Nang makapasok na sila sa ban/pick, si Lucky ang unang pipili ng hero kaya ini-lock niya kaagad kay Hou Yi nang makitang hindi ini-banned ng kabilang team. Tiningnan niya si Jacian sa gilid ng kanyang mga mata ngunit nakita niyang wala naman itong reaksyon at hinihintay lang na siya na ang pipili.
Nang makita ni Blue na ini-lock kaagad nito si Hou Yi hindi niya maiwasan ang hindi magreklamo. "P'wedeng hintayin mo muna kaming magdesisyon ng gagamitin naming hero bago ka mag-lock? Paano tayo makakapagpractice ng maayos na line-up?"
"Ang sabi ni Coach Dang mag Q tayong lima, hayaan mo munang mapamilyar si Jacian sa play style natin bago tayo magpractice ng seryuso." Sagot ni Lucky habang pumipili ng skin.
Hindi naman nagsalita si Blue at direct na pinili si Allain sa clash lane, ginamit naman ni Gem si Cai Yan para sa support na siyang best partner ni Hou Yi. Nang si Jacian na ang pipili hindi na siya nag overthink at pinili si Dr. Bian para sa mid lane, isang mage na sobrang exaggerated sa healing.
Kaagad na kumunot ang noo ni Lucky. "Dr. Bian, bakit si Dr. Bian? Hindi ka ba gagamit ng assassin mage? Pure healer si Dr. Bian plano mo bang maging support?" Nagtatakang tanong ni Lucky.
"Ginamit ko si Dr. Bian para hindi ka mamatay." Matamang sagot ni Jacian habang ina-adjust ang privileges.
Lucky: "......" Sobrang nai-speechless talaga siya sa taong 'to. Lagi naman siyang madaldal pero kapag nand'yan si Boss lagi siyang nauubusan ng sasabihin. Tinawanan pa siya ni Blue dahilan para mangalit ang kanyang ngipin.
Sa kabilang banda, seryuso si Just habang hinahanap ang gusto niyang gamiting hero, nang makita niya iyon kaagad niyang ini-lock.
Nagulat si Lucky at nilinga ang kanilang Captain. "Captain, pati ikaw naging healer narin?" Nagtatakang tanong ni Lucky nang makitang si Yuhuan ang pinili ni Just para sa jungling.
"Mn. Para hindi ka mamatay." Tugon ni Just.
Lucky: "??" Shit! Pati ang Captain nila nahawaan na kay Boss?! It's over...it's over!
Kinuha ni Just ang bottled water sa mesa atsaka uminom, nang mahagip ng kanyang paningin ang screen ng phone ni Jacian nakita niyang wala itong skin.
"Jacian." Tawag niya.
Hindi nagsalita si Jacian at bahagya lang siyang nilinga.
"Wala kang skin." Ani Just.
Ibinalik naman ni Jacian ang kanyang paningin sa screen ng kanyang phone at tiningnan ang kanyang hero. "Naubos kasi ang tokens ko sa skin ni Dyadia." Sagot niya.
"Mn." Tugon ni Just at tinanggal sa phone holder ang mobile phone nang magsimula na ang match.
"Jacian, gusto mo bang command?" Tanong ni Lucky habang papunta sa farm lane.
"Rank lang kailangan pa ng command?"
Iniikot ni Lucky ang kanyang mga mata. "Whatever, huwag ka ng pumunta dito sa farm lane kaya na namin 'to ni Babe." Saad niya.
"Huwag mo akong tawagin niyan." Malamig na saad ni Gem. Bahagya namang binangga ni Lucky ang balikat nito.
Hindi nagsalita si Jacian at nilinis lang ang unang wave ng minions. Nang makitang naubos na lahat ng enemy minions nakaramdam siya ng bored. Ini-drag niya lang ang kanyang hero papunta sa tower para tumambay nang magsalita ang kanilang captain.
"Jacian, tara sa enemy jungle." Yaya ni Just.
Kaagad na pumalakpak ang dalawang tenga ni Jacian at kumislap ang kanyang mga mata. "Tara." Nakangiting sagot niya.
"Anong gusto mong golem?"
"Gusto ko ng red." Sagot ni Jacian.
"Okay."
Dumaan sila sa overlord pit at pumunta sa enemy jungle para kunin ang crimson golem. Binigay ni Just ang crimson golem kay Jacian pati ang manok sa enemy clash lane, dahilan para maabot ni Jacian ang level 4 at magkaroon ng ultimate move.
Makalipas ang ilang sandali nang mapagtanto ng enemy jungler na nawala ang kanyang resources sa clash lane, kaagad siyang pumunta roon at nadatnan niya ang dalawang magnanakaw na kinukuha ang tatlo niyang resources malapit mid lane.
Mabilis naman ang reaksyon ni Justin at ginamit ang kanyang crowd control para i-stunned ang enemy jungler, sinabayan ni Jacian ng damage dahilan para bumaba ang HP ng enemy jungler. Dahil kulang ito sa resources nasa level 3 palang ito at wala pang ultimate move, wala ring ultimate move si Just at tanging si Jacian palang ang naka-abot sa level 4, sa kasamaang palad walang damage ang ultimate move ni Dr. Bian at pang-dagdag lang ito ng HP sa kanyang teammates. Kaya naman matapos ang dalawang segundo, na manage din nilang patayin ang enemy jungler.
