Nang mag-spawned ang overlord/tyrant, parehong nakapalibot sa tyrant pit ang dalawang teams ngunit makikitang nauna roon si Gem para magbigay ng vision, isa sa pinakamahalagang trabaho ng support.
Sinimulan nang hilahin ni Just at Jacian ang tyrant habang nagbabantay si Gem at Blue sa mga enemies. Si Lucky naman ay nakakapit lang sa grass para hindi makita ng enemies ngunit nakahanda ang kanyang bala para barilin kung meron mang magtatangkang magnakaw.
Masyadong malinis ang posisyon ng FTT at secured na talaga nila ang tyrant, mahirap para sa jungler ng JWW na makipag-unahan dito dahil kinailangan pa nilang dumaan sa palakol ni Blue at crowd control ni Jacian para makuha ang tyrant. 15 seconds palang kanina bago mag-spawned ang tyrant ngunit nakatago na kaagad si Gem sa brush para maghanap ng magandang pwesto.
Dahil sa maagang pagdating ni Gem, iyon ang naging dahilan para magkaroon ng malaking advantage ang FTT pagdating sa positioning sa pagkuha ng tyrant. Alam ng FTT na makikipag-agawan ang JWW sa pagkuha ng tyrant dahil kasalukuyang 3k ang lamang nila sa gold, kung libreng ibibigay ng JWW ang tyrant sa FTT mas lalo lang sila mawawalan at wala iyong pinagkaiba sa defeat.
Kaya naman sa loob ng 4 minutes mark sinasayawan na ng dalawang teams ang tyrant, 2,500 nalang ang HP ng tyrant at sumugod na nga ang jungler ng JWW para nakawin ito ngunit bago pa man makalapit ginamit ni Jacian ang damage at sinayan ng smite ni Just. Bago pa tuluyang makalapit ang jungler ng JWW ay nakuha na ni Just ang tyrant.
Sa loob ng base ng JWW, lahat sila ay na-speechless.
Ang plano sana nila ay matapos nakawin ng kanilang jungler ang tyrant ay retreat kaagad ngunit ngayon iba ang nangyari, na-trap ang jungler na-stun ang mid laner dahilan mapilitan silang mag-teamfight.
Sobrang lalim ng pagka-push ng kanilang jungler ngunit hindi nito inaasahang hindi siya aabot, abot kamay niya na ang tyrant ngunit nahuli lang siya ng 0.2 seconds dahilan para mapagitnaan niya si Just at Jacian sa loob ng tyrant pit.
It's over! Mamamatay siya sa loob ng tyrant pit kapag hindi siya makakalabas. Ngunit si Just at Jacian na ang kasama niya sa loob ng pit makakalabas pa kaya siya? Para siyang si Vexana sa loob ng ult ni Yin, hinihintay niya nalang na gisahin siya sa loob ng pit hanggang sa mawala ang skills combo.
Sa isang kisap ng mata, namatay ang jungler ng JWW at nagkaroon ng teamfight sa tyrant pit nang i-stunned ni Blue ang kanilang mage.
Sa unang wave ng teamfight, namatay ang jungler, support at mage ng JWW dahilan para mag-retreat ang clash laner at si Captain Mark. Pero dahil unstoppable si Jacian, kahit na yumakap sa turret si Captain Mark tinower dive niya ito at ginamitan ng skills combo dahilan para ma-slain niya uli ito. Isang bar nalang ang HP niya at napilitan siyang mag-recall. Pinabagsak naman ni Lucky ang second turrets sa farm lane kaya malayang nasakop ni Just ang buong jungle sa bot lane.
Sa katunayan, pamilyar si Jacian sa ganitong klase ng strategy na ginagawa ng JWW. Karamihan sa KPL teams or King Pro League sa China laging marksman ang kanilang core at pumipili sila ng mga shield na hero para protektahan ito. Sa tingin ni Jacian, kung walang tacit understanding or cooperation ang isang team hindi 100 percent na magiging effective ang ganitong klase ng line-up.
Iyon naman ang pinagkaiba ng PKL Teams, PKL or Philippines Kings League. Karamihan sa PKL circle laging assassin or fighter ang nagiging choice nila at bihira ang marksman core, tanging ang RG lang ang mayroong marksman core at hindi rin maitatanggi dahil sobrang galing talaga ni Captain Water.
Kung meron lang magaling na commander ang FTT sigurado si Jacian na may mas ilalakas pa ang kanilang team. Mahilig naman siyang mag-command tuwing nagpaparank lalo na kung may kalaban silang pro, sa tingin ni Jacian hindi naman ganon kahirap ang maging commander dahil kanina pa siya nakakakita ng malaking opportunity na magiging breakthrough point ng JWW ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin.
Nung magsimula ang match, binigay ni Lan ang pagiging commander kay Just at ito ang magpaplano ng kanilang strategy, ayaw niya namang harangin ang plano ni Just dahil una, si Just ang commander at ito ang nag-kokontrol ng battlefield nag-aalala siya na baka kapag nag-suggest siya ay taliwas iyon sa plano ni Just at magiging magulo ang nabuo nitong plano. Kaya kahit may nakikita siyang malaking breakthrough point ng JWW nagpanggap siyang walang nakita at sinunod ang command ni Just.
