"Fuck!" Napasapo si Coach Dang sa kanyang noo habang naka-upo sa sofa. "Sa loob ng tatlong oras hindi kayo nanalo?!" Umalingawngaw ang boses ni Coach Dang sa loob ng base na animo'y kahit ang mga butiki ay matataranta sa gulat.
Nasa living room silang lahat ngayon para i-review ang practice nila, kakatapos lang nila panoorin ang double que ni Jacian at Just ngunit matapos nilang panoorin kaagad ini-paused ni Coach Dang ang video dahil sobrang tragic. Naka-display sa flat screen ng malaking TV ang dalawang corpse ng hero na ginamit nilang dalawa matapos mamatay sa teamfight.
Pagkatapos ng ilang deaths pakiramdam ni Coach Dang siya mismo ay naging corpse narin. Ngunit napagtanto niyang magiging corpse talaga siya kapag nalaman ito ni Mrs. Sojurn.
Napahilamos si Coach Dang habang hawak ang isang page ng bond paper sa kanyang kanang kamay. Tiningnan niya ang dalawa na parehong nakasandal sa sofa.
"Ano bang iniisip niyo sa loob canyon? Alam niyo bang wala akong nakikitang cooperation sa inyong dalawa? Kahit ang dalawang strangers merong tacit understanding pero kayo..... Ano bang iniisip niyong dalawa?!" Sermon sa kanila ni Coach Dang.
Samantala, ipinatong ni Lucky ang kanyang braso sa balikat ni Gem at napatakip sa kanyang bibig para pigilan ang kanyang tawa.
"Ngayon ko lang nakita si Captain na sinermonan ng ganyan ni Coach Dang." Natatawang ani Lucky.
"Huwag kang tumawa kulang pa tayo sa cooperation." Saad ni Gem, tumahimik naman si Lucky.
Kanina pa naka-upo si Jacian sa sofa habang pinapakinggan ang sermon ni Coach Dang, nang makita niyang namumula ang leeg nito hindi niya maiwasan ang hindi ito paalalahanan.
"Wait, Coach. Kalma lang baka ma high blood ka." Ani Jacian.
Tiningnan siya ni Coach Dang. "Mahahighblood talaga ako sa inyo, kung pagsasamahin ang deaths niyo ni Just pwede na kayong mag set ng record!" Ani Coach Dang.
Nang sabihin iyon ni Coach Dang biglang tumunog ang kanyang cellphone, dinukot niya ito sa bulsa at tiningnan si Just at Jacian bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag.
_
Sa loob ng dorm, lumabas si Jacian sa bathroom habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel. Basa ang kanyang damit dahil nakalimutan niyang kunin ang kanyang tuwalya kaya dumeritso siya sa closet para kumuha ng panibagong t-shirt. Ngunit naalala niyang hindi niya pa nailagay lahat ng damit niya sa closet dahil wala siyang oras mag-ayos kahapon at nasa loob pa ng maleta ang iba niyang damit.
Pumunta siya sa living room ng kanyang dorm para kunin ang maleta nang may kumatok sa pinto. Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang kanilang captain na nakatayo sa labas, halatang kakatapos lang din nito maligo dahil hindi pa tuluyang natuyo ang buhok nito at bahagya pang pumasok sa dorm ni Jacian ang sabon na ginamit nito, nakasuot si Just ng dark blue t-shirt at black short. May hawak itong cellphone sa kaliwang kamay at meron ding maliit na silver bracelet doon na natatakpan ng itim na relo.
Nang makita niya si Just kaagad niya itong tiningnan nang may pagtatanong.
"May pupuntahan ako ngayon, hindi ako makakapag-douque sa'yo." Saad ni Just.
Tumango si Jacian. Hindi naman nagsalita si Just at hinintay lang kung may sasabihin si Jacian, samantala hinihintay naman ni Jacian kung may sasabihin pa si Just at nang mapagtantong wala na itong sasabihin nagtanong siya.
