Chapter 47: Napansin ko lang na pareho ang playstyle nila ni Tin.

Kakatapos lang ni Jacian maligo at kalalabas niya lang sa CR, katulad ng nakasanayan, naka-t shirt siya at jogging pants na walang garter sa ibaba. Naglakad siya palapit sa study table at binuksan ang kanyang cellphone na nakalapag doon.

Pinanood niya ang match ng All-round PH kagabi at alas dose na nang matapos siya dahil sa kaka-backward. Sinabi ni Coach Dang na may practice match sila sa All-round PH ngayong week kaya naglaan siya ng kunting oras para pag-aralan ang strategy ng team. Bagaman, hindi ganun ka-seryuso ang laban sa practice match dahil isa iyon sa paraan para magpractice ng bagong line-up at strategy, hindi importante kung sino ang mananalo o kung sino ang talo ang importante rito ay ang feel ng players sa kabilang team kung anong klaseng playstyle ang meron sa kanila. Pero syempre, sa practice match hindi nilalabas ng mga teams ang kanilang core o yung tinatawag na pamatay na strategy, kung ilalabas nila ang malakas nilang line-up at strategy sa practice match para narin nilang binigyan ng kodego ang kanilang kalaban.

Sa darating na practice match sigurado si Jacian na soft mage ang gagamitin niya, ayaw niya ring gumamit ng assassin mage ngayong week dahil hindi pa sila makakapag-douque ng maayos ni Just, in short hindi pa sila ganun ka sync.

Hindi rin sila nag doudou Q ni Just nitong mga nakaraang araw kaya hindi maiwasan ang hindi makaramdam ng pagtataka. Sinabihan lang siya nito na wag niyang baguhin ang playstyle niya pagkatapos nun hindi narin sila nag-douque, naisip niya tuloy na baka soft mage ang mga hero na gagamitin niya sa buong official tournament.

Hindi pa rin sila nakakapagpractice ng 5v5 gamit ang assassin mage kaya huli na kung sasabihin nilang gagamit siya ng assassin mage. Wala silang tacit understanding ni Just, hindi pa sync ang kanilang team at hindi parin sila nakakapagpractice na gumamit siya ng assassin mage, paano siya gagamit ng assassin mage sa tournament? Walang dahilan para gumamit siya ng assassin.

Bagaman, wala namang problem sa kanilang team kung hindi siya gagamit ng assassin, ang problem lang dito ay mabilis siyang ma bored. Sa tuwing nabobored pa naman siya gusto niyang pabilisin ang laban, nag-aalala siya dahil baka hindi siya kayang sabayan ng teammates niya kapag naging mabilis ang playstyle niya.

Ang sabi ni Coach Dang ay next month pa naman ang regular season kaya meron pa silang isang buwan para magpractice.

Bumaba si Jacian ng hagdan habang buhat buhat si Spree na kakatapos niya lang pakainin, nang makababa na siya nakita niya si Just na nakatayo malapit sa pinto ng base habang may kausap itong lalaki.

Nakasuot si Just ng oversized shirt at itim na pantalon, malapad ang kanyang balikat at mahaba ang kanyang legs, hindi rin nawawala ang suot nitong relo sa kaliwang kamay na bahagya nitong tiningnan habang kausap ang lalaking yun. Hindi masyadong matangkad ang kausap nito at mataas lang kay Jacian ng 2 centimeters, halos hindi niya ito makita dahil natatakpan ito ng katawan ni Just.

"Captain, babayaran ko ang 100 thousand na binigay mo sa akin. Magaling na ang mama ko ngayon kaya wala na akong gagastusan." Ani White na siyang kababalik lang ng base matapos ihatid sa kanilang bahay ang kanyang ina na kaka-discharge lang sa hospital.

"No need. Ilaan mo 'yan sa sarili mo, isa kang substitute mababa ang sweldo mo kumpara sa amin." Ani Just.

Napakamot naman si White sa kanyang batok. "Ah...salamat Captain." Nakangiting ani White.

"Mn."

"Arooohh~.."

Napalinga si White sa living room nang makarinig ng hindi pamilyar na tahol ng aso, nakita niyang may palapit na duschaund sa kanilang pwesto habang nakalabas ang dalawang pangil nito, sa itsura ng aso hindi malabong nangangagat ito ng tao.

Na-shock si White. "Captain! Kakagatin ka ng aso!" Sigaw niya dahilan para mapalinga si Just sa kanyang likuran.

"Spree!"

Ngunit mas lalong nagulat si White nang makita ang taong tumawag sa matapang na aso, tumakbo ito patungo sa paanan ni Just ngunit hindi nito kinagat ang kanilang captain, tinahol-tahulan nito si Just at dahil sa galit bahagya pang hinila-hila ang laylayan ng pantalon.

Ngunit hindi iyon ang ikinagulat ni White, nakatingin siya kay Jacian na lumapit sa kanilang pwesto para kunin ang kanyang aso.

