Chapter 46: Queueing

Nang magsimula na ang match, ini-drag ni Jacian ang icon para pagalawin ang kanyang hero, ginamit niya si Lady Zhen sa mid lane, isang mage hero na may kakayahang protektahan ang kanyang sarili pagdating sa mga assassin.

Nang umabot sa 4 minutes ang match at mag-spawned ang overlord/tyrant na-defeat ni Just ang tyrant gamit ang smite.

Hindi ganun kahirap talunin ang kabilang side dahil kahit si Lucky ay isang beses lang namatay, sa loob ng 10 minutes matapos silang mag-push sa mid lane, nauna ang mga minions sa enemy Crystal at pinasabog nila ito.

Nakasulat sa screen ng kanilang moblie phone ang salitang 'VICTORY'.

Nang bumalik sila sa base, sinabihan sila ni Coach Dang na mag-training kaya nagdesisyon silang huwag lumabas sa training room at hintayin na bumalik ang kanilang coach.

Katulad nang napagkasunduan ni Just at Jacian, hindi muna gagamit ng assassin-type mage hero si Jacian at hayaang si Just ang mag-command at mag-set ng pace. Kailangan niya lang mag-assist at huwag maging reckless, dahil soft mage ang gamit niya katulad ng marksman lagi lang siyang nasa likod ng kanyang mga teammates para mag-provide ng assist at mag-kontrol ng teamfight.

Mahilig siyang gumamit ng assassin hero dahil gusto niyang mag-tower dive at lapitan ang mga enemies para pakipagpalitan ng HP kumpara tumambay sa likod ng kanyang mga teammates para hindi mamatay, ngunit hindi niya iyon magagawa sa ngayon. Buong match, lagi lang siyang nasa likod habang gumagamit ng skills sa mabagal na paraan, nakakaramdam siya ng bored, umabot sa late game at nang tingnan niya ang kanyang KDA meron siyang score na 0-0-12. Wala siyang solo kill at lahat puro assist, nang makita niya ang kanyang KDA hindi niya maiwasan ang hindi mawalan ng gana.

Nakakawalang gana talaga kapag hindi ka makapag-attack at puro defense lang ang magagawa mo, hindi 'rin siya makapag-counter attack at kailangan niya pang humingi ng backup kay Just para hindi siya mamatay.

Nang matapos nila ang ilang match, hindi mabilang ni Jacian kung ilang beses siyang humingi ng assist kay Just, minsan naman sumasama siya kay Just para maging support.....ipapain niya ang sarili niya para makakuha si Just ng kill at mag-set ng pace.

Hay....sobrang boring ng ganitong match.

Palubog narin ang araw at hindi niya alam kung gaano katagal na silang nasa loob ng training room, hindi tuloy maiwasan ni Jacian ang hindi mapahikab.

Ini-drag niya ang icon para kunin ang healing dew sa mid lane tower.

"Bored?" Tanong ni Just nang i-check niya ang hero ni Jacian na yumayakap sa tower.

Hinila ni Jacian ang sarili niyang buhok at kinagat ang ibabang labi, dahilan para lalong ma-expose ang kanyang nunal sa ibaba ng kanyang labi.

Nang ilihis ni Just ang kanyang ulo sa kanan iyong senaryo ang nakita niya. Bumaba ang kanyang tingin sa ibabang labi ni Jacian at bahagyang huminto sa maliit na nunal, putla si Jacian kaya hindi ganun kapula ang kanyang labi, ngunit ngayong kagat kagat niya ang ibabang labi bahagya iyong pumula dahilan para mapatitig doon ang taong makakakita.

Tumingin lang si Just ng ilang segundo bago nagbawi ng tingin. Binitawan na ni Jacian ang kanyang labi.

"Medyo." Sagot niya. "Tapusin na natin 'to." Ani Jacian at nag-charge sa mid lane.

