Chapter 59: Iba ka talaga Boss.

Papunta si Just sa kanyang dorm para kumuha ng pain killer ngunit hindi niya inaasahan na dumating na si Lan sa base at salubungin siya nito ng mahigpit na yakap.

Tatanungin niya sana si Jacian kung kailangan nito ng pain killer ngunit mukhang hindi nito narinig at dumeritso na sa training room habang nagtitipa sa cellphone.

Bahagya niya lang tinanggal ang kamay ni Lan na nakapulupot sa kanyang leeg at sinabing magpahinga muna siya dahil may practice match sila mamaya. Dumeritso na si Just sa kanyang dorm para kumuha ng pain killer patch at binigyan niya rin si Jacian nang bumalik siya sa training room.

Inayos nila ang kanilang mga equipment at binuksan ang account na isi-nend ni Lan sa kanilang gc. Kalaban nila ngayon ang IKL Team or Indonesia Kings League na Team JWW na kung saan malakas ang kanilang marksman captain na si Captain Mark. Ang JWW ay nakasali sa Global competition last season ngunit na-elimate sila ng Team GOT-G. Siguradong determinadong magkaroon ng practice match ang JWW sa PKL Teams dahil galing sa Filipino division ang naka-eliminate sa kanila.

Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula ang match ng 9 o'clock. Tinawagan ni Lan ang coach ng JWW at sinabing ready na ang kanilang team, ganon din naman ang kabilang side kaya matapos makapasok sa custom game ay nagbago ang interface para sa ban/pick.

Malakas ang marksman ng JWW at katulad ng Team RG, marksman ang kanilang core at inaalagaan nila ito sa early game para maka-deal ng malakas na damage sa late-game.

Ini-adjust ni Just ang kanyang mic habang nasa screen ng phone ang tingin. "Who to ban?" Tanong niya.

Blue Team sila at ang kanilang team ang unang mag-babanned, BO3 series ang format ng kanilang laban at ang makaka-score ng 2 ay siya ang mananalo.

Lumapit si Lan sa likuran ni Just at bahagyang yumuko para hanapin ang hero na gusto niyang i-ban, dahil sa ginawa ni Lan bahagyang napaiwas si Just dahil sa lapit ng mukha nito at hindi mapigilang i-adjust ang kanyang gaming chair para bigyan ito ng espasyo.

Blue: "....."

Samantala, kumunot ang noo ni Jacian nang makita si Lan sa likuran ng kanilang captain para mag-ban ng hero, tiningnan ni Jacian ang sarili niyang phone at hindi maiwasang hindi magtaka. Si Blue ang mag-baban pero tinutulungan ng kanilang Coach si Just para mag-banned ng hero? Nagkamali ba ang coach nila?

"Coach, si Blue po ang mag-babanned hindi si Captain." Hindi mapigilang saad ni Jacian habang nakatingin sa dalawa. Malapit naring matapos ang countdown at hindi sila makakapag-banned kapag naubos ang oras.

Napahinto naman si Lan nang marinig ang sinabi niya at awkward na napa'oh' bago tumayo ng maayos. Tiningnan ni Lan ang kanyang notebook para i-check ang ginawa niyang line-up. Ang unang ban spot ay napunta kay Arli, isang marksman hero na mataas ang porsyento pagdating sa survivability. Ini-banned naman ng Team JWW si Augran, at ini-ban naman nila si Loong, napunta naman kay Jing ang sunod na ban spot ng JWW na siyang hero uli ni Just.

Dalawang jungler at dalawang marksman ang nakalagay ngayon sa ban spot ng dalawang team. Pinili ni Lan na kunin si Lady Sun para kay Lucky dahil naka-banned na si Loong, kayang i-counter ni Loong si Lady Sun ngunit dahil naka-banned si Loong hindi ganun kalaki ang pressure kay Lucky.

Kinuha naman ng Team JWW si Marco Polo at Yaria para sa kanilang farm lane dou. Ang dalawang hero na siyang best partner sa farm lane. Nang makita ni Lucky ang dou ng dalawa sa farm lane hindi nito maiwasan ang hindi makaramdam ng pressure. Magaling ang marksman ng Team JWW at masasabi niyang mas magaling ito kumpara kay Captain Water, not to mention na nakuha pa nila ang combo ng Marco Polo at Yaria, kahit ang support ng Team JWW ay magaling din at silang dalawa ang nag-seset ng rhythm sa buong team. Kung hindi sila nagkakamali ay champion ang farm lane dou ng JWW sa doubles nung 2027 kaya mahirap talaga galawin ang marksman ni Captain Mark dahil under ito ng protection ng support.

