Matapos silang kumain ang kanilang lead coordinator na ang nag-ayos ng kinainan nila. Nauna nang umakyat sa second floor si Jacian para bumalik sa kanyang dorm samantala pumunta naman sa meeting room si Just nang tawagin siya ni Coach Dang.
"Sigurado ka bang babaguhin mo ang playstyle mo? Hindi ka ba mahihirapan?" Tanong ni Coach Dang.
Naka-upo si Just sa armrest ng sofa habang prenteng nakalapag sa sahig ang kanyang paa. Hindi niya tiningnan si Coach Dang at sinagot niya lang ito ng mahinang 'Mn'
Napabuntong hininga naman si Coach Dang atsaka nilapitan si Just. "Alam kong mahirap sa part mo na baguhin ang playstyle, actually... hindi ko gustong baguhin ang playstyle mo noon at hanggang ngayon. Pero si Boss.." Problemadong napa 'tsk' si Coach Dang. "Ni-recommend siya ng mama mo kaya..... pakisamahan mo nalang ah, ayokong ma-offend si Mrs. Sojurn." Ani Coach Dang. "Kung hindi lang siya ni-recommend ng mama mo, hindi kita papayagang baguhin uli ang playstyle mo."
Matapos silang mag-usap ni Coach Dang, sinara ni Just ang pinto ng meeting room at umakyat sa second floor, nang buksan niya ang pinto ng kanyang dorm sakto namang tumunog ang kanyang cellphone.
Sinagot niya ito nang makitang tumatawag ang mama niya.
"Ang sabi ni Coach Dang umalis ka raw kagabi kaya hindi kayo nakapag-douque ng bagong mid laner, saan ka nanaman pumunta? Sa gay bar?" Seryusong saad ng mama niya sa kabilang linya.
Nang marinig ni Just ang sinabi ni Mrs. Sojurn, bahagya niya lang sinara ang pinto ng kanyang dorm at binuksan ang laptop sa kanyang desk.
"Impossible." Kalmadong sagot niya at sinaksak ang flashdrive. Abala siya sa paghahanap ng gameplay niya at wala sa mood makinig sa pang-aasar ng mama niya.
"Umuwi ka sa february 5, sunduin mo ang kapatid mo sa airport."
"Hindi ba siya makauwi ng mag-isa?" Sagot ni Just habang nagtatype sa laptop.
"Marami siyang dala."
"Busy ako, wala akong time." Sagot ni Just, nang makita niya ang gameplay hindi niya iyon ini-play at sumandal sa kanyang gaming chair para kausapin ang mama niya.
"Nonsense, anong ginagawa mo d'yan sa base? Maliban sa training niyo na 5 to 6 hours a day wala ka ng ibang gagawin d'yan, anong walang time? Saan ka pumupunta? Pupunta ka nanaman---"
"Got it." Singit ni Just sa sasabihin ng mama niya at pinatay ang tawag, alam niyang wala na itong sasabihing maayos kaya pinutol niya na ang linya. Ini-drag niya ang cursor para i-play ang video.
Alas tres na ng madaling nang matulog si Jacian, nang magising siya alas onse na iyon nang tanghali. Pumunta siya sa bathroom para maligo bago lumabas ng kanyang dorm, pababa siya ng hagdan nang makita niyang pumasok sa base si Coach Dang bitbit ang isang box.
Inilapag nito iyon sa mesa at lumapit sa water dispenser, tuluyan nang bumaba si Jacian at dumeritso sa living room. Nang makita siya ni Coach Dang kaagad itong lumapit sa kanya bitbit ang cup.
"Gising ka na, tamang tama kakabalik ko lang para kunin ang team uniform mo." Saad ni Coach Dang at umupo sa sofa. "Buksan mo, subukan mo kung kasya." Anito at itinuro ang box.
Lumapit naman si Jacian sa box at binuksan iyon, kinuha niya sa loob ng box ang dalawang team uniform, isang t-shirt at hoodie jacket. Black and gold ang kulay ng kanilang team uniform at ang logo ng team ay naka-print sa harap ng t-shirt, kasama ang logo ng mga sponsors.
Iniangat ni Jacian ang t-shirt at inilapit iyon sa kanyang katawan para isukat. Tamang tama lang ang laki na animo'y sinukatan talaga siya. "Sakto lang, ang ganda ng design ng team uniform." Nakangiting saad ni Jacian.
Ngumiti si Coach Dang. "Talaga? Marami ngang clubs ang nagsasabi na uniform ng FTT ang pinakamaganda." Bahagyang inayos ni Coach Dang ang kanyang salamin at sinuklay ang brown niyang buhok sa tuktok. "Eh Jacian, kumain ka na ba?" Tanong ni Coach Dang habang kumakain ng mani.
Umiling naman si Jacian bago niya kinuha ang hoodie jacket para isukat.
"Kumain ka na, pupunta tayo sa studio mamaya para sa photoshoot." Saad ni Coach Dang at inilapag ang balat ng mani sa mesa.
