Binuksan ni Coach Dang ang pinto ng base gamit ang kanyang finger print, nakasunod naman si Jacian sa likuran nito habang hila-hila ang maleta.
Nang bumukas ang pinto ng base, bumungad ang malaking living room at ang malaking flat screen TV. May apat na malalaking sofa ang magkaharapan sa puntong p'wede na iyong higaan.
Sinara ni Coach Dang ang pinto. "Nasa training room pa ang iba, magpahinga ka muna siguradong napagod ka sa byahe, ililibot kita sa base kapag nakapahinga ka na, alright?" Saad ni Coach Dang at pinaupo siya nito sa sofa. Kumuha si Coach Dang ng tubig sa water dispenser at inilapag iyon sa harapan ni Jacian. "Nga pala, hindi ba sabi mo may alaga kang aso? Hindi mo dinala?"
"Dinala ko." Ani Jacian at inilabas ang kulungan sa loob ng dala niyang eco bag. Makikitang tahimik na nakahiga si Spree sa loob ng kulungan at dilat ang mga mata nito habang nakatingin kay Jacian, animo'y nagmamakaawa na gustong lumabas.
"Bakit hindi mo binibitawan? May tali naman siya."
Nang marinig ang sinabi ni Coach Dang tinanggal ni Jacian ang lock at binuhat si Spree para ilabas sa kulungan. Hinawakan niya ng mahigpit ang tali para siguraduhing hindi ito makawala. Mabuti nalang mabait si Spree kay Coach Dang at hindi ito tumahol kahit na hawakan ni Coach Dang ang ulo.
"Dito ka muna, kakausapin ko lang ang management para asikasuhin lahat ng kailangan mo. P'wede kang mag-ikot ikot kung gusto mo." Saad ni Coach Dang na binigyan lang ni Jacian ng tango bago tuluyang umalis.
Sumandal si Jacian sa sofa at kinuha ang kanyang cellphone, habang nag-scroll scroll siya sa Melon app narinig niyang bumukas ang pinto sa kalapit na silid. Hindi na nag-abala pang luminga si Jacian dahil alam niyang mga tao iyon sa base at wala naman siyang balak mag-approach kaya itinuon niya nalang ang atensyon sa kanyang cellphone. Ngunit....
"I'm a Barbie girl, in the Barbie world
Life is plastic, it's fantastic~"
Mula sa likod, maririnig ang boses ni Lucky na siyang kalalabas lang ng training room.
Hindi naman natinag si Jacian at itinuon lang atensyon sa kanyang cellphone. Hindi niya ito tinapunan ng tingin kahit na dumaan ito sa kanyang harapan at hinayaan niya lang ito na kumanta hanggang sa makaupo.
Sa kabilang banda, napa-angat ang isang kilay ni Lucky nang mapansing nakatutok lang sa cellphone ang bago nilang teammate na animo'y hindi siya nag-eexist. Ni-hindi man lang siya nito nilinga dahilan para maiwan siyang unsatisfied.
"Hay....hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng teammate na barbie doll." Saad ni Lucky at kinuha ang remote para i-on ang TV.
Samantala nang mapagtanto ni Jacian na inaasar pala siya nito, parang gusto niya nalang bitawan si Spree at utusang kagatin ang taong nasa harapan niya. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, naalala niyang hindi niya pa natatanggap ang kanyang signing fee kaya ayaw niya munang magkaroon ng bayarin.
Ngunit hindi parin tumigil sa pang-po-provoke si Lucky, binuksan niya ang channel kung saan mapapanood ang Barbie at bahagyang pinalakasan ang volume.
Sa puntong iyon nag-angat na ng tingin si Jacian. "Gusto mo bang makipag 1v1?" Seryusong tanong niya.
Lucky: "............"
Sakto namang lumabas ng training room si Blue at Gem dahilan para marinig nila ang tanong ni Jacian.
"Yeah, sa totoo lang matagal ka ng gustong hamunin ni Lucky ng 1v1 at ito ang araw na pinakahinihintay niya." Saad ni Blue at umupo sa sofa.
"Sakto, hindi ko pa na-ooff ang gaming phone doon. Pwede niyong gamitin." Dagdag pa ni Gem.
Pinatay ni Jacian ang kanyang cellphone at iniangat ang dalawang sleeve ng kanyang jacket hanggang siko atsaka tiningnan si Lucky. "Tara." Yaya niya atsaka tumayo, hindi niya tinanggal ang hood ng kanyang hoodie na nakasuklob parin sa kanyang ulo.
Lucky: "........"
"Don't worry, hindi na ako streamer ngayon kaya hindi mo na kailangang magbayad ng 100 pesos per game, kahit matalo ka ng 100 games hindi ka manghihinayang. Isipin mo nalang na try out ko 'to tutal hindi naman ako dumaan sa tryout."
Lucky: "......" Like hell your 100 pesos!
