Fourth week na iyon ng February at halos mag-iisang buwan na siya sa base. Painit ng painit na ang panahon dahil nagsisimula na ang summer kaya umaga palang ay naka-on na ang mga air-con sa loob ng base. Sa sumunod na araw, makikita ang post ng Philippine Kings League or HoK official league sa Pilipinas.
Nang buksan ng mga coach at players ang kanilang Melon app tumambad sa kanila ang pinakahinihintay nilang mainit na laban.
[HoK Philippines E-sports: The PKL 2029 has officially begun!
Calling all Honor Of Kings warrior!
Are you ready to bring your ULTIMATE MOVE to the battlefield? Bring your team to the Honor of Kings: Philippine Kings League (PKL)
Registration is OPEN NOW (February 21, 2029 until March 2, 2029) REGISTER YOUR TEAM TODAY! Start na ang REGULAR SEASON sa March 8, 2029.]
Dahil sa post ng PKL, nag-ingay nanaman ang mga pro players sa social media at nagising si Just dahil sa sunod-sunod na vibrate ng kanyang cellphone. Galing iyon sa group chat na [Professional crappy players] na ginawa ni Captain Water.
Dahil si Captain Water ang pinakamaingay sa lahat nangunguna kaagad ang kanyang chat.
[RG' Water: Hintayin niyo akong durugin kayo! 👊]
[RG' Water: See you in your base.]
[RG' Water: Magpupush na ba ako papuntang base niyo?]
[HUV' Kai: Pwede rin naman yung push patalikod @RG' Water]
[GOT-G' Lessen : @RG' Water stop day dreaming and wake up!]
[HUV' Alone: Kulang ata kayo sa tulog.] Si HUV' Alone ay captain ng Team HUV kung saan naroon si HUV' Kai na kaibigan ni Just. Isang clash laner si Captain Alone at masasabing malakas ang kanyang hero kumpara sa ibang clash laner, pero hindi kay Blue.
[RG' Water: Kahit 1v2 pa sa farm lane.]
[RG' Crowd: Wag kayong maingay guys, nagdadasal pa yan kung paano makapasok sa global competition dahil gusto niyang kalabanin ang team ni Ning.]
Dahil sa panlalaglag ni Crowd lahat sila ay nag-react ng 'haha'
[RG' Water: @RG' Crowd gusto mo bang bawasan ang sweldo mo?]
[RG' Crowd: Joke lang Captain. Spare me🙏🏻]
[GOT-G' Lessen: Sana all Captain yung nagpapasweldo, sa akin kasi jowa ko.] - with GOT-G' Shadow♥️
Just: "......."
[RG' Crowd: Ayy....walang ganyanan. MOBA games ba MOBA games. 🙄]
[HUV' Kai: Focus ba focus.]
[TK' Sin: .........]
[FTT' Just: What's up with you? @GOT-G' Lessen]
Tinawanan naman ni Captain Shadow ang chat ni Just. Alam ni Captain Shadow na si Just lang ang nakakaalam ng relasyon nila ni Lessen ngunit biglang nireveal ni Lessen dahilan para magtanong si Just ng ganun.
Naaalala ni Just nung lumapit sa kanya si Lessen at sinabi nitong nagugustuhan niya si Shadow, at sobrang pressure ito dahil hindi nito alam kung paano ipapaliwanag kay Shadow. Si Just na hindi pa nakakaranas makipag-relasyon ay hindi alam kung anong sasabihin at naging good listener lang kay Lessen nung mga oras na 'yun. Sinabi ni Lessen na ayaw niyang malaman iyon ng iba kaya kay Just niya lang sinabi, tahimik naman si Just at mapagtataguan talaga ito ng sekreto kaya malaki ang tiwala ni Lessen sa kanya. Hanggang sa nalaman ni Just na sila na ni Shadow nang magkwento si Lessen.
Nanatiling sekreto ang relasyon ni Lessen at Shadow at ilang taon narin itong tinatago ni Just, hindi niya lang in-expect dahil sa ilang taon niyang pagtatago ng relasyon ni Lessen at Shadow ay ibubulgar lang ito ni Lessen nang ganun kadali.
Halos hindi siya makapaniwala.
Hindi alam ni Lessen ang struggle ni Just sa tuwing magtatanong si Captain Sin kung may napapansin siyang kakaiba kay Lessen at Captain Shadow. Sa kanilang limang magkakaibigan na puro jungler, mas close si Just at Sin kaya hirap siyang magsinungaling kapag si Captain Sin ang kaharap niya, ngunit para sa kapakanan ni Lessen lagi niyang tinatanggi kay Sin na may relasyon ang dalawa at sinasabing hindi niya alam.
