Chapter 40: Nakapag-desisyon ka na ba ng Game ID mo?

Kinabukasan, mataas na ang sikat ng araw nang magising si Jacian. Nag-chat si Coach Dang sa group chat na pumunta sa kusina para kumain, kaagad naman siyang naligo at nagbihis bago tuluyang bumaba. Nang marating niya ang kusina nakita niyang naroon na silang lahat habang kumakain.

Tiningnan siya ni Coach Dang. "Gising ka na, dito dito, kumain ka." Ani Coach Dang at itinuro ang upuan na nasa tabi ni Just.

Hinila ni Jacian ang upuan atsaka siya umupo.

Kumunot naman ang noo ni Lucky habang nakatingin sa kanya. "Sa loob ng base pero naka-jogging pants ka? Hindi ka ba naiinitan?"

Tiningnan ni Jacian si Lucky na siyang nasa tapat niya at itinuro ang air-con sa sulok. "Naka-on ang air-con mainit?"

Natigil sa pagnguya si Lucky. "Hoy, kinakausap kita ng maayos." Reklamo niya pero hindi na siya pinansin ni Jacian.

Nagsandok si Jacian ng isang mangkok na sopas atsaka nilinga si Just na nasa kanan niya, mula sa kanyang pwesto kitang kita niya ang dalawa nitong nunal sa kaliwang pisngi. Tapos na itong kumain dahil wala ng laman ang mangkok nito at nakasandal sa upuan habang abala sa cellphone.

Hindi niya mapigilan ang hindi magtanong nang maalala niya ang nangyari kahapon. "Kamusta ang balikat mo? Nakakaramdam ka pa ba ng ngalay?" Mahinang tanong ni Jacian pero dahil anim lang sila sa mesa kahit gaano pa iyon kahina ay dinig parin ng lahat.

"A bit." Sagot ni Just.

"Anong SweetTalk account mo? Isesend ko sa'yo yung bayad."

"No need."

Hindi na nagsalita pa si Jacian at ipinagpatuloy lang ang kinakain. Matapos silang kumain sinabi ni Coach Dang na hintayin siya sa training room bago magsimula ang kanilang practice, binuksan lang nila ang mobile phone na nakapatong sa phone holder habang hinihintay si Coach Dang.

Sumandal si Jacian sa kanyang gaming chair at umupo nang naka-dekwatro, nag-chat si Chase sa kanya kaya nasa kalagitnaan siya ng pagtataype ngunit napahinto siya nang banggain ni Lucky ang kanyang balikat.

"Paano mo binabasa ang pangalan mo?" Tanong ni Lucky.

"Boss." Sagot ni Jacian nang hindi ito nililinga.

"Ibigsabihin kong sabihin yung tunay mong pangalan." Paglilinaw ni Lucky.

Tiningnan niya ito. "Bakit? Hindi ka marunong magbasa?" Aniya at isi-nend ang kanyang reply.

Sumama naman ang mukha ni Lucky. "Hindi ko alam kung paano i-pronounce, okay? Yung mga generation talaga ngayon napaka-komplikado na ng mga pangalan." Dagdag pa nito.

Magsasalita na sana si Jacian ng hindi ka ba nag-grade 2? Ngunit napahinto siya nang magsalita ang taong nasa kaliwa niya.

"Hindi ko 'rin alam kung paano basahin ang pangalan mo." Malamig na saad ni Just habang nakatingin sa kanya.

Naguluhan naman si Jacian, ang simple simple na nga lang ng pangalan niya at halatang hindi pinag-isipan pero hindi nila kayang basahin? Bahagya niyang ginulo ang kanyang buhok. "Binabasa ko 'yan ng Jey-shan." Matamang aniya.

"Jey-shan pala 'yun? Akala ko Ja-sha-yan." Ani Lucky. "Tunog mabait ang pangalan mo hindi bagay sa'yo." Biglang pang-po-provoke ni Lucky.

"Ikaw nga Lucky pero malas ka naman sa match nagreklamo ba akong hindi bagay sa'yo ang Game ID mo?"

Lucky: "!!!"

Hindi naman nabahiran ng kung anong reaksyon ang mukha ni Just at itinuon lang ang atensyon sa kanyang cellphone. Animo'y hindi naririnig ang boses ng katabi.

Samantala hindi makapaniwalang napasandal si Lucky sa kanyang gaming chair. "Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na magiging ka-teammate kita. Hindi ko naiimagine na balang araw magkakaroon ako ng teammate na trash talker, si Streamer Boss na walang ginawa kundi ang mang-provoke ng e-sport players magiging teammate ko? Woah... bakit kaya ang galing mong mang-provoke di-nrop mo ba ang GMRC nung elementary?" Tanong ni Lucky.

"Sorry pero hindi ko naabutan ang subject na 'yan." Sagot niya.

Napatango si Lucky. "Pansin ko nga."

Tumunog ang cellphone ni Jacian at nag-popped up sa screen ang chat ni Chase, dahil nakatabi niya si Lucky kitang kita nito ang message niya.

