Chapter 50: Singer si Captain?

Nang makita ni Just ang emoticon na i-senend ni Jacian niyaya niya itong pumunta sa enemy jungle para kunin ang azure golem.

Hindi naman nagtagal ang match at natapos ito ng 14 minutes, nang i-send ni Jacian ang emoticon hindi narin nag-chat si Captain Ning ngunit nung patapos na ang match nag-friend request ito sa kanya, ini-accept niya lang ang request atsaka sila lumabas ng training room para mag-meryenda.

Sinabihan sila ni Coach Dang na gagawa siya ng schedule para sa practice match bukas, syempre gagamitin nila ang line-up na ini-training nila ngayon, susubukan nila kung effective. Matapos ang maiksing meeting, bumalik na sila sa kani-kanilang dorm para sa individual na training. Ngunit, nasa player naman kung gusto nilang mag-practice o magpahinga, satisfied din si Coach Dang sa training nila ngayon dahil wala silang talo kahit na marami silang nakasalamuhang pro players sa ibang division, hindi narin visible ang kanilang weakness.

Habang nasa dorm ang mga players, nasa meeting room naman si Coach Dang at Coach Em para pag-aralan ang match. Kailangan nila itong i-review pagkatapos ng practice match bukas.

Nang malamang may schedule sila ng practice match bukas, hindi na nilamon ng antok si Jacian at inilaan ang buong gabi para mag-training ng tatlong hero. Nag-training siya buong gabi gamit si Shi, Nuwa at Milady, tatlong soft mage. Sa katunayan pwedeng gamitin sa farm lane itong si Milady dahil magaling siyang mag-push ng tower, nung unang bukas niya ng HoK ang akala niya marksman itong si Milady ngunit wala ito sa list ng marksman hero bagkus ay nasa list ng mid lane.

Masakit din itong si Milady lalo na kung magaling talaga ang gumagamit, nag-susummon ito ng mechanical minions at inaatake ng mga ito ang enemy na malapit sa kanya, dahilan para hindi maging komportable ang enemies pagdating sa teamfight. Bagaman, kulang siya sa mobility at kailangan niya ng teammates na malakas ang CC para maka-summon siya ng maraming mechanical minions at maka-deal ng malakas na damage.

Kung hindi lang mid lane ang lane ni Jacian bukod kay Daji isa ito sa kaiinisan niyang hero. Bakit? Dahil nanghahabol ang mga mechanical minions nito at hindi ka titigilan hangga't hindi natatapos ang timer, lumalapit ito sa enemies at kinakain ang katawan ng hero, kahit na yumakap ka sa tower as long as hindi pa tapos ang timer ng mechanical minions kaya ka nilang i-tower dive. Lalo na 'yung kanyang ult, sobrang lalaking mechanical minions na ang sinusummon nito at kayang kaya magpabagsak ng tower kahit dalawang mechanical minions lang, sobrang tagal pa naman ng timer at nakakapikon takbuhan, kaya wala kang choice kundi gamitan ng skills.

Maganda 'to sa mga tamad na players, tamang summon lang ng skills at sila na bahala magtrabho, and then pwede ka ng maglakad-lakad habang ang kalaban mo nakikipagbuno sa summon. Kaya gustong gusto niyang gamitin si Vexana sa ML dahil hindi masyadong matrabho, isusummon niya lang yung giant at ito na ang bahala magtrabho, o di kaya'y kung tamad pumunta sa mid lane ang marksman para magpabagsak ng tower, gagamitin niya ang ult sa mismong tower at yung giant na yung bahalang magpabagsak nun. Mas malakas din 'yun kumpara sa marksman dahil ilang hampasan lang ng giant bagsak kaagad ang tower.

Ginagamit din ito ni Jacian para pabagsakin ang base, katulad ng lord ilang hampasan lang ng giant ang base victory kaagad, sobrang lakas talaga ng ult ni Vexana halos kalahati ng bar ang bawas nito sa isang hampas palang, kaya sa tuwing nakukuha ng kalaban ang lord siya talaga lagi ang naka-abang sa daanan ng lord. Parang katulad din sa ult ni Vexana ang damage ng lord, isang hampas palang halos kalahati ng HP ang bawas.

Speaking of summon, bigla niyang na-miss si Vexana. Si Vexana talaga yung hero na malapit sa kanya, na sa tuwing nakikita niyang si Vexana ang kalaban niya sa mid para siyang tinanggalan ng lakas, alam niya yung damage ng hero na 'to at alam niyang kung malakas ang gumagamit hindi siya mananalo. Ito yung hero na hindi niya kayang patayin at tina-trash talk ang user kapag basura ang Vexana na nakalaban niya.

