Chapter 62: CP fans

Nang magsimula ang live si Lucky ang unang nag-entertain sa mga viewers at nagbigay ng intro para abangan ang papalapit na regular season. Ngunit kung makikita sa live chat puno iyon ng mga lolo ni Boss, mukhang active sila ngayon at hindi nila hahayaang patahimikin si Boss.

Nang makita ni Just ang mga comments para sa kanya, tiningnan niya si Jacian na nakatingin lang sa screen.

"Bakit hindi mo kausapin ang mga fans mo." Ani Just.

Tiningnan niya si Just bago ibalik ang tingin sa live chat. Sobrang dami ngang tumatawag ng Boss ngunit puro naman pang-tatrash talk, sa katunayan, alam naman ni Jacian na kunti lang ang supporters niya sad'yang mabibilis lang talaga mag-type ang mga 'yun.

[God J, alam mo bang ang sabi nitong apo ko ayaw niyang sumali sa FTT dahil una...]

Nang mabasa ni Jacian ang comment bahagyang umangat ang kanyang kilay. Mukhang nakita ni Just ang comment ngunit hindi nito masyadong mabasa kaya lumapit ito ng bahagya kay Jacian.

Mga CP fans: [.......]

[Una, wala raw kayong tacit understanding.]

Jacian: "?" May sinabi ba siyang ganon nung nag-live siya? Wala naman siyang matandaan.

"Really?" Tanong ni Just habang nakatingin sa comment, pagkatapos nilinga niya si Jacian. "Ito ang dahilan kaya hindi ka agad nag-sign in sa club?"

Umiling siya. "Hindi, wala lang talaga akong balak maging pro noon. Kontento na akong mang-trash talk ng pro player sa online kesa sa personal." Matapos niyang sabihin iyon bahagyang umangat ang magkaibang gilid ng labi ni Just.

Samantala, umalma naman si Lucky. Bilang kauna-unahang pro player ng PKL na nakatanggap ng trash talk kay Boss, talagang hindi niya papalampasin ito.

"Captain, alam mo bang ako ang unang tinrash talk niyan? Sinabihan niya akong bumalik sa training room at aralin ang ult ni Hou Yi!" May gigil na saad ni Lucky at halatang bumalik ang sama ng loob nito.

Bago pa madugtungan ni Lucky ang kanyang sasabihin ay sumingit na si Blue. "Di mo naman talaga kayang gamitin ang ult ni Hou Yi. Hindi ka nga makatama kahit nasa harapan mo na." Ani Blue.

Lucky: "......"

"Main hero mo ba talaga si Hou Yi?" Tanong ni Jacian habang nakatingin sa hindi makapalag na si Lucky.

Lucky: "......"

Hindi naman masakit yung tanong, parang skills combo lang ni Lam. Kung noon si Blue lang ang kaaway niya sa base ngayon dalawa na, at sa kasamaang palad ay si Boss pa. Hindi niya rin pwedeng kabigin ang balikat ni Jacian dahil naka-live sila ngayon, baka isipin ng mga lolo ni Boss ay minamaltrato ng FTT ang kanilang apo.

"Ayos lang marami pa namang araw, saka na ako gaganti." Pagko-comfort ni Lucky sa kanyang sarili at inakbayan si Gem. Tiningnan naman siya ni Gem at sinabing tanggalin nito ang kamay sa kanyang balikat ngunit hindi natinag si Lucky at mas lalo pang ipinulupot ang braso sa balikat ni Gem.

Dahil sa senaryong nasakasihan, ang mga CP fans na matagal nang lumubog ay biglang lumayag uli. Matagal narin nung huling nag-live ang FTT at mga members dahil matapos silang ma-elimate sa playoffs ay sinabihan sila ni Coach Dang na huwag bumukas ng streaming platform at Melon app. Sakto rin dahil na-expired ang kanilang kontrata kaya walang dahilan para buksan ang platform. Marami pa namang pa-sugar sa livestream ni Lucky at madalas din nitong isama si Gem sa kanyang livestream kaya puro CP fans ang viewers ng stream niya. Pero dahil walang update ang FTT sa streaming platform at tahimik din ang kanilang account sa Melon app wala silang nakaing sugar at naisip na baka wala talagang GemLuck CP.

