"Nasaan na ang match?" Tanong ni Coach Dang habang nakalahad ang kamay sa harapan ni Just at Jacian, pareho silang napatingin doon atsaka nagbawi ng tingin.
Nasa sala sila ngayon at magkatabing naka-upo sa sofa habang nasa harapan nila si Coach Dang na kasalukuyang nakalahad ang kamay, nakayuko ito habang naka-angat ang isang kilay.
Nang mapagtantong walang balak sumagot ang dalawa, hindi sila makapaniwalang tiningnan ni Coach Dang. "Hindi ba kayo nag-douque kagabi? Wala pa kayong tacit understanding pero hindi kayo nagpractice?" Inis na saad ni Coach Dang.
Nilinga naman siya ni Just, dahil may hangover pa sa alak na ininom niya kagabi bahagya pang namumungay ang kanyang mga mata at paos ang kanyang boses.
"May pinuntahan ako kagabi kaya hindi kami nakapag-dou Q. Kung may sasabihin ka sabihin mo ng direct sa akin." Matamang ani Just. Sumandal siya sa sofa at bahagyang hinilot ang kanyang sentido nang makaramdam ng kirot.
Napakurap naman si Coach Dang. Naglakad siya at nagdesisyong umupo. "Dahil hindi kayo nakapag-douque kagabi, gamitin niyo ang araw na 'to para mag-douque." Tiningnan ni Coach Dang si Jacian na naka-upo sa sulok ng sofa. "Walang problema sa ibang teammates niyo dahil kaya nilang sumabay sa inyo, pero kayong dalawa hindi niyo kayang sabayan ang isa't isa kaya naguguluhan ang mga teammates niyo kung kaninong rhythm ang sasabayan nila. Kayang sumabay ni Lucky sa rhythm mo, kaya namang sabayan ni Gem ang rhythm ni Just, mabuti nalang magaling makipag cooperate si Blue at kaya niyang sumabay sa inyong dalawa....." Bahagyang napakamot si Coach Dang sa kanyang kilay. "Malalakas kayo kapag individual pero kapag naging team kayo, hindi kayo nananalo? Alam niyo ba ang pakiramdam ko kapag nanonood ako ng dou-que niyo?" Tanong ni Coach Dang. "Para akong nanonood ng dalawang gameplay. Para kayong hindi teammate may sarili kayong mundo, may sariling strategy...... yung rhythm niyo parang parallel lines na kahit kailan hindi mag-iintersect." Saad ni Coach Dang.
Naka-upo si Jacian sa sofa habang magkahiwalay ang kanyang hita at ang dalawa niyang siko ay nakapatong sa kanyang tuhod, nang marinig niya ang sinabi ni Coach Dang bahagya siyang napatitig sa sahig.
Malaki ang distansya nila ni Just at hindi niya ito makita gamit ang peripheral vision. Hindi niya naman ito tiningnan at nag-angat lang ng tingin para tingnan si Coach Dang.
"Babaguhin ko ang playstyle ko." Saad niya. Sa katunayan, playstyle ang pinakamahirap baguhin kesa magbago ng lane, una hindi ka sigurado kung magiging success ba ang next move, kung paano mag-retreat, mag-charge, magbigay ng assist, sobrang hirap mag-adjust lalo na kung ilang years mo nang ginagamit ang ganung playstyle. Pero naisip ni Jacian, kung hindi niya babaguhin ang playstyle niya hindi sila magiging sync ni Just. Kung mag-queque lang sila para magkaroon ng tacit understanding baka mag-start na ang regular season na wala pa silang coordination. Ang baguhin lang ang playstyle ang pinaka-solusyon.
Sumandal si Jacian sa sofa at tiningnan si Coach Dang at ang kanilang captain. "Nag-practice naman ako, tingin ko kaya kong sabayan si Captain. Babaguhin ko ang playstyle ko at si Captain ang mag-set ng pace at command. As long as si Captain ang commander kaya kong sumabay." Ani Jacian.
