Chapter 57: The Trash Talk King Will Join E-sports?!

Alas sais palang ng umaga at tulog pa ang mga fans na nagpuyat sa online games, hindi nila namalayan ang post ng FTT Official Page at nakita lang nila ito nang tumutok sa 10 a.m ang oras.

[FTT Official Page: Welcome!@FTT' Boss buong puso ka naming tinatanggap sa FTT club bilang bagong mid laner ng aming team. Naniniwala kami sa lakas mo at naghihintay na iuwi ang championship trophy sa ating bansa!

[Photo]

Name: Jacian Palma

Game ID: FTT' Boss

Position: Mid Laner

Signing fee: 5.5 Million

Abangan ang performance ni Boss sa nararating na regular season!]

Nang i-refresh ng mga fans ang kanilang news feed, post kaagad ng FTT ang unang nakakuha ng atensyon nila. Ang mga fans ng FTT ay pumunta pa sa mismong official page para i-check kung tama ba ang nakita nila o kung official page ba talaga iyon ng FTT, ngunit naka-verified ang account maging ang account na FTT' Boss at napagkumpirma na tama nga ang nakikita nila.

What's going on?! Bakit nandito ang Trash Talk King?

Nang magising ang mga fans ng FTT at nagsimulang mag-scroll sa social media, nakita nila ang pinaka-latest post ng FTT Official page at hindi nila maiwasan ang hindi ma-shock!

Sa isang kisap ng mata nagdagsaan ang napakaraming comments dahilan para magising si Jacian dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Madaling araw na siya nakatulog kagabi dahil sa double Q nila ni Lucky at naghahabol siya ng tulog dahil may practice match pa sila mamayang gabi.

Bagaman, walang tigil sa pagtunog ang kanyang cellphone dahil sa sunod-sunod na mention at message sa puntong hindi na mag-loading ang ibang notifications at nanatiling naka-ilaw ang kanyang cellphone. Pikit mata niya itong kinapa sa gilid ng kanyang unan para i-off ngunit nang buksan niya ang kanyang mga mata napahinto siya nang makita ang 99+ notifications sa kanyang Melon account.

Bahagyang kumunot ang noo ni Jacian. Paano siya nagkaroon ng ganito kadaming notif? Iniisip niya kung meron ba siyang issue nitong mga nakaraang araw ngunit bukod sa nakasalamuha nila si Linus sa match wala namang ibang nangyari na p'wede gawa'n ng issue. Hindi naman siguro naglalive uli si Linus, hindi ba?

Dahil sa kuryusidad binuksan ni Jacian ang kanyang account at bumungad kaagad sa kanya ang post ng FTT. Naka-mention siya 'dun ngunit hindi niya na kailangan tingnan ang notice dahil nakita niya na kaagad.

5 hours ago na iyon na-post ng club at merong 990k likes at 2.1 million comments.

Nang makita ng mga fans ang post ng FTT, hindi mawawala ang 'Trash talker' sa kanilang comments. Ang mga fans na matagal nang nasa e-sport circle ay nagulat samantalang ang mga solid na fans ng FTT ay hindi matanggap.

Dahil sa biglaang post ng Official club naalarma ang mga fans na animo'y grupo ng mga daga na nakakita ng pusa.

[Fuck! Hindi ba ito ang Trash Talker sa Hi! streaming platform?! Yung trash streamer na laging banned ang account?!]

[What the fuck? Siya ang kinuha ng FTT na bagong mid laner?! With 5.5 million signing fee?!]

[Ang alam ko matagal nang naghahanap ng mid laner ang FTT at nag post sila ng announcement sa mga players na gustong magpasa ng resume. Hindi ko in-expect na kukunin talaga nila si Boss! Si Boss na isang Trash Talker?!]

[Kinuha ba nila si Boss para sa trash talk segment?! Wala ba talagang mahanap na mid laner ang FTT?! I'm so fucking disappointed @Coach Dang!]

[Kinuha talaga nila si Boss ah! In fact, magaling naman 'tong trash steamer na 'to pero hindi ko gusto ang bibig niya!]

[Ang sabi ng trash na 'to sa livestream niya hindi siya maglalaro ng professional pero ngayon naka-sign in na siya sa isang Team?! @FTT' Just, you better buy some packing tape.]

[Hehe, anong sinasabi niyo d'yan sa taas? Hindi ko kilala 'tong si Boss pero hindi siya halatang pro player, wala siyang tigyawat, maputi at cute pa. Hindi ba siya nagpupuyat?]

[Tao d'yan sa taas, mukhang ikaw yata ang puyat.]

[Shit! Si Boss ba talaga 'yan?! Hindi ba sabi niya titigil na siya sa pagiging streamer at maghahanap ng maayos na trabaho?!]

