Chapter 52: Break na kayo?

Binuksan ni Lucky ang takip at naamoy kaagad ni Jacian ang malamig na ube-cheese flavor, nang makita niya ang ice cream na hawak ni Lucky parang gusto niya rin kumain.

Hindi niya naman ini-angat ang kanyang ulo at nag-fucos lang sa pagkain kaya alam niyang hindi siya nahalata ng kanyang mga kasama.

Samantala habang nalalaway siya sa ice cream na ube-cheese flavor iba naman ang focus ng kanyang mga teammates.

Bahagyang nagulat si Blue at nagtatakang nilinga si Lucky. "Break na kayo? Gaano na kayo katagal?"

Sumandok si Lucky sa ice-cream atsaka iyon nilunok, ramdam niya ang lamig sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang tiyan dahilan para ma-satisfied siya, doon lang siya nakaramdam ng kalma.

"1 year and 2 months." Sagot ni Lucky sa tanong ni Blue.

Ang kaninang tahimik na si Gem ay bigla ring nakasali sa usapan. "Break na kayo? Yan ba 'yung streamer ng HoK sa GoTV?" Tanong ni Gem at bahagya pang tinanggal and isang wireless earphones sa kanyang tenga para pagkarinigan sila.

Natatawang umiling si Lucky at halos hindi makapaniwalang nilinga si Gem. "Anong....magatal na kaming hiwalay nun, diba sinabi ko sa'yo last year na may bago akong girlfriend? Hindi siya steamer, nagtatrabaho siya sa Starbucks." Saad ni Lucky.

Hindi naman nagsalita si Gem.

"So paano kayo naghiwalay?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Blue. Lagi silang nagbabangayan ni Lucky ngunit pagdating sa mga seryusong bagay ay nagtatransform sa pagiging kuya si Blue.

Nag-aalanganin naman si Lucky at sumandok uli sa ice cream, bumuga siya ng hangin at sumandok uli, sa dami niyang nakaing ice cream nawawalan na siya ng ganang kumain ng kain.

"..Pinasa sa akin ng katrabaho niya ang picture niya kasama ng isa pang employee, you know..... sa picture palang malalaman mo nang may kakaiba sa kanilang dalawa, nung una hindi pa ako naniwala pero syempre nag-doubt ako kaya tinawagan ko siya tsaka isi-nend ko rin yung picture na kinuha ng katrabaho niya..." Huminto si Lucky at napa-'tsk', animo'y hindi makapaniwala. ".. Tinanong ko kung may namamagitan sa kanila ng katrabaho niya and then, ..umamin siya. Naghiwalay kami." Kwento ni Lucky.

Sunod-sunod namang napa-'tsk' si Blue. Kahit hindi pa siya nakakaranas ng heartbreak sa buong buhay niya alam niya ang pakiramdam ngayon ni Lucky, si Blue na 'No girlfriend since birth' ay hindi alam kung paano i-cheer si Lucky.

"Wag ka na kasing mag-jowa mag-focus ka nalang sa match, alam mong maraming manloloko ngayon." Paalala pa ni Blue at inilapag sa harapan ni Lucky ang isang plato, nilagyan niya iyon ng kanin at ulam ngunit hindi naman iyon ginalaw ni Lucky.

Samantala, bahagyang napa-angat ang kilay ni Jacian. Kaya pala naabutan niyang naglalasing si Lucky sa break room habang si Just naman ay kumakanta ng sad love song. Narinig niya noon sa teacher nila na kapag broken daw ang isang tao patugtugon daw ng sad love song para mawala ang sakit, hindi naman malawak ang knowledge niya sa mga ganyang bagay kaya hindi niya naisip na broken pala si Lucky.

Oh...kaya pala lugmok ito buong araw na parang napatay ng 16 times sa farm lane kahit hindi pa nagsisimula ang practice match.

Maya-maya lang ang broken na si Lucky ay biglang ngumawa sa sakit at sumubsob sa balikat ni Gem. "Ahh!....Babe, come..heal me."

Jacian: "?" Natulala si Jacian.

Kung hindi niya lang alam na may girlfriend pala si Lucky, iisipin niyang may relasyon ang dalawang 'to. Kaibigan niya rin naman si Chase pero hindi niya pa natatawag ng babe si Chase, kung tatawagin niyang babe si Chase baka bugbugin pa siya ni Chase hanggang sa mamatay at hindi siya maka-participate sa official tournament. Hindi niya parin nauubos ang signing fee niya kaya hindi pa siya pwedeng mamatay.

Dahil walang ganang kumain, hindi parin ginalaw ni Lucky ang pagkaing nasa harapan niya, halos kita narin ang ilalim ng ice cream dahil sa dami niyang nakain. Wala ata siyang balak mag-practice bukas.

Dahil nauna silang kumain, bumalik na silang tatlo sa kanilang dorm at naiwan si Lucky at Gem sa kusina.