Na-shock si Lucky. "Chase? Nakaka-chat mo si Chase?" Nagtatakang tanong nito na bahagya pa siyang kinabig.

"Hindi ba pwedeng mag-chat ang magkaibigan?" Matamang sagot ni Jacian.

"Holy shit!" Biglang mura ni Lucky dahilan para maagaw niya ang atensyon ni Blue at Gem. "You mean, kaibigan mo si Chase na nasa Team GG? Si Chase na gumamit ng Nana sa World championship last season at great demon king ng MLBB?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sino pa ba?"

Lucky: "!!!"

Gusto niyang sabihin, 'wala naman, great demon lang naman ang kaibigan mo na na-manage gawing pusa ang limang enemies sa Grand finals, hindi naman nakaka-amaze, right?

Bahagya ngumiti si Blue. "Mukhang bigatin ang mga kaibigan ni Boss ah."

Umangat lang ang magkabilang gilid ng labi ni Jacian bago niya pinatay ang kanyang cellphone. Sakto namang pumasok si Coach Dang habang bitbit nito ang dalawang folder.

"Okay, ang gagawin natin ngayon ay panoorin ang replay ng match nung playoffs, ang focus natin ngayon ay si Jacian dahil bago lang siya sa Team kailangan niyang maintindihan ang play style ng Team natin, alright?" Matapos iyong sabihin ni Coach Dang lumapit siya sa flat screen TV at sinaksak iyon, ini-connect niya ang kanyang cellphone at hinanap ang match na gusto niyang panoorin.

Nang makita ni Lucky na pinindot ni Coach Dang ang match nila ng Team RG parang gusto niya nalang lamunin ng lupa. Ito ang match na tinrash talk siya ni Boss tapos ngayon papanoorin nila kasama ni Boss?! Lalabas na ba siya ng training room?

Napapikit si Lucky at hindi maiwasang hindi sumandal kay Gem na katabi niya.

Wala namang reaksyon si Jacian at seryuso lang habang hinihintay na mag-start ang match.

Tiningnan siya ni Coach Dang. "Jacian, pinapanood ko lang ito para meron kang idea sa playing style ng mga teammates mo. Actually, ito ang pinili kong panoorin niyo dahil marami kayong mali, ngayong meron na tayong bagong mid laner bukod sa magiging pamilyar siya sa play style ng Team mapapag-aralan din natin ang match na to, tingnan natin kung saan kayo nagkamali."

Ini-start na ni Coach Dang ang match.

Matapos ang ban/pick phase nagkaroon sila ng maiksing discussion bago ini-forward ni Coach Dang ang match. Ang unang match ay umabot ng 20 minutes at na defeat ng Team RG ang FTT, ang sumunod namang match ay panalo ang FTT, panalo rin sila sa third round pero talo sila fourth at fifth round dahilan para manalo ang Team RG sa score na 3-2.

Nang matapos ang replay ini-paused ni Coach Dang ang video. Tiningnan niya ang limang players ng kanyang Team. "Ano sa tingin niyo ang playing style ng Team natin?" Tanong ni Coach Dang.

Hindi sila sumagot. Si Lucky literal na bumagsak ang kanyang ulo dahil sa hiya, kitang kita naman na bukod kay Savage ay siya ang pinakabasura maglaro. Ngunit nagtaka siya, habang nanonood sila ng replay hindi man lang nagsalita si Boss sa tabi niya, tahimik lang ito hanggang sa matapos ang replay.

Maya-maya lang ay binalingan ni Coach Dang si Jacian. "Hindi ba magaling kang mag-analyze? Ano sa tingin mo ang playing style ng Team FTT?"

"Sobrang bilis na wala sa timing." Deritsong sagot niya.

Coach Dang: "........" Para siyang hinampas ng martilyo sa sagot ni Jacian. Nagtatanong lang naman ako hindi mo naman kailangan maging straight forward, may tao sa tabi mo na masasaktan, okay?

Gusto iyong i-voice out ni Coach Dang ngunit nang makita niyang seryuso ang reaksyon ni Jacian pinili niya nalang itong lunukin.

Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Just, straight face parin ito habang nakasandal sa gaming chair.

"Tama siya." Saad niya. "Masyadong mabilis ang play style ko kaya hindi nakakasabay ang iba." Matapos iyong sabihin ni Just nilinga niya si Jacian. "Feel free to comment." Ani Just at nagbawi na ng tingin.

Kumunot naman ang noo ni Jacian, bakit comment niya ang kailangan? Bago lang siya sa Team hindi ba parang kawalan ng respeto kung i-jujudge niya ang play style ng mga veteran players?

"Yeah, sa tingin ko kailangan natin ng critic ni Boss." Pagsang-ayon ni Lucky. "Mas mabuti naring makarinig ng trash talk at least tama naman ang mga trash talk mo, huwag mong isipin ang feelings namin okay lang kami." Ani Lucky na bahagyang nakahawak sa balikat ni Jacian habang walang lakas na nakasandal kay Gem.

