapag hindi tumama sa kalaban."

"Kaya nga sinasabi ni Coach Dang na aralin mo, hindi mo ba kayang hulaan ang galaw ng enemies?" Halatang may pang-aasar na saad ni Blue.

Malakas namang iniikot ni Lucky ang kanyang mga mata na animo'y lalabas iyon sa lalagyan. "Sorry ha? Pro player lang ako hindi babaylan."

"Alam mo ba kung bakit pinapapractice sayo ni Coach Dang si Shouyue?" Seryusong tanong ni Blue ngunit sa tono ng pananalita nito ay may bahid ng pang-aasar ang susunod na salitang lalabas sa kanyang bibig. "Tingnan mo, lagi kang patay sa tuwing lalabas ka ng tower pero kapag si Shouyue ang gamit mo kahit hindi ka lumabas ng tower matataman mo ang enemies, ibigsabihin hindi ka basta basta mamamatay."

Madilim ang mukhang nilingon ni Lucky si Blue dahil sa pang-po-provoke nito. "Sinasabi mo bang hindi ko kayang i-handle ang marksman? Kahit na lumabas pa ako ng tower kayang kaya kong makakuha ng kill as long as support tank ang gagamitin ni Gem, hindi ba Babe?" Tanong ni Lucky at bahagya pang inakbayan si Gem.

"Huwag mo akong tawaging Babe. Isa pa, hindi ako gagamit ng support tank." Saad ni Gem kaya tinawanan ni Blue si Lucky.

Sumama ang mukha ni Lucky. Magsasalita na sana siya para gumanti kay Blue nang magsalita si Coach Dang.

"Hindi ba kayo makapag-usap ng hindi nag-aaway? Noon pang sumali kayo sa Team hindi ko pa kayo nakikitang magkasundong dalawa?" Sita ni Coach Dang kay Blue at Lucky.

Pareho 'din silang nasa magkabilang dulo ng sofa habang nasa gitna nila si Gem at Just na parehong tahimik.

"Oo nga pala Coach, may nahanap na ba tayong mid laner? Katapusan na ng January, dalawang buwan nalang start na ang preseason." Saad ni Lucky at tamad na nginuya ang chips.

Napakamot si Coach Dang sa kanyang kilay. "Yeah, Good news, may nahanap na tayong bagong mid laner." Bagaman sinabi ni Coach Dang na 'good news' ngunit ang mukha niya ay hindi nababahiran ng 'good' animo'y nag-share lang siya ng 'news', good or bad hindi na iyon mahalaga.

Si Lucky na walang kaalam-alam, kaagad kumislap ang kanyang mga mata. "Talaga? Sino? Galing ba siyang Youth training camp? Nag-check ako ng mga top rookies sa training camp pero hindi sila kasing galing ng rookie ng Team natin."

Umiling si Coach Dang. "No. Hindi siya rookie, isa siyang steamer."

"Streamer?" Tanong ni Lucky. "Marami akong kilalang steamers maybe kilala ko. Anong username?"

"....Boss." Saad ni Coach Dang. Isa lang iyong simpleng word pero napakahirap banggitin.

"Boss? Oh, kilala ko 'to, ito 'yung......" Napahinto si Lucky nang may ma-realize siya. "ANO?! BOSS?! Yung streamer na kulay pink ang buhok na barbie doll?!" Bulalas niya.

Lahat sila: "............"

"That's right." Sa huli si Just ang sumagot sa tanong ni Lucky. "Siya ang bagong mid laner ng Team natin."

Lucky: ".........."

Sobrang na-speechless si Lucky.

Chi-neck ni Just ang date sa kanyang cellphone. "Tuesday na ngayon, bukas siya pupunta sa base huwag mong kalimutang i-welcome." Ani Just atsaka tumayo para kumuha ng tubig sa kusina.

"Fuck! Bakit siya?!" Hindi maiwasang tanong ni Lucky.

"Nagtanong ba kami noon kung bakit ikaw ang kinuhang marksman ng Team?" Saad ni Blue.

"Bakit ka naman magtatanong?! Kailangan ko ba ng opinyon mo?!" Ganti ni Lucky.

"Enough, enough. Naayos na ng club lahat ng requirements kaya siya ang magiging mid laner ng Team ngayong season." Ani Coach Dang.

"No way! Isa siyang trash talker! Coach, hahayaan mo ba namang papasukin sa Team natin ang isang trash talker?" Tanong ni Lucky. Bumalik naman si Just sa sofa habang bitbit ang bottled water. "Cap Tin..."

