Chapter 58: Holy shit! Akala ko may babae sa base!

Suot ang jogging pants at t-shirt, pumunta si Jacian sa dorm ni Just. Kakatapos niya lang maligo ngunit makikita ang buti-butil na pawis sa kanyang noo dahil sa init ng panahon, naka-on naman ang air-con ngunit hindi iyon sapat para maging malamig sa loob ng base. Mukhang hindi nababaan ang temperature ng air-con kaya mainit parin.

Nang marating ni Jacian ang dorm ni Just, kinatok niya ang pinto na bahagyang nakabukas, ngunit hindi niya makita ang tao sa loob ng room at hindi alam ni Jacian kung naroon ba ang kanilang captain. Sumandal siya sa pader habang nag-scroll scroll sa Melon ngunit ilang sandali lang nang bumukas ng malaki ang pinto.

Halatang kakatapos lang din ni Just maligo dahil hindi pa tuluyang natuyo ang kanyang buhok matapos gamitan ng blower, naka-oversized shirt siya na kulay blue at maiksing short na itim na halos isang dangkal ang taas sa kanyang tuhod. Dahil sa short ni Just makikita ang mahaba at maputi niyang legs.

Si Jacian na naka-jogging pants: "....."

Tiningnan siya ni Just mula ulo ang hanggang paa bago nito binuksan nang tuluyan ang pinto. "Pasok ka." Saad ni Just.

Ibinalik naman ni Jacian ang kanyang cellphone sa bulsa at umiling. "Hindi na, ang sabi ni Coach Dang ngayon daw darating ang bagong coach. Nasa baba na ata ang ibang teammates natin, tahimik na ang kwarto ni Gem kanina eh." Sa katunayan, pababa na siya sa hagdan habang nagbabasa ng comments, nang makita niya ang comment ni Just dumeritso nalang siya sa dorm nito.

Ang sabi ni Coach Dang kahapon kailangan nilang magising nang maaga para i-welcome ang bagong coach, ngunit nakipag-douque siya kahapon kay Lucky at 3 a.m na sila natapos, natulog siya ng 4 a.m at hindi niya in-expect na magigising siya ng 10 a.m.

"Mn. Pero wala pa siya sa base, baka darating siya mamayang gabi. Come in, may ibibigay ako sa'yo." Ani Just at sinenyasan siya nitong pumasok.

Pumasok si Jacian sa loob ng dorm ni Just at dinala siya nito sa sala kung saan may nakalapag na maleta.

Binuksan ni Just ang maleta at tumambad sa harapan ni Jacian ang napakaraming shorts at short sleeve shirt, bagay na bagay iyon sa tag-init dahil manipis lang ang tela.

"Pumili ka ng gusto mong damit." Ani Just habang nakatingin sa jogging pants niya at makapal na t-shirt. "Sa haba ng suot mo nayan hindi ka ba naiinitan?"

Umiling siya. "Sanay ako sa ganitong damit." Sagot niya. Maliban sa tatlong jogging pants at apat na t-shirt wala na siyang ibang damit kaya wala rin talaga siyang choice. Ito lang ang damit niya sa boarding house at ito lang din ang dala niya papuntang base.

"Ako ang naiinitan sa suot mo." Saad ni Just. Yumuko siya at kinuha ang short na kulay itim pagkatapos iniabot niya ito kay Jacian. "Gusto mo ba ng ganitong kulay or mas gusto mo 'yung light?" Tanong ni Just.

Wala namang pakialam si Jacian sa kulay ang problema lang ay hindi siya sumusuot ng ganon kahiksi. Kinuha niya ang short sa kamay ni Just at iniangat iyon para tingnan kung gaano kahiksi. Gamit ang mga mata, sinukat ni Jacian ang short sa kanyang isipan at---

Sure enough, 3 inch above the knee ang short na hawak niya! Hindi nga siya sumusuot ng ganoon kahiksi kapag natutulog siya not to mention sa loob pa ng base!

Napansin ni Just ang masama niyang ekspresyon kaya hindi nito maiwasan ang hindi magtanong. "What's wrong? Hindi ka komportable sa ganitong shorts?" Tanong nito.

Bahagya namang tumango si Jacian. "Mm, medyo." Sagot niya at tuluyan nang kinuha ang shorts. "Pero binigay mo na sa akin kaya kukunin ko na." Sagot niya kay Just.

Nasa limang shorts ang nakatupi roon at anim na short sleeve shirt, tinulungan siya ni Just na ilagay iyon sa maliit na maleta bago niya ito dinala sa kanyang dorm. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil dagdag nanaman sa labahan kaya naka-jogging pants parin siya at t-shirt nang pumunta sila ni Just sa training room.

Dahil may practice match mamayang gabi, nag-Q silang lima sa international server gamit ang line-up na isi-nend ni Coach Dang sa gc. Sobrang init sa loob ng base at balak sana nilang i-adjust ang temperature ngunit pinigilan sila ni Lacey. Sinabi raw ni Coach Dang na huwag babaan ang temperature sa loob ng base para pawisan sila, bibihira lang sila lumabas ng base para mag-exercise at hindi sila pinagpapawisan kaya sinabi ni Coach Dang na kung pwede ay i-off ang aircon para pawisan sila.

Pagkatapos ng practice match, pumunta si Lacey sa training room para sabihing handa na ang meryenda ngunit hindi niya makita ang members ng FTT. Ang substitute jungler lang na si White ang naroon habang tahimik na naglalaro.

Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan ang members ng FTT at sinabi naman ni White na nagmamadaling umalis ang lima para mag-shower.

Na-shock si Lacey. Sinabihan niya si White na pumunta sa kusina para mag-meryenda at tinanguan naman ni White bago siya tuluyang lumabas ng training room.

7 p.m na ng gabi at nakatayo si Jacian sa tapat ng pinto ng training room habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Kakatapos niya lang mag-shower at suot niya ang short at short sleeve shirt na binigay sa kanya ni Just. Doon lang siya nakaramdam ng lamig.

[Just Call Me Boss: Nag-send ka kay Captain pagkatapos nag-delete conversation ka?]

[Chase: Yass! >⁠.⁠<]

Reply sa kanya ni Chase. Kaya pala nawala ang convo sa chat list niya.

[Just Call Me Boss: ? ]

[Chase: Baka kasi magbago ang isip mo kaya ginawa ko na. >⁠.⁠<]

Nagtitipa palang siya para reply-an si Chase ngunit napahinto nang marinig ang boses ni Lucky na siyang pababa sa hagdan kasama si Just.

"Holy shit! Akala ko may babae sa base ikaw pala 'yan?" Ani Lucky habang nakatingin kay Jacian.

Suot niya ang itim na short at t-shirt na mahiksi ang sleeves dahilan para ma-expose ang maputi niyang balat. Maputi ang kutis ni Jacian ngunit nasanay silang lagi siyang naka-jogging pants at malaking manggas kaya hindi masyadong na i-expose ang kulay niya, ngunit dahil sa suot nito ngayon lumabas ang mapuputing hita at braso niya na walang pinagkaiba sa katawan ng babae. Sobrang puti niya at bagay na bagay sa kanya ang pink niyang buhok.

"Anong sabon mo?" Pabirong tanong ni Lucky nang tuluyan nang makalapit. "Woah..saan mo nakuha 'yang shorts mo? Binili mo ba online, pero wala akong narinig na may nag-deliver?" Nagtatakang tanong ni Lucky.

"Galing sa akin 'yan." Ani Just habang nakatingin sa short ni Jacian.

Napatingin din si Lucky sa makinis na legs ni Jacian. "Pumuti ka sigurado dahil sa kaka-jogging pants mo." Puno ng kuryusidad na tanong nito.

Samantala, nagtaka naman si Jacian. Matapos mag-send ng reply kay Chase binalingan niya si Just na bago lang nag-angat ng tingin. "Captain, nakalimutan ko palang mag thank you dito. Thanks." Tugon niya, mahinang 'mn' lang ang sinagot ni Just bago tuluyang pumasok sa training room.

Nag-chat si Coach Dang sa kanilang gc na hintayin nila si Lan bago magsimula ang practice match, 9 p.m pa naman ang schedule ng practice match at 7 p.m palang kaya mahaba pa ang oras.

Nag-reply sa kanya si Chase at humaba pa ang kanilang kwentuhan bago niya iyon tuluyang pinutol at magpaalam na may practice match sila. Pinatay ni Jacian ang kanyang cellphone at lumapit sa water dispenser malapit sa TV nang makarinig siya ng doorbell.

Inilapag niya ang baso at lumapit sa pinto para buksan ito, ang sabi ni Coach Dang ngayong araw daw pupunta ang kanilang bagong Coach na si Lan kaya naisip ni Jacian na baka si Lan ang dumating.

Binuksan niya lang ng kunti ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas. Napakurap pa si Jacian nang makita ang nakatayo roon, para siyang nakakita ng isang Liang.

Kahawig ni Liang ang taong nakatayo sa harapan niya, medyo mahaba ang buhok nito, mapungay ang mga mata at nakasuot ng payat na salamin. Payat at matangkad ito at mukhang hindi ito nakakaramdam ng init sa suot nitong coat dahil napakalamig ng emosyon.

Nang magtama ang mga mata nila ni Jacian, ngumiti ito sa kanya.