Nakuha ni Just ang first blood.
Nang umabot sa 5 minutes ang match. Nagkaroon ng teamfight sa tyrant pit, pinapabagsak ito ng enemies at sinusubukan nilang agawin, nagigipit na si Lucky at Gem sa farm lane dahil sobrang galing ng enemy marksman, mababa nalang ang HP ni Lucky nang tamaan pa siya ng skill 2 ni Shouyue, bukod sa magaling ang marksman naroon din ang enemy mid laner. Wala silang choice kundi ang mag-recall at hindi sumali sa teamfight.
Ngunit pa-recall na si Lucky nang i-tower dive siya ng enemy clash laner dahilan para maubos lahat ng HP niya at isang basic attack nalang mamamatay na siya nang biglang dumating si Jacian at ginamit ang ult at common skill na heal, ang lalagyan ng HP ni Lucky na wala ng laman ay naging kalahati.
Napahampas siya sa mesa. "Shit! Akala ko mamamatay na ako." Aniya. Ginamit niya ang ult ni Hou Yi na CC dahilan para hindi makaalis ang enemy clash laner sa baba ng tower at tuluyang ma-shutdown.
Samantala nang matapos ang teamfight at mamatay ang tatlong enemies kaagad kumunot ang noo ni Lucky. "Anong iniisip ng kalaban natin kanina? Nagsimula silang mag-initiate ng teamfight sa tyrant pero sa huli pumunta sila rito sa farm lane para ipagpatuloy ang teamfight? Plano pa nilang patayin ako?" Ani Lucky habang nag-fafarm.
"Ikaw ang target nila dahil si Hou Yi ang gamit mo, malakas ang damage ni Hou Yi sa late game kaya hindi nila ito hahayaang maka-develop sa early game." Sagot ni Jacian at bumalik sa mid lane.
"Tsk! Ang hirap talaga maging marksman." Pinindot ni Lucky ang recall para magpa-full health.
"Dalawang pro players ang nasa kabilang side, mag-ingat ka sa marksman at jungler." Ani Jacian kay Lucky.
Sa loob ng 15 minutes, natapos ang match at nakuha nila ang victory. Si Just ang MVP pero kung makangisi si Lucky parang siya ang MVP sa match, meron siyang K/D/A na 2-0-8. Hindi siya namatay kahit isang beses kaya nakangisi siya.
Nilinga niya si Jacian na nasa tabi niya. "Thanks Boss, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako namatay." Aniya at sumaludo. Nang makita niyang hindi ito sumagot binalingan niya naman si Gem. "Babe~ ang galing mo kanina."
Jacian: "?" Kakausapin niya na sana si Just para makipag-1v1 ngunit napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Lucky. Kaagad niyang nilinga ang dalawa na nasa kanyang kanan. "Kayo?" Puno ng kuryusidad na tanong niya.
Tiningnan siya ni Lucky. "Yeah."
"Don't spout nonsense." Biglang singit ni Gem. "May girlfriend ka." Seryusong ani Gem at hindi man lang tiningnan si Lucky na kanina pa nang fiflirt.
"Gusto ko lang lokohin si Jacian." Saad ni Lucky.
"Hindi pa kayo break?" Biglang tanong ni Blue kay Lucky, kaagad naman sumama ang mukha ni Lucky.
"Bakit naman kami maghihiwalay ng girlfriend ko? 1 year na kami." Inis na sagot ni Lucky.
"Ang 10 years nga naghihiwalay kayo 1 year palang, bale meron pa kayong 9 years. Sana umabot." Pang-aasar pa ni Blue.
"Fuck you ka talaga Blue! Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend, tingnan mo nga ang sarili mo? 27 ka na pero wala ka pang experience, napaka-boring ng buhay mo."
"At least hindi niloloko." Sagot naman ni Blue.
Sa katunayan, nang sumali si Blue sa Team nag-apply siya bilang support, hindi pa si Lucky ang marksman nung time yun at si Gem ang kanilang clash laner. Ngunit nang mag-retired ang kanilang marksman kinuha ng Team si Lucky bilang bagong marksman. Sa kasamaang palad, hindi sila magkasundo ni Blue at lagi silang nag-aaway, wala rin silang tacit understanding kaya madalas silang patay sa farm lane.
Nagdesisyon si Coach Dang na ilipat si Blue sa clash lane at hayaang si Gem ang maging support, tahimik si Gem at madalas silang magkasama ni Lucky kumpara kay Blue kaya naisip ni Coach Dang na merong tacit understanding sa kanilang dalawa, pumayag naman si Gem na maging support ni Lucky. Ngunit masyadong reckless si Lucky kaya madalas itong patay, hindi naman nagmamadali si Coach Dang na maging sync kaagad sila dahil 2 years palang si Lucky sa Team at mahirap sa part ni Gem na maging support sa loob ng ilang years na pagiging clash laner. Lalo na't kailangan niyang magpractice ng marupok na support, ibang iba iyon sa clash lane hero na sobrang tanky.