Bago sila natulog, nakita nila ang chat ni Coach Dang sa kanilang group chat na hapon ang practice match nila sa Pro-PH at alas-otso naman sa PKL Team Dreamers. Meron pa silang oras para matulog ng mahaba kaya sinabihan sila ni Coach Dang na gawin nalang nila kung ano ang mga gusto nilang gawin, o di kaya'y mas maganda kung magpahinga.

Na-contact narin ni Coach Em ang second-string ng kanilang team at pupunta sila sa base para pwede nilang pagpractice-an.

Kumpara sa EXTRA at Fantastic Era mas malalakas ang Pro-PH at PKL Team Dreamers dahil na-manage nilang makapasok sa playoffs last season. Ngunit kumpara sa lakas ng FTT, maliit lang ang chance na mananalo sila kaya hindi na pinilit ni Coach Dang na mag-practice sila at aralin ang strategy ng dalawang teams.

Sa sumunod na araw tanghali na nang magising si Jacian, lumabas siya sa kanyang dorm para pumunta sa kusina. Pagdating niya roon nakita niyang naroon na ang kanilang Captain at ang member nilang napaka-late magising ay naroon narin sa kusina habang may hawak na kawali.

Binuksan ni Lucky ang burner at inilapag ang kawali, nilagyan niya iyon ng butter at kumuha ng itlog sa tray.

Minsan niya lang makita si Lucky sa kusina dahil hindi naman ito nagluluto, sa tuwing nagigising ito ay alas dos na ng hapon at didiretso kaagad sa training room bitbit ang cellphone, gigising lang ito nang maaga sa tuwing may practice match.

Sa kanilang lahat si Just ang pinaka-maagang nagigising dahil araw-araw itong nag-jojogging, pagkatapos nitong mag-jogging pumupunta ito sa kusina para magluto sa kanilang lahat. Si Just lang ang marunong magluto sa kanila ngunit katuwang naman nito si Lacey at si Gem, ngunit maagang umalis ngayon ang kanilang lead coordinator kasama si Coach Dang habang si Gem naman ay nasa dorm pa. Kaya ngayon, walang katuwang si Just. Kalimutan na ang cooking skills ni Lucky.

Si Lucky na seryusong pinapainit ang butter ay luminga sa likuran nang maramdaman niyang may papalapit.

"Hoy Jacian, anong gusto mong ulam?" Tanong ni Lucky habang hawak ang sandok.

Naglakad siya palapit kay Lucky ngunit bago pa siya makasagot ay nag-suggest na ito. "Gusto mo ba ng pritong itlog?"

Sinilip niya ang kawali at sumagot ng mahinang 'Mm'. "Basta huwag mong basagin ang dilaw."

"Noted."

Ngumiti naman si Lucky at itinutoktok ang itlog, nang biyakin niya ito sa kawali pagbagsak ng itlog nabasag ang dilaw, umagos ito at humalo sa puti na animo'y dilaw na paint na kinalat.

Lucky: "..."

Kumunot ang noo ni Jacian habang nakatingin sa kawali. "Binasag mo naman 'yung dilaw." Mababakas ang pagkadismaya sa kanyang tono.

Samantala, ang kaninang abala na si Just sa pagpili ng mga panghalo ay bahagyang umangat ang pagkabilang gilid ng kanyang labi. Kinuha niya ang ilang broccoli at inilapag iyon sa stainless bowl para hugasan.

Hindi naman in-expect ni Lucky na papalpak siya kaya bahagya rin siyang nagulat. "Hindi ko binasag, okay? Basag na yung dilaw sa loob palang ng itlog." Saad niya.

Hindi naman sumagot si Jacian at dismayadong lumapit sa mesa bitbit ang tastey bread na kinuha niya sa cabinet, binuksan niya ang palaman atsaka pinalaman sa tinapay para malagyan ang sikmura niya. Nawalan na siya ng ganang kainin ang pritong itlog ni Lucky.

Habang kumakain siya ng tinapay inilapag ni Just sa kanyang harapan ang isang baso ng gatas. Kakatapos lang ni Just maligo at basa pa ang kanyang buhok at ang suot nitong t-shirt, maaamoy din ang mint soap na ginamit nito pangligo.

Inilapit niya pa ang gatas sa harapan ni Jacian. "Inumin mo 'to." Saad niya ngunit pautos ang tono.

Kinuha naman ni Jacian ang isang basong gatas atsaka ininom ngunit halos maibuga niya nang malasahan niya ito. "Captain, gaano kadaming gatas nilagay mo dito? Wala akong malasahang asukal pero matamis." Saad niya.

"Pure gatas 'yan." Seryusong sagot ni Just habang nakatingin sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali at natapos na ang niluluto ni Lucky, nilagay nito sa harapan ni Jacian ang pritong itlog na kahit si Spree ay mawawalan ng gana.