Hindi maiwasan ni Lucky ang hindi matawa habang nakatingin sa oras. "Baby, 6 minutes palang ang match." Pagpapaalala ni Lucky.

"Sa ML nga four minutes ini-end na namin lalo na kung nagbabantay ng tindahan ang ka-teammates mo." Saad ni Jacian. "Tingnan mo ha, yung isa nagbabantay ng tindahan, yung isa naglalakad galing school, may pupunta ng CR, kahit ayaw niyong i-end mapipilitan kayo." Saad ni Jacian.

Si Gem na laging tahimik ay bahagyang natawa, hindi tuloy maiwasan ni Lucky ang hindi ito lingunin.

"Woah, kapag ako ang nag-joke hindi ka tumatawa pero si Jacian, yun lang yung sinabi niya natawa ka na?" Manghang Ani Lucky.

"Relate kasi." Saad naman ni Blue. "Naranasan ko rin yan eh. Sa ML talaga maraming ganyan."

"Mm, alam niyo bang may naka-teammates ako d'yan, sa early game palang sabi niya, 'pakamatay muna ako guys may bumibili kasi sa tindahan'.."

Tumawa si Lucky at Blue dahil sa kwento ni Jacian.

"Ganun ng ganun, sa tuwing may bumibili lagi siyang nagpapakamatay. Napikon 'yung isang kakampi namin ayun nauna na siya sa base ng kalaban kahit hindi pa napapabagsak ang inhibitor turrets."

Maririnig ang tawa ni Blue, Lucky maging si Gem na once a blue moon lang kung ngumiti. Nag-joke pa si Jacian dahilan para matawa pa si Lucky at pinaghahampas nito ang balikat niya.

Samantala, bahagya lang umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Just atsaka itinuon ang atensyon sa laro.

Nag-jojoke lang si Jacian kapag nakakaramdam na talaga ng bored, sa tuwing nabobored siya nagsisimula na siyang magsalita ng nonsense para maging lively ang sitwasyon, ayaw niya sa mga walang kwentang usapan pero ayaw niya 'rin yung masyadong seryuso. Sa tuwing nagiging seryuso ang sitwasyon nag-iisip na kaagad siya ng mga nonsense para maging warm ang atmosphere.

Saglit lang silang nagtawanan bago nag-fucos na uli sa match.

Nang bumalik si Coach Dang sa base, tapos na silang mag dinner at kasalukuyang nasa training room para ipagpatuloy ang training.

Tinawag naman sila ni Coach Dang sa living room para sa midnight snacks. Hindi na biscuits ang dala ngayon ni Coach Dang kundi nagtake-out ito sa isang fast-food, naroon sila sa malaking living room habang nakalapag sa mesa ang mga pagkain.

Naka-unat si Jacian sa sofa habang nakasandal sa armrest, sa dulo ng sofa ay naroon si Just habang kumakain ng fries.

Inabutan ni Coach Dang si Jacian ng burger ngunit dahil malayo ang pwesto ni Coach Dang kinuha iyon ni Just at iniabot sa kanya. Tinanggap niya iyon atsaka kinain.

Matagal narin nung huli siyang nakakain ng ganitong klase ng mga pagkain, kung hindi siya nagkakamali pangalawang beses niya palang makakain ng burger ngayon at ang unang beses niyang nakakain nito nung kasali pa siya sa 4ps. Ngunit sa kasamaang palad, isang beses lang siyang nakakain kahit ilang beses silang nag-release, laging napupunta sa mama niya ang pera at tanging damit lang ang binibili nito sa kanya. Hindi narin siya nag-aral matapos ang ilang araw sa grade 7 kaya wala narin talaga siyang matatanggap na 4ps.

Ngunit nang makatikim uli siya ngayon ng burger, hindi niya maiwasan ang hindi mapakagat uli hanggang sa sunod-sunod na kagat ang ginawa niya at maubos kaagad iyon. Sinipsip niya ang kanyang labi nang makaramdam ng satisfied atsaka inilapag sa mesa ang balat.