Nag-Q sila hanggang 11 p.m gamit ang mga hero na ginamit nila nung unang match. Matapos ang kanilang practice, sinabi ni Coach Dang na pumunta sila sa living room para kumain ng snacks.
Puno ng pagkain ang malapad na mesa sa gitna ngunit hindi magawang dumampot ni Jacian. Hindi siya mahilig kumain ng snacks kaya binuksan niya lang ang kanyang cellphone para panoorin ang replay ng practice nila, sumandal siya sa armrest ng sofa at iniunat ang kanyang katawan.
Sa dulo ng hinihigaan niyang sofa, nakasandal si Just habang kumakain ng chips. Kausap niya si Coach Dang na ngayon ay nakasalampak sa carpet habang nilalantakan ang mga snacks.
Nakasuot si Jacian ng earphones kaya hindi niya marinig ang pinagkukwentuhan ng mga kasama niya, ibabackward niya na sana ang video para i-review ang playstyle ni Lucky nang maramdaman niyang may humila sa laylayan ng kanyang pants. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Just.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong nito.
"Busog ako." Sagot niya nang tanggalin niya ang isang earphone.
Nagtataka naman siyang tiningnan ni Coach Dang na meron pang nakalawit na crackers sa bibig nito. "Hindi mo ba gusto ang mga pagkain na 'to, anong gusto mo? Mag-oorder ako." Ani Coach Dang at dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa.
Umiling si Jacian. "Sige lang, busog pa ako."
"Nahihiya ka ba?" Tanong ni Lucky na nakasalampak din sa carpet.
Tiningnan siya ni Jacian. "Tingin mo may hiya ako?"
Malakas na inikot ni Lucky ang kanyang mga mata. "Alam mo bang mama ni Cap Tin ang nag-pa deliver nito? Dineliver niya ito para sayo pero hindi ka kumakain. Tingnan mo nga, iba ibang klase ng snacks pa ang in-order niya." Ani Lucky habang pumipili ng snacks sa mesa.
Jacian: "." Mama ni? Nung jungler? Narinig niya noon kay Coach Dang na mama ni Just ang may-ari ng club at ito ang nag-recommend sa kanya, tapos ngayon nagpadeliver pa ito ng napakaraming snacks para sa kanya? Wala naman siyang naalalang may nagawa siyang mabuti nitong mga nakaraang araw.
"Hindi ka kumakain ng snacks?" Tanong ni Just habang matamang nakatingin sa kanya. "Anong gusto mong kainin?"
Inilingan niya lang si Just at sinabing busog pa siya.
Matapos silang kumain sinabi ni Coach Dang na bumalik na sila sa kanilang dorm para matulog at siya na ang bahalang maglinis ng kinainan nila, kaagad naman silang nagpaalam at umakyat sa taas. Nang bumalik si Coach Dang sa sala bitbit ang garbage bag nakita niyang naroon pa si Jacian habang iniipon ang kalat.
"Bakit nandito ka pa? Umakyat ka na doon sa taas." Ani Coach Dang nang makalapit.
"Malapit narin namang matapos." Ipinasok niya sa garbage bag ang mga balat.
Matapos niyang tulungan si Coach Dang umakyat na siya sa second floor para bumalik sa kanyang dorm. Ang katabing room ni Jacian ay room ni Gem samantala ang dorm ni Blue ay nasa kabilang hallway kung nasaan ang dorm ni Just at Lucky.
Umupo si Jacian sa gaming chair at ini-on ang mobile phone na nakapatong sa phone holder, ni-research niya ang match ng FTT at pinanood ang Pov ni Lucky. Para mas ma-familiarize siya sa play style ng kanyang teammates nag-desisyon siyang panoorin ang mga Pov nila. Walang problema sa clash laner at support dahil napansin ni Jacian na meron silang tacit understanding pero kay Lucky at sa Captain hindi niya kayang sabayan ang rhythm ng dalawa.
Bagaman, hindi naman mahirap sabayan si Lucky dahil ang pagiging reckless lang naman ang problema nito at maaayos iyon sa command pero pagdating kay Just. Pakiramdam ni Jacian magkasalungat sila ng desisyon, katulad nalang nung laban nila sa rank, siya nag-charge samantalang nag-retreat naman si Just. Kaya sa huli, ang labas ay parang nagpakamatay si Jacian.
Hindi rin sila ngayon nag-douque ni Just dahil sinabi ni Coach Dang na mag-fucos muna sila sa 5v5, hindi alam ni Jacian kung ano ang magiging reaksyon ni Coach Dang kapag napanood nito ang dou-que nila ni Just. Not to mention na may-ari pa ng club ang nag-recommend sa kanya na sumali sa team, hindi niya maaaring ma-down ang may-ari ng club at pagsisihan nitong siya ang kinuha kaya kailangan niyang pag-aralan ang rhythm at strategy ni Just para magkaroon sila ng tacit understanding.