Ngunit nang makita ni Lucky na pinili ng Team nila si Ming para kay Gem at Yuhuan sa mid lane bigla siyang nakaramdaman ng kampante. Sa tuwing nakikita niyang gumagamit si Jacian ng Yuhuan, Dr Bian at Nuwa mabilis siyang kumakalma dahil alam niyang hindi siya mamamatay kapag gamit nito ang ganitong mga hero. Malakas ang game awareness ni Jacian at mabilis itong mag-assist kahit na wala ka pang sinasabi.

Mabilis na natapos ang ban/pick at nagsimula na ang practice match.

Sa loob ng 4 minutes laging dumadalaw sa farm lane ang jungler ng JWW para protektahan ang kanilang marksman na si Captain Mark, hindi nito binibigyan ng chance si Just para i-gank ang kanilang late game core. Sa side ng FTT ay si Lucky rin ang kanilang core, mabilis na naka-develop si Lucky ngunit masyadong mabilis ang rhythm ni Captain Mark kumpara sa kanya at lamang ito ng isang level.

Sa loob ng 4 minute mark, nag-spawned ang overlord/tyrant at parehong team ang sumasayaw sa tyrant. Malakas ang team JWW kapag nag-charge sila as a group ngunit mahina sila sa 4v5, ang kailangan lang gawin ng FTT rito ay paghiwa-hiwalayin ang JWW.

Hindi ganon kalakas ang Lady Sun ni Lucky dahil bibihira niya ito gamitin at mas prefer niya si Hou Yi, ngunit dahil ito ang pinili ni Lan wala siyang choice kundi gamitin.

Nasira ang unang tower ng FTT sa farm lane at nasira rin ang tower sa mid lane. Nakuha naman ni Just ang tyrant kaya nagkakasunuran lang sila sa gold. Kapag marksman talaga ang core ng Team matik na agad na malakas ang kanilang lane management, hindi katulad sa FTT magaling sila sa kill at hinahayaan ang mga minions ang magpabagsak ng turrets.

Para sa lane management, ito ang pinakamahirap pag-aralan sa isang Team. Kinakailangang maging sync ang isang team at mayroong cooperation kung ano ang magiging desisyon ng kanilang commander, halatang si Captain Mark ang commander ng JWW dahil siya ang nag-seset ng rhythm at nagpapagalaw ng buong team. Hindi katulad sa FTT na maliban kay Just na nagcocommand na ganito ang gagawin o ganito ang plano lahat sila ay may sariling opinyon. Tanging si Jacian lang ang tahimik at umaasa sa kanyang game awareness kung ano ang magiging plano ng kalaban.

Sa loob ng 16 minutes, nag-push ang JWW sa crystal ng FTT at natapos ang unang match. 1-0 ang score sa kanilang BO3 series at lamang ang JWW ng 5 thousand gold. Nakasama sa Global competition ang JWW at normal lang kung hindi sila mananalo rito.

"Okay, gusto niyo bang magpahinga muna?" Tanong ni Lan sa kanila.

"Next round na agad Coach." Saad ni Blue.

Katulad ng line-up nila nung unang round hindi na sila gumamit ng ibang hero maliban kay Jacian, ginamit niya si Dr Bian sa mid lane ayun sa line-up ni Lan. Isang mage hero na grabi ang healing skills. Si Just ay gumamit parin ng Menki para protektahan si Lucky.

Matapos ang ban/pick phase nagsimula na ang game 2. Si Marco Polo at Yaria parin ang ginamit ng JWW dahil hindi iyon ini-banned ng FTT, practice match lang naman ang laban nila ngayon at hindi kinakailangang maging seryuso pagdating sa banning, ngunit tinitingala nila ang Augran ni Just kaya kahit sa practice match ay naka-banned parin ito. Isa lang ang kanilang dahilan, ayaw nilang madurog.

Umabot sa 4 minutes ang match at pumunta sila tyrant para kunin ito, nakuha parin ni Just ang tyrant dahil masyadong malambot ang jungler ng JWW at hindi nito kayang magnakaw, ginamit lang ni Just ang kanyang skill 1 at smite sa isang iglap tumaas ang kanilang gold at nakabili pa si Lucky ng dalawang equipment.

Nagkaroon ng teamfight sa farm lane malapit sa tower ng JWW nang mag-initiate ang FTT, sa katunayan tamang tama lang ang timing ng FTT dahil bukod sa wave ng minions papunta narin ang dalawang dragon. Ini-stun ni Blue ang dalawang enemies matapos hampasin ng first skill ni Dun at ginamit ang ult para i-target ang marksman sa likuran.