Nababahiran naman ng pagkamangha ang mga mata ni Lucky habang nakatingin sa kanya, nakasalampak ito sa carpet habang nakasandal sa tuhod ni Gem na siyang naka-upo sa sofa sa likuran ni Lucky.

"Ang bilis mo naman kumain." Saad ni Lucky habang nakatingin sa sarili niyang burger, hindi pa siya nakakalahati pero naubos na ni Jacian ang sarili niyang burger.

Hindi naman nagsalita si Jacian.

"Mukhang paborito yata ni Jacian ang burger." Ani Blue.

Umiling si Jacian. "Hindi paborito, ito ang pangalawang beses kong kumain ng burger." Sagot niya.

Bahagya namang napatingin sa kanya si Lucky. "Pangalawang beses palang? Wala bang nagtitinda ng burger sa lugar niyo?" Tanong nito at inabutan si Gem ng pizza.

Napalunok si Jacian. "Meron, maraming nagtitinda. Sad'yang nagtitipid lang talaga ako, kung bibili ako ng ganito kamamahal na pagkain wala na akong pambayad sa u-----" Napahinto si Jacian nang mapagtanto niya ang kanyang sasabihin. Sasabihin niya sanang wala siyang pambayad sa 'utang idagdag pa ang sarili niyang gastusin' ngunit napagtanto niyang hindi na kailangang malaman iyon ng ibang tao dahil private matters na 'yun.

Kumunot ang noo ni Lucky nang marinig ang bitin niyang linya.

"Ano? Walang pambayad sa?" Tanong nito.

"Sa boarding house." Sagot niya.

Nilunok muna ni Blue ang kanyang kinakain bago nagtanong. "Hindi ba sikat kang streamer, pinakita sa akin ni Coach Dang ang account mo at meron kang 6 million followers, isa ka ring accompanying player, bakit short ka sa pera? Hindi ba maganda ang treatment ng platform sa mga batang streamers? Maraming platform ang mandaraya ngayon lalo kung hindi mo babasahin ng mabuti ang kontrata."

Sumang-ayon naman si Jacian. Hindi pa naman siya official na streamer ng Hi! Streaming platform dahil katulad ng nasa kontrata para sa mga newcomers kailangan niyang mag-livestream ng 250 hours per month at 50/50 ang offer, ang sabi rin ng manager pwede ring mapag-usapan pa ang kanyang contract kapag naging sikat siyang streamer at makakakuha siya ng 60% para sa mga viewers gifts.

Sa kasamaang palad, hindi niya tinanggap ang alok. Paputol-putol ang kuryente sa lugar nila at hindi sigurado kung anong oras nanaman magkakaroon, iniisip ni Jacian na paano kung biglang mag-brown out habang nagla-live siya? Siguradong mawawalan ng gana ang mga viewers lalo na kung biglang nag-black ang screen sa kalagitnaan ng teamfight, mag-a-AFK siya sa laro kapag nangyari yun, kapag nag-a AFK siya makakatanggap siya ng notice at babanned ang kanyang account ng ilang araw. Paano niya mafufull yung 250 hours per month na katumbas ng 8 hours and 30 minutes per day?

Kung hindi lang paputol-putol ang kuryente saglit niya lang mafufull yung 250 hours, 8 hours lang naman per day at kaya niyang mag-stream ng isang araw kahit wala pang tulugan kaya hindi iyon challenging sa kanya.

Ngunit wala siyang choice kundi i-take down ang offer ng platform. Ngayon, 40/60 ang offer sa kanya ng platform at 15% lang para sa viewers gifts, wala ring promotion, ads at special promo ng platform dahilan para kunti ang makabig niya.

Hindi naman demanding si Jacian dahil as long as may nakakakain siya kahit hindi 3 times a day kuntento na siya sa ganun. Isa rin siyang trash talker kaya ini-banned ng platform ang livestream account niya dahilan para mahirapan siyang makaparami ng viewers at followers.

