"Tama ang iniisip mo, hindi ako agree na si Lucky ang core ng team." Malamig na tugon ni Just.
Naguluhan si Jacian. "Bakit?"
"Dahil gusto kong ikaw ang maging core ng Team." Saad ni Just habang seryusong nakatingin sa kanya.
Natigilan naman si Jacian. Gusto ni Just na siya ang maging core ng team? Ito ang dahilan kung bakit nagwalk out ito, hindi ba parang ang babaw naman? Ngunit hindi iyon ini-voice out ni Jacian, tiningnan niya lang si Just na animo'y hindi makapaniwala.
"Ako? Bakit mo naman naisip 'yan?" Natatawang aniya at nagbawi na ng tingin.
Sa katunayan may point naman si Coach Dang na hindi siya pwedeng maging core ng team, hindi pa sila sync ni Just at sobrang hirap maging mid lane core kung wala silang tacit understanding ng jungler. Hindi siya kayang sabayan ni Just kung gagamit siya ng assassin-type mage pero kapag si Just ang core kaya niya itong sabayan kahit anong hero pa ang ilabas ni Just, kung titingnan ang perspective ng Coach Team ang tamang desisyon ay gawing core si Just. Ayos rin kung si Lucky ang magiging core dahil malakas silang apat at napakadali lang para sa kanila ang protektahan ito sa early game pero hindi ganun kataas ang win rate nila kung makakalaban nila ang mga top-tier team.
Kinuha ni Just ang isang pack ng sigarilyo sa kanyang bulsa at kumuha ng isang stick, inilagay niya ito sa kanyang bibig atsaka sinindihan. Nang sipsipin niya ito, saka lang siya nakaramdam ng kalma.
"Simula nang dumating ka sa base, hindi ka pinapayagan ni Coach Dang na gumamit ng assassin-type mage. Hindi ka ba nakakaramdam ng sama ng loob?" Tanong ni Just. Hindi naman sumagot si Jacian. "Hindi ako galit kay Coach Dang, ayoko lang ng bagong coach na kinuha niya." Ani Just at ibinuga ang usok.
Sandali namang napaisip si Jacian. Si Lan ang isa sa magiging coach nila ngayong regular season, busy si Coach Em sa second-string Team kaya si Lan ang magiging coach nila, hindi nila alam kung bakit kailangan pang kumuha ni Coach Dang ng isa pang coach dahil pag-alis ni Just hindi na nito tinapos ang sasabihin at sinabing bukas nalang ituloy ang training. Hindi nila alam kung anong dahilan ni Coach Dang.
"Manganganak na ang girlfriend ni Coach Dang kaya wala siya sa regular season para maging coach. Kumuha siya ng bagong Coach para pansamantalang samahan tayo sa regular season pero, hindi ko in-expect na kukunin niya si Lan." Ani Just.
"Si Lan 'yung dating mid laner ng FTT, diba? Bakit ayaw mo siyang maging Coach, mas maganda ngang maging Coach ang dating teammates kasi alam niya ang playing style ng Team." Ani Jacian.
"Siya ang gumuwa ng strategy na gawin kang assist at ako ang core, ganito rin ang strategy na ginawa niya noon at hindi ako nag-enjoy." Mapait na ani Just.
Bahagya namang natawa si Jacian sa sinabi niya. "Mm, hindi ka nag-enjoy pero nakadalawang pentakill ka sa isang round."
Idiniin ni Just ang dulo ng stick sa upuan para patayin ang apoy. "Hindi ko gusto yung mga hero katulad ni Augran, napilitan lang akong gamitin dahil hindi makasabay si Lan. Hindi niya ako kayang sabayan gamit ang assassin hero, bukod sa binago ang playing style ko hindi ko rin nagamit sa arena ang mga signature hero ko." Kwento ni Just.
Bahagya namang natigilan si Jacian. "Hindi mo signature hero si Augran?" Nagtatakang tanong niya. Umiling naman si Just dahilan para magulat siya. "....."
Yung ganung playing style hindi niya pa signature hero?! Hindi alam ni Jacian kung paano mag-react.
"Pinilit niya ako maging core noon dahil mahina siya sa assassin-type mage at hindi niya rin kayang mag-set ng pace kung walang assist ng jungler kaya walang choice ang Coach Team kundi gawin akong core." Saad ni Just.
Tahimik naman si Jacian habang nakikinig, hindi niya in-expect na nasa ganitong sitwasyon pala ang Great Demon King. Ang alam ng maraming fans ay signature hero nito si Augran kaya sila ang nalulungkot para kay God J na hindi nito nakukuha ang kanyang signature hero, sinong mag-aakalang napilitan lang ito gumamit ng fighter hero para lang makasabay ang kanyang teammates.
Tiningnan niya si Just na ngayon ay inaapakan ang upos ng sigarilyo. "Hindi mo gusto ang maging jungler core?" Tanong niya.