Tapos ngayon, nireveal lang ni Lessen nang ganun kadali, not to mention sa group chat pa. Ano palang point yung ginawa niyang pagtatago sa loob ng ilang year? Napailing nalang si Just at inilapag ang kanyang cellphone sa mesa para maligo. Pagbalik niya nakita niyang may private message siya galing kay Lessen.
Pinindot niya ang profile nito para basahin ang message.
[Lessen: Nakalimutan ko palang sabihin sa'yo, matagal na nilang alam ang relasyon namin ni Shadow at alam narin ng mga fans dahil sa ID ng alt account na l AM Sssdw tsaka I AM Lssn😝. So, hindi mo na kailangang itago.]
Hindi naman nag-react si Just at inilagay lang sa bulsa ang cellphone.
Dahil simula na ang panibagong season, umaga palang ay pinatawag na sila ni Coach Dang sa meeting room.
Medyo hindi sila nagkasundo sa usapan nila nakaraang araw kaya gustong linawin ni Coach Dang ang lahat para siguraduhing hindi magiging magulo ang kanilang regular season bago siya umalis. Kung hindi lang dahil manganganak ang girlfriend niya, sasamahan niya ang FTT sa buong season. Debut pa naman iyon ni Jacian at nalulungkot siya dahil siya ang coach ng FTT pero absent siya sa debut ng isang player.
Binuksan ni Coach Dang ang TV at hinarap ang mga players. Magsisimula na ang regular season ngunit hindi nababahiran ng tuwa at excitement ang mukha ng FTT. Gustong suntukin ni Coach Dang ang kanyang sarili dahil sa ginawa niyang desisyon, gusto niyang mag-sorry kay Just dahil bawat season nalang ay laging nagkakagulo. Gusto niyang maging smooth ang season na 'to at akala niya magagawa niya iyon ngayon dahil nakumbinsi niya si Boss ngunit sinong mag-aakalang palpak parin ang desisyon niya.
Bahagya niyang inayos ang kanyang salamin at tumikhim. "Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa magiging coach niyo ngayong season, hindi pa naman sigurado na si Lan ang magiging coach niyo, tinawagan ko lang siya dahil wala akong mahanap na maayos na coach para sa team natin. Pero ngayon nakapag-desisyon na ako, si Lan muna ang magiging coach niyo sa regular season at babalik ako playoffs." Saad ni Coach Dang. Tiningnan niya si Just na ngayon ay bahagyang nakatingin sa ibaba at mahirap alamin kung anong iniisip nito.
Samantala, tahimik naman si Jacian habang nakikinig sa paliwanag ni Coach Dang. Nang sabihin iyon ni Coach Dang bahagya itong huminto at alam ni Jacian na sinilip nito ang reaksyon ni Just.
Ilang segundo ang makalipas nang tumuloy si Coach Dang. "Hindi ko kayo masasamahan sa regular season dahil buntis ang girlfriend ko at manganganak siya sa first week ng March. Nag-announce ang PKL na March 8 ang simula ng regular season kaya masyadong hassle kung hindi ako kukuha ng bagong coach, masyadong malayo ang lugar namin sa base kaya mahirap kung uuwi ako at babalik sa tuwing may match." Paliwanag ni Coach Dang.
Naintindihan naman nila ang sitwasyon ni Coach Dang at kaagad tumango at sinabing huwag na siyang mag-alala sa kanila. Doon lang kumalma si Coach Dang. Pinakita niya ang kanilang schedule sa TV at sinabing may practice match sila sa ibang division bukas at si Lan ang magpapatraining sa kanila. Sinabi rin nitong huwag silang mag-alala dahil mabait si Lan at hindi naman ito mahilig mag-sermon ng mga players kaya wala silang dapat ikatakot. Tinanong pa nito si Just na kaagad tinanguan ni Just para ikumpirma na tama ang sinasabi ni Coach Dang.
"Okay, mukhang ayos naman sa inyo si Lan. Pupunta siya rito bukas at kailangan niyong magising ng maaga para i-welcome siya." Ani Coach Dang habang nakatingin sa kanila.
Doon lang nila nalaman ang tunay na dahilan ni Coach Dang kung bakit ito aalis, hindi nito nasabi kahapon dahil mainit ang tensyon, ngunit alam ni Just ang dahilan ni Coach Dang dahil kay Just niya ito unang pinaalam.
Nang marinig ni Lucky ang sinabi ni Coach Dang halos hindi ito makapaniwala.
"Grabe ka talaga Coach, pinahirapan mo masyado si sister-in-law." Biglang sabi ni Lucky.
Tiningnan siya ni Coach Dang. "Hoy, ginawa namin yun hindi pa ako ganito kataba."
Kumunot ang noo ni Blue. "Talaga? Hindi ko matandaan nung payat ka."
Sumang-ayon naman si Lucky sa sinabi ni Blue.
Sumama ang mukha ni Coach Dang dahil sa sinabi ni Blue at hindi alam kung paano sasagot. "Shh, may bata dito oh." Ani Coach Dang sabay turo kay Jacian.
