Sa katunayan, may point si Blue. Malakas si Jacian at base sa mga ginamit nitong hero kahit soft mage pa 'yan, kayang kaya niya protektahan ang mid lane. Kung malakas ang mid laner at ito ang mag-seset ng pace gaano nalang kalakas ang rhythm nila? Malakas ang clash laner, malakas ang mid laner, malakas ang support sa farm lane at malakas si Just. Siguradong mahihirapan ang enemies na hanapin ang breakthrough point nila.
Ngunit sa kasamaang palad hindi nakakahawak ng assassin-type mage si Jacian at mahirap gamitin ang soft mage para mag-set ng pace. Hindi nila alam kung bakit ayaw ni Coach Dang pahawakin ng assassin-type mage si Jacian, sa nakikita nilang tacit understanding ngayon ni Just mukhang may pag-improve naman at medyo sync na ang dalawa.
Sa sinabi ni Blue, mabilis na sumang-ayon si Lucky at Gem ngunit nababahiran ng kung anong ekspresyon ang mukha ni Coach Dang, sa ekspresyon nito halatang hindi ito sang-ayon.
Napakamot si Coach Dang sa kanyang kilay at bahagyang inayos ang suot niyang salamin. "Ah.. ayun sa Coach Team napagdesisyonan naming huwag muna gagamit si Jacian ng assassin mage, si Lucky ang magiging core sa regular season at babalik sa pagiging core si Just sa playoffs." Saad ni Coach Dang.
Dahil sa narinig bahagya kumunot ang noo ni Lucky, Blue at Gem. Sanay na si Jacian sa mga big deal na bagay at halos hindi na siya nag-react nang marinig iyon, parang sinabi lang ni Coach Dang na maglalaro ng jungling si Just at si Lucky ang magiging marksman. Hindi siya nag-react.
Tahimik naman si Just ngunit makikitang bumakat ang panga nito na animo'y nangalit ang kanyang mga ngipin.
Naguguluhang nilinga ni Lucky si Coach Dang. "Coach, sa totoo lang, nagtataka talaga ako kung bakit ako ang ginagawang core sa practice match. Akala ko ginagawa 'to ng Coach Team para ma-improve ang marksman hero ko pero hindi ko in-expect na ako ang magiging core kahit sa regular season." Saad ni Lucky, nilinga niya si Coach Em na halatang nagtaka rin sa narinig. "Coach Em, nagplano kayo na hindi niyo man lang pinaalam sa amin?"
Samantala, nakagat ni Jacian ang ibabang labi at pasimpleng tiningnan ang mga tao sa loob ng training room. Hindi niya alam kung anong nangyayari, ang nasa isip niya lang ay wala namang mali kung si Lucky ang magiging core. May improvement narin si Lucky at kayang kaya niya magbigay ng damage sa kalaban as long as malakas ang protection, anong mali sa ganun? Wala siyang nakikitang mali kaya bakit hindi sang-ayon ang mga teammates niya sa plano ng Coach? Kung hindi lang sumagot si Lucky sasang-ayon na sana siya sa sinabi ni Coach Dang.
Tumayo si Coach Em at nagtatakang lumapit kay Coach Dang. "Hindi ko alam to, anong napagdesisyonan ng Coach Team? Wala kang sinabi sa akin na magiging plano ng FTT." Tanong ni Coach Em habang nakakunot-noo. Base sa itsura nito, halatang wala itong kinalaman sa sinabi ni Coach Dang.
Sa pagkakaalam ni Jacian, dalawa lang ang Coach ng FTT, si Coach Dang para sa professional esports players ng FTT at si Coach Em para sa second-string ng FTT. Kung hindi alam ni Coach Em ang sinasabi ni Coach Dang na napagdesisyonan ng Coach Team sinong coach ang kasama nito at nagdesisyong marksman ang magiging core ng FTT?
Samantala bago pa makasagot si Coach Dang nagsalita na si Lucky. "Coach Em, hindi mo alam? Dalawa lang ang Coach ng FTT. Nakaraan pa ako nagtataka kung bakit ako ang ginagawang core dito." Problemadong saad ni Lucky.
Sumandal naman si Blue sa kanyang gaming chair. "Ako rin, nagtataka ako kung bakit napunta kay Lucky ang core ng Team. Sa pagkakaalam ko mas bagay sa kanya ang pagiging support."
Dahil sa sinabi ni Blue sumama ang mukha ni Lucky.
Sa ilang season nilang naglalaro, hindi man lang pumasok sa isipan ng Coach ang maging core si Lucky ngunit ngayon, dumating lang si Jacian sa Team nila siya na ang naging core. Anong iniisip ng Coach Team? Kinuha ba nila si Boss para gawing support mage, simula nang pumasok si Jacian sa Team hindi niya man lang nagamit ang signature hero niya o yung mga hero na gusto niyang gamitin. Sa tuwing nagsisimula ang training at practice match lahat ng gagamiting hero ni Jacian ay naka-ayun sa kung anong sabihin ni Coach Dang.