"Photoshoot?" Nagtatakang tanong niya.
"Mm, hindi lang naman ikaw, lahat kayo kailangan kunan ng picture para sa official tournament. Team at individual photo. Na-update ko na ang mga teammates mo, maghanda ka na aalis tayo mamayang 1 p.m."
"Oh." Sagot ni Jacian, isinampay niya ang team uniform sa kanyang braso.
Ipinagpag ni Coach Dang ang dalawa niyang palad at tumayo ngunit nilinga niya uli si Jacian nang may maalala. "Isa pa pala, palitan mo yung username mo sa Melon nakita ko pangalan mo parin ang nakalagay dun, palitan mo ng FTT' Boss."
"Pero hindi pa verified ang account ko."
"Don't worry, i-a-update ko ang Melon para ma-verified ang account mo." Matapos iyon umalis na si Coach Dang para i-inform ang kanilang driver.
Sa loob ng dorm, kumakatanta si Lucky habang nakatingin sa salamin. Kinuha niya ang pabango at ini-spray iyon sa kanyang katawan mula ulo hanggang paa, bahagya niya pang inayos ang kanyang buhok at sinuklay iyon nang makitang nagulo.
Maya-maya lang tumunog ang kanyang cellphone, inilapag niya na ang suklay at dinampot ang kanyang cellphone para reply-an ang kanyang girlfriend.
Paglabas niya ng dorm sakto namang lumabas din ang kanilang captain sa katabi niyang kwarto. Nakasuot din si Just ng team uniform, ang zipper ng jacket nito ay naka-zip hanggang sa dibdib at naka-angat ang sleeve ng jacket hanggang siko, dahilan para ma-expose ang relo nito sa kaliwang kamay at ang maliit na silver bracelet.
"Woah, ang gwapo mo naman daddy." Saad ni Lucky.
Tiningnan lang siya ni Just bago ito naglakad palabas ng hallway.
Nang makababa na sila sa living room, naroon na si Blue at Gem kasama si Coach Dang. Nakangising lumapit si Lucky kay Gem at inakbayan ito.
"Tsk tsk tsk. Indeed, sobrang gwapo mo." Sabi ni Lucky habang napapailing.
"Tanggalin mo ang kamay mo." Sagot naman ni Gem habang naglalaro ng kung ano sa kanyang cellphone, hindi niya na pinansin si Lucky na dumikit pa sa kanya para manood.
Ngunit maya-maya lang napa-angat ng tingin si Lucky at inilibot ang paningin sa loob ng base. "Eh, Coach, nasaan na si Jacian?" Tanong niya kay Coach Dang na ngayon ay abala sa pagsesend ng sweet replies sa kanyang asawa.
Sinagot siya ni Coach Dang nang hindi siya nililinga. "Kagigising niya lang pagdating ko, baka nagbibihis narin 'yun ngayon." Matapos iyong sabihin ni Coach Dang, nakarinig sila ng yabag pababa ng hagdan.
"Yan na pala siya." Saad ni Blue.
Suot ang team uniform, naglakad si Jacian patungo sa living room. Dahil black and gold ang kanilang team uniform, mas lalo siyang pumuti at bumagay ito sa buhok niya na kulay pink, suot niya rin ang itim na pants na binigay sa kanya ni Coach Dang at ang in-order niyang puting sapatos na four inches.
May dala rin siyang backpack sa kanyang likuran na may dalawang bottled water sa magkabilaang bulsa. Dahil sa itsura niya, nagmukha siyang highschool student na a-attend sa P.E class.
"Hala, saan ka punta bhe? Papasok ka na?" Sabi ni Lucky at bahagya pang pinabagal ang tono na animo'y matanda na nakakita ng estudyante.
Hindi naman sumagot si Jacian, naglakad ito sa living room at tiningnan si Lucky, bago siya makalampas ng living room iniangat niya ang kanyang kamay at ini-angat ang middle finger kay Lucky.
_
Makalipas ang twenty-minutes huminto ang team van sa harap ng studio, isa-isang lumabas ang players ng FTT kasama ang kanilang coach at lead coordinator.
Sinalubong si Jacian ng maliwanag na lights at flash ng camera, nakakasilaw din ang puting background na kasalukuyang tinatamaan ng lights sa puntong bahagya siyang napayuko. Nakipagkamay lang si Coach Dang sa photographer bago sila nito tinawag para simulan na ang photoshoot.
Nakayuko si Jacian habang nakatayo nang maramdaman niyang kamay na tumakip sa kanyang mga mata, naramdaman niya ring humawak ang isang kamay sa kanyang balikat bago siya nito igiya patungo sa puting background.
Nang makakita si Jacian, napagtanto niyang nasa gitna na siya ng teammates niya sa baba ng napakaliwag na ilaw sa harap ng camera.
Ngumiti ang photographer nang mag-countdown ito at sinabihan silang ngumiti.