"Isa kang marksman right? Hahayaan kitang maka-develop hanggang late game para makalaban ka, ayoko kasing kalabanin 'yung mga hero na hindi complete sa core items."
Lucky: "!" Fuck!
Nang makita ni Blue na na-speechless si Lucky, hindi niya maiwasan ang hindi matawa. Napalinga siya sa TV na kasalukuyang naka-play ang Barbie, sa tingin ni Blue nagkaroon na siya ng ideya para hamunin ni Boss si Lucky ng 1v1.
Natauhan lang si Lucky nang banggain ni Gem ang balikat niya. "Psst, niyayaya ka."
Malakas na umikot ang mga mata ni Lucky at huminto iyon kay Jacian. "What? Tingin mo malakas ka na dahil lang nakaka-pentakill ka sa rank? Let me tell you, hindi ganun kadali sa professional arena, mararanasan mo 'ring masiraan ng mental state at malugmok ng ilang araw, hindi ganun kadali maglaro ng competitive." Saad ni Lucky.
"I know, kaya nga durog ka diba."
Lucky: "!" Fuck you 100x!
"Kung sa rank nga na hindi pa ako nakikipag-kompitensiya nakaka-pentakill ako how much more kaya kung maglalaro pa ako ng competitive." Dagdag ni Jacian.
Lucky: ".....!" Pwedeng magpaka-lowkey ka lang muna? Wala ka pa ngang achievement oh.
Saktong pagbalik ni Coach Dang nang maabutan niyang nasa ganun silang sitwasyon dahilan para maitikom ni Lucky ang kanyang bibig.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong ni Coach Dang at dinampot ang remote para i-off ang TV. Binalingan ni Coach Dang si Jacian at bahagyang napaubo. "Alright, sumama ka sakin para mapirmahan mo na ang kontrata. Kayo, ituloy niyo ang training."
Nang umalis na si Coach Dang at Jacian saka lang nakahinga ng maluwag si Lucky.
_
Inilapag ng manager ang contract sa mesa.
"Ito ang official copy ng contract, pareho lang 'yan sa isi-nend ko sa'yo pero kung gusto mong basahin uli, basahin mo para masiguro mong walang pinagkaiba." Ani Coach Dang at iniabot kay Jacian ang may kakapalan na booklet.
Kinuha iyon ni Jacian at tiningnan ang pinakahuling page. "Kung pareho lang bakit ko pa babasahin uli?" Wala sa sariling sagot niya.
Coach Dang: "......."
Manager: "????"
Maging ang dalawang staff sa gilid ay natigilan.
Napaubo si Coach Dang. "...Okay, pwede ka ng pumirma." Saad niya.
Binuklat ni Jacian ang pinakahuling page kung saan naka-print ang kanyang pangalan at nag-iwan doon ng pirma. Binigay niya 'rin ang parent consent nang hingin iyon ng manager.
"Gusto mo bang ilibot kita sa base? Hindi naman mataas ang building natin pero masyado 'tong malapad at maraming rooms baka malito ka." Suhestiyon ni Coach Dang pagkalabas nila ng room, wala namang planong maglakad-lakad si Jacian dahil bukod sa tinatamad siya nakakaramdam 'din siya ng pagod, inilingan niya lang si Coach Dang.
Bumalik sila sa sala para kunin ang mga gamit niya, sinabi ni Coach Dang na ituturo nito kung saan ang magiging dorm niya.
Pababa si Just sa hagdan para pumunta sa training room. Medyo basa pa ang kanyang buhok at halatang kakatapos niya lang maligo, basa 'rin ang ibang part ng kanyang t-shirt na animo'y pagkatapos maligo ay sinuot kaagad ang damit at hindi na gumamit ng towel.
Nang mag-angat siya ng tingin nakita niyang nasa sala si Coach Dang habang may kausap ito, naka-side iyon kay Just at makikita ang kulay pink nitong buhok na nakatabon sa kanyang noo, nakasuklob ang hood ng jacket nito at naka-angat ang dalawang sleeve hanggang siko. May hawak itong tali na naka-connect sa leeg ng duchshand na ngayon ay nakahiga sa sahig habang naka-tingin sa iisang deriksyon.
"Don't worry, naglagay ako ng mga gamit para aso mo, tingnan mo kung may kulang pa." Maririnig ang boses ni Coach Dang sa living room.
"Thanks." Saad ni Jacian.
Paalis na sana sila ni Coach Dang para pumunta sa second floor nang biglang tumahol si Spree. Nagulat si Jacian nang bigla itong tumakbo dahilan para mabitawanan niya ang tali, mabilis itong tumakbo patungo sa pwesto ni Just at sa isang iglap lang nakarinig sila ng mahinang daing.
Na-shock si Jacian. Inabot siya ng dalawang segundo bago nakapag-react, mabilis niyang pinuntahan ang pwesto ni Just at hinila si Spree na ayaw bumitaw sa binti ni Just. Nang kunin niya si Spree, nakita niyang bumakat ang dugo sa laylayan ng pantalon nito.