Meron silang tacit understanding ni Just kapag malalambot na mage ang gamit ni Jacian, for example si Dr. Bian, Lady Zhen, pero kapag assassin-type mage ang gamit niya sobrang taliwas ang mindset nila, literal na ibang iba ang strategy nila. Hindi rin naman siya pwedeng gumamit nalang ng mga malalambot na mage pagdating sa official tournament dahil pagdating sa playoffs Global ban/pick ang format, ibigsabihin ang hero na nagamit na sa unang series ng match ay hindi na pwedeng gamitin sa susunod na match.
Paano sila makakapaglaro kung limited lang ang hero na kailangan niyang gamitin?
Nang marinig ang sinabi ni Jacian, hindi magawang magsalita ni Coach Dang.
"No rush." Biglang saad ni Just. "Pag-usapan natin 'to mamaya." Nang tumayo si Just nakaramdam siya ng hilo dahil hindi pa natatanggal ang kanyang hangover.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Coach Dang.
"Sa meeting room." Sagot niya at nilinga si Jacian. "Huwag mong baguhin ang playstyle mo, pwede ka ng pumunta sa training room para magpractice."
Hindi naman nagsalita si Jacian at dumeritso lang sa training room, naroon si Lucky, Gem at Blue na kanina pa nagt-training habang sinesermonan sila ni Coach Dang sa living room.
Sa loob ng training room, nakasandal si Just sa mesa habang naka-ekis ang kanyang legs, may hawak siyang isang basong kape habang nakatingin sa flat screen TV.
Kasama niya ang dalawang coach ng Team, si Coach Dang at si Coach Em. May ilang staff sa loob ng meeting room na kasalukuyang nag-aayos ng mga equipment.
Naka-play sa flat screen TV ang dou-que nila ni Jacian kahapon sa international server, ini-backward iyon ni Coach Dang nang mag-charge si Jacian malapit sa overlord pit.
Makikitang nag-charge si Jacian gamit ang kanyang hero na si Mai Shiranui ngunit sa loob ng 2 seconds hindi nakapag-assist si Just at na-stunned sila sa loob ng ult ni Princess Frost. Dahil lang sa ganun, pareho silang na-slain.
Maririnig sa background ang boses ni Jacian na siyang naunang mag-charge. "Nakawain natin ang overlord, wala ng ult ang marksman. Gagamitin ko ang flash para pumunta sa overlord pero i-tatarget ko ang marksman at ikaw kukuha sa overlord."
Nang sabihin iyon ni Jacian, maririnig ang boses ni Just. "Wait a bit, mas malaki ang advantage sa farm lane."
Nahuli ang assist ni Just kaya pareho silang namatay.
Sa sumunod naman nilang match, tahimik lang si Jacian at si Just ang nag-command. "Let's gank their marksman." Saad ni Just.
"Hindi ba mas maganda kung papatayin natin ang jungler nila at sasakupin ang kanilang jungle?" Samantala, sinabi iyon ni Jacian pero pumunta parin siya sa farm lane para tulungan si Just mang-gank. Ngunit pagdating niya sa farm hindi niya makita si Just. "Nasaan ka? Akala ko ba i-gagank ang marksman?"
"Nasa enemy jungle ako, hindi ba sabi mo patayin ang enemy jungler."
Nang umabot sa mid-game, pareho silang bumalik sa crystal, magkaibang lane na ang pinuntahan nila ngayon, siguro naisip nila na hindi sila mananalo kung malapit sila sa isa't isa. Pumunta si Jacian sa clash lane para mag-push samantalang pumunta si Just sa farm para i-pressure ang marksman. Sa loob ng tatlong oras nilang double Q hindi sila nanalo, not to mention na puro pro ang kalaban nila na merong normal na tacit understanding.
Habang nakahilata sa damuhan ang dalawang corpse, ini-stop ni Coach Dang ang video. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa water dispenser, pakiramdam ni Coach Dang natuyo lahat ng tubig sa katawan niya matapos mapanood ang match na puro defeat, sobrang hindi siya komportable.