Bumaba ang HP ni Captain Mark ngunit hindi pa naman ito tuluyang namatay, ginamit ni Jacian ang kanyang ult para bigyan ng heal si Blue at mabilis nitong ginamit ang flash para umalis. Naka- double kill si Lucky dahilan para mag-retreat ang tatlong players ng JWW at nagawang mag-push sa farm lane. Nasira ang unang tower ng JWW at nagawa pang makuha ni Just at Jacian ang kanilang azure golem.

Pinabagsak din nila ang tower sa mid lane at inihatid ang minions sa enemy tower. Gumamit ng Lady Zhen ang mid laner ng JWW ngunit hindi ito ganon kalakas kumpara sa Lady Zhen ni Jacian, kayang mag-solo ni Jacian gamit si Lady Zhen samantalang ang mid laner ng JWW ay napaka-stable. Magaling din ito at mabilis mag-assist ngunit hindi ito kasing tapang ni Jacian na sumusugod sa teamfight at kayang pumatay ng jungler gamit ang soft mage.

Magaling ang JWW sa teamfight at malakas ang kanilang team coordination ngunit sa oras na hindi komportable ang kanilang marksman madaling masira ang kanilang rhythm at sobrang visible ng kanilang breakthrough point. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking advantage ang FTT.

Sa game 2 ng BO3 series nanalo ang FTT at parehong 1-1 ang score ng dalawang team. Si Lucky ang MVP at meron siyang KDA na 5-0-3.

Tinanggal ni Lucky ang kanyang headphones at bahagya kinabig si Jacian na umiinom ng tubig, mabuti nalang at hindi iyon nabuhos.

"Nice assist." Ani Lucky.

Sinamaan siya ni Jacian nang tingin na bahagyang nabulunan dahil sa pagkakakabig niya. "Pwede ka naman sigurong magsalita nang hindi ka nangkakabig noh?" Inis na aniya at pinunasan ang kanyang bibig.

Matapos ang ilang minutong pahinga ay isinuot na nila ang kanilang headphones para sa game 3 ng BO3 series.

Alam na nila ang kahinaan ng JWW at sa early game palang ay plano na nilang patayin si Captain Mark para hindi ito maka-bili ng equipment. Matapos maabot ang level 4 at magkaroon ng ult nagbigay si Gem ng vision para sa posisyon ng JWW. Nasa lower jungle pa ang jungler ng JWW para kunin ang azure golem kaya nagkaroon ng plano si Jacian at Just na pumunta sa farm lane para i-gank ang marksman.

Dahil kanina pa nagpapalitan ng skills si Lucky at Captain Mark pareho nang mababa ang kanilang HP at isang ult nalang sana ni Lady Sun ay mamamatay na ito ngunit sa kasamaang palad nasa cooldown na ang ult ni Lucky.

Nang makitang nasa baba parin ng tower si Captain Mark, ginamit ni Jacian ang kanyang crowd control para i-stunned ito ngunit hindi iyon sapat! Nakatakas si Captain Mark gamit ang isang bar na HP ngunit naging unstoppable si Jacian at ginamit ang ult na 'immunity' para i-tower dive si Captain Mark sa second turret at ginamit ang first skill.

First blood!

Nakuha niya ang first blood.

"Grabi ah, speed lang ah." Ani Lucky na siyang kakabalik lang matapos mag-recall. Siya na kanina pa nakikipagpalitan ng skills kay Captain Mark hindi niya man lang ito mapatay pero si Jacian isang skills combo lang slain kaagad. "Iba ka talaga Boss." Ani Lucky.

"Ang galing ng timing." Saad ni Blue.

Matapos mapatay si Captain Mark, para bang hindi pa sapat kay Jacian na mapatay ang core ng kabilang side at nagnakaw pa ng crimson golem. Pinababa niya lang ang HP nun at tinawag si Lucky para kunin nito ang crimson golem.

Ginamit ni Lucky ang kanyang second skill at tuluyan niya ng nakuha ang crimson golem, dahil doon mabilis siyang nag-level up at nakakuha nang pinakamataaas na gold sa buong canyon. Hindi makapaniwala si Lucky, sa ilang taon niyang pagiging e-sports player ngayon lang siya nakaranas ng ganitong treatment, at sa hindi inaasahan si Boss pa ang nagtatrato sa kanya ng ganon, isang trash streamer na kinaiinisan niya noon ngunit ngayon ang trash streamer na ang dahilan kung bakit siya nagiging MVP sa bawat match. Mas nararamdam pa nga siya ng kampante kapag kasama niya si Boss kumpara kay Gem.