Tiningnan siya ni Coach Dang.

Dahil hinihingi ang critic niya wala siyang choice kundi magsalita. "Napansin ko lang sa team niyo meron kayong kanya-kanyang strategy. Ang clash laner at ang jungler may sariling strategy, ang dalawa sa farm lane may sariling strategy, ang mid laner parang hindi nag-eexist. In short, hindi kayo gumagalaw as one." Seryusong ani Jacian. "Masyadong mabilis ang jungler habang ang iba pinipilit na makasabay, katulad niyan, hindi kaya ni Yun Ying pumasok sa enemy jungle sa early game pero na manage ng jungler niyo kaya nagkaroon kayo ng advantage sa early game. Pero pagdating sa teamfight, kulang sa team coordination. Tingnan niyo yung teamfight sa mid lane andaming mali." Aniya at bahagyang nilinga ang mga teammates. "Kung ganito ang performance natin ngayong season baka hindi tayo makapasok sa group B ng regular season." Dagdag pa niya.

Kapag hindi sila makapasok sa group B sa huling round ng regular season hindi sila makakapasok sa playoffs at auto eliminate kaagad.

Natigilan si Coach Dang, sa ilang years niyang pagiging coach hindi niya man lang sinermonan ng sobra ang mga players niya sa puntong sasabihin niyang hindi sila makakapasok sa Group B sa regular season, pero si Jacian, hindi in-expect ni Coach Dang na seseryusohin nito ang pag-critic at straight forward kung magsalita.

Si Lucky naman sa kabilang banda ay bahagya ring nagulat, tahimik naman si Blue habang nakayuko samantala nakatingin lang si Gem sa screen. Bagaman, hindi nila in-expect na may ganitong side si Boss, ang akala nila ay puro lang ito trash talk ngunit ngayon seryuso si Boss na animo'y hindi trash talker sa livestream.

Napasinghap si Jacian nang makita ang reaksyon ni Coach Dang. "Pero hindi ito ang tunay niyong lakas, binayaran ang mid laner niyo kaya normal lang kung magiging magulo ang strategy niyo. Kung mag-fofocus din kayo sa teamfight malaking disadvantage, ang kailangan niyo lang ay laning. Hayaan ang mga minions ang pumunta sa base at sila ang magpapanalo, wala namang mali sa ganon."

Napaubo naman si Coach Dang. Inisip niya ang mga sinabi ni Jacian at napansin niyang may laman naman ang mga sinabi nito, ang playing style ng Team ang binigyan niya ng critic hindi ang bawat players ng Team, mas mabuti narin 'yun dahil kung iisa-isahin niya baka biglang i-terminate ni Lucky ang kanyang kontrata at mahirapan nanaman siyang mag-recruit ng marksman.

"Kulang sa cooperation ang team natin kaya gusto kong mag-Q kayong lima sa international server kahit 5 games lang. Jacian, makipag-douque ka kay Just pagkatapos."

Kumunot ang noo ni Jacian. "Hindi ba bawal maglaro ang jungler?" Tanong niya

Nakaangat ang kilay na tiningnan siya ni Coach Dang atsaka inilipat ang tingin kay Just. "Oo nga pala, makipag Q ka nalang sa iba." Saad ni Coach Dang at lumapit kay Just. "Kamusta ang balikat mo?"

"Kaya kong maglaro." Tipid na saad ni Just na tinanguan ni Coach Dang.

"Eh, Jacian, Nakapag-desisyon ka na ba ng Game ID mo? Plano ng club na i-register ka bago matapos ang January."

Bahagyang umangat ang dalawang kilay ni Jacian, nakalimutan niyang kailangan nga pala ng Game ID. Tinanggap niya ang invitation na isi-nend ni Lucky bago sinagot si Coach Dang. "P'wedeng Boss nalang ang Game ID ko?" Tanong niya.

Coach Dang: "...."

Mayroong rules kung paano gumawa ng Game ID para hindi ma-offend ng mga players ang isa't isa. Hindi sila pwedeng gumawa ng pangalan na nakaka-offend at masyadong toxic, dapat ay English words na hindi lalampas sa 16 letters, hindi rin p'wedeng gayahin ng mga pro players ang pangalan ng mga hero sa Honor of Kings o gumawa ng pangalan na may ay pagkakapareho sa mga heroes. Lahat ng Game ID ng mga players ay kailangang ipa-register sa Committee bago magsimula ang preseason.

Bagaman hindi naman nakaka-offend ang Boss dahil merong mga pro players na may Game ID na Super King, Victor at iba pa. Nag-agree naman si Coach Dang pero sinabi niyang susubukan nila kung a-aprobahan ng Committee.

Tumango si Coach Dang. "Okay, Boss na ang Game ID mo." Saad niya.

"Ah Akala ko Kupal." Ani Lucky habang abala sa pagtipa.

"Pwede 'rin, kung papalitan mo sa'yo ng malas." Sagot ni Jacian.

Lucky: "......"