Tama ba ang nakikita niya? Pink ang buhok ng taong nasa loob ng kanilang base? Kamukha ni Boss na isang trash talker sa streaming platform. Shit! Hindi lang siya kamukha ni Boss, ka-boses din ni Boss! Hindi ito kahawig ni Boss kundi nasa loob ng base nila si Boss!

Napakurap si White. "Boss?" Tanong niya.

Nilinga siya ni Jacian. Nginitian ni Jacian ang kausap ni Just at aalis na sana siya para palakad-lakarin si Spree ngunit hinawakan siya ni Just. Kakagatin naman sana ni Spree ang kamay ni Just na nakahawak sa braso ni Jacian mabuti nalang at mabilis na nabawi ni Just ang kanyang kamay.

"Ano yun?" Tanong ni Jacian kay Just.

"May pupuntahan ako ngayon, mag-douque tayo bukas." Saad nito na tinanguan ni Jacian. Kaya pala nakabihis ito ngayon.

Nang tingnan ni Just si White nakita niyang nakatitig ito kay Jacian na animo'y nawawala nitong kapatid. Natauhan lang si White nang bumukas ang pinto ng base at mahampas nun ang likod ng ulo niya.

"Shit! Bakit nakatayo kayong lahat sa pinto?!" Bungad ni Coach Dang na siyang bumukas ng pinto, sa likod nito ang kanilang driver na may bitbit na malaking box. Nilinga muna ni Coach Dang ang kanilang driver at sinabing ipasok na sa loob ang dala nito, pumasok naman ang driver at ini-akyat iyon sa second floor kung nasaan ang break room.

"Boss?! Anong...ginagawa mo dito sa base?" Tanong ni White nang makabawi.

Sinara naman ni Coach Dang ang pinto at nilinga ang tatlong players. Pinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin kay Jacian at kay White at sa huli ay kinabig nito si White. "Kilala mo?" Tanong ni Coach Dang.

Tumango naman si White at bahagyang napakamot sa kanyang batok. "...naka-1v1 na ko na siya noon..." Mahinang saad ni White.

Namangha si Coach Dang. "Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad?! Alam mo bang matagal na namin siyang hinahanap?!"

"...hindi naman kayo nagtanong."

"Kilala mo?" Tanong ni Just kay White dahilan para mapako si White sa kanyang kinatatayuan.

Sunod-sunod na tumango si White. "..sinabi ko sa'yo sa backstage na may naka-1v1 akong streamer na ni-recommend ng kaibigan ko, sa kanya ko nakuha yung ganung strategy. Siya yun.." Pahina ng pahina na saad ni White, natatakot siya na baka magalit ang kanilang captain na hindi niya sinabi kaagad.

Tumango si Just.

Samantala, bahagyang naningkit ang mga mata ni Jacian. "Ikaw si White?" Tanong niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni White. "Naaalala niyo pa pala ako..." Awkward na sagot ni White. Nadurog siya nito sa 1v1 at dahil doon wala na siyang mukhang maihaharap.

Hindi naman nagsalita si Jacian at nagpaalam na umalis para palakad-lakarin si Spree.

Bahagyang umubo si Coach Dang. "Siya ang bagong mid laner ng Team natin, pwede mong yayain makipag-1v1." Suhestiyon ni Coach Dang.

White: "...."

Dahil wala si Just, nakipag-douque si Jacian kay Gem na siyang support ng Team. Hindi niya alam kung saan ang lakad ng kanilang captain ngunit ang sabi ni Lucky ay susunduin daw nito ang kapatid sa airport, isang tanong lang ang tinanong ni Jacian ngunit talambuhay na ang sagot ni Lucky.

Hindi ugali ni Jacian ang magtanong ng mga personal na bagay ngunit sad'yang gusto lang i-share ni Lucky kaya nakinig narin siya.

Tatlo lang sila sa training room dahil umalis ang mga staff matapos i-prepare ang mga equipment, dahilan para marinig ang boses ni Lucky sa bawat sulok ng silid.

"May kapatid si Captain, nag-aaral 'yun ng med sa abroad kaya bihira lang umuwi ng bansa. Ang sabi ni Captain may tatlong butas daw ang puso nun nung bata pa pero nagamot narin nung mag-7 years old siya." Ani Lucky habang nag-fafarm.

"May kapatid pala si Captain, akala ko only child." Saad naman ni Jacian.

"Actually, tatlo silang magkakapatid, yung bunso babae. 3 years old palang yun at baby pa nung huli kong makita, sinama ni Mrs. Sojurn sa base nung Christmas para sunduin si Captain." Tumawa si Lucky kaya nagtaka si Jacian. "May sasabihin ako sa'yong sekreto, alam mo bang ayaw ni Captain umuwi sa bahay nila kasi lagi siyang sinasabihan ni Mrs. Sojurn na bakla."

Jacian: "!" Dahil sa gulat ni Jacian aksidente niyang napindot ang kanyang ult.

"Huwag kang magpakalat ng fake news." Malamig na saad ni Gem.

