Inilapag niya lang sa harapan ni Just ang folder at sinabing gamitin ang ginawa niyang line-up. Mahinang 'mn' lang ang sinagot ni Just bago tuluyang lumabas si Coach Dang.
Bilang coach, hindi niya trabaho ang bantayan ang mga players 24/7 sa training room, matapos ang training ng mga players titingnan niya ang video ng kanilang match para i-review. 15-20 minutes lang ang tagal ng match ngunit umaabot ito ng dalawang oras na review kapag hinahanap na ng coach ang weakness ng team, kaya hindi madali ang trabaho ng mga coach.
Pagdating naman sa official tournament, halos buong gabi nilang ni-rereview ang match para pag-aralan ang technique ng kalaban, kaya madalas, tuwing start ng regular season laging busy ang mga coach, nagpaplano para sa panibagong line-up at paano talunin ang kabilang side. Lalo na pagdating sa playoffs, doon nasusukat kung gaano kalalim ang hero pool ng isang players. Global ban/pick ang format ng playoffs kung saan ang hero na nagamit na sa naunang round ay hindi na pwedeng gamitin uli, sapat na para ma-pressure ang mga players at coach.
Paano kung nagamit na ng player sa unang round ang hero kung saan siya magaling at sa second round ini-banned ang isa niya pang hero, anong gagamitin niya sa second round at third round? BO5 series ang playoffs at mananalo lang ang team kapag naka-score ng 3 wins, ngunit pagdating sa playoffs sobrang lalakas na ng mga kalaban at mahirap makakuha ng score na clean wins. Hindi malabong mai-drag ng dalawang teams ang match hanggang five rounds, kung malalakas ang team katulad ng Team GOT-G at HUV, kaya nilang manalo ng 3-0 or clean wins, o di kaya'y 3-1 sa mga mahihinang teams. Kung 3-1 ang score hindi na nila kailangang mag-laro ng hanggang five rounds, three rounds or fourth rounds lang malalaman na kaagad kung sino ang mananalo.
Samantala, dahil kakasali palang ni Jacian sa FTT. Nag-aalala na kaagad si Coach Dang para sa playoffs, hindi sa kunti ang hero ni Jacian ang totoo niyan sobrang lalim ng hero pool ni Jacian na kahit mag-banned ng walong mages ang dalawang teams ay makakapaglaro parin siya, dahilan para makaramdam ng kampante si Coach pagdating sa hero picking ni Jacian. Ang inaalala niya lang ay ang teamwork nila Just at coordination ng buong team. Mahina rin sila sa lane management na nakikitang source ni Coach Dang para maging weakness nila.
Ginamit naman nila ang line-up na binigay ni Coach Dang na malakas sa late game. Si Just parin ang jungler core at kasalukuyang ginagamit si Feyd. Isang jungler core na katulad ni Ling sa MLBB, nakaka-apak apak siya sa mga bato, in short malakas ang mobility ng hero na 'to at magaling mang-gank.
Nag-practice sila simula 7 a.m at mag-aalas tres na ng hapon nang pumasok ang kanilang lead coordinator na si Lacey para sabihan silang mag-meryenda muna.
Sinabi ni Just na isang match nalang at pupunta sila sa living room, tumango naman si Lacey at lumabas kasama si White. Substitute lang si White kaya hindi ganun kahaba ang oras ng kanyang training kumpara sa mga starters.
Sa huling match, ginamit ni Jacian si Xiao Qiao nang makitang gumamit ng Augran ang kabilang side, kayang i-counter ni Xiao Qiao si Augran kaya makakapag-counter attack siya kapag nang-gank si Augran.
Habang naglilinis ng unang wave ng minions, bigla na lamang napamura si Lucky nang makita ang display name ng kabilang side. Dahil sa sigaw niya, sumama ang mukha ni Blue na siyang tutok na tutok sa paglalaro dahil kakaiba ang technique ng kalaban niya sa clash lane pagdating sa pag-fafarm ng minions. Kahit ang posisyon nito ay mahirap gamitan ng skills kaya hindi mabawasan ni Blue ang HP.
Maya-maya, maririnig nanaman ang boses ni Lucky. "Shit! Yung clash laner nila si Captain Ning ng Team Silence!" Bulalas ni Lucky.
Ang kaninang seryuso na si Blue ay bahagyang nagulanta. Si Captain Ning ng Team Silence? Ang dating clash laner ng Team RG na mortal enemy niya sa clash lane?!
Ngunit napagtanto niyang, tama ang sinabi ni Lucky. Kaya pala sobrang lakas ng kalaban niya ngayon sa clash lane at medyo pamilyar ang playstyle hindi niya nga lang naisip na si Captain Ning ang kalaban niya ngayon sa clash lane dahil hindi naman mahilig mag-parank sa international server si Captain Ning.