Bahagya namang napa-ubo si Coach Em at nilinga si Just na naglakad patungo sa sofa. "Hindi ba accompany player si Boss? Marami siyang ka-douque at sync naman ang playstyle nila pero bakit kapag kayo ang nagdouque, hindi kayo match?" Tanong ni Coach Em.
"Masyadong mabilis si Jacian at mahilig pa siyang mag-tower dive, alam mo ba yung feeling na nakakaisang hakbang ka palang yung kasama mo nakadalawang hakbang na?" Sabi ni Coach Dang at uminom ng tubig. "Ibig kong sabihin, masyadong mabilis ang rhythm ni Jacian. Hindi siya ang hindi makasabay kay Just, si Just ang hindi makasabay sa kanya."
Napatango-tango naman si Coach Em. "Hindi ba ganito rin ang sitwasyon natin nung sumali si Just sa Team? Si Lan ang mid laner natin at si Just ang jungler. Nung napanood ko ang douque nila ngayon naalala ko ang unang douque ni Just at Lan." Ani Coach Em.
Napaisip naman si Coach Dang at bahagyang nanlaki ang mga mata nito. "Tama ka, nung time na yun sobrang bilis ni Just at si Lan ang hindi makasabay. Para maging sync sila, binago ni Just ang playstyle niya para makasabay si Lan. Tapos ngayon.... dumating si Boss, si Just naman ang hindi makasabay." Bahagyang kumunot ang noo ni Coach Dang. "Eh? Bakit parang naulit lang ang sitwasyon. Sinabi ni Jacian kanina na babaguhin niya ang kanyang playstyle para makasabay si Just..." Napahinto si Coach Dang.
"Coach Em, nand'yan pa ba sa'yo yung gameplay ko nung sumali ako sa Team?" Tanong ni Just habang naka-upo sa sofa.
"Anong klaseng gameplay?"
"Yung original kung playstyle." Sagot niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Coach Dang. "Anong gagawin mo?"
"Gusto kong makita." Sagot niya.
Tumango naman si Coach Em. Na kay Coach Em lahat ng gameplay ni Just nung time na sumali siya sa Team at hindi niya binabago ang kanyang playstyle, gustong gusto ni Coach Em ang playstyle niya kaya lagi siyang kumukuha ng copy at sinisave. Siya ang pinaka-unang hindi sumang-ayon nang sabihin ni Coach Dang na baguhin ni Just ang kanyang playstyle para makasabay sa Team, ngunit wala silang choice kaya pumayag din siya.
Bahagya rin siyang nagulat nang mapanood niya ang playstyle ni Boss, para itong playstyle noon ni Just na mid lane version. Kung gagamitin ni Just ang original niyang playstyle at makikipag-douque kay Boss para lang siyang nanalamin. Pareho sila ng playstyle.
Lumabas si Coach Em sa meeting room para pumunta sa kanyang office, matapos nitong kunin ang flashdrive iniabot niya iyon kay Just.
"Nandito lahat ng gameplay mo. Pwede mo ring i-share kay Boss, siguradong magugulat yun kapag napanood niya." Ani Coach Em.
Bahagyang umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Just. "Thanks." Bago siya lumabas ng meeting room, nilinga niya muna si Coach Dang. "Gusto kong ibalik ang dati kong playstyle. Give me two days magiging sync kami ni Jacian." Matapos niyang sabihin iyon lumabas na siya ng meeting room at pumunta sa kanyang dorm.
Naiwang nakatulala si Coach Dang. "......"
Ganun ba kadaling baguhin ang playstyle? Anong nangyari sa mga players niya? Babaguhin ang playstyle kahit anong oras nila gusto? Baguhin niya nalang kaya lahat ng posisyon nila tutal hindi pa naman nagsisimula ang regular season.
Matapos ang training, bumalik na si Jacian sa kanyang dorm. Naligo lang siya pagkatapos ay pumunta siya sa kusina para kumain, naalala niyang hindi siya kumain ng tanghalian at nakakaramdam siya ng gutom.
Papunta siya sa kusina nang bumukas ang pinto ng base at pumasok ang kanilang lead coordinator na si Lacey, sa likuran nito ay nakasunod si Spree.