"Yun lang?" Tanong niya.
Tumango si Just. "Mn. Aalis na ako." Tatalikod na sana siya para umalis nang tawagin siya ni Jacian.
"Wait, may nakalimutan ako, hindi ko pa nababalik yung jacket na pinahirap mo sa akin noon." Matapos iyong sabihin ni Jacian binuksan niya ng malaki ang pinto. "Pasok ka, nagmamadali ka ba? P'wede ko naman ibalik sa'yo bukas." Ani Jacian.
Iniiling ni Just ang kanyang ulo. "Hindi naman ako nagmamadali." Saad niya at tuluyan nang pumasok.
Nang makapasok siya sa loob ng dorm ni Jacian, kaagad naagaw ang kanyang atensyon sa gabundok na papeles na nakapatong sa mesa. Meron ding white board doon na puno ng notes na hindi masyadong maaninag ni Just kung ano ang mga nakasulat. Sobrang daming papel ang nakapatong doon sa puntong nagkandahulog na ang iba sa sahig at ang iba ay nasa ilalim na ng mesa. Kung hindi lang alam ni Just na si Jacian ang nakatira sa dorm na 'to, iisipin niyang may kasama silang researcher.
Dinampot ni Just ang bond paper na nasa tapat ng paanan niya, siguro nailipad ito ng hangin dahil sa layo ng pinadpad. Hindi niya iyon tiningnan at inilapag lang sa coffee table bago sumunod kay Jacian na lumapit sa kanyang maleta.
"Gusto ko sanang ibalik 'to sa'yo nung unang araw na pumunta ako sa base pero biglang nawala sa isip ko at ngayon ko lang naalala." Ani Jacian.
Nakatayo lang si Just sa likuran niya habang pinapanood siyang buksan ang maleta.
Hinanap ni Jacian ang hoodie jacket na navy blue ngunit napahinto siya nang makitang nakatupi ito sa ilalim habang nasa ibabaw ang kanyang mga underwear.
Jacian: "..."
Nanigas si Jacian, para siyang nagamitan ng first skill ni Princess Frost.
Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Just at nakayuko lang habang tinitingnan si Jacian.
Hindi alam ni Jacian kung kukunin niya ba ang jacket o isasara ang maleta, hindi naman siguro maarte ang captain nila hindi ba? Isa pa, nalabhan niya na rin ang mga underwear niya kaya ayos lang kung maitabi roon.
Nilinga niya si Just. "Captain.."
"Mn?" Tanong ni Just habang nakatingin sa maleta niya.
"Hindi ko pa nalalabhan ang jacket mo, ayos lang ba kung bukas ko ibalik? Lalaban ko lang ngayon." Ani Jacian.
Tiningnan siya ni Just. "Hindi mo pa nalabhan pero tinabi mo sa mga damit mo?"
"Hindi, nalabhan ko na pero baka ayaw mong matabi sa ibang damit ang mga damit mo." Garalgal na paliwanag ni Jacian.
Umiling si Just. "No." Nang sabihin iyon ni Just, yumuko siya at iniunat ang kanang kamay at inilubog iyon sa mga underwear ni Jacian para kunin ang jacket na nasa ilalim.
Jacian: "!"
Kinuha ni Just ang kanyang jacket at isinampay iyon sa kanyang braso.
Matapos kumuha ng t-shirt sinara na ni Jacian ang maleta, hindi alam ni Jacian kung bakit niya ba pinailalim ang jacket na 'yun at itinumpok ang mga underwear sa ibabaw. Nawala talaga sa isip niya na hindi sa kanya ang jacket na 'yun, pero mabuti nalang hindi sumama ang loob ng kanilang captain.
Napabuntong hininga siya bago tumayo. Nasa loob parin ng dorm niya si Just habang naka-upo sa sandalan ng sofa, nakaunat ang kanyang legs at prenteng nakalapag sa sahig ang kanyang paa, ang dalawa niyang kamay ay naka-ekis sa dibdib habang matamang nakatingin kay Jacian.