Ngunit nang masaksihan ang senaryo sa likuran para bang may salbabida ang lumubog na bangka at bigla itong umahon. Sa isang iglap napuno ng GemLuck CP ang live chat.

[Sino may sabing lubog na ang GemLuck? Sobrang layag na layag mga boss!]

[Layag my ass! Ganyan naman talaga ang trato nila sa isa't isa, ginagawa lang nila yan para dumami ang fans!]

[Gem, Lucky, I'm full of sugar 😭]

[Of course, alam naman natin na hindi talaga sila, kaya nga CP diba? Nag-shiship lang po kami.]

[Sus, sanay naman tayo na laging ganyan ang dalawang yan. Akala mo mag-jowa kung magsama, sinabi na ni Gem na may girlfriend si Lucky diba?]

[Oh shit! Sakit ah.]

[So kung may girlfriend si Lucky wala talagang GemLuck? Ano yun fan service?]

[Oo men! Fan service lang yun, in short si Lucky lang ang nagfafan service dinadamay niya lang si Gem.]

[Grabi si Lucky, may babae na may lalaki pa.]

Dahil sila ni Just ang pinakamalapit sa computer, sila ang nakakabasa sa live chat. Nilinga ni Jacian ang tatlong tao sa likuran at inalok na magbasa ng mga comments ngunit hindi interesado si Blue at ikinaway niya lang ang kanyang kamay, ganun din si Gem. Umiling naman si Lucky. "Ikaw na, ikaw ang bagong player dito eh." Sagot nito.

Ibinalik na ni Jacian ang kanyang atensyon sa live chat para magbasa ng mga comments, ang sabi rin kasi ni Lan ay makipag-interact sa mga fans para marami silang ma-attract, pero paano siya makikipag-interact kung puro ganito ang comments, kung hindi trash talk ay puro naman CP. E-sports circle pa ba 'to?

Ang purpose ng stream nila ngayon ay para maraming manood ng regular season ayun sa PKL. Hindi lang sila ang live ngayon kundi lahat ng teams na sasali sa regular season.

Habang nagbabasa si Jacian ng mga comments, naningkit ang mga mata niya nang makita ang kakaibang komento na nag-popped up sa live chat.

[CP pala ha? Ito oh CP.] [Photo]

Medyo maliit iyon at hindi gaanong maaninag ngunit nang pindutin ni Jacian ang picture at hintayin iyong maging HD----

Jacian: "!!!"

Just: "."

Nung una, hindi pa maintindihan ni Jacian ngunit nang makita niya ng maayos ang picture bigla siyang natigilan. Sila nila ni Just ang nasa picture!

Naka-upo sila ni Just sa VIP row habang nakasandal ang ulo niya sa balikat nito at mahimbing na natutulog, si Just naman ay naka-face mask habang seryusong nakatingin sa harap at halatang tutok ito sa panonood.

Naaalala ito ni Jacian, ito ang araw nung pumunta siya sa playoffs ng MPL para manood ng laban ng GG, ngunit puyat siya nung gabing iyon at halos walang tulog matapos magparank sa HoK kaya aksidente siyang nakatulog sa balikat ng katabi niya. Hindi niya rin alam na si Just pala ang taong nasa tabi niya ngunit nalaman niya lang iyon nung nasa hospital siya.

Naka-display sa screen ng computer ang picture nila ni Just at nakita iyon ng mga viewers kaya walang tigil nanaman ang pag-scroll ng live chat. Siguradong umiinit nanaman ang mga CP fans ngayon.

Si Just sa kabilang banda ay bahagyang nagulat, tiningnan niya si Jacian matapos makita ang picture na ini-close ni Jacian.

"No wonder." Biglang saad ni Just. Tiningnan siya ni Jacian. "Kaya pala pamilyar ka, nung pumunta ka sa base iniisip ko kung saan kita nakita pero hindi ko maalala. Naka-ilang beses din akong tumingin sa'yo pero ibang scene ang naaalala ko." Saad ni Just. Kumuha siya ng bottled water sa mesa at binuksan iyon para uminom, pagkatapos ay inilapag niya muli iyon sa mesa.