Hindi ngumiti si Jacian, nanatili lang siyang nakatingin sa camera na animo'y robot. Nagmukha tuloy siyang galit na naubusan ng pasensya.
"Ay......yung nasa gitna, ngiti ka kahit kunti, sayang cute ka pa naman." Saad ng photographer.
Jacian: "?" Fuck your daddy!
Tumawa naman si Lucky na nasa likuran niya at pinipilit siya nitong pangitiin, hindi ngumiti si Jacian nanatili lang siyang naka-poker face sa camera dahilan para maging cold ang kanyang mukha.
Gusto niyang utusan ang photographer na pakibilisan ang pagkuha dahil uwing uwi na siya. Bukod sa ayaw niyang lumabas labas ng bahay hindi rin siya mahilig kumuha picture.
Lumapit naman si Coach Dang sa photographer at tiningnan ang mga pictures. Bumuntong hininga si Coach Dang. "Bago lang siya sa team, baka hindi siya sanay sa camera." Saad ni Coach Dang, ngunit napahinto siya nang maalalang streamer si Jacian.
Coach Dang: "...." Like hell na hindi siya sanay sa camera!
Pagkatapos ng team photoshoot, sumunod naman ay individual photo. Mahalaga ang individual photo dahil ifa-flash iyon sa big screen kapag papasok sa stage ang mga players at sa tuwing MVP. Lahat ng teams kailangan ng promotional photos dahil ipapasa iyon sa PKL committee para sa official tournament, kailangang maipasa iyon ng club bago magsimula ang season.
Kinunan ng pictures ang mga veteran players ng FTT na animo'y walang camera, lalo na si Lucky, todo ang ngiti at posing nito na parang mag-isa lang siya sa loob ng studio.
Samantala, katulad ni Just, seryuso si Jacian habang nakatingin sa camera. Naka-ilang picture narin ang photographer pero hindi ito satisfied sa picture ni Jacian kaya laging inuulit.
"Aya.. ngiti ka kahit kunti." Saad ng photographer.
Ngumiti naman si Jacian sa camera kaya na-satisfied ang photographer. Kaagad namang ini-click ng photographer ang camera dahil baka mawala ang ngiti nito. "Okay, perfect!" Saad ng photographer.
Kaagad bumaba ang magkabilang dulo ng labi ni Jacian kasabay ng pagbagsak ng kanyang balikat. Naglakad siya at kinuha ang kanyang bag na nakalapag sa sofa, binuksan niya ang bottled water atsaka uminom.
Nakakaramdam siya ng pagod, wala naman siyang ginawa kundi ang tumayo doon at hayaan ang photographer ang kumilos pero pakiramdam niya marami siyang in-entertain na tao dahilan para mangalay ang kanyang panga, gusto niya ng bumalik sa base at humiga sa kanyang kama, pakiramdam ni Jacian kailangan niya ng isang linggong paghinga para matanggal ang pagod niya.
Matapos ang photoshoot, pumasok na sila sa team van at nagbyahe pabalik sa base. Ibinaba lang sila ng driver sa harap ng base bago nagbyahe uli ito para ihatid si Coach Dang sa building ng Hi! Streaming platform dahil kailangang i-renew ang kanilang contract.
Puno parin ang energy ni Lucky pagbalik sa base samantala lantang gulay na si Jacian pagpasok niya sa pinto. Natanggal lang ang pagod niya nang tuluyan na siyang makapasok.
"Nakabalik din sa wakas, nakakapagod..." Aniya at tinanggal ang kanyang bag.
Nagtataka siyang nilinga ni Lucky. "Yun lang napagod ka na?" Saad ni Lucky na naka-akbay kay Gem habang kinukwento nito ang tungkol sa kanila ng girlfriend niya.
Wala namang reaksyon si Gem at pasimple lang nitong tinanggal ang braso ni Lucky sa kanyang balikat at umakyat sa second floor. Samantala dinaldalan naman ni Lucky si Jacian tungkol sa girlfriend niya sa puntong sumakit ang ulo ni Jacian at sumunod kay Gem paakyat sa second floor.
Pagpasok niya ng dorm, nagpalit siya ng damit at umupo sa kanyang kama. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita niya ang message ni Coach Dang sa kanilang gc.
[Coach Dang: Mag-practice kayo ng 5v5, may schedule kayo ng practice match next week.]
[Lucky: Anong team?]
[Coach Dang: All-round PH. Hindi ganun kagaling ang mga players nila pero dahil bago palang si Jacian sa team, isipin niyo nalang na warm up ang match na 'to.]
[Blue: May posibilidad na makaka-grupo natin 'to sa group stage. Mas mabuti narin kung isa ang team nila, hindi ganun kabigat ang stress.] Chat ni Blue na may kasama pang emoji na nakangiti.
Pinatay na ni Jacian ang kanyang cellphone at bumaba para pumunta sa training room.