Ngunit dahil siya si Boss, nakaisip siya ng paraan, inilagay niya ang QR code ng kanyang SweetTalk app sa baba ng description at ang kailangan lang gawin ng mga viewers ay i-scan iyon para doon mag-bayad, pero syempre para lang 'yun sa mga players na bubuhatin niya sa rank.

Sobrang nanghinayang talaga siya dahil sa livestream room niya isi-nend ni XiaoWang yung 1000 big wave, sa 100 thousands pesos 15 thousand lang ang nakuha niya, sobrang nakakapanghinayang as in...

Alam mo yung pakiramdam na binigyan mo ng barya 'yung isang tao tapos saka mo lang napagtanto na ginto pala yung iniabot mo, pero nakaalis na yung taong yun kaya wala ka ng magagawa kundi ang manghinayang.

Speaking of, hindi na nagpaparamdam si XiaoWang. Siguro out of country parin ito at masyadong busy sa negosyo, kaya pala mayaman ito at hindi nagdadalawang isip na pagpalipad ng 100 thousands na parang 100 pesos lang ang pinalipad niya.

Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi mapailing, kasabay nun umalingawngaw sa kanyang tenga ang boses ng mga kasama niya sa living room.

"....'^&....&#&-....mo?"

Tanong ni Coach Dang sa kanya ngunit lumilipad ang isipan niya kaya hindi niya masyadong naintindihan.

"...ha?" Tanong niya at pinasadahan ng tingin ang kanyang mga kasama, hindi niya rin alam kung sino ang nagtanong.

Natatawa siyang tiningnan ni Lucky. "Bakit ang lutang mo ngayon? Tinatanong ka ni Coach Dang kung mag-isa ka lang sa boarding house mo."

"Oh." Aniya at kinain ang fries na nasa kanyang kamay na hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng fries. "Madalas mag-isa, pero minsan umuuwi naman ang pa---" Napahinto uli si Jacian, ilang segundo bago niya itinuloy. "...yung ka-boardmate ko." Saad niya.

"Official streamer ka na ba ng Hi! Streaming platform?" Tanong ni Coach Dang at uminom ng coke.

Umiling si Jacian. "Binigyan ako ng platform ng kontrata noon pero hindi ko tinanggap ang offer."

Nagtaka si Blue. "Kung hindi ka formal na nakapag-sign in sa platform ibigsabihin kunti lang ang natatanggap mo?"

Tumango siya. "15% sa viewers gifts." Sagot niya dahilan para rumehistro ang paghihinayang sa kanilang mga mukha. "Hindi ko rin naman i-nexpect na dadami ang followers ko, nagbebenta rin ako ng account kaya nakakain naman ako ng 3 times a day."

Nang marinig iyon ni Just bahagyang kumunot ang kanyang noo.

Maging si Coach Dang ay naguluhan."Wala ka bang kasama na kamag-anak mo? Nasaan pala ang mga magulang mo? Hindi mo sila kasama?" Tanong ni Coach Dang at inilapag sa mesa ang balat ng kinainan niya. "Sobrang hirap mabuhay ng mag-isa sa panahon ngayon, sobrang mahal ng mga bilihin at kapag nagkasakit ka walang mag-aalaga sa'yo, hindi makakapagtrabaho paano ka makakakain?" Dagdag pa ni Coach Dang habang ngumunguya.

Pilit namang ngumiti si Jacian at bahagyang napakamot sa kanyang batok, ngumiti siya pero nababahiran iyon ng kung anong emosyon at ang sino mang makakakita ay iisiping iiyak siya.

Gamit ang mahinang boses sinagot niya si Coach Dang. "Siguro....nakasanayan ko na." Sagot niya at kumuha ng coke. Ininom niya iyon hanggang sa mawala ang namuong sakit sa lalamunan niya.