Sa mga sumunod na araw, maaga silang nagising para mag-training. Wala silang oras mag-douque ni Just kaya katulad ng plano ng Coach Team gagamit muna si Jacian ng soft mage sa practice match nila sa All-round PH.
Nag-practice sila ayun sa line-up na binigay ni Coach Dang, kung saan si Just ang core at si Jacian ang assistant. Sa ilang araw nilang training may improvement na sila ngayon at makikitang meron na silang tacit understanding.
Naging smooth ang training nila nitong mga nakaraang araw kaya nang dumating ang oras ng practice match, hindi na nag-alala si Coach Dang. Tinawag niya ang limang starters na pumunta sa training room para sa practice match, matapos ayusin ng mga staff ang equipment tinawagan ni Coach Dang ang coach ng kabilang Team.
"Hello, pwede na ba tayong magsimula?" Tanong ni Coach Dang. "..okay okay." Matapos ang tawag nilinga ni Coach Dang ang limang players na kasalukuyang nasa ban/pick.
Dahil Red Team sila, mauunang mag-ba-banned ang kabilang side na nasa Blue Team. Animo'y hindi na nag-isip ang coach ng kabilang team at ini-banned kaagad si Augran nang magsimula ang segment, para bang naka-auto banned si Augran sa kanilang ban spot dahil saktong nag-start ay nasa ban spot kaagad ito.
Hindi rin naman nakakapagtaka na nasa-ban list si Augran sa tuwing FTT ang kalaban, signature hero ito ni Just na dalawang beses naka-pentakill sa isang round. Pagkatapos nitong gamitin si Augran sa World championship at mag-set ng bagong record hindi na ito nakakalabas sa ban spot at ilang taon nang hindi nagagamit ni Just.
In-expect narin iyon ni Coach Dang kaya hindi na siya nagtaka, wala rin naman silang balak gamitin si Augran ngayon dahil i-babanned parin naman ito sa official tournament, mas mabuting mag-practice ng panibagong line-up.
Bagaman, kumunot ang noo ni Jacian. "Ban Augran?" Tanong niya.
Natawa si Lucky. "Signature hero ni Captain." Sagot nito na tinanguan niya.
Para silang nasa official tournament dahil ini-banned ng All-round PH ang tatlong hero ni Just, nasa ban spot si Augran, Jing at Arke.
Practice match lang naman ito ngunit sineryuso ng kabilang team ang ban/pick, hindi naman mahalaga kung sino ang mananalo at walang nakakaproud kung mananalo kayo sa practice match, hindi rin masakit matalo dahil practice lang.
Karamihan ng teams ay gumagamit ng bagong hero o bagong line-up para masubukan kung effective ba iyon, hindi rin nilalabas ng teams ang tunay nilang lakas at strategy sa practice match para hindi magkaroon ng ideya ang kanilang kalaban lalo na kung gagamitin nila ito sa official tournament.
Ngunit nang makita ang mga hero sa ban spot hindi nila maiwasan ang hindi ma-speechless.
Ini-banned naman ng kanilang team si Liu Bang at iba pang hero na hindi ginagamit ng All-round PH, nag-banned lang sila ng apat na hero na sisira sa kanilang line-up, magaling man o hindi ang All-round PH sa mga hero na iyon ay hindi na importante.
Makalipas ang ilang sandali matapos ang ban/pick, nag-start na ang kanilang practice match.
During ban/pick hindi nag-suggest si Jacian ng hero na gagamitin niya at hinayaang si Coach Dang ang pumili, sinabi naman ni Coach Dang na gamitin si Princess Frost kaya pinili niya ito sa mid lane.
Soft mage si Princess Frost na may malakas na CC dahilan para hindi maging komportable ang enemies pagdating sa posisyon. Magaling din siya mag kontrol ng teamfight kaya madalas siyang nakikita sa tournament.
Sa unang wave ng minions, binigay ni Jacian ang minions kay Just para mabilis itong maka-level up. Nag-alanganin pa si Just ngunit nang makitang walang planong mag-farm si Jacian, pumunta siya sa mid lane para linisin ito.
Hindi maka-buff si Princess Frost kaya importante ang minions sa kanya, ngunit mas pinili niyang ibigay kay Just dahil ito ang core ng team.
Katulad ng sinabi ni Coach Dang, hindi ganun kalakas ang All-round PH. Hindi sila makapasok sa enemy jungle dahil sa tuwing lalampas sa river ang kanilang jungler inuunahan kaagad ito ni Jacian ng CC.