Napatango naman si Jacian. Naalala niya nung ilang araw palang siya sa base, napansin niyang tingin ng tingin sa kanya ang kanilang captain na animo'y may gustong itanong sa kanya, ilang beses niya rin itong tinanong kung may kailangan ngunit umiiling lang ito o di kaya'y sinasabihan siyang pumunta na sa training room. Ito pala ang dahilan kung bakit tingin ng tingin sa kanya ang kanilang captain.

Dahil sa picture na isi-nend ng isang viewer, mabilis na umalma ang mga diehard fans ni Just pati narin ang mga girlfriends fans, madam fans at wife fans. Tutol sila sa CP fans at sinabing edit lang ang picture. Ngunit hindi rin magpapatalo ang mga lolo ni Boss at masyadong mabilis ang kanilang kamay kaya kahit kaunti lang sa kanila ay nagawa nilang patahimikin ang mga diehard fans ni God J, ito ang unang beses na natahimik ang mga fans ni Just at halos hirap nilang ilapat ang daliri sa keyboard dahil kahit tuldok, question mark or exclamation ay hindi nila magawa.

Sumandal si Just sa gaming chair at iniunat ang kanyang kamay para hawakan ang buhok ni Jacian. Kulay pink ang buhok ni Jacian at hindi nakaapekto ang pagpapakulay nito para maging dry ang buhok niya. Malambot iyon at straight na kahit hindi suklayan ay hindi parin gugulo.

Hinawakan iyon ni Just hanggang sa makaramdam siya ng komportable. "Alam mo bang ako ang katabi mo?" Biglang tanong ni Just na ang tinutukoy ay yung picture na sinend ng viewer.

Tinanggal ni Jacian ang kamay nito sa kanyang buhok atsaka umiling. "Nalaman kong ikaw yun nung araw na nasa hospital ako." Sagot niya.

"Hospital?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Just.

"Binigay mo sa akin yung jacket mo diba? Kung hindi ako nagkakamali yan din yung jacket na suot mo nung MPL tournament. Masyadong malakas ang pang-amoy ni Chase pagdating sa mga mamahaling pabango kaya nung maamoy niya ang jacket mo sinabi niyang ganun daw ang amoy ko nung MPL tournament." Huminto si Jacian i-check ang live chat bago nagpatululoy. "Wala naman akong ganyang pabango at ikaw lang din ang katabi ko sa VIP row na ganyan ang amoy kaya naisip kong ikaw 'yun, pareho kayo ng jacket at pareho ng pabango, imposible naman kung magkaibang tao yung katabi ko sa VIP seat at yung tao na nagligtas sa akin sa tulay." Matapos sabihin iyon ay nilinga niya si Just na bahagyang napatitig sa kanya bago tumango at nagpakawala ng mahinang 'mn'

Makalipas ang 30 minutes at eksaktong 5 o'clock, nag-live na ang PKL para sa group stage draw. Sobrang daming comments ang nasa live chat ng official channel at halatang mas excited pa ang mga fans kumpara sa mga pro players dahil pinapabilis nila ang PKL na ngayon ay nagbibigay palang ng intro.

[Shocks! Sino kaya ang makakalaban ng FTT?]

[Sana mabunot sa group D ang GOT-G at HUV para madurog yung mga noobs!]

[Wow, napakayabang ah, pahibhasa nakasama lang sa global. Knock out nga sa knockout stage yang Team mo.]

[Ang mahalaga po nakapasok sa global, wag bomoses kung eliminated kaagad sa playoffs.]

[Walang kwenta parin kung nakapasok sa global, ang hinahangad ng Pilipinas dito ay maiuwi ang World championship trophy. Pinapaalala ko lang pala, nanalo na po ang FTT noon at kauna-unahang PKL Team na makauwi ng world cup sa Pilipinas. What about your teams? Nakapasok lang sa global? How trash!]

[Sana group A ang FTT at GOT-G, gusto kong makitang maglaban ang FTT at GOT-G. Durog si Shadow sa rank eh, how ridiculous!]

[Ridiculous my ass! Ibahin mo ang rank game sