Parehong nasa mid lane si Jacian at Just habang naglilinis ng minions. Ginamit ng Pro-PH si Feyd na isang jungler core, kailangan nitong maka-develop sa early kaya bago pa makaabot sa four minutes ang match only success is allowed, no failure. Hindi rin ito makapag-set ng pace sa early kaya tumatago pa ito sa sariling jungle sa ngayon. Dahil d'yan, naubos na ni Just at Jacian ang minions sa mid pati narin ang river sprite.
Maging ang mid lane ng Pro-PH na si Lady Zhen ay na-suppress 'din ni Jacian. Matapos ihatid ang mga minions sa enemy tower pumunta siya sa farm lane para mag-assist, wala namang problema sa clash lane dahil malakas si Blue at bukod kay Captain Ning wala ng nakakapatay sa kanya.
Tinulungan ni Jacian na ihatid ang mga minions sa tower bago pumunta sa river para kunin ang isang creeps ng enemy.
"Shouyue, kunin mo 'to." Ani Jacian habang pinapababa ang HP ng creep.
"Papunta na." Sagot ni Lucky at ginamit ang kanyang second skill kaya nakuha niya iyon.
Napa-'tsk' naman ang marksman at support ng Pro-PH nang makuha ni Lucky ang creeps malapit sa kanilang tower.
"Nanakaw?" Tanong ng kanilang jungler. Napa 'oo' naman ang dalawa sa farm lane. "Okay lang yan, i-gagank ko ang mid laner nila."
Nasa clash lane pa ang jungler ng Pro-PH para kunin ang sprite sa clash lane, ini-adjust niya ang screen ng moblie phone para tingnan ang mid laner ng FTT ngunit na-shock siya nang makitang dumaan ito sa river pabalik sa mid lane.
Nandilim ang mukha ng jungler ng Pro-PH. "Sino 'tong mid laner ng FTT? Ang lakas ng loob niyang dumaan sa river gamit si Dr. Bian? Hindi ba siya natatakot na may mang-gank sa kanya?" Tanong nito na may bahid ng pagkainsulto.
Karamihan sa mga pro players, sa tuwing pupunta sila sa farm lane or clash lane dumadaan sila sa sarili nilang jungle para maiwasan ang ma-gank, lalo na kung walang mobility ang hero. Ngunit itong gumagamit ng Dr. Bian dumaan ito sa river na animo'y pati ang river ay sarili niyang lane, hindi man lang natakot na baka biglang may sumulpot na enemies at patayin siya, not to mention na si Feyd pa ang gamit ng Pro-PH na siyang lumilipad at kakaapak sa mga pader katulad ni Ling sa MLBB.
Nang makitang kampanteng dumaan sa river ang mid laner ng FTT, nandilim ang mukha ng jungler ng Pro-PH. "Nahihinaan ba siya sa team natin? Ganun siya ka arrogant?" Saad nito.
Sumagot naman ang katabi niyang mid laner. "Magaling ang mid laner ng FTT, malakas ang game awareness niya. Dumaan siya sa river kasi alam niyang nasa clash lane ka."
Napagtanto naman iyon ng jungler kaya tumahimik na ito.
Sa loob ng 4 minutes match, nag-spawned ang overlord/tyrant. Sa tuwing aabot ng 4 minutes ang match, hindi pinapansin dito ang overlord dahil mas priority ng teams ang tyrant, mas nadadagdagan ang damage ng skills ng hero at basic attack kapag nakuha nila ang tyrant, ngunit pag-umabot sa 10 minutes mas recommend na kunin ang overlord. Bakit? Mas magiging malakas ang damage ng minions at mabilis nilang masisira ang turrets ng kalaban.
Parehong teams ang pumunta sa tyrant para pag-agawan ito, walang sino man ang willing na makuha ang tyrant. Dahil si Yuhuan ang gamit ni Just, mahirap mag-survive sa mga assassin hero lalo na kung cooldown ang ult pero dahil plano nilang kunin ang tyrant, hindi ginamit ni Just ang kanyang ult at hinayaang gamitin ang ibang skills, hindi naman sila nauubusan ng HP dahil nand'yan si Jacian gamit ang hero nitong si Dr. Bian na exaggerated sa healing.
Mabilis lang ang cooldown ng ult ni Dr. Bian kaya ginamit ito ni Jacian ang ult nang makitang wala na silang HP si Just.
Hinayaan nilang mauna ang Pro-PH sa tyrant pit dahil masyadong mailap Feyd, kung mamamatay si Just wala na silang taga-kontrol ng laro at mahihirapan si Lucky makisali sa teamfight.