Nang mapagtanto iyon hindi maiwasan ni Lucky ang hindi makaramdam ng unfair, lahat sila nagagamit nila ang mga signatures hero nila pero si Boss, hindi makagamit ng paborito niyang hero at laging nasa likod ng mga teammates niya para mag-support. Dinaig niya pa si Gem sa pagiging support, minsan mas nauunan pa siyang namamatay sa kanilang lahat para protektahan si Lucky at makakuha ng kill si Just para makapag-set ng pace.
Hindi lang siya support ni Just at Lucky, pain rin siya ng Team.
Sa kabilang banda, bahagya napaubo si Coach Dang at tiningnan sila. "Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, meron tayong bagong Coach at sa kanya galing ang strategy na 'to. Pupunta siya rito sa susunod na araw para tingnan ang training niyo." Saad ni Coach Dang.
Bahagyang kumunot ang noo ni Lucky. "Bagong Coach? Okay naman ang Team sa coaching mo." Saad ni Lucky.
"Yeah, pero may emergency ako at start ng minor game sa spring season kaya walang time si Coach Em para pumalit sa pwesto ko. Kaya kumuha ako ng bagong coach at siya muna ang magiging coach niyo sa regular season." Saad ni Coach Dang.
Napagtanto naman iyon ni Lucky at Blue kaya napatango sila.
"Pero, bakit pinabago ang strategy ng Team? Bakit hindi si Jacian ang magiging core? Sino 'tong bagong Coach, kilala ba namin 'to?" Sunod-sunod na tanong ni Lucky.
Tumango si Coach Dang. "Yeah, siya si Lan. Dating player ng FTT." Sagot ni Coach Dang habang nakatingin kay Just.
Lucky: "......"
Samantala bahagyang nagsalubong ang kilay ni Blue.
Hindi naman nag-react si Jacian, ngunit bahagya napa-angat ang dalawang kilay niya. Kung hindi siya nagkakamali, si Lan yung sinasabi ng mga viewers sa livestream niya nung araw na nag-lalive siya ng match ng FTT at RG. Ayun sa viewer na nag-comment ng jejemon, merong dalawang God ang FTT, si Just na isang jungler at si Lan na isang mid laner. Hindi na matandaan ni Jacian ang eksaktong comment ng jejemon na iyon ngunit natatandaan niyang nanalo ang FTT sa World championship dahil sa mid/jungle dou ni Just at ni Lan.
Unang team sa PKL na nanalo ng World championship trophy kaya marami ang nanghinayang nang mag-retired ito, nag-retired ito dahil injured ang kamay matapos ang match. Ngunit ngayon, bumalik ito sa FTT para maging coach.
Wala naman masyadong impresyon si Jacian kay Lan at nakinig lang sa paliwanag ni Coach Dang.
Ngunit maya-maya lang ang tahimik na si Just sa tabi ni Jacian ay biglang tumayo at walang sabing binuksan nito ang pinto ng training room at lumabas, bahagya pa itong kumalabog nang sumara kaya pare-pareho silang napapitlag.
Si Jacian lang ang hindi nagulat sa kanila dahil nakita niyang kanina pa madilim ang itsura nito at halatang tutol sa plano ni Coach Dang ngunit hindi nito alam kung paano sabihin.
Dahil sa ginawang walk out ni Just, biglang tumahimik sa loob ng training room.
Sinara ni Jacian ang pinto ng training room at umakyat siya sa second para bumalik sa kanyang dorm. Hindi niya alam kung bakit nagkalabuan sa training room kanina dahil bago mag-start ang practice match ay okay naman sila. Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi mapabuntong hininga at pumasok sa bathroom para maligo. Paglabas niya binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita niyang 11:05 p.m na.
Lumapit siya sa white board malapit sa salamin na nabinta at inayos ang mga papel na nakadikit doon. Wala siyang oras para ayusin iyon nitong mga nakaraang araw dahil sunod-sunod ang training at practice match nila kaya nagdesisyon siyang ayusin ito ngayon.
Habang dinidikit ang mga notes sa may kalakihang white board, naagaw ang atensyon ni Jacian sa likuran ng base nang makita niyang may umiilaw doon. Mula sa pwesto niya sa second floor, makikita ang malawak na garden sa likod ng base na puno ng mga halaman at ilang malalaking puno.
Sa baba ng puno, makikitang naka-upo si Just habang nasa gilid nito ang phone na bahagyang nakabukas na pinanggagingan ng liwanag. May kunting usok sa paligid niya at halatang naninigarilyo ito.