Umabot ng 17 minutes ang game 3 at nanalo ang FTT sa BO3 series sa score na 2-1. Si Lucky ang MVP sa kanilang team na may KDA na 6-0-2, hindi na siya katulad nung nakaraang araw na kahit MVP ay parang 16 times namatay sa farm lane. Halatang nakaka-move on narin si Lucky dahil abot tenga ang ngiti nito, hindi rin maitikom ang kanyang bibig at ikinuwento pa kay Gem kung paano nito na-solo kill si Captain Mark.
Nakangiti silang tiningnan ni Lan bago nito ini-paused ang replay sa malaking screen. Halatang lumalakas na si Lucky dahil kaya na nitong mambuhat at mag-set ng pace, as long as hindi ito mamatay sa early game kayang kaya na nito patumbahin ang isang marksman na katulad ni Captain Mark. Si Captain Mark ay isa sa mga top-tier marksman at kinakatakutan ng maraming junglers, kahit si Just ay hindi niya ito kayang patayin ngunit na-slain ni Jacian matapos pababain ni Lucky ang HP. Mukhang malalakas ang tacit understanding nila ni Lucky dahil pareho rin silang reckless, in short, kayang sabayan ni Lucky ang bilis ni Jacian at kaya namang sabayan ni Jacian ang pagiging reckless ni Lucky. Para bang nag-training sila noon dahil sa galing ng cooperation nila.
Masyado silang reckless kumpara sa tatlo at mukhang iyon ang naging dahilan para magtugma ang kanilang plano.
Matapos ang dalawang oras nilang practice match sa JWW, tinawag sila ni Lacey na pumunta sa sala para mag-meryenda. Nahuli naman si Lan dahil tinawagan nito si Coach Dang para ipaalam dito na tapos na ang kanilang practice match, isi-nend narin nito ang replay para mapanood ni Coach Dang.
Nang lumabas si Lan sa training room at tumungo sa sala, nagtaka ito nang makitang wala roon si Just at Jacian, tanging si Lucky, Gem at Blue lamang ang kumakain ng meryenda.
Umupo siya sa sofa nang naka-ekis ang dalawang hita, kumuha siya ng fries at nilinga ni Lucky na naka-salampak sa carpet habang nakasandal sa tuhod ng naka-upo na si Gem.
"Nasaan si Justin? Nasaan yung dalawa?" Tanong ni Lan.
Tiningnan naman siya ni Lucky na abala sa cellphone nito. "Bumalik na ata sa kanilang dorm. Hindi naman kasi mahilig sa snacks si Jacian, si Captain naman baka nag-shower lang." Ani Lucky.
Tumango naman si Lan at kinuha ang isang basong tubig na nasa mesa.
_
Lumabas si Just sa bathroom habang nakaikot sa kanyang leeg ang puting towel, kakatapos niya lang mag-shower at kasalukuyan pang tumutulo ang tubig mula sa dulo ng kanyang buhok. Nang kunin niya ang kanyang cellphone pumatak ang tubig sa screen mula sa kanyang buhok kaya pinunasan niya iyon bago binuksan ang group chat na [Buff is life]
Lima lang silang members sa gc dahil silang magkakaibigan lang naman na puro junglers ang naroon ngunit makikitang 15+ ang notifications at puro mention pa iyon sa kanya.
[GOT-G' Lessen: @FTT' Just wtf?!]
Message ni Lessen at nag-send pa ng screenshot. Post iyon ng FTT Official club kung saan ini-welcome nila si Boss.
[RG' Crowd: Oh Shit! Si Boss ito diba? Siya ang bagong mid laner ng FTT?!]
[RG' Crowd: ... ]
[HUV' Kai: Akala ko 'rin kanina nagbibiro lang si Captain Alone nung sinabi niyang si Boss na trash talker sa Hi! Streaming platform ang bagong mid ng FTT. Mukhang si Boss nga talaga. Grabi @FTT' Just parang ayaw ko ng mag-stream.🤧]
[HUV' Kai: Unbelievable talaga, kasi diba, bakit naman kukuha ang FTT management ng isang trash talker? Siguradong gustong gusto ng FTT na makuha ang world cup trophy ngayong season at hindi nila magagawa 'yun kung si Boss ang kukunin nila. Alam niyo kung bakit?]
[GOGT' Lessen: ???]
[HUV' Kai: Dahil trash talk segment palang sa group A ay mababanned na ang FTT kapag si Boss ang kinuha nila.]
Just: "..."
[GOT-G' Lessen: Kailangan namin ng explanation mo @FTT' Just. Sino ang kumuha kay Boss para sumali sa Team niyo? Hindi naman makakapasok 'to kung walang backer, right?]