Nang makita ni Jacian na may dala itong dalawang plastic bag, mabilis siyang lumapit para tulungan ito.
"Hindi na, hindi naman mabigat." Tanggi ni Lacey sa kanya.
Hindi naman nakinig si Jacian at kinuha sa kamay nito ang dalawang plastic bag.
"Ingatan mo ang kamay mo." Paalala pa ni Lacey sa kanya. Isa siyang pro player at kamay ang pinaka-sensitive na part sa kanila.
Inilapag lang ito ni Jacian sa mesa at si Lacey na ang nag-ayos. Mabait ang kanilang lead coordinator, simple lang ito at medyo matangkad, hanggang leeg lang ang buhok nito at may bangs, lagi rin itong nakasuot ng white t-shirt at itim na pantalon. Lagi siyang nakangiti kaya hindi nahihirapang mag-approach si Jacian.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito kay Jacian habang nag-aayos.
Tiningnan ni Jacian ang laman ng plastic bag at nakita niyang merong macaroni.
"Sopas, ang sarap ng niluto mong sopas nakaraan." Saad ni Jacian habang naka-upo, nakapatong sa mesa ang dalawa niyang kamay kaya nagmukha siyang bata na naghihintay ng pagkain.
Kumunot naman ang noo ni Lacey at tiningnan siya. "Sopas? Kailan ako nagluto ng sopas?" Tanong nito.
"Nung unang araw ko sa base." Sagot niya.
"Ah? Hindi naman ako nagluto nun, si Captain Just ang gumawa nun." Malumanay na sagot nito. Samantala matapos iyong sabihin ni Lacey sakto namang pumasok si Just sa kusina dahilan para marinig nito ang huling linya.
Just: "?" Tiningnan ni Just ang kanilang lead coordinator nang may pagtatanong.
"Captain Just." Nakangiting bati ni Lacey sa kanya.
Tiningnan ni Just si Jacian bago tiningnan ang kanilang lead coordinator. "Anong pinag-uusapan niyo? Backstabbing?"
Jacian: "?"
Tumawa naman si Lacey. "Ang sabi niya masarap daw yung niluto kong sopas, sabi ko hindi ako ang nagluto nun at si Captain Just ang gumawa." Natatawang saad ni Lacey.
"Just kidding." Ani Just, maya-maya lang nilinga niya si Jacian. "Masarap 'yun?"
Jacian: "?" Napakurap siya bago sumagot. "Mm." Hindi niya alam na si Just pala ang nagluto nun, hindi pa siya nakakatikim ng ganun kasarap na sopas noon parang pang-chef na ang level.
Tumayo siya at lumapit sa cabinet para kumuha ng snacks, kakain nalang siya ng snacks kahit hindi siya mahilig sa ganitong pagkain.
"Gusto mo bang kumain ng sopas?" Tanong ni Just.
Habang abala siya sa paghahanap ng masarap na snacks hindi niya namalayang nasa gilid niya na si Just.
Umiling siya. "Hindi---"
"Sabi niya kanina gusto niyang kumain." Ani Lacey.
Jacian: "..." Pwedeng huwag mo akong i-reveal?! Gusto iyong i-voice out ni Jacian pero pinili niyang lunukin.
"Huwag kang kumain niyan, diba ayaw mo niyan? Umupo ka lang dun mabilis lang 'to." Saad ni Just at binuksan ang gasol.
Bumalik naman si Jacian sa mesa at tahimik na umupo roon, bahagya siyang nakatalikod siya sa pwesto ni Just habang nakatapatong sa mesa ang kanyang siko, nakapalumbaba siya habang nakayuko.
Nang makita ni Lacey ang posisyon niya, hindi niya maiwasang hindi sabihing, "Nahihiya ka ba kay Captain Just?"
Nang marinig iyon ni Jacian, nilinga niya ang kanilang lead coordinator at nilinga si Just na tumingin din sa kanya.
Jacian: "??"
Bahagyang natawa si Just.
Umiling naman si Jacian. "Hindi, ayaw ko kasing may naiisturbo akong tao." Seryusong sagot niya.
Tumango naman si Just.