Kinabukasan, binuksan ni Jacian ang pinto ng training room bitbit ang notebook at ballpen. Naka-suot siya ng white t-shirt at jogging pants, magulo pa ang kanyang buhok at halatang kakatapos niya lang maghimalos dahil basa pa ang kanyang pilik-mata.
Wala pa roon ang ibang teammates at tanging si Lucky palang ang naka-upo sa gaming chair habang naglalaro.
"Pentakill!" Sigaw ni Lucky na naka-upo sa tabi ng upuan niya.
Dumeritso na si Jacian at umupo sa kanyang gaming chair, binuksan niya ang mobile phone at hinanap ang HoK.
Tiningnan siya ni Lucky na nakasurvive sa teamfight at nakakuha ng pentakill. "Ang aga mong nagising ah." Saad nito.
"Mm." Aniya at inilipag ang notebook sa mesa. Sa katunayan, wala pa siyang tulog, inabot na siya ng 5 a.m kaka-backward sa Pov ni Just at alas sais na nang matapos siya, pagkatapos nun dumeritso na siya sa training room. Binalingan niya si Lucky na kasalukuyang nasa ban/pick.
"Anong oras nagigising ang mga teammates natin? Anong oras tayo magpapractice?"
Ini-ban ni Lucky si Augran bago sinagot si Jacian. "Nagigising si Cap Tin ng 6 a.m para mag-jogging ang iba 10 a.m or 2 p.m pa. 6:30 palang ngayon, huwag ka munang magpractice lugi ka sa oras."
Kumunot ang noo ni Jacian. "Lugi sa oras?"
"Ah? Hindi mo nakita ang schedule na isi-nend ni Coach Dang sa gc?" Tanong ni Lucky at dinampot ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa, nang makita niya ang chat list nagtaka siya nang mapagtantong wala roon si Jacian. "Wait, kahapon pa ako nag send sayo ng friend request sa SweetTalk pero hanggang ngayon hindi mo pa ina-accept." Saad ni Lucky nang makita niyang hindi pa sila friends.
"Nakalimutan kong mag on-line." Ani Jacian habang seryusong nakatingin sa hawak niyang notebook.
"Bilis, i-accept mo ako."
"Nasa dorm ang cellphone ko." Sagot ni Jacian at nag-search match.
Kumunot ang noo ni Lucky. "Bakit hindi mo dinadala ang cellphone mo?"
"Bakit ko naman dadalhin dito lang naman ako sa base." Pinindot ni Jacian ang confirm at pinili si Nuwa sa mid lane.
"Syempre, baka biglang tumawag yung mama mo or papa mo. Baka isipin nila kung ano nang nangyari sa'yo." Saad ni Lucky.
Hindi naman nagsalita si Jacian at ini-drag lang ang icon para pagalawin ang hero.
Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto ng training room at tinawag sila ni Lacey, ang kanilang lead coordinator. Sinabi nitong pumunta sa kusina para kumain ng agahan, tumango lang si Jacian at sinabing susunod siya.
Kausap ni Just si Blue nang pumunta si Lucky sa kusina, samantala kababa lang ni Gem at dumeritso ito sa water dispenser para kumuha ng tubig.
"Nasaan si Jacian?" Tanong ni Just nang umupo si Lucky. Naka-suot siya ng t-shirt na kulay blue at jogger na itim, meron ding bottled water sa tabi niya at halatang kakatapos niya lang mag-jogging.
"Sabi niya susunod siya." Ani Lucky habang sumasandok.
Napailing si Blue. "Tsk, ang mga bata talaga ang sipag mag-training. Ilang taon na nga siya uli? 18 na ba siya?" Tanong ni Blue.
Binigyan siya ni Lucky nang mapait na ngiti. "16 palang siya, 11 years younger than you." Saad ni Lucky habang ngumunguya.
"Fuck." Napamura si Blue na siyang pinakamatanda sa Team, 24 si Gem at pareho namang 22 si Lucky at Just. Nung sumali si Just sa Team tinrato niya si Just na parang kapatid at siya ang tumayong kuya sa kanyang teammates. Pero ngayon, hindi niya in-expect na magkakaroon siya ng teammate na 16 years old. Tatayo pa ba siyang kuya? O mas mabuting tumayo nalang siya bilang uncle.
Napatango-tango naman si Lucky. "Yeah Yeah, bata pa siya pero kung makipagsabatan siya sa atin akala mo ka-edad niya lang tayo." Saad ni Lucky ngunit maya-maya lang bigla siyang natawa. "Siya ang pinakamababa sa Team, siguradong tatawanan siya ng mga fans kapag itinabi siya kay Cap Tin, haha."
Hindi naman nagsalita si Just at kinuha lang ang bottled water, tumayo siya at naglakad patungo sa training room.