Malakas si Captain Ning at hindi ito kayang talunin ni Blue sa clash lane sa tuwing nagkakaharap noon ang FTT at RG, nakakapanghinayang lang dahil tinerminate nito ang contract at pumunta sa Europe para bumuo ng bagong Team. Si Captain Ning ang pinaka-enemy ni Blue sa canyon ng PKL dahil pareho silang nag-aagawan ng title ng Best Clash laner of the year. Kapag si Captain Ning ang clash laner ng RG at ginamit nito si Liu Bang, walang chance si Just para ma-slain si Captain Water, sobrang galing magbigay ng shield ni Captain Ning at nag-teteleport ito sa accurate na oras.
Sa sobrang protect nito kay Captain Water na misunderstood na iyon ng mga fans at gumawa ng rumor na baka si Ning at Captain Water, ngunit na buwag ang CP nila nang i-terminate ni Ning ang kanyang contract at maging Captain ng bagong Team sa European division. Ngayon, pareho na silang Captain ng dalawang Team.
Matagal narin nung huli itong naka 1v1 ni Blue ngunit nang malamang si Captain Ning ang kalaban niya ngayon sa clash lane bahagya siyang ginanahan.
Samantala kumunot naman ang noo ni Jacian at pinindot ang mini map para i-check ang sitwasyon sa clash lane.
"Si Captain Ning ng Team Silence?" Tanong ni Jacian.
Nilinga naman siya ni Lucky at tumango. "Hindi mo siya kilala kasi umalis siya sa Team RG, ang sabi ng mga fans na buy out daw 'yan e." Saad ni Lucky habang nakatingin parin sa screen ng kanyang phone, maya-maya lang binalingan nito si Gem. "Eh, Gem kailangan ko ng heal." Anito nang makitang nabawasan ang HP niya, binigyan naman siya ni Gem ng heal.
Samantala, kumunot ang noo ni Jacian. "Kilala ko siya. Nakalaban ko na siya noon sa international server." Aniya at ini-freeze si Augran at ginamit ng ult dahilan para mapilitan itong gamitin ang skill 1 na isang bar nalang ang HP at lumabas sa ult ni Jacian.
"Nakalaban mo siya? 1v1?" Tanong ni Blue at bahagyang nilinga si Jacian, tahimik naman si Just na nasa pagitan nila at nanatiling nasa screen ng phone ang kanyang atensyon. Naka-headphones siya pero ngunit hindi nakatakip sa tenga ang headphones na nasa kanang tenga, dahilan para marinig niya ang boses ni Jacian na hindi galing sa headphones.
"Ibig kong sabihin, nakalaban ko na ang Team Silence noon." Sagot ni Jacian, may pa-free siya nung time na 'yun kaya kasama niya ang apat sa mga viewers. Hindi inaasahan ng mga teammates niya na mananalo sila nung time na 'yun dahil kasalukuyan nang pinapabagsak ng Team Silence ang kanilang Crystal, ngunit sabi nga ni Xiao Qiao, 'miracle's do happen' sinong mag-aakalang nauna na ang kanilang minions sa crystal ng Team Silence at mabaliktad ang sitwasyon?
Kakatawa man pero at least nasa kanila parin ang victory.
Bahagyang umangat ang kilay ni Lucky nang marinig ang sinabi ni Jacian at nababahiran ng kuryusidad ang kanyang mukha. "Sinong nanalo?"
Sasagot na sana si Jacian ng 'nanalo kami' ngunit napahinto siya nang mag-popped up ang chat sa game screen. Napahinto rin si Blue at Lucky.
[All]Silence' Ning(Biron) Let's See What You've Got, what a coincidence.
Jacian: "?"
Blue: "..??"
Lucky: "......................." Napakurap si Lucky.
Ngayon lang din napagtanto ni Jacian na Let's See What You've Got na account nga pala ang gamit niya, hindi ang account na binigay ni Coach Dang nung nakaraang araw.
[All]Silence' Ning(Biron) Hi! 👋 Alam kong hindi mo na ako naaalala pero nagkasama na tayo sa isang match, unfortunately magkaibang side.
Bahagyang nahinto ang paggalaw ng hero ni Just at kunot-noong napatingin sa kaliwang screen kung saan mababasa ang chat. Hindi niya maiwasang hindi tingnan si Jacian sa kanyang peripheral vision na ngayon ay binabasa ang chat. Ibinalik niya na uli ang kanyang atensyon sa screen at ginamit ang smite para kunin ang tyrant.
Samantala, hindi inaasahan ni Jacian matatandaan pa siya ni Captain Ning. Mid lane ang posisyon niya nung time na 'yun ngunit tumayo siyang support para sa kanyang teammates, hindi rin siya ang MVP sa match kaya kung meron mang player na matatatandaan nito hindi ba dapat si SaNa Winstreak 'yun na gumamit ng Luara at MVP ng kanilang team?