"That time... sa ML tournament, nahawaan ba kita?" Tanong ni Just.
Mabilis na hinanap ng utak ni Jacian sa kanyang memory ang sinabi nito at nang maalala niya ay bahagyang napa-angat ang isa niyang kilay. "Mm." Sagot niya.
Naaalala pa ni Jacian kung gaano kasama ang pakiramdam niya nung time na 'yun sa puntong hindi na siya makatayo dahil sa hilo, iwas na iwas siyang lagnatin dahil wala siyang kasama sa boarding house na mag-aasikaso sa kanya at kapag nilagnat siya siguradong hindi siya makakakain ng ilang araw.
Iyon din ang unang araw na lumabas siya sa kanyang boarding house at sa kasamaang palad nilagnat na siya pag-uwi.
Nang sagutin niya si Just ng simpleng 'mm' mapapansing may bahid iyon ng pagkainis.
"Gigisingin sana kita nung sumandal ka sa'kin pero napansin kong inaantok ka kaya hinayaan ko na. Hindi ko alam na mabilis ka palang mahawaan." Saad ni Just. Mababa ang boses ni Just at halos hindi nababahiran ng emosyon ang tono nito kaya mahirap alamin kung naiinis ba ito o natutuwa, kung magkukunot-noo lang ito iisipin mong galit siya. Ngunit nanatiling kalmado si Just na animo'y kinukwento lang nito ang nangyari sa kanya nakaraang araw kaya naisip ni Jacian na hindi ito galit.
Tinulak niya ang kanyang maleta patungo sa cabinet atsaka nilinga si Just. Hindi niya alam kung paano sumagot kaya nanatili lang siyang tahimik
Tiningnan ni Just ang oras sa kanyang relo atsaka binalingan si Jacian. "Bukas na tayo mag Q."
"Mm."
Lumabas na si Just sa kanyang dorm.
Sa katunayan, sinabihan sila kanina ni Coach Dang na mag-douque ngayong gabi at bukas niya irereview ang kanilang match pero dahil may pupuntahan ang kanilang captain hindi sila makakapag-double Q. Hindi alam ni Jacian kung anong match ang ipapakita nila bukas sa kanilang coach, kung hindi sila makakapag-douque ngayon ni Just na-iimagine na ni Jacian ang mukha ni Coach Dang kung gaano ito kapula.
_
Sa loob ng bar, naka-upo si Just habang naninigarilyo, hindi niya ininom ang alak na inabot sa kanya ni Lessen at puno parin ito habang nakapatong sa mesa. Kasama niya si Lessen, Sin, Crowd at Kai habang nag-iinoman sila sa loob ng private room ng isang bar. Pare-pareho silang jungler at pro players ng malalakas na Team.
Nagkayayaan silang mag-inoman ngayon dahil sa susunod na araw ay simula na ang puspusang training at wala na silang oras para lumabas.
Maririnig ang malakas na tugtog at ang magulong disco lights sa kanilang room, lasing na si Lessen ngunit patuloy parin ito sa pagsalin ng alak at walang tigil silang inaabutan.
Nang makitang abo na ang isang stick ng sigarilyo, idiniin ni Just ang dulo nun sa ashtray at tuluyan nang inilapag. Katabi niya si Sin na kasalukuyang pinipilit abutan ni Lessen ng alak, tumanggi naman ito pero dahil makulit si Lessen wala itong choice kundi abutin at inumin.
"Cheers! Para sa regular season!" Ani Lessen.
"Ang lakas niyo ngayon nakarating kayo sa Knockout stage ng global competition, good game bro!" Ani Kai at nakipag cheers kay Lessen. Si Kai ay jungler ng Team HUV, nakarating din sila sa global competition pero maaga silang na-elimate nang makalaban nila ang Team JWW samantala nakarating ang Team GOT-G sa knockout stage pero na-elimate din sila nang makalaban nila ang Team BBQ na nanggaling sa European division.