"Hindi ko hate ang pagiging jungler core, may mga nakikita lang akong players na may kakayahang maging core pero hindi pinapagbigyan ng coach." Matapos sabihin iyon ay bahagya siyang nilinga ni Just. "Isa ka nakikita kong pwedeng maging core, pero ngayong si Lan ang magiging coach natin gagawa nanaman siya ng strategy na ako ang core. Sinabi ko na kay Coach Dang na huwag niyang kunin si Lan pero kinuha niya parin." May halong pagkainis na saad ni Just.
Doon lang napagtanto ni Jacian ang lahat. Ayaw ni Just sa strategy ni Lan pero kinuha parin ito ni Coach Dang kaya nag walk out si Just.
Napakamot si Jacian sa kanyang kilay nang maisip 'yun, mukhang coaching palang magkakagulo na sila sa regular season.
"Ayaw mo bang maging mid lane core?" Biglang tanong sa kanya ni Just.
Napahinto naman si Jacian. Sa katunayan hindi naman importante sa kanya ang maging core o shield, wala naman siyang balak sumali sa e-sports noon at sumali lang siya ngayon dahil wala siyang magawa sa boarding house niya. Pero hindi niya pa nakakalimutan yung sinabi ni Chase sa kanya noon, sinabi ni Chase na kung maglalaro siya ng professional hindi sila pwedeng sumali sa iisang team, gusto ni Chase na pareho silang maging mid lane core at hindi raw ito papayag na gawin siyang cannon fodder ng mga teammates niya. Hindi naman sineryuso ni Jacian ang usapan nila ni Chase noon dahil wala siyang balak maging pro player, ngunit ngayong nasa ganung sitwasyon na siya nararamdam ni Jacian na gusto niya ring maging core. Pero hindi iyon sa puntong hindi niya na aayusin ang performance niya kung hindi siya ang magiging core, hindi niya rin naman pangarap ang maging MVP.
Pero syempre, nasa nature na ng tao ang inggit. Kapag nakakakita siya ng mid lane core hindi niya rin maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit. Sino ba namang pro player ang ayaw maging core? Only noobs.
Maraming clubs ang nag-invite sa kanya noon na sumali sa kanilang team, ngunit naisip noon ni Jacian kung sasali siya sa team siguradong gagawin lang siyang substitute. Sa mata ng mga pro players at coach, kahit gaano ka pa kagaling kung isa kang streamer mananatili kang nasa streamer level. Bata parin siya nung time na 'yun kaya hindi malabong gawin siyang substitute ng mga coach o di kaya'y ilagay siya sa mga walang laman na posisyon, hindi nakakatuwa maging substitute sa totoo lang, dahil hangga't kaya pang maglaro ng starter mananatili kang naka-upo sa bench habang hinihintay na sumama ang pakiramdam ng players o di kaya'y hintayin itong mag-retired. Maliban pa roon, hindi rin ganun kataas ang sweldo ng mga substitute kumpara sa mga official players kaya imbes na umupo sa bench at hintayin na mag-retired ang mga pro players, mas pinili ni Jacian ang i-reject ang invitation at manatiling trash talker sa streaming platform.
Siguro, kaya hindi siya pinapayagan ng coach na maging core dahil ang tingin nila ay pang streamer level lang siya.
Napabuntong hininga siya atsaka tumingin sa kalawakan. "Hindi naman importante kung sino ang core, as long as panalo ang Team ko mananatili akong support mage, ayoko rin namang maging core. Ayokong... ma-down yung taong mataas ang expectation sa akin." Sagot niya at bahagyang yumuko. Hindi alam ni Jacian pero nakaramdam siya ng kung anong kirot dahilan para mapayuko siya.
Sandaling natahimik si Just bago ito nagsalita. "Jacian." Tawag niya.
"Mn?"
"Sobrang matured mo." Biglang ani Just kaya nilinga niya ito. "16 ka palang pero kaya mong makipagsabayan sa amin, halos 6 years ang gap natin pero pakiramdam ko magka-edad lang tayo."
Ngumiti lang si Jacian nang marinig niya ang sinabi ni Just. Hindi ito ang unang beses na narinig niya iyon, maaga siyang nag-matured kasi bukod sa sarili niya wala na siyang ibang aasahan, wala siyang oras para maglaro katulad ng ginagawa ng 11 years old, mag-isip ng mga bagay na ikatutuwa niya, dahil simula nang iwan siya sa boarding house wala ng ibang nasa isip niya kundi ang kumita ng pera. Kung paano niya mabayaran ang utang at kung anong strategy nanaman ang panlaban niya kay Henry para hindi siya nito mabugbog.
Umiikot lang sa ganun ang buhay niya, mang ta-trash talk ng mga pro players at sabihang basura ang gameplay at makikipag-argue sa mga viewers, pag-uwi naman ni Henry ay nakikipagbuno siya rito at balik uli sa pagiging trash talker, kung brown out naman ay gagambalain niya si Rex na delivery boy para siya ang magdeliver.
Umikot na sa ganun ang buhay niya simula 11 years old kaya natutu na siyang maging matured, sa dami ng iniisip niya halos hindi narin sumasagi sa isipan niya na meron nga pala siyang magulang na iniwan siya. Pakiramdam kasi ni Jacian, bigla lang siyang hinulog sa Earth para mang trash talk ng mga pro players.