[Holy shit! I refuse to believe! Si Boss ba talaga 'yan?! Maglalaro na talaga siya sa professional arena?!]

Ang mga viewers ni Boss sa Hi! Streaming platform na araw-araw nag-aabang ng livestream niya at tuwing linggo lang nagpapahinga ay nagulat nang makita ang announcement. Matapos ang pangyayari sa tulay at ma-hospital ito ng ilang araw, hinintay nilang mag-live si Boss at nang mag-online ito sinabi nitong titigil na siya sa pagiging streamer at maghahanap ng trabaho.

Nalungkot sila nung time na 'yun dahil wala ng trash talker na inaabangan nila tuwing Lunes at Sabado, ngunit alam nilang depressed si Boss kaya hinayaan nilang bitawan nito ang pagiging streamer at maghanap ng simpleng trabaho. Pagkatapos magpaalam ni Boss sa kanila hindi na talaga ito nagparamdam at naisip nila na baka hindi na talaga babalik ni Boss sa pagiging streamer, ngunit makalipas ang isang buwan at ilang linggo hindi nila in-expect na makikita uli nila si Boss at isa na itong professional e-sports player!

Sa katunayan, tinanong nila noon si Boss kung may balak itong sumali sa e-sports at lagi nitong sinasabi na wala siyang plano pumasok sa professional e-sports circle. Sa dami rin ng na-trash talk ni Boss siguradong hindi siya makakalabas ng buhay kung papasok siya sa base, hanggang sa nagtagal hindi na nila ini-bring up ang topic tungkol sa e-sports circle.

Hindi lang nila in-expect dahil si Boss, isang trash talker na ayaw maging pro player at ini-enjoy mang-trash talk ng pro players ay isa naring pro player?

Bumalik ata ang Earth?

Hindi sila makapaniwala, halos kusutin pa nila ang kanilang mga mata kung si Boss ba talaga na trash talker itong nasa picture ngunit kahit anong kusot at kurap pa ang gawin nila ay hindi nila mababago ang mukha na nasa picture.

Kulang pink ang buhok nito, maputi ang balat at maputla ang labi na animo'y kahit kagatin nito ang labi ay hindi pupula, meron ding nunal sa ibaba ng labi nito katulad kay Boss at may bilogang mga mata dahilan para magmukha itong cute ngunit nakakapikon kapag ibinuka na nito ang kanyang bibig.

Sure enough, si Boss nga ang bagong mid laner ng FTT. Kilalang kilala nila si Boss, maliban kay Boss wala na silang kilala na kapag tiningnan mo ay mahihimatay dahil sa putla.

Kung ang mga fans ng FTT ay hindi matanggap, ang mga fans naman ni Boss ay hindi makapaniwala. Lahat sila ay may iisang tanong...

What's going on?! The Trash Talk King will join e-sports?!

Bagaman, hindi naman ganun kadami ang fans ni Boss dahil bukod sa banned ang account niya, puro anti-fans din ang nasa loob ng livestream room niya. Sunod-sunod na dumagdag ang napakaraming comments at doon palang malalaman kaagad na hindi sila sang-ayon na maging player si Boss ng FTT.

[Wala kaming pakialam d'yan sa Boss niyo o kung sino pa 'yan! Boss must leave FTT! HINDI KAMI TUMATANGGAP NG TRASH TALKER!]

[Nasa MLBB 'to diba? Mga troll talaga basta galing sa ML tapos ngayon lilipat dito sa HoK, kailangan namin ng peace of mind!]+1 +999...

Mukhang nagising narin ang mga fans ni Boss ngayon at nag-iingay narin sila para labanan ang mga anti-fans ni Boss. Kaunti lang ang fans ni Boss ngunit kung trash talkan lang ang usapan kahit 1v5 pa. Para silang may sampung bibig at twenty na daliri.

[Bullshit! Anong pakialam mo kung galing si Boss sa MLBB?! Ilang years na kayong nasa HoK pero isang beses lang nanalo ang PKL? Tingnan niyo ang MPL sunod-sunod nasa Pilipinas ang world championship eh kayo d'yan sa PKL? Isang trophy lang ang naiuwi ang hihina niyo pala. Trash!]

[Fuck you! Bumalik kayo kung saan kayo nanggaling! Mga brand X!]

[Ampota! Ambobo amp! Mga noobs talaga ang PKL players! Nagkakalat lang kayo ng basura!]

[#PKL huwag pong mag-sleepwalking habang nasa match. Ang lakas natin sa MPL pero basura sa PKL. 😔]

[Sus! Nadurog lang ni Boss yang mga professional crappy-- este pro players niyo umiyak na kayo! Baka kahit Epic sa ML hindi kayo makaalis! Iyak nalang, Trash!]