Halatang namangha ito kay Jacian nang makita siya dahil bahagyang nanlaki ang mga mata nito ngunit kaagad ding nakabawi at kumurba pa ang magkabilang labi nang ngumiti ito.

"Hello, I'm Lan. Bagong coach ng FTT." Iniunat nito ang kamay para makipag-shake hands.

Mabilis namang nag-react si Jacian at tinanggap ang kamay nito. "Ako si Boss, bagong mid laner ng FTT. Pasok ka, Coach." Ani Jacian at tuluyan nang binuksan ang pinto.

Inilibot ni Lan ang kanyang paningin sa bawat sulok ng base na animo'y may hinahanap siyang nawawalang design. Sa tagal niya 'ring nawala sobrang nakakapanibago talaga ang itsura ng bagong base ng FTT club. Mas lalong lumapad ang sala at mas lumaki ang TV na nakalagay doon, nagkaroon din ng meeting room na hindi katulad noon na iisa lang ang training room at meeting room kaya kinakailangan pa nilang ayusin ang mesa at mga gaming chair para magkaroon ng malaking space.

Hindi ganon ka-aesthetic ang base ng FTT kumpara sa ibang base. Tama si Lucky, ang base ng FTT ang pinaka-simple at plain ngunit ang base nila ang may pinakamaraming pagkain sa lahat ng base. Ang second floor at first floor ay parehong may break room at iba pa ang kusina para sa kanilang lahat, marami ring water dispenser kaya hindi nila kailangang pumunta sa kusina kung nauuhaw sila.

Hindi pa ganito ang base ng FTT nung generation ni Lan. Mangha niyang nilibot nang paningin ang buong sala at umupo sa sofa. Nilinga niya si Jacian na ngayon ay kumukuha ng tubig.

"Ang laki ng pinagkabago ng base. Hindi ko alam na kailangan na ng finger print para buksan ang pinto." Saad nito.

Lumapit si Jacian at inabutan si Lan ng isang basong tubig. "Naiinitan ba kayo Coach? Gusto mo bang i-on ko ang ibang air-con?" Tanong ni Jacian.

Nilunok muna ni Lan ang tubig sa kanyang bibig bago umiling kay Jacian. "No need, thank you." Malumanay na sagot nito habang nakangiti.

Tumango naman si Jacian bago lumapit uli sa water dispenser para kumuha ng sarili niyang tubig.

"Ahm, nasaan si Justin?" Tanong ni Lan.

Napa-angat naman ang dalawang kilay ni Jacian dahil sa tanong nito.

Justin? Sino 'yun?

Sa katunayan, hindi alam ni Jacian ang real name ng mga teammates niya dahil nasanay siyang tawagin sila gamit ang game ID. Mas gusto niya 'rin namang tinatawag siya sa kanyang game ID pero laging Jacian ang tawag sa kanya sa loob ng base na medyo hindi siya sanay dahil laging Boss ang tawag sa kanya ng mga viewers.

Ngayon lang napagtanto ni Jacian na hindi niya nga pala alam ang tunay na pangalan ng mga teammates niya, pero tanda niya noon alam niya ang real name ng kanilang Captain hindi niya lang matandaan ngayon, at hindi niya 'rin alam kung bakit niya nakalimutan.

Nilinga niya si Lan na naka-upo sa sofa habang naghihintay ng sagot niya, sa huli hindi niya maiwasan ang hindi magtanong.

"Sinong Justin?" Awkward na tanong ni Jacian.

Lan: "..." Na-speechless si Lan sa tanong niya, halatang nagulat din ito. "Hindi mo kilala si Justin?" Halos hindi makapaniwalang tanong nito. Parang gustong sabihin ni Lan, kilala si Justin sa e-sports circle pero ikaw na ka-teammate niya hindi mo kilala?!

Samantala, nanatiling may question mark ang noo ni Jacian.

"Jacian, gusto mo ba ng pain killer?" Mula sa bukas na pinto ng training room, maririnig ang boses ni Justin na kalalabas lang kasabay ng linyang iyon.

Nagningning ang mga mata ni Lan nang makita ang hinahanap niyang tao. "Justin!" Tumayo si Lan at walang ano-ano'y lumapit ito kay Just para yakapin ito.

Napa-angat ang dalawang kilay ni Jacian.

Itinuloy niya nalang naudlot niyang pagkuha ng tubig at ininom iyon bago inihulog sa kalapit na trash can ang disposable cup. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa para tingnan ang bagong chat ni Chase, habang nagtitipa dinaanan niya si Lan at Just na magkayakap bago dumeritso sa training room.

_

Note*

(Lan wraps Just in a tight, dramatic hug. 😩)

Meanwhile..

Jacian: *Unbothered* 🚶🤳