Kinuha ni Jacian ang kanyang hoodie jacket at lumabas ng dorm, pumunta siya sa likod ng base kung nasaan ang malawak na garden at nakita niyang naka-upo parin doon si Just habang naka-suklob ang hood ng jacket nito sa kanyang ulo. Nakita niyang binitawan ni Just ang upos ng sigarilyo at bahagya itong inapakan.
Sa lalim ng iniisip ni Just hindi niya na namalayang nakalapit na siya at napagtanto niya lang na may tao nang magsalita si Jacian.
"Hindi ko alam na may garden pala dito." Saad ni Jacian dahilan para mabasag ang katahimikan ng paligid. Umupo siya sa tabi ng cellphone ni Just at sandali itong nilinga.
"Bakit nandito ka? Sobrang lamig." Ani Just habang nakatingin sa kanya. Malamig ang mga mata ni Just at kung hindi lang dahil kalmado ito magsalita ay mapagkakamalan itong masungit.
Binawi ni Jacian ang kanyang mga mata at tiningnan ang malawak na garden. Hindi talaga siya marunong mag comfort ng isang tao dahil siya sa sarili niya ay hindi niya naman kailangan nun, ngunit nang makita niya kanina si Just na mag-isang naka-upo habang naninigarilyo hindi niya mapigilang hindi ito puntahan para i-comfort.
"Nag-away ba kayo ni Coach Dang?" Tanong ni Jacian. Matapos niyang sabihin iyon ay nilinga niya si Just sa kanyang gilid para tingnan ang reaksyon nito ngunit nakita niyang kalmado parin ito.
Hindi sumagot si Just, nilinga lang nito si Jacian na nasa kanyang kanan bago nagbawi ng tingin. "Jacian."
Nilinga niya si Just. "Mn?"
"Narinig ko kay White na wala kang balak maging professional e-sports player, bakit nagbago ang isip mo?" Tanong ni Just.
Napakamot naman si Jacian sa kanyang tenga. "Parang ganito kasi 'yan, hindi sa ayaw kong maglaro ng professional, gusto kong maglaro pero sa Individual Competition. Ayokong maglaro ng 5v5 kasi alam kong iba ang mindset ko sa magiging teammates ko, katulad niyan wala tayong tacit understanding tingin ko pinagulo ko lang ang sitwasyon niyo." Seryusong saad ni Jacian.
"Individual Competition?" Tanong ni Just, napa 'mn' naman si Jacian. "Bawat season ang Individual Competition, pwede kang magpa-register kapag nagsimula ang playoffs."
Umiling si Jacian. "Wala na akong balak sumali sa Individual Competition ngayon, mag-fofocus ako sa 5v5." Saad niya.
Pareho silang tumahimik ni Just, tanging ang tunog lang ng gamu-gamu ang maririnig na kanina pa umaaligid.
Ngunit napakunot-noo si Jacian nang maalala niyang hindi pa sinasagot ni Just ang kanyang tanong. "Kanina, nung sinabi ni Coach Dang na si Lucky ang magiging core ng team, hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya. "Nagtaka rin ako nung sabihin ni Coach Dang na si Lucky ang magiging core ng Team, kasi bakit kailangan pang palitan? Nasanay na kaming ikaw ang core kaya mahirap mag-adjust kung si Lucky ang magiging core. Lahat tayo kailangang pumunta sa farm lane para protektahan ang marksman." Seryusong aniya ngunit matapos sabihin iyon maya-maya lang ay nakita niyang umangat ang magkaibang gilid ng labi ni Just at bahagya itong natawa.
Jacian: "?"
Hindi alam ni Just kung bakit pinuntahan siya ni Jacian sa garden, ngunit nang marinig niya ang sinabi ni Jacian ngayon hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti.
Tiningnan niya si Jacian na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya. "Pumunta ka ba rito para i-comfort ako?"
Jacian: "......"
"Iniisip mo na nag-walk out ako dahil si Lucky ang ginawang core ng Coach Team at hindi ako?"
Jacian: "!"
Hindi ba? Akala niya nag-walk out si Just dahil hindi siya sang-ayon na si Lucky ang magiging core, mukhang nagkamali siya ng pagkaintindin. Pero kung sang-ayon si Just bakit siya nag-walk out?
Tumango si Jacian para sabihing tama ang iniisip niya. "Kung ayos naman sa'yong si Lucky ang core ng Team, bakit nagalit ka kay Coach Dang?" Tanong niya.
Laging magkasama si Coach Dang at Just kaya nakakapagtaka na biglang nagkalabuan ang dalawa, kung titingnan mabait naman si Coach Dang at halatang understanding ito, hindi niya rin maisip ang dahilan kung bakit nagalit si Just.