Ibang iba yung pakiramdam kapag naglalaro siya ng Vexana sa naglalaro siya ng Shangguan, soft mage si Vexana pero core siya pagdating sa late game, samantala assassin-type mage si Shangguan na kinakailangan ng mabilis na kamay.

Kumpara sa dalawang hero, pareho niyang gusto pero magkaibang way. Nagustuhan niya rin si Shangguan dahil magaling itong mag-tower dive at mabilis na reaksyon ang kailangan, ibang iba sa Vexana na rumarampa sa canyon sa gitna ng madugong labanan habang ang mga teammates niya ay pawis na pawis at marami nang galos dahil sa mainit na bakbakan samantalang siya fresh parin pero naka-triple kill na dahil sa summon.

Habang iniisip ang signature hero niya sa ML hindi na namalayan ni Jacian na naka-install na ang ML sa cellphone niya.

Madaling araw narin at tapos na siyang mag-practice ng tatlong mage. Kaya niyang gamitin lahat ng assassin-type mage pero medyo tabingi siya sa soft mage, kaya niya namang gumamit ng soft mage pero hindi siya masyadong sanay gumamit ng Shi, Ziya, dahil hindi niya naman masyadong ginagamit sa rank, oh.. lalo na si Gan&Mo, isang beses niya palang itong nagamit at hindi niya na sinubukang gamitin uli.

Kung hindi lang dahil sa hinayupak na nag-record ng livestream niya at lagyan ng ganung voice sa background edi sana nagagamit niya pa si Gan&Mo sa ngayon.

Sobrang bastos talaga ng pagka-edit ng voice parang siya talaga ang nagsabi nun, iyon ang unang-beses na napiss-off siya at pinatay niya ang live nang hindi nagpapaalam, sobrang evolve na talaga ng technology ngayon kahit hindi ikaw ang nagsabi malalaman mo nalang marami ka ng sinabi.

Makalipas ang ilang sandali, dinownload lang ni Jacian ang mga resources sa ML at nagdesisyong sa susunod na maglaro. Masyado ng late at may practice match pa sila bukas.

Nang magising siya, 8:30 na ng umaga at nakita niyang nag-message si Coach Dang sa kanilang gc, 10 minutes na ngunit wala pa itong reply, halatang tulog pa ang kanyang mga teammates. Nag-reply lang si Jacian ng 'okay' at pumasok sa CR para maligo, paglabas niya ng CR kinuha niya ang towel na nakasabit at ginamit iyon para tuyuin ang kanyang buhok.

Lumapit siya sa mesa kung saan nakalapag ang kanyang cellphone at nakita niyang may message uli si Coach Dang.

[Coach Dang: Jacian, gising kana. Bumama ka na dito sa training room.]

[Just Call Me Boss: Papunta na.]

Habang nagtitipa, lumabas siya sa pinto ng kanyang dorm at ini-send iyon, sinara niya ang pinto gamit ang kanyang paa. Pababa na siya sa hagdan nang tumunog ang kanyang cellphone at naka-display sa kanyang lockscreen ang panibagong notification sa kanilang gc.

[Coach Dang: Nakababa ka na ba? Puntahan mo nga si Just at Lucky sa break room, nagvivideo ok nanaman ang dalawang yun ang aga-aga. Sabihin mo pumunta na sa training room.]

[Just Call Me Boss: Okay.]

Nang mapagtanto ang sinabi ni Coach bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Jacian dahil sa pagtataka. Break room? Malapad ang kanilang base dahil dalawang palapag lang ito, hindi niya pa nalilibot ang buong first floor at itong second floor dahil tinanggihan niya ang alok ni Coach Dang nung unang araw niya sa base. Hindi niya alam kung nasaan ang break room, pero base sa tanong ni Coach Dang kung nakababa na ba siya, naisip niya na nasa second floor ang break room.

Pumunta siya sa kaliwang hallway kung nasaan ang dorm ng kanilang captain pati narin ang dorm ni Lucky at Blue. Naglakad siya at nakita niya ang room na may nakalagay na break room sa taas ng pinto, hindi nakasara ng maayos ang pinto ng break room at mula sa maliit na awang nakarinig si Jacian ng sounds.

Nakarinig din siya ng boses na halatang may hawak na microphone ang taong nagsasalita.