Si Jacian na biglang naging bata: "???"
"Nga pala, napalitan mo na ba ang username mo sa Melon app? Naaalala ko sinabi ko sa'yo noon na palitan mo ang username mo." Tanong ni Coach Dang.
"Oo nga pala, hindi pa natin na-welcome si Jacian sa Team. Wala pa tayong announcement." Saad ni Lucky at kinuha ang chips na nakalapag sa mesa.
Umiling naman si Jacian. "Hindi ko pa napapalitan, nakalimutan ko. Papalitan ko na ngayon." Saad niya at binuksan ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa.
Tumango naman si Coach Dang habang hinihintay siyang magpalit ng username. Naka-usap na ni Coach Dang ang management ng Melon app at nai-send niya narin ang information ni Jacian sa manager, matapos palitan ng FTT' Boss ang username sinabi ni Coach Dang na hintayin niya lang ang verification.
Samantala napa-angat ang kilay ni Lucky. "Woah, dala mo na ang cellphone mo ngayon ah." Sita ni Lucky habang ngumunguya. "Hoy, hindi mo pa ako na-accept sa SweetTalk." Anito at binangga ang kanyang balikat.
Matapos palitan ng FTT' Boss, binuksan ni Jacian ang kanyang SweetTalk app para i-accept ang friend request ni Lucky. Nakalimutan niyang buksan ang contact dahil wala namang nag-se-send sa kanya ng friend request kaya bihira niya talaga buksan 'yun.
Tumunog ang cellphone ni Lucky at makikita ang notification na ini-accept ni Just Call Me Boss ang kanyang friend request.
Matapos ang kanilang meeting, sinabi ni Coach Dang na p'wede na silang mag-training para maghanda sa practice match nila bukas sa ibang division. Sinabi ni Coach Dang na nasa Indonesian division ang makakalaban nila sa practice match bukas at malakas ang kanilang marksman.
Nang marinig iyon ni Lucky hindi na siya nagdalawang isip at kaagad niyaya si Gem para mag-douque. Nag dou-que naman si Just at Jacian at nag-solo Q naman si Blue na siyang nasa clash lane.
Ginamit si Just si Lam samantalang ginamit ni Jacian si Lady Zhen, nasa international server sila at nakasamula nila si Linus na mid laner ng TK. Mabuti nalang at hindi Let's See What You've Got ang gamit na account ni Jacian, kung hindi baka na-pressure na si Linus makita palang ang ID. Let's See What You've Got ang naka-durog sa kanila ni Captain Sin nung unang livestream niya at unang douque nila ni Captain Sin.
Makalipas ang ilang oras at kumatok sa training room si Lacey para sabihing ready na ang tanghalian. Tinapos nila ang huling match at pumunta sa kusina para kumain, pagkatapos kumain nagdesisyong bumalik sa dorm si Just at Blue samantalang bumalik sa training room si Jacian kasama si Lucky at Gem.
Pinagpatuloy ni Lucky ang double Q nila ni Gem samantalang nag-solo queue si Jacian. Ginamit niya si Lady Zhen sa mid lane at nag-training ng nag-training, naghanap din siya ng magandang pwesto para sa mga brush na pwede niyang taguan at pumunta sa farm lane para alamin ang mga pwedeng daanan ng marksman.
Alas tres na nang matapos ang double ni Lucky at Gem, nagpaalam si Gem na bumalik sa dorm at pinayagan naman ito ni Lucky. Natapos ang solo practice ni Jacian at nang makitang hindi pa tapos si Lucky sa solo Q nito ibinalik niya sa phone holder ang mobile phone at pinanood ang gameplay ni Lucky.
Gamit ni Lucky si Marco Polo at na-suppress ito ng enemy jungler dahil biglang nag-retreat ang support.
"Shit!" Mura ni Lucky nang makitang mamamatay na siya. Sa isang basic attack ng jungler dumilim ang screen ng mobile phone ni Lucky at makikita ang salitang (Cirrus) Defeated (Marco Polo) sa screen.
Sumama ang mukha ni Lucky at inis na ibinalik sa phone holder ang mobile phone. "Kainis naman ng support! Nang-iiwan!"
Nanatiling nasa screen ang tingin ni Jacian hanggang sa sumabog ang crystal ng Team ni Lucky.
Napabuntong hininga si Lucky dahil sa lose streak. Maya-maya lang habang nakatingin sa screen napa-angat ang kanyang kilay at nagtatakang nilinga si Jacian.
"Bakit nag-send ka ng invitation?" Tanong niya.
Seryuso siyang tiningnan ni Jacian. "Double Q? Ako ang support." Saad nito.
Ilang segundo pa bago nakapag-react si Lucky.
Lucky: "????" Holy shit! Si Boss willing maging support niya?!