"Thanks, next season sisiguraduhin kong makakarating sa finals." Proud na Ani Lessen. Tumawa naman si Crowd.
"Dream on. Naghahabol din kami ng finals ngayon." Sagot nito.
"Dalawang team ang kukunin sa isang division kaya meron kang 20% chance para makasali sa finals." Ani Lessen.
"Oh?"
"Yeah, nasa team namin ang 50%."
"Kanino ang 30%?" Tanong ni Sin.
"Of course, nasa Team ni Tin." Sagot ni Lessen at nilinga si Just na tahimik na naka-upo habang naninigarilyo.
Hindi naman sumagot si Just at tuluyan nang kinuha ang alak na nasa harapan niya atsaka ininom.
"Speaking of the devil, gusto kong sapakin yung mid laner niyo." Ani Lessen.
"Match fixing, kulang ba siya sa pera?" Tanong ni Kai at kumuha ng putulan.
"Parang si Ning eh, na buy out. Umalis siya sa Team namin para lumipat sa European division, tingin ko sasali ang Team nila ngayong season. Lagi ko silang nakakateam sa international server." Ani Crowd.
"Malalakas ba sila?" Tanong ni Lessen na ikinatawa ni Crowd.
"Mas malakas pa ang mid laner ng Team FTT na nagpabayad." Natatawang sagot nito.
Nagulat si Sin. "Ganun kahina?" Malumanay na tanong nito.
Tumango si Crowd. "Kahit malalakas lang na passerby kayang-kaya silang talunin." Napapailing na anito.
"Mukhang maling Team ata ang napasukan ni Ning." Ani Kai.
"Speaking of, nakahanap na ba ng bagong mid laner ang Team niyo?" Tanong ni Lessen kay Just.
Dahil sa tanong ni Lessen lahat sila ay napatingin kay Just.
"Nakita ko ang post ng Official Page niyo nakaraan na naghahanap parin kayo ng mid pero nung mag-scroll ako nung nakaraan hindi ko na nakita." Ani Lessen. "Nakahanap na?" Dagdag pa nito.
"Mn." Sagot ni Just at nilagok uli ang isang basong alak.
"Bakit ganyan ang ekspresyon mo kung nakahanap na pala ng bagong mid ang Team niyo? Huwag mo sabihing noob?"
"Tingin mo pagkatapos ng nangyari sa Team nila maghahanap si Coach Dang ng noob?" Saad ni Crowd at binato si Lessen ng pulutan.
Dahil sa dami ng alak na nainom ni Just, bahagyang namaos ang kanyang boses. Inilagay niya sa bulsa ng jacket ang kanyang kamay atsaka nilinga ang kanyang tropa.
"Magaling siya, wala lang kaming tacit understanding." Sagot ni Just.
Lessen: "!"
Crowd: "...."
Kai: "?"
Samantala, umangat naman ang dalawang kilay ni Sin at nilinga si Just.
"Wala kayong tacit understanding? Seryuso ka ba? Rate mo nga." Ani Sin.
"One million over 10." Saad ni Just na ikinatawa nilang lahat.
"Di nga? Ganyan kayo ka-black in white?" Hindi makapaniwalang tanong ni Crowd.
"Kaya pala nandidilim ang mukha mo ngayon."
"Anong sabi ni Coach Dang? Sa lahat ng coach si Coach Dang ang pinakamabait, paano siya nag-react?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Crowd.
"Na high blood siya." Nang sabihin iyon ni Just pati si Sin ay natawa narin. Bahagya pa nitong hinampas ang balikat ni Just.
"Kung sinabi mong magpapractice kayo ngayon dahil wala kayong tacit understanding ng bagong mid edi sana hindi ka na namin pinilit na lumabas." Natatawang saad ni Lessen.
Hindi naman nagsalita si Just at nagsalin lang ng alak para ipagpatuloy ang inuman.