Natigilan siya. Mabilis namang lumapit si Coach Dang.
"Anong nangyari? Nakagat ka?" Tanong ni Coach Dang kay Just at tiningnan ang laylayan ng pantalon nito. "Shit! Nakagat ka nga, wait tatawagan ko lang ang driver." Dinukot ni Coach Dang ang cellphone sa kanyang bulsa at naglakad palabas ng base.
Samantala, nanatiling naka-upo si Jacian habang hawak-hawak si Spree na ngayon ay nanginginig parin sa galit. Hindi niya alam ang gagawin, sa katunayan ito ang unang beses na nakakagat ang aso niya at sa kasamaang palad ang captain pa nila ang kinagat nito.
Makalipas ang ilang segundo nang maramdaman ni Jacian na hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya.
"Tumayo ka d'yan." Malamig na anito.
Napabuga siya ng hangin bago tuluyang tumayo, sa taas ni Just kinailangan pang iangat ni Jacian ang kanyang mukha para maka-eye to eye contact ito. Nakita niyang hindi naman nagbago ang reaksyon ni Just at kalmado lang habang nakatingin sa kanya.
"May vaccine ba ang aso mo?" Tanong ni Just.
Ibinaba naman ni Jacian ang kanyang paningin sa aso at bahagyang umiling.
Tumango si Just. "Mn. Dalhin mo ang aso mo, kailangan maturukan 'yan kung nangangagat." Lumapit si Just sa sofa kung saan nakapatong ang kulungan at kinuha iyon.
"Wala pa namang nakakagat ang aso ko, ito ang unang beses na may nakagat siya." Seryusong ani Jacian at ipinasok sa kulungan si Spree.
"Ganun ba? Mukhang ayaw sa akin ng aso mo." Ani Just at kinuha ang kanyang jacket na nasa sofa. "Let's go."
Nagulat si Jacian nang akbayan siya nito at sabay silang lumabas ng base. Malapit lang naman ang hospital at nang makarating sila binigyan kaagad si Just ng dalawang shot, binigyan din ng shot ang aso niya na kawag ng kawag at halatang ayaw magpaturok.
Nang makalabas na sila sa hospital, hawak hawak ni Just ang magkabila niyang balikat patungo sa van. Binuksan ni Coach Dang ang pinto at pumasok sila sa backseat.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Coach Dang kay Just at nilinga sila nito sa likuran.
"I'm fine."
"Huwag ka munang magpractice ngayon hanggang sa mga susunod na araw hintayin mo munang mawala ang ngalay, okay?"
"Mn." Ani Just at binalingan si Jacian na nasa tabi niya, tiningnan niya lang ito ng ilang segundo bago nagbawi ng tingin.
"Magkano lahat? Babayaran ko." Tanong ni Jacian, kanina niya pa dapat ito tinanong pero kausap ni Coach Dang ang nurse kaya hindi siya makasingit.
Tiningnan siya ni Just. "10 thousand kasama ang vaccine ng aso mo."
Tumango siya. "Babayaran ko kapag nakuha ko na ang signing fee."
Hindi sumagot si Just, bahagya lamang umangat ang magkabilang gilid ng labi niya at inihiga ang upuan.
Nang makabalik na sila sa base, hindi na lumapit si Lucky kay Spree nang malaman niyang nangangagat pala ito. Hinawakan niya pa naman ito kanina nang umalis si Coach Dang at si Jacian pero mabuti nalang at hindi siya kinagat.
"Ito ang magiging dorm mo." Ani Coach Dang at binuksan ang pinto.
Malaki ang dorm at mas malaki pa iyon kumpara sa boarding house niya, may sariling living room, bathroom, at iba rin ang kwarto kung nasaan ang higaan niya. Meron ding lamesa malapit sa bintana at nakapatong doon ang mobile phone na nakalagay sa phone holder.
Nang makita iyon ni Jacian bahagya niyang nilinga si Coach Dang. "Bakit mobile phone ang nakalagay doon?"
"Oh, nag-announce ang Committee na mobile phone ang gagamitin sa official tournament, nag-advance na sila para maka-prepare ang mga players at clubs."
Bahagya lamang tumango si Jacian. Mas mabuti naring mobile phone ang gagamitin kesa sa computer, makakapractice siya kahit nakahiga bawas ang sakit sa likod.
Lumapit si Jacian sa mesa at in-examine ang mga gamit doon.
"May kailangan ka pa? Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Magpahinga ka muna, pumunta ka sa kusina mamaya para kumain." Ani Coach Dang, paalis na sana siya ngunit napahinto nang may maalala. "Wait, i-a-add kita sa gc."
Nang umalis na si Coach Dang, binuksan ni Jacian ang kanyang cellphone at nakita niyang nakasali na siya sa gc. Pumasok siya sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama, malamig sa loob ng base dahil naka-on ang mga air-con kaya komportable matulog, hindi katulad sa boarding house niya na sobrang init dahil binenta niya ang kanyang electric fan.