Sumimangot naman si Lucky atsaka binawi ang niluto niya. "Broken ako ngayon kaya kailangan ko ng cheer, okay?" Sagot ni Lucky habang nakasandal sa mesa.

Walang puso naman si Jacian at sinabi nitong, "Nung masaya ka hindi ka namamansin tapos ngayong broken ka hihingi ka ng cheer? Mag-backread ka." Hindi niya pinansin si Lucky habang kumakain ng tinapay.

Habang nagluluto, bahagya namang natawa si Just.

Lucky: "??" Fuck! Broken na nga siya pero tina-trash talk parin siya ni Boss, baka kahit si Spree ay maaawa sa kalagayan niya ngayon.

Ilang minuto ang makalipas at bumaba na sa kusina sina Gem at Blue sakto namang kakatapos lang magluto ni Just kaya tinulungan nila itong ilapag.

"Niluto mo ba 'to lahat? Dapat ginising mo ako para may katulong ka." Mahinang saad ni Gem kay Just habang inaayos ang mga plato.

"It's fine." Sagot naman ni Just.

Nagsimula na silang kumain habang pinag-uusapan ang tungkol sa practice match nila mamaya. Ang broken na si Lucky ay panay ang isturbo kay Gem habang si Gem naman ay patuloy lang sa pagkain. Makalipas ang mahabang sandali matapos silang kumain, mabilis na lumipas ang oras at sa isang kisap ng mata palubog na ang araw.

Bumalik si Coach Dang sa base ng 4 p.m at dumeritso sa training room, naroon na ang limang starters habang inaayos ng mga staff ang equipment. Isi-nend ni Coach Dang ang limang alt account sa kanilang gc at sinabing i-log in ang account na iyon ayun sa kanilang posisyon.

Ni-log in ni Jacian ang account at nakita niyang Mage ang pangalan ng kanyang ID, ibang account naman ang gamit nila. Nang makita ni Coach Dang na naka-log in na sila sa mga account na binigay niya, tinawagan niya ang coach ng Pro-PH at tinanong kung ready na ang kanilang team. Nang mapagkumpirmang ready na ang dalawang teams, isinuot na nila ang kanilang noise-cancelling headphones at sakto namang nagsimula ang ban/pick.

Dahil parehong teams na nakapasok sa playoffs medyo mahigpit ang rules nila ngayon at parehong team ang naging seryuso pagdating sa ban/pick.

Blue Team ang Pro-PH at Red Team naman ang FTT, ang Pro-PH ang unang mag-babanned ng hero sunod ang FTT, balik naman sa Pro-PH sunod naman ang FTT, pagkatapos mag-banned ng dalawang hero ang parehong team simula na para pumili ng hero ang Blue Team na siyang Pro-PH.

As usual, kay Just ang naunang dalawang ban spot. Naka-banned si Augran at si Jing. Samantala, ini-banned naman ng FTT ang dalawang support hero, si Mozi na malakas ang CC or crowd control at si Dyadia na isang soft support.

Matapos ang ban/pick makikita ang limang hero na pinili ng Pro-PH, si Allain para sa clash lane, Feyd sa jungling, Lady Zhen sa mid lane, Di Renjie at Zhuangzi ang mag-douqueue sa farm lane.

Pumili naman ang FTT ng mga hero na malakas ang crowd control at healing. Si Bai Qi para clash lane, Yuhuan sa jungling, Dr. Bian sa mid, Shouyue at Cai Yan naman ang mag-douqueue sa farm lane. Sa line-up ng FTT, ang kailangan lang nila gawin ay mag-playsafe sa early, pang late-game core ang kanilang mga hero ngunit kung makukuha kaagad ni Lucky ang 3 core items ni Shouyue kaya nila itong tapusin sa mid game. Lalo na't malakas ang damage ng skill 2 ni Shouyue, as long as magamitan ni Just, Gem at Jacian ng CC ang enemies at mababaril ni Lucky ang mga hero na iyon, makakapag-push sila kaagad.

Ngayong match, nakasalalay kay Lucky ang output ng laro. Bagaman, malakas naman si Yuhuan at Bai Qi sa late game ngunit kayang harangin ni Zhuangzi ang ult ni Bai Qi kaya kung madedectect ng kalaban ang movement ni Blue mahihirapan sila sa teamfight. Ngunit kung pinili nila si Sun Bin sa support, mas magiging malakas ang rhythm nila sa mid-late game, unfortunately, ini-banned ng Pro-PH si Sun Bin nang makitang si Shouyue ang first choice ng FTT.

Si Luban No.7 at Sun Bin sana ang plano ni Coach Dang ngunit ini-banned din ng Pro-PH si Luban kaya wala silang choice kundi i-lock kay Shouyue at Cai Yan.

Matapos ang countdown. Nagsimula na ang kanilang practice match.