Ngunit nag-chat ngayon si Captain Ning dahilan para bahagya niyang iiling ang kanyang ulo dahil sa pagtataka. Pinindot lang niya ang chat at nag-tipa ng message para mag-reply.
[All]Let's See What You've Got(Xiao Qiao) Hello 👋, naaalala kita.
Nang i-send iyon ni Jacian, makikita sa kaliwang screen ng phone ni Just ang reply nito.
Npalinga naman si Jacian sa kanyang kaliwa nang mapansing nakatingin sa kanya ang kanilang captain. Tiningnan niya ito nang may pagtatanong.
Hindi naman nagsalita si Just at ibinalik lang ang tingin sa phone pagkatapos ay ini-drag ang icon.
Bahagyang napamura si Lucky. "Tsk! Traidor, huwag mo na ngang i-chat 'yan." Inis na saad ni Lucky.
"Traidor siya pero hindi talaga maitatangging magaling si Captain Ning. I really respect him." Tango-tangong saad ni Blue.
Hindi naman nag-isip ng kung ano si Jacian dahil hindi niya alam ang history nito sa PKL, normal lang ang reply niya. Hindi ba kawalan ng respeto kung hindi siya mag-rereply? Isa pa, Tama si Blue, magaling si Captain Ning sad'yang natalo lang sila dahil sa mga baguhan nitong kasama, halata namang rookie ang starting players ng Team Silence dahil hindi ganun kalakas ang kanilang game awareness.
Nung makalaban ni Jacian ang Team Silence noon, naagaw kaagad ang atensyon niya sa playstyle ni Captain Ning. Hindi niya maitatangging magaling ito kaya hindi niya maiwasang hindi magtaka kung bakit ganun ang performance ng mga teammates niya. Naisip noon ni Jacian na maling team ang sinalihan nito. Sobrang nanghihiyang siya.
Makalipas ang ilang sandali, nag-chat uli si Captain Ning dahilan para mabwesit si Lucky at pumunta sa clash lane para mapagsakin ang outer tower gamit ang signature hero niyang si Hou Yi. Ngunit hindi parin tumigil si Captain Ning, animo'y wala siyang pakialam kung matalo siya sa match, ang importante nakatago siya sa brush habang nagtitipa ng message.
[All] Silence' Ning(Biron)I really like you, sobrang galing mo. Pro ka ba? Hindi pa naman simula ang pre-season, gusto mo bang sumali sa team namin?
Lucky: "!!" Salubong na ang kilay ni Lucky at pumunta sa second turret ng clash lane, ngunit naroon ang jungler kaya nag-retreat siya.
Maya-maya lang bigla siyang napahampas sa mesa. "Fuck! Baliw ba siya?" Hindi mapigilang bulalas ni Lucky.
Maging si Blue at Gem ay nagulat sa chat nito, ini-invite niya ba si Jacian na sumali sa team nila? Hindi maiwasan ni Blue ang hindi mamangha, kung ini-invite nito si Jacian sa kanilang team sobrang namangha ito sa playstyle ni Jacian. Si Captain Ning 'yung tipo ng tao na walang pakialam at sarili lang nito ang iniisip, hindi niya nakikita 'yung galing ng ibang pro players dahil kayang kaya niya itong talunin sa canyon.
Ngunit matapos makalaro si Jacian sa isang match, sobrang nakakapagtaka dahil naaalala niya pa ito, maliban sa naaalala niya ini-invite niya pa itong sumali sa kanilang team?
Anong klaseng moves ang ginawa ni Jacian sa match nila, para maalala siya ni Captain Ning at iinvite sa kanilang team? Hindi tuloy maiwasan ni Blue ang hindi lamunin ng kuryusidad.
"Jacian, sa tingin ko naangasan mo si Ning sa match niyo." Ani Blue habang naka-curb ang magkabilang dulo ng kanyang labi.
Umiling si Jacian. "Hindi naman, sobrang exaggerated lang ng term niya." Natatawang sagot niya.
Samantala nang mabasa ang chat, tuluyan nang nilinga ni Just si Jacian. Ngunit hindi siya nagsalita, tiningnan niya lang ito dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Jacian dahil sa pagtataka.
"May..... sasabihin ka ba?" Tanong niya kay Just nang lingain niya uli ito, hindi siya sanay titigan kaya kahit kunting tingin lang ay nararamdam niya kaagad ito.
Hindi naman sumagot si Just at nagbawi lang ng tingin. Nagbawi narin ng tingin si Jacian at pinindot ang chat para mag-reply ngunit palapat palang ang dulo ng kanyang mga daliri sa keyboard nang magsalita si Just.
"Play properly." Saad ni Just, hindi niya tiningnan si Jacian at nanatiling nasa screen ang atensyon.
Hindi na nag-reply ng mahabang words si Jacian at send lang ng '(◠‿◕)' para sa reply.