"Mn?" Tanong ni Just.

"Payag ka bang maging teammates ang trash talker na 'yun?"

"Mn."

Lucky: ".........." It's........over.

Nilinga ni Gem si Coach Dang. "Pupunta siya bukas dito?"

Tumango si Coach Dang.

"Ito ba 'yung sinasabi mong trash talker sa ML na lumipat sa HoK?" Tanong ni Gem kay Lucky na tinanguan nito. "Good luck, hindi ba sabi mo gusto mo siyang yayain sa 1v1? Ngayong ka-teammate mo na siya p'wede ka ng makipag 1v1 kahit anong oras mo gusto." Saad ni Gem at bahagyang tinapik ang balikat ni Lucky.

Seryusong tiningnan ni Coach Dang si Lucky. "P'wedeng pakisamahan mo siya? Ni-recommend siya ng owner ng club, ng mismong mama ni Just. Kung meron kayong reklamo, p'wede kayong magreklamo kay Mrs. Sojurn." Ani Coach Dang.

Nang marinig iyon ni Lucky kaagad niyang itinikom ang kanyang bibig. Maliban kay Coach Dang, lahat sila ay takot sa mama ni Just na siyang owner ng club. Cold ito at laging seryuso kaya sa tuwing bumibisita ito ng base nagtutulakan pa sila kung sino ang bubukas ng pinto.

Ngayong nalaman nilang si Mrs. Sojurn ang nag-recommend sa bagong mid laner literal na wala na silang reklamo, lalo na si Lucky. Mukhang kailangan niya ng bumalik sa kanyang dorm at magpractice ng ilang plastik na lines.

_

Mabilis na lumipas ang araw. Dala ang isang maleta sumakay si Jacian sa taxi patungo sa base. 5 hours pa ang byahe kaya natulog muna siya para magpalipas ng oras. Dala dala niya si Spree na inilagay niya sa maliit na kulungan na ngayon ay nasa loob ng eco bag, tahimik naman ito at kasalukuyang natutulog.

Makalipas ang mahabang byahe, narating na ni Jacian ang malaking gate ng base na kulay puti. Tumingala siya para tingnan ang building. Simple lang ang pagkakagawa sa building ngunit maaliwalas ito at malinis, puti ang kulay ng base at salamin ang buong harap. Dalawang palapag lang ito ngunit hindi masasabing maliit dahil napakalapad, sa harap ng building nakasulat ang 'FTT Esport Club'

Ito ang base ng FTT. Ito ang unang beses ni Jacian makakita ng base sa personal, bagaman nakita niya na ang base ng Team GG nang mag-vedio call sila ni Chase at tour siya nito sa kanilang base, kumpara sa Team GG masasabi niyang simple lang ang base ng FTT, hindi ito magara katulad ng base nila Chase at iba pang base na nakita niya sa mga pictures.

Bagaman, hindi importante kay Jacian ang itsura ng base mas gusto niya rin 'yung plain at hindi ganun ka-aesthetic. As long as maraming pagkain at malakas ang signal palag na siya sa ganun.

Lumapit si Jacian sa maliit na gate na nasa kanan at pinindot ang doorbell. Naghintay lang siya ng ilang segundo bago iyon tuluyang bumukas. Pag-angat ni Jacian ng tingin tumambad sa kanya ang isang mataba na lalaki. Mas mababa iyon kay Jacian dahil hanggang tenga niya lang ito at mula sa pwesto niya kitang kita niya ang tuktok ng ulo nito na hindi niya magawa sa iba, naka-suot ito ng t-shirt na halos pumutok na ang dalawang sleeve, hindi naman ganun kalaki ang tiyan nito at tama lang na hindi makita ang garter ng suot nitong pantalon. Nakasuot din ito ng payat na salamin at kulay brown ang tuktok ng ulo nito na nakalagay sa isang side.

Nang makita nito si Jacian, bahagya itong ngumiti at iniunat nito ang kanang kamay.

"Hello, Ako si Coach Dang. Ako ang magiging coach ng Team niyo." Pakilala nito kay Jacian.

Napakurap si Jacian, hindi niya in-expect na ganito kataba ang coach ng FTT.

Iniunat naman ni Jacian ang kanyang kanang kamay para tanggapin iyon at nang mag-shake hands sila, isa lang ang nasa isip ni Jacian.

Bigat.