Ginamit ni Just ang kanyang crowd control para i-stunned dalawang enemies at kinuha ni Lucky ang opportunity na iyon para barilin ang dalawang enemies. Sa isang kisap ng mata nagkagulo sa tyrant pit dahil sa teamfight, tatlong enemies ang pinapatumba at hinaharang si Just para hindi nito manakaw ang tyrant ngunit nang makitang isang bar nalang ang HP sumugod pa siya gamit ang kanyang ult dahilan para mapunta siya sa tyrant, nang mawala ang kanyang ult na 'untargetable' ginamit niya ang first kill at smite.. sa isang kisap ng mata..
(Yuhuan)Defeated(Tyrant)
Nakuha ni Just ang tyrant!
Ngunit isang guhit nalang ang kanyang HP, ginamit ni Jacian ang kanyang flash para lapitan si Just at ginamit ang ult at second skill para ma-heal ito. Ngunit dahil sa skill combo ng enemies, tumama iyon lahat kay Jacian at hindi niya nakayaan kaya na-slain siya.
"Nice! Nakuha ang tyrant." Nakangiting saad ni Jacian sa headphones.
"Wala pang match na hindi nakuha ni Cap Tin ang tyrant." Saad ni Lucky habang binabaril nito ang enemies. Ginamit ni Just ang kanyang crowd control at na-stunned si Di Renjie, binaril naman ito ni Lucky gamit ang second skill kaya tuluyan na itong namatay kahit dalawang bar pa ang HP.
Halos wala ng laman ang HP ng team Pro-PH dahil unang namatay ang kanilang support, samantala kalahati pa ang HP ng team FTT dahil marami silang healer. Sa isang tingin lang, ma wawipe out ng FTT ang Pro-PH sa isang wave lang.
Nang makitang na-stunned si Feyd dahil tinamaan ito ng skill ni Cai Yan na siyang hawak ni Gem, ginamit ni Just ang kanyang damage dahilan para tuluyan na itong mamatay. Si Feyd ang naka-slain kay Jacian nang mag-flash si Jacian para bigyan siya ng HP, si Feyd lang din ang pinatay ni Just para mag-revenge at ang apat ay napunta na kay Lucky, sa unang teamfight naka-quadrakill kaagad si Lucky.
Siya ang may pinakamataaas na gold at pinakamaraming kills. Nang mag-spawned uli ang Pro-PH, tinarget na nila si Lucky. Hindi nila pwedeng hayaang mag-level up ito dahil masyadong malakas si Shouyue pagdating sa late-game at hindi malabong maka-pentakill ito sa isang wave lang.
Ngunit masyadong malakas ang shield ng FTT at mahirap itong sirain gamit ang mapurol nilang sibat. Hindi 'rin hahayaan ng FTT na ma-slain si Lucky kaya naka-protekta sila kay Lucky dahilan para na-wipe out uli ang Pro-PH at maka-triple kill si Lucky.
Tumagal ng 12 minutes ang match at natapos ito nang nasa FTT ang victory. B03 ang laban nila ngunit hindi nanalo ang Pro-PH kahit isang beses at nanatiling 3-0 ang score. Nagpaalam si Coach Dang sa coach ng Pro-PH at nilinga ang limang players.
Nginitian ni Coach Dang si Lucky na siyang MVP sa match. "Kaya ng bumuhat?" Tanong ni Coach Dang at umupo sa sarili niyang gaming chair, kinuha niya ang remote at ini-on ang TV para i-play ang practice match.
Napangisi naman si Lucky. "Hindi sa official tournament, Coach." Saad ni Lucky. Kaya niyang bumuhat sa practice match pero sa official tournament? Kapag nakaharap nila ang Team RG, kaya pa kaya ni Lucky bumuhat? Nand'yan si Captain Water na kayang mag-push mag-isa sa farm lane!
Inayos ni Coach Dang ang suot niyang salamin at hininaan ang volume ng TV. "Of course, pinapractice natin 'to dahil kung si Just ang laging core ng Team madali lang makapagpractice ng strategy ang ibang Teams, aaralin nila kung paano patayin si Just sa early game, pero...." Pambibitin ni Coach Dang. "Kung malakas ang lima sa inyo, hindi nila alam kung anong core system ba ang gagamitin natin." Sagot ni Coach Dang.
Isang Great Demon King si Just na tatlong beses nanalo sa Individual World Competition championship, isang top-tier clash laner si Blue, top-tier support si Gem at si Jacian, wala pa man siyang title pero kampante si Coach Dang sa playing style niya at hindi malabong magiging top-tier mid laner siya at magkaroon ng title. In short, sa kanilang lahat si Lucky lang ang mahina sa kanila, kaya pinapractice siya ni Coach Dang kung paano bumuhat.