"Hindi ko naman sinabing gay talaga si Captain, ang point ko lagi siyang inaasasr ng mama niya na bakla, minsan naman binibintangan siya nitong nanlalaki kahit hindi naman mahilig lumabas ng base si Captain kung hindi niya kasama ang mga tropa niya." Saad ni Lucky na animo'y nasa court habang pinagtatanggol niya ang kanyang client at mali ang akusa ng kabilang panig.

"As if naman hindi mo kilala ang mama si Captain, magaling mang-provoke yung mama niya at si Captain ang paborito niyang asarin, na-piss off nga si Captain eh kaya hindi na umuuwi ng bahay nila. Ikaw kaya sabihan na nanlalaki ka hindi ka mapikon?" Tanong ni Lucky.

"Tsaka, matured na si Captain, gwapo, matangkad, sapat na para sumigaw ang libo libong mga babae, tapos sasabihan lang mama niya na nanlalaki. Syempre nakaka-offend 'yun. Jacian, kapag pumunta si Mrs. Sojurn sa base wag ka ng lumabas ng dorm------oh shit! Mamamatay na pala ako!" Silver nalang ang HP niya ngunit binigyan siya ni Gem ng heal kaya nakapag-counter attack parin siya.

Nag-dou Q sila ni Gem ng 2 hours at nag-Q silang tatlo ng 3 hours, naging smooth naman ang match nila kahit na nakasalamuha nila si Captain Water ng Team RG sa kabilang side. Mabuti nalang at gumamit si Jacian ng assassin mage kaya na-defeat nila ito.

Na-solo kill din ito ni Jacian gamit si Mai Shiranui matapos makakuha ng mataas na gold, malakas ang damage ni Mai Shiranui kaya normal kung ma-defeat nito ang marksman kapag nilapitan niya. Ngunit hindi lang basta marksman ang na-solo kill nito kundi si Captain Water, si Captain Water na isang top-tier marksman.

Siguro nagulat si Captain Water dahil 1 second lang ay na-slain na siya na hindi manlang siya nakapag-counter attack kaya habang hinihintay ang death recap, nag-tipa siya ng chat.

[All]Water(Shouyue)Hirap mag-survive 😂.

"HAHAHA!" Tawa ni Lucky habang nakatingin sa kaliwang part ng screen.

Alam ni Captain Water na si Lucky at Gem ang mag-douque sa farm lane pero wala siyang ideya kung sino ang mid laner. Pero base sa playstyle nito hindi na siya magtataka kung pro player.

Sa loob ng RG base. Naibuga ni Captain Water ang iniinom niyang kape. Tiningnan naman siya ni Crowd na siyang katabi niya, nagla-livestream ito at nasa kalagitnaan nang pakikipag-usap sa mga fans ngunit napahinto siya nang mabuhagan siya ng kape.

Nandidilim ang kanyang mukha.

"Sorry, pre. Patay ako eh." Ani Captain Water at inabutan si Crowd ng maraming tissue.

Pinunasan naman ni Crowd ang kape sa kanyang kamay at damit ngunit hindi na matanggal ang mantsa kaya nagpaalam muna siya sa mga viewers para magpalit at bumalik sa kanyang upuan.

"Sinong naka-slain sa'yo?" Tanong ni Crowd habang nakatingin sa mobile phone ni Captain Water.

"Si Mai Shiranui, ang lakas ng mid, ang galing niya mang gank. Pinatay niya rin ako nang mag-tower dive siya."

Kakatapos lang ni Crowd sa isang match at matapos magpaalam sa mga fans nag-exit siya sa livestream para panoorin ang match ni Captain Water. Nang mag-respawn na uli ang kanyang hero, ini-drag niya ito para i-defend ang farm lane.

"Wait i-check mo ang mid." Ani Crowd.

Ini-adjust naman ni Captain Water ang minimap para panoorin si Mai Shiranui at ang kanilang jungler, ang ginamit ng jungler nila ay si Dian Wei at nag-speed up ito para i-gank si Mai Shiranui pero sa huli siya ang na-defeat sa isang kisap lang ng mata.

"Ah?..." Gulat na huni ni Crowd.

"Sabi ko sa'yo diba, ganun siya kabilis. Yung jungler namin..." Ani Captain Water at tiningnan ang scoreboard. "Jungler ng Team All-round PH."

Natahimik si Crowd, ngunit hindi niya maiwasang hindi pagkunutan ng noo.

Napa-angat naman ang kilay ni Captain Water nang makita ang reaksyon niya. "Bakit? Natakot ka? Naiimagine mo na ba ang sarili mo na as a jungler mangyayari 'yan sayo kapag nang-gank ka. Magdasal ka ng hindi siya pro." Ani Captain Water habang pinapabagsak ang tower.

Umiling naman si Crowd. "Hindi ako takot kahit mag-douque pa sila ni Tin. Napansin ko lang na pareho ang playstyle nila ni Tin nung hindi niya pa binago ang playstyle niya."