Samantala, nang matapos ang match ibinalik na ni Jacian sa phone holder ang mobile phone at nagdesisyong pumunta sa kusina para kumain, kanina pa rin tumutunog ang kanyang tiyan at kung hindi siya kakain siguradong malilipasan siya ng gutom at sasakit ang kanyang ulo.
Bubuksan niya na sana ang pinto para lumabas nang kusa na iyong bumukas at tumambad si Just.
Bahagyang nagulat si Jacian. "Gagi, kala ko kung sino nagulat ako." Saad niya at ibinaba ang kamay na gagamitin niya sana para buksan ang pinto.
Bahagya namang umangat ang pagkabilang gilid ng labi ni Just dahil sa reaksyon niya. Lagi siyang sinasabihang cold at seryuso sa puntong kahit ang mga rookie sa club nila ay mas takot pa sa kanya kesa sa mga coach, wala pang nakakapagsalita sa harapan niya ng ganun.
Bagaman, seryuso ang ekspresyon ni Jacian at hindi iyon nababahiran ng biro.
Tuluyan namang binuksan ni Just ang pinto at tiningnan si Jacian. Tiningnan niya ni Jacian at ang pwesto kung saan nakapatong ang mobile phone pagkatapos ibinalik uli ang tingin sa kanya.
"Tapos ka na?" Tanong sa kanya ni Just.
"Tapos na." Sagot ni Jacian kasabay ng maliit na tango.
"Kumain ka na, pagkatapos mo mag-douque tayo." Saad ni Just habang nakatingin sa kanya.
"Mm." Sagot niya uli kasabay ng maliit na tango.
Plano niya na sanang umalis ngunit nakaharang si Just sa pinto, malalim siyang tiningnan ni Just kaya napa-angat ang dalawa niyang kilay.
"May kailangan ka?" Tanong niya kay Just habang nakatingala, nakayuko naman si Just habang nakatingin sa kanya.
"Wala, pumunta ka na dun." Ani Just at itinuro ang kusina gamit ang kanyang ulo.
_
Bumukas ang pinto ng training room at pumasok si Coach Dang na may bitbit na notebook. Mataba si Coach Dang at hindi bilog ang pagkataba nito kundi palapad, malapad ang kanyang balakang kaya sa tuwing maglalakad siya gumuguhit ang ilalim ng puwet ng kanyang pantalon.
"May ginawa akong schedule para sa training niyo, tingnan niyo." Aniya at binigyan sila ng tig-iisang bond paper.
Kinuha ni Jacian ang bond paper na nakalapag sa kanyang mesa at pinasadahan ito ng tingin. Ang nakalagay sa schedule niya, kailangan niyang makipag-douque kay Just ng 3 hours, 2 hours sa ibang teammates at 3 hours para sa 5v5.
Isa-isang tiningnan ni Coach Dang ang reaksyon nila at nang makitang wala namang nagbago nakaramdam siya ng satisfy.
"Pwede na kayong magsimula ngayon, subukan niyong magkaroon ng team coordination kasi sa susunod na araw or next week magpapa-schedule ako ng practice match sa ibang team." Ani Coach Dang at nilinga si Jacian. "Jacian, hindi ka naman nahihirapang sumabay sa team, tama?"
Umiling si Jacian. "Hindi Coach, tingin ko wala kaming tacit understanding ni Captain." Ani Jacian.
Napa-angat ang kilay ni Coach Dang na animo'y nagtatanong. "Nag-douque na ba kayo?" Tanong niya.
"Nagkasama na kami sa rank noon at sobrang taliwas ang desisyon namin sa isa't isa." Saad ni Jacian.
"Nagkasama na kayo sa rank?" Nagtatakang tanong ni Lucky. "Kailan? Bakit hindi ko alam?"
Nilinga ni Jacian si Just na nasa kanyang kaliwa. Nakasandal lang ito sa gaming chair habang pinipiga ang bottled water. "Hindi ba alt account mo 'yung jjj11.11?" Tanong ni Jacian.
Tiningnan siya ni Just. "Mn. Ikaw si Kupal Ka Ba Boss?"
Lucky: "...."
Coach Dang: "?"
Tinanguan siya ni Jacian. "Account ko yun, ginamit ko si Shanggua, ginamit mo naman si Lam, Team WH ang kalaban natin nung time 'yun." Saad niya.
Samantala, napatulala naman si Coach Dang nang marinig ang pangalang Kupal Ka Ba Boss, naaalala niya ang display name na 'to, ito yung naging teammate ni Just sa rank na wala silang tacit understanding kaya nadurog sila. Ayos lang naman kung matalo sila dahil professional team ang kalaban nila na sobrang sync pero ang problema kulang sila sa cooperation at hindi sila makapag-counter attack. Kaya nagtaka talaga si Coach Dang kung bakit hinahanap ni Just ang Shangguan user kahit na wala silang tacit understanding. Naisip noon ni Coach Dang, anong point na sasali ito sa Team nila kung wala silang tacit understanding?
Ngunit ngayon nasa team na nila si Kupal Ka Ba Boss na hindi niya man lang namalayan.
Makalipas ang ilang segundo nang makabawi si Coach Dang at tiningnan si Jacian. "Ikaw si Kupal Ka Ba Boss?!" Gulat na tanong niya.
"Mn." Tumango si Jacian.
Nagulat parin si Coach Dang. "Pero...hinanap namin ang Kupal Ka Ba Boss sa Hi! Streaming platform pero hindi namin makita ang account mo, meron ding Kupal Ka Ba Boss pero Indonesian streamer." Ani Coach Dang.
Napa 'oh' naman si Jacian nang may ma-realize siya. "Pinabenta ko yung account ko sa Indonesian streamer. Yung livestream account ko, hindi niyo talaga makikita 'yan kung wala kayong link dahil banned ang account ko sa recommendations kaya kahit i-research niyo walang lalabas." Sagot niya.
"Kaya pala, nung na-kicked out ang account ko sa livestream room mo hindi ko na mahanap ang account mo. Akala ko nag-delete account ka." Saad ni Lucky na bahagyang hinila ang braso ni Jacian.
Kumunot ang noo ni Jacian at nilinga si Lucky. "Kicked out? Anong account mo?"
"Boss No.1 hater." Sagot ni Lucky.
Coach Dang: "......" Anong nangyayari sa mga players niya?
Napa-angat ang isang kilay ni Jacian, ngunit bago pa siya makapagsalita nang unahan siya ni Lucky.
"Hep, hindi mo ako masisisi, alam mo bang inis na inis ako sa'yo dahil sa pangtatrash talk mo sa kaibigan ko na nasa MPL-PH?" Ani Lucky at tiningnan si Jacian mula ulo hanggang paa habang nangrarant. "Plano ko talagang mag-sign in sa MPL pero simula nang makapasok ako sa livestream account mo nagdesisyon akong lumipat sa HoK. Kung hindi ka nangtatrash talk edi sana nasa-iisang team kami ngayon ng kaibigan ko habang nagdoudouque sa Gold lane." Ani Lucky.
Mula sa likod, tiningnan ni Gem si Lucky bago nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa mobile phone.
"Sinong kaibigan mo sa MPL?" Tanong ni Jacian, kumpara sa pro players ng HoK sa Filipino division, mas pamilyar siya sa mga pro players ng MPL-PH.
"Support ng Team GG." Sagot ni Lucky.
Jacian: "."
"Wait a minute......pinabenta mo ang account mo sa Indonesian streamer?" Tanong ni Coach Dang. "Uso na ba ngayon mag-negosyo gamit ang online games? Nung naghahanap ng mid laner ang Team natin marami silang nahanap na account na puro Mid Laner No.1 to No. 8 ang mga display name, pero sa tuwing kino-contact sila ng Team para sa tryouts sinasabi nilang hindi sila magaling sa mid lane, yun pala binili lang nila ang account." Napapailing na saad ni Coach Dang at binuksan ang hawak niyang notebook. "Hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng malalakas na account na 'yun na laging top 1 sa leaderboard, nakakapanghinayang kung hindi siya magiging pro player, o baka naging pro player na siya hindi lang natin alam."
Jacian: "..."
Dahil sa sinabi ni Coach Dang bahagya siyang napakurap, tiningnan niya si Just na nasa kaliwa niya ngunit nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.
Jacian: "?"
Tiningnan lang siya ni Just ng dalawang segundo bago nagbawi ng tingin. Kinuha ni Jacian ang headphone sa mesa atsaka iyon isinuot.
"Dou Q?" Tanong ni Just sa kanya.
Napaayos naman ng upo si Jacian at tinanggap ang invitation na si-nend ni Just. Nag-doudouque rin si Lucky at Gem habang si Blue nag-queque nang mag-isa, nasa clash laner din siya kaya ang kailangan niya lang ay magpalakas ng magpalakas.
"Just, huwag masyadong aggressive hayaan mo munang alamin ni Jacian ang playstyle mo, okay?" Paalala ni Coach Dang.
"Mn." Sagot ni Just.
Pamilyar si Jacian sa playstyle ni Just matapos niyang panoorin ang Pov nito sa loob ng 4 hours, sa early game mahilig si Just pumunta sa farm lane at mid lane para mang-gank.
Bago siya pumunta sa training room kanina, nagpractice siya mang-gank ng marksman sa farm lane gamit ang jungler hero, ginaya niya ang playstyle ni Just at nagawa niya naman ng maayos.
Gumagamit din naman siya ng jungler hero kaya sa tingin niya hindi siya mahihirapang sabayan si Just.
Bagaman....