Habang iniisip iyon, nakita niyang kinuha ni Just ang cellphone at binuksan ito.
"By the way, why did you send me your resume?" Malumanay na tanong ni Just. Si Just yung tipo ng tao na merong masungit na mukha pero malumanay at sweet magsalita, para bang hindi pa siya nakakaranas makipag-argue sa buong buhay niya.
Kumunot ang noo ni Jacian. "Anong sabi mo?"
"Why did you send me your resume?" Tanong ni Just habang nakatingin sa kanya.
"Wala naman akong sinend sa'yo." Nagtatakang sagot ni Jacian.
"Pinasa mo sa account ko ang resume mo, hindi mo maalala?" Tanong uli ni Just.
"Nagpasa ako ng resume pero sa Official Page ng club niyo." Sagot niya uli.
Si Just na hindi pa nakakaranas makipag-argue ay simpleng binuksan ang kanyang Melon account at hinanap ang message ng username na Jacian Palma para ipakita ang ebidensya.
Nang makita ang ebidensya iniabot niya ang kanyang cellphone kay Jacian. Kinuha naman iyon ni Jacian at binasa ang maiksing conversation.
[Jacian Palma: Short but Sweet 😘
Name: Jacian Palma
Birthday: August 13, 2012
Age: 16
Sex: Male
Height: 175 cm
Position: Mid laner
Gameplay[Video] [Video]
Additional;
Kaya ko pong makipag 1v10 sa 10v10 mode ng HoK sa Chinese server, at ako na ang bahala sa trash talk segment ng playoffs. It would be a great loss for you if you don't accept this kind of talent. Thanks God J. -From Boss😘]
Jacian: "...............?" What the fuck?
[FTT' Just: Okay, no need for try out.]
Jacian: "?"
[Jacian Palma: Hala di nga? Pasado agad yung gameplay?]
[FTT' Just: Yeah, you're highly recommended by the owner of the club. Pwede kang pumunta sa base anytime para pag-usapan ang contract.]
[Jacian Palma: OK thanks God J😍. I'M COMING!!]
Jacian: "......................" This... anong kabaliwan 'to?
Kulang nalang ay magkaroon siya ng question mark sa mukha. Sinong gumawa nito sa account niya?! Wala siyang natatandaan na nag-message siya kay Just. Not to mention mag send ng ganung emoji at sabihing kayang makipag 1v10? Sobrang na-speechless si Jacian.
Iniabot niya ang cellphone kay Just at umiling. "Sino 'yang ka-chat mo? Hindi ako 'yan." Tanggi ni Jacian.
Ngayon, noo naman ni Just ang nakakunot. "Hindi ikaw?" Pinindot ni Just ang profile at dumeritso iyon sa account ni Jacian, makikitang walang post na kahit ano at tanging automatic greetings lang ng system ang laman ng timeline niya. Parehong pareho sa account niya.
Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi magtaka nang makita iyon. Kinuha niya rin ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang Melon app para ipakita ang laman ng chat list niya, sure enough wala roon ang account ni Just at tanging FTT Official Page ang nangunguna na sinendan niya ng resume. Sumunod naman ay account ni Coach Dang.
"Nag-delete conversation ka ba?" Tanong ni Just na inilingan niya.
"Account ko 'yang nag-chat sa'yo pero hindi ako ang naka-chat mo, paano------" Bahagyang humiwalay ang magkasalubong na kilay ni Jacian nang may maalala siya. Tiningnan niya si Just at tinanguan ito. "Alam ko na, si Chase ang naka-chat mo." Aniya.
"Si GG' Chase? Alam niya ang password ng account mo?" Tanong ni Just.
"Mn, siya yung gumawa ng account ko na yan kaya alam niya." Ani Jacian at ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone. Wala talaga siyang balak gumawa ng social media account pero nagpumilit si Chase at sinabing ito na ang gagawa, kaya nagkaroon siya ng Melon account. "Mamaya lang yun, gigisahin ko talaga 'yun." Ani Jacian.
Bahagyang tinitigan ni Just si Jacian bago niya hinithit ang paubos nang sigarilyo. Sobrang lamig na ng paligid dahil sa makapal na hamog kaya nagdesisyon si Just na bumalik na.
"Hindi ka ba natakot?" Tanong ni Jacian atsaka tumayo.
Umiling si Just at tuluyan na ring tumayo. "No."
Bahagya siyang natawa. "Kung ako 'yun, block yun sa'kin."
"Mn." Saad ni Just at inakbayan si Jacian.
Pasado na 12 o'clock nang bumalik sila ni Just sa kanilang dorm. Hindi na itinuloy ni Jacian ang inaayos niyang mga notes at dumeritso na sa kwarto para matulog.
Samantala, si Chase na out of country at kasalukuyang nasa Shanghai habang kumakain ng sweet and sour pork ribs ay biglang nakagat ang sariling dila. Nagtataka namang tiningnan siya ng kanilang jungler.
"May nakaalala siguro sa'kin." Ani Chase at nagkibit balikat.