Iba-ibang klaseng strategy ang meron ang mga teams, hindi nila alam kung anong strategy pa ang ilalabas ng taga-ibang division kaya mas magandang nakahanda na sila ng maraming strategy para hindi kaagad ma-expose ang pinakamalakas nilang core-system.
Sabi nga, sa huli hinahanda ang pinakamasarap na alak. Kaya sa regular season si Lucky muna ang core nila hangga't hindi pa kinakailangan.
Mabilis na lumipas ang oras at simula na ang practice match nila sa PKL Team Dreamers, katulad ng Pro-PH, nakapasok din sa playoffs ang Team na ito kaya masyadong seryuso ang ban/pick nila.
Mas malakas ito kumpara sa Pro-PH kaya napilitang gumamit si Jacian ng Nuwa sa match na'to. Si Nuwa ang mage hero na nakaka-teleport sa mapa at dahil d'yan, mabilis siyang nakakapunta sa farm lane para sagipin si Lucky.
Si Hou Yi ang gamit ni Lucky at mahirap mag-survive kapag nalapitan ito ng mga hero katulad nila Lu Bu, Musashi, Shangguan at iba pang hero na maraming mobility at nakakapag-tower dive.
Ngunit hindi ini-banned ng PKL Team Dreamers si Liu Bang na isa ring shield, hindi naman madalas gumamit ng Liu Bang si Blue dahilan bihira i-target ang marksman kaya laging pang 1v1 at core ang gamit niya pero dahil line-up ni Coach Dang ang sinusunod nila, kinuha ni Blue si Liu Bang.
Nasa kanila si Liu Bang at Nuwa na nakakapag-teleport kaya sa tuwing papatayin nila si Lucky, wala silang napapala at nadedefeat sa farm lane, kahit ang jungler ay napatay din ni Lucky.
Mabilis natapos ang B03 match at nanalo uli ang FTT sa score na 3-0. Sobrang smooth ng match nila at dahil malakas ang apat na teammates hindi na nahirapan si Lucky, naranasan niya rin kung ano ang pakiramdam ng pagiging core. Kahit hindi ganun kalakas ang Pro-PH at PKL Team Dreamers ramdam ni Lucky yung pressure, ganito pala kapag ikaw yung inaasahan ng buong Team, parang may nakalagay na isang sakong bigas sa likuran mo.
Kahit naman hindi niya na kailangan buhatin ang mga kasama niya, sa isipin palang na sa kanya nakasalalay ang result ng match sapat na 'yun para masira ang mental state ng isang player. Sa ilang season nilang naglalaro na laging si Just ang bumubuhat, ngayon alam na ni Lucky kung gaano kabigat ang pressure, lalo na't yung kanilang captain pa ang bumubuhat at ito pa ang nag-cocommand. Tapos minsan hindi pa nila nasususnod ang command ni Just at nasasayang yung opportunity, ngayon alam niya na ang pakiramdam ng core.
Yung ginawa niya kanina ay output lang ng laro, hindi siya bumuhat, hindi rin siya nag-command pero na-pressure na siya?!
Sobrang laki nga talaga ng agwat, siya na ang nahihiya sa kanyang teammates. Basura nga talaga siya, tama nga si Boss, basura ang gameplay niya.
Bagaman, habang nagsasalita si Coach Dang tungkol sa pagiging core ni Lucky, si Lucky naman ay abala sa pag-iisip ng kung ano-anong mga bagay-bagay, ngunit maya-maya lang biglang napakunot-noo si Lucky at hindi maiwasang hindi tingnan si Jacian na nasa tabi niya.
Tahimik si Jacian habang nakayuko at marahang itinutoktok ang mga daliri sa hita, seryuso siya at tahimik sa puntong mahirap alamin kung ano ang iniisip niya.
Nilinga ni Lucky si Coach Dang. "Wait, Coach." Saad ni Lucky.
Nahinto naman sa pagsasalita si Coach Dang at tiningnan si Lucky.
"Bakit hindi si Jacian ang maging core ng Team? Kapag nakalaban natin ang Team GOT-G, EPG at ibang teams na mid lane core ang gamit siguradong hindi makaka-survive ang marksman ko." Ani Lucky.
Napa-angat ang kilay ni Blue. "Noon binabackstab mo si Boss tapos ngayon gusto mo na siyang gawing core? Nagbago ka ata." Natawa si Blue. "Pero bakit hindi natin subukan na si Jacian ang maging core? Mas malakas ang rhythm ng team kung pangungunahan ng mid lane." Suhestiyon ni Blue.