Kahit ang river sprite sa mid lane ay hindi rin nito kayang kunin, si Jacian ang tagabantay ng kanilang jungle at halos hindi makatawid ang jungler ng All-round PH para i-gank si Lucky.
Hindi sila makapasok sa jungle ng FTT sa loob ng 4 minutes dahilan para sumakit ang kanilang ulo. Wala silang choice kundi ang kumuha ng resources sa sarili nilang jungle hanggang sa magkaroon ng ult. Nakuha rin ni Just ang ibang resources sa kanilang jungle kaya nang maabot na ng players ng FTT ang level 4 kailangan pa nilang kumuha ng ilang resources para maabot ang level 4.
Nag-spawned ang overlord/tyrant at kasalukuyan itong kinukuha ni Just, si Jacian at Blue ang nag-aabang kung meron enemies na magnanakaw at tama nga ang hula nila, naka-abang ang enemy jungler para nakawin ang tyrant.
Ngunit kontrolado ni Just ang HP ng tyrant, susubukan ba nilang nakawin ang tyrant sa kamay ng Great Demon King? Si Just na crucial stealer ng mga resources?!
Sure enough, nang tangkaing nakawin ng enemy jungler ang tyrant ginamit ni Jacian ang ult sa daraanan nito dahilan para maging slowmo ang galaw nito at tuluyan nang ma-slain ni Just.
Hindi nagtagal nagkaroon ng teamfight sa tyrant pit, malakas ang tacit understanding ng All-round PH at walang problema sa kanilang strategy ang problema lang sa team nila ay masyadong mahina, para bang wala silang tiwala sa isa't isa. Hindi rin ganun kabilis ang kanilang kamay kaya mabagal mag-respond ang kanilang hero.
Sa isang teamfight, na-wipe out ang All-round PH. Naka-quadrakill si Just at isang solo kill kay Lucky.
Pinabagsak na nila ang first towers ng All-round PH dahilan para mabilis nilang masakop ang enemy jungle.
23/0 ang deaths at 10 thousand ang lamang nila sa gold, nag-push na sila sa mid lane at pinabagsak ang second turrets at high ground. Katulad nang napagkasunduan nilang rules, kailangan sirain ang crystal para makuha ang victory.
Nag-push ang FTT nang walang minions at sa loob ng dalawang segundo sumabog ang crystal ng All-round PH.
Nanalo sila sa unang round ng BO3.
"Not bad." Ani Coach Dang. Tinawagan niya uli ang coach ng All-round PH.
Sa loob ng base ng All-round PH, salubong ang kilay ng kanilang coach habang nakatingin sa screen, dinukot niya ang kanyang cellphone nang tumunog ito. Halos hindi pa siya maka-move on sa unang round kaya nang kausapin niya si Coach Dang sa cellphone, nababakasan ng gulat ang kanyang tono.
Tiningnan ni Coach Dang ang limang starters at sinabing itutuloy na ang second round.
Sa sumunod na round, ginamit ni Jacian si Lady Zhen. Hindi niya na binigay kay Just ang unang wave ng minions at nag-farm siya hanggang sa maka-level up, binigay sa kanya ni Just ang river sprite sa mid lane na sinusubukang kunin ng mid laner ng All-round PH.
Ginamitan niya ng skill combo ang enemy mid laner at nakuha niya ang first blood!
Bagaman, nag-assist naman ang jungler ng All-round PH ngunit nahuli ito at sa huli na slain siya si Just.
Hindi mahirap hulaan ang strategy ng All-round PH, madali lang sila i-target at halatang hindi ganun kagaling. Kung hindi lang sinabi ni Coach Dang na sumasali sa major game ang team na 'to ay iisipin nilang nagkaroon sila ng practice match sa minor team.
Matapos ang BO3 ng practice match, wala silang talo. Nagpaalam lang si Coach Dang sa team ng All-round PH bago niya sinabihan ang limang starters na ituloy ang training.
Maayos naman ang performance ni Jacian at nakakapag-assist ito sa tamang oras, walang problema si Coach Dang sa soft mage nito ngunit ang pinoproblema niya ay kung paano sila magpapractice gamit ang assassin mage.
Hindi niya rin ito minention sa harap ng mga players at nagpaalam nang tawagin siya ni Coach Em. Sa katunayan, matapos ibigay ni Coach Em ang video kay Just hindi alam ni Coach Dang kung nagpapractice ba si Just para baguhin ang playstyle nito, ilang araw narin ang makalipas ngunit nang tinanong ni Coach Dang si Jacian kung nakakapag-dou Q sila ni Just laging 'hindi' ang sagot ni Jacian.