Tama nga ang sinabi ni Coach Dang, nag vivideo ok ang kanilang captain kasama si Lucky. Napahikab si Jacian at hinawakan ang doorknob para buksan ang pinto, hindi niya inaasahang malakas ang sounds sa loob at bahagya niyang nakamot ang kanyang tenga dahil sa sounds.

Madilim sa loob ng break room dahil nakababa lahat ng kurtina, patay rin ang ilaw at ang tanging ilaw lang sa loob ay ang magulong disco lights at ilaw ng lyrics na makikita sa flat screen TV.

Sapat na ang disco lights para makita ni Jacian ang tao sa loob, naka-upo si Lucky sa sofa habang tinutungga ang isang bote ng beer, nagkalat narin sa pabilog na mesa ang maraming can ng beer kasama ang balat ng mga pulutan na kinuha lang nito sa shelf na puno ng mga pagkain.

Makikita ang lugmok na itsura ni Lucky na animo'y namatay siya ng 16 times sa farm lane.

Samantala, nakatayo si Just ilang metro ang layo sa flat screen TV. Naka-pantalon siya at oversized shirt na dark blue habang hawak ang microphone sa kaliwang kamay, kumikinang ang suot nitong silver bracelet na nasa ilalim ng itim na relo.

Sa taas ni Just na 1.9 meters sakto na para hindi makita ni Jacian ang lyrics na gumagalaw sa malaking TV.

Gamit ng malumanay at broken na boses sinimulan ni Just ang unang linya.

"Iniisip yung dati...." Matapos kantahin iyon nilinga niya si Lucky, inilayo ni Just ang mic sa kanyang bibig para tanungin si Lucky. "Masyadong malakas?" Tanong niya.

Si Lucky na lugmok habang naka-upo sa sofa at bahagyang tumango. "Adjust mo ng kunti yung sounds para humina yung instrument." Ani Lucky habang naka-upo sa sofa.

Lumapit si Just sa sounds at i-adjust ang volume pagkatapos ay bumalik uli sa kanyang pwesto para ulitin ang kanyang unang linya.

"Iniisip yung dati

Yung sa'ting ligaya'y walang sukli

Kaya di malimutan

Di mo matanggap na ako ngayon na lamang ay yong dinadaan daanan..."

Nang kantahin iyon ni Just, namangha si Jacian. Hindi niya in-expect na ganun kaganda ang boses ng kanilang captain, kaya nitong pakulot-kulotin ang dulo ng lyrics at sobrang nakaka-amaze. Hindi niya alam kung binabaan ba ni Coach Dang ang aircon para magtayuan ang mga balahibo niya o dahil sobrang lamig lang talaga ng boses ni Just kaya nagtayuan ang mga balahibo niya.

Hinimas ni Jacian ang kanyang braso dahil sa panlalamig. Ayaw niya sanang isturbohin ang free time ng dalawa ngunit baka magtaka si Coach Dang kung bakit hindi pa sila bumababa. Nang maalala niya kung bakit siya nandito bahagyang niyang kinatok ang pinto na kanina pa nakabukas.

Si Lucky ang nakakita sa kanya at nang makita siya nito hindi nagbago ang ekspresyon nito. Para parin itong na-slain ng 16 times sa farm lane.

"Ano po yun?" Tanong ni Lucky na nakasandal sa sofa habang magkahiwalay ang kanyang mga hita. Sa tono ng kanyang pananalita para bang may elementary student na naligaw sa kanilang classroom.

Hindi naman iyon napansin ni Jacian at nilinga lang si Just na kasalukuyang lumapit sa sounds para patayin ito.

"Punta na 'raw sa training room sabi ni Coach Dang." Sagot ni Jacian na animo'y isang highschool student na inutusan ng teacher na pumunta sa kabilang section para iinform ang kanilang next class.

Namatay ang magulong ilaw sa break room nang patayin ito ni Just at i-off ang TV. Ibinalik niya rin sa lalagyan ang mic at nilinga si Lucky.

"Let's go." Ani Just.

Nang makita ni Jacian na paalis na ang dalawa bahagya lang siyang tumalikod at nauna nang bumaba para pumunta sa training room.

Naroon na si Gem at Blue kasama ang dalawang Coach, sa katunayan coach si Coach Em ng second string ng Team FTT, ngunit wala pa namang announcement ang official committee para sa minor game kaya umuwi sila sa kani-kanilang pamilya, maliban sa limang starters at isang substitute na si White wala ng ibang players ngayon sa base.

Ang unang schedule nila ng practice match ngayong umaga ay Team EXTRA, sa gabi ay Team Fantastic Era, bukas naman ay Pro-PH at pagdating ng gabi ay PKL Team Dreamers.