[So what? Hindi naman individual ang usapan sa e-sports! 5v5 po ang HoK kaya kahit gaaano pa kagaling ang Boss niyo hihingi parin 'yan ng assist kay God J!]

[Si Boss ba ang hihingi ng assist o si God J? Paki-ayos naman po yung sentence, ang hirap pong magbasa ng typo.😔]

[Waiting sa failure ni Boss! Tingnan natin kung gaano ba talaga siya kagaling o baka naman hanggang bibig lang! 🤣🤣]

[Shut up trash! Magparank ka muna!]

[Hintayin niyo nalang sa regular season.] +1 +999...

[Hindi pa nagsisimula nag-aaway away na. Ano ba 'yan, ang gulo niyo talaga.]

[Tingin ko talaga hindi rin gusto ng FTT members itong si Boss, kasi tingnan niyo 5 hours na pero hindi parin nila winiwelcome si Boss. Kay Savage noon pag-post palang ng official page nag-welcome kaagad nila. Hindi rin masisisi, si Lucky ba naman pinaka-unang tinrash talk sa PKL.]

Sa kabilang banda, ang FTT members na kagigising lang ay mabilis na binuksan ang kanilang Melon account nang malamang naglabas na ng announcement ang official Page. Ini-share nila ang post ng Official Page at nilagyan ng caption na 'Welcome @ FTT' Boss.' 'Welcome to the team' and so on..

Nang makita ng mga fans ng FTT ang repost ng kanilang paboritong pro players hindi nila maiwasan kundi ang manahimik.

Maging ang mga fans ni God J ay hindi na nakapag-trash talk nang mabasa ang caption sa repost nito.

[FTT' Just: Welcome @FTT' Boss, I'm happy to have you on our team, as your captain, I'll take good care of you in the future.]

Makalipas ang kalahating oras ni-repost ni Jacian ang post ng page at naglagay ng simpleng caption.

[FTT' Boss: Thank you @FTT Official Page, Thank you @Coach Dang.]

Nag-comment naman si Coach Dang at Lucky sa post ni Jacian.

[Coach Dang: Welcome, Son. 😙]

[FTT' Lucky: Ang taas ng signing fee mo, gagi! Ngayon ko lang napansin. 😆😘]

Nang dumaan sa newsfeed ni Jacian ang post ni Just nag-comment siya roon sa kadagat-dagatang trash talk ng mga fans.

[FTT' Boss: Thanks Captain @FTT' Just (⁠◠⁠‿⁠◕⁠)]

Makalipas ang ilang segundo nang mag-reply si Just.

[FTT' Just: Mn. Go to my room.]

[FTT' Boss: Para?]

[FTT' Just: Malalaman mo kapag pumunta ka.]

Wala ng reply si Boss at nag-react lang sa reply ni God J.

Fans: "???????"

Anong nangyayari? Bakit parang close ang dalawa? Pinapunta ni God J si Boss na isang trash talker sa room niya? "....................."

Isang mid laner si Boss at jungler naman si God J, hindi malabong hindi sila nag-doudouque at madalas magkasama, kung tama ang iniisip nila malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mid/jungle dou ang FTT.

Bagaman, nang mabasa ang maiksing conversation sa comsect..... Sure enough, active nanaman ang mga malisyosong fans.

[Holy shit! Nasa loob sila ng dorm ni God J?! Anong ginagawa nila?!]

[Bakit naman pupunta si Boss sa dorm ni God J? Hindi kaya bend si Boss?]

Mga lolo ni Boss: [Hindi po gay ang apo ko.]

[Seriously? 11 a.m palang oh, hindi naman siguro nila ginagawa 'yun diba?]

[Tao d'yan sa taas, masyado pang bata ang apo ko para d'yan sa iniisip mo.]

[Sisihin niyo ako guys, pero ship ko sila!Hindi mahilig mag-online si Just sa Melon at bihira lang mag-post, pero nag-reply siya sa comment ni Boss at sinabing pumunta sa room niya? Sa comment section pa, p'wede namang i-private message si Boss diba so bakit sa comment section pa?]

[Easy, gustong ipaalam sa atin ni Just na gusto niya si Boss.]

Mga fans ni God J: ?????? Anong kaguluhan 'to? Sinasabi niyo bang bakla ang asawa namin?

[Pwedeng pakitikom po ang bibig, hindi po bakla si Boss!]

[Kung meron mang bading dito, si God J na 'yun. Dinadamay niyo pa si Boss.]

[Mabebend din 'yan si Boss, puro lalaki ba naman sa loob ng dorm.]

Mga lolo ni Boss: "..............."