Naisip ni Coach Dang na baka kinalimutan na ni Just ang sinabi niyang baguhin ang kanyang playstyle, medyo sync narin sila ni Jacian ngayon kaya naniniwala si Coach Dang na magkakaroon sila ni Jacian ng tacit understanding kahit na hindi niya baguhin ang kanyang playstyle.
Bagaman, kailangan nila ng puspusang practice lalo na't hindi kayang sabayan ni Just si Jacian kapag gumamit si Jacian ng assassin mage.
Nag-chat si Coach Dang sa kanilang group chat na huwag nang mag-training ng 11 p.m at dumeritso na sa kanilang dorm para matulog.
Naunang bumalik ng dorm si Just, Blue at Lucky samantala naiwan sa training room si Jacian at Gem.
Pareho silang nag-sosolo Q sa international server. Pinapractice ni Jacian gamitin si Yixing dahil ang sabi ni Coach Dang gagamitin niya iyon pagdating sa official tournament, lagi niya rin namang nagagamit si Yixing sa match noon at hindi siya na-p-pressure pero mas gusto niyang aralin pa ito ng aralin para maiwasan ang magkamali.
Soft mage si Yixing na magaling mag-kontrol ng battle, bagaman mas magandang i-training ang hero na 'to kung kasama ang mga teammates dahil nag-rerely lang ito sa kakampi, gusto sanang yayain ni Jacian na mag-Q silang lima para i-training si Yixing ngunit nang makita niyang bumalik na sa dorm ang tatlo naisip niyang bukas nalang.
Kakatapos niya lang sa isang match at kasalukuyan siyang nasa lobby, nilinga niya si Gem sa kanyang kaliwa na kakatapos lang din sa match, 11:40 palang naman at hindi pa siya inaantok, nang makita niyang magsesearch match si Gem bahagya niyang tinuktok ang mesa.
"Dou Q tayo." Yaya niya.
Tiningnan siya ni Gem at bahagya siya nitong tinanguan, binigyan niya si Gem ng invitation na agad nitong in-accept.
"Nasaan si Captain? Hindi ba kayo nag-doudouque?" Tanong ni Gem sa kanya.
"Um..hindi." Sagot niya at umiling.
Hindi rin alam ni Jacian kung bakit hindi sila nag-doudouque ni Just, sa tuwing sinasabi ni Just na magduo Q sila bukas hindi iyon natutuloy. Nag-aalanganin din siyang yayain si Just dahil lagi itong umaalis ng training room, hindi niya alam kung may ginagawa ba ito o ano dahil ang sabi ni Lucky ay bukod sa mag-training wala namang ibang ginagawa si Just. Hindi niya tuloy alam kung yayayain niya ba ito o hindi, kaya hanggang ngayon hindi pa sila nakakapag-dou Q.
Kung siya ang yayayain ni Just, free siya 24/7 kahit wala pang tulugan dahil wala naman siyang ginagawa. Pero ang kanilang captain hindi niya alam kung free 'din ba ito.
Kung hindi sila magdoudouque ni Just ngayong week babaguhin niya na ang playstyle niya nang hindi pinapaalam sa mga coach.
Makalipas ang ilang sandali matapos ang ban/pick nag-start na ang match.
Ginamit niya si Diaochan at ginamit naman ni Gem si Yaria bilang support, since nag-doudouque sila ngayon ni Jacian mas effective iyong support kesa sa tanky.
Nag-douque silang dalawa hanggang madaling araw at nang pareho silang makaramdam ng antok, lumabas na rin sila sa training room. Magkatabi lang ang kanilang dorm kaya sabay narin silang naglakad sa kanang hallway.
_
Second month na ng taon ngunit hindi parin nag-aannounce ang PKL para sa start ng tournament. Last season, nagsimula ang regular season ng last week ng January at natapos ng May. February na ngayon ngunit wala paring announcement ang PKL kung kailan ang start, kung hindi last week ng February ang start ng regular season siguradong first week iyon ng March.
Matagal pa naman ngunit lahat ng teams ay nilalaan ang oras na iyon para sa training, hinihiling nila na sana makakapagpractice sila ng 24 hours a day. In short, kulang ang 24 hours.
Nang magising si Coach Dang nag-chat kaagad siya sa gc na pumunta sa training room para sa panibagong line-up. Ngunit nagtaka siya nang walang may nag-reply kahit isa, nang pumunta siya sa training room nagulat siya nang makitang naroon na ang limang starters kasama ang substitute jungler na si White na nasa kabilang mesa.