Tinanggal ni Just ang towel na nakasampay sa kanyang leeg at inihagis iyon sa kalapit na basket. Pumunta siya sa kanyang kama at sumandal sa headboard habang nagtitipa.
[FTT' Just: What's wrong with him?]
[GOT-G' Lessen: ...]
Napa-angat naman ang makapal na kilay ni Just dahil sa tatlong tuldok na reply nito, halatang wala itong masabi.
[FTT' Just: Natatakot ka ba na baka madurog uli kayo ni Captain Shadow? Mas nakakahiya yun kung madudurog kayo sa mismong arena.]
Si Lessen sa loob ng base ng GOT-G: "!" Sumama ang kanyang mukha kaya hindi maiwasan ni Shadow ang hindi magtanong kung ayos lang ba siya.
Ikinaway naman ni Lessen ang kanyang kamay kay Shadow para sabihing wala iyon, nagtipa siya para sagutin ang harsh words ni Just.
[GOT-G' Lessen: Ngayon, kami nanaman ang dudurog sa mid laner niyo!]
Naaalala ni Just na nadurog noon ni Jacian si Lessen at si Captain Shadow habang nagpaparank sa international server. Doon siya nagkaroon ng KDA na 41-4-6 at sa 41 solo kill nito may 15 deaths si Shadow at 11 deaths para kay Lessen. Ngunit sa huli natalo parin sila dahil nagsurrender ang kanilang team.
Nagtipa siya para reply-an si Lessen.
[FTT' Just: Mn. I'm looking forward.]
[GOT-G' Lessen: ...]
[RG' Crowd: Grabi makita ko palang ang FTT' Boss parang gusto ko ng mag-run. 😞]
[HUV' Kai: Nanonood din ako ng livestream ni Boss noon eh pero nung lumipat na siya sa HoK hindi ko na binuksan ang livestream account niya. Delikado.]
[TK' Sin: Yeah, nadurog niya rin kami ni Linus nung unang beses naming mag-double Q.]
[RG' Crowd: Kaya pala nasa hot search kayo ng dalawang oras.]
[TK' Sin: Yes. Sobrang lakas niya, kahit may pro players sa kabilang side kaya niyang maka-pentakill.]
[HUV' Kai: Napanood ko tinrash niya rin ang mid laner ng EPG. Si Captain Kirsty, yung top 2 best mid laner sa global competition zone, nakatikim ng trash talk kay Boss.]
Just: "..."
Na-speechless siya sa chat ni Kai, hindi siya mahilig manood ng livestream at nakakapanood lang siya kapag nag-se-send ng stream si Captain Water sa kanilang gc. Ngunit simula nang mapanood niya ang porn na gameplay ang cover hindi na siya nagbukas ng gameplay na sini-send ni Captain Water, kaya hindi niya alam ang tungkol sa captain ng EPG na na-trash talk ni Jacian.
[RG' Crowd: What to do? Nakakatakot ng maglaro ngayon.]
[GOT-G' Lessen: Basta kami, mag-rerevenge kami ngayon.]
[HUV' Kai: Grabi talaga si Boss, tingnan niyo, mag-rerevenge na si Lessen. Halatang durgo na durog ito.]
Pang-aasar pa ni Kai.
[GOT-G' Lessen: Fuck your daddy, Kai!]
[HUV' Kai: My dad isn't here, can't fuck him.]
[GOT-G' Lessen: ...]
[RG' Crowd: ???]
Matapos basahin ang chat sa gc, pinatay na ni Just ang data para hindi makatanggap ng notifications ngunit bago niya iyon mapindot nag-send pa ng message si Captain Sin.
[TK' Sin: So, si Boss talaga na trash talker yung nasa team niyo?]
[FTT' Just: Mn.]
[TK' Sin: ...]
[TK' Sin: Mukhang kailangan ko na talagang magpalakas ngayon. 😁]
[FTT' Just: Hindi mo na kailangang gawin 'yan?]
[TK' Sin: Bakit?]
[FTT' Just: Malalaman mo rin.]
[TK' Sin: ?]
Ini-itsa ni Just ang kanyang cellphone sa kama at tumayo para buksan ang pinto nang makarinig ng katok. Nang buksan niya iyon nakita niya si Lan na nakatayo sa labas. Mukhang nakaramdam na ito ng init dahil tinanggal na nito ang coat at nakasampay na iyon sa kanyang braso.
Nang makita nito si Just, tumikhim ito at ngumiti.
"Pwede ba akong gunamit ng CR mo? Sira kasi ang CR sa kwarto ni Coach Dang." Ani Lan at bahagya pang sumilip sa loob.
"May CR naman sa first floor hindi mo na kailangang umakyat ng second floor." Saad ni Just.
Lan: "..."
Nasa first floor ang kwarto ni Coach Dang at may dalawang CR sa first floor, hindi pa naman dumadating ang second team kaya bukod sa kanila ay wala ng ibang tao sa base, sigurado si Just na bakante ang dalawang CR sa baba.
Bagaman, sinabi niya iyon ay binuksan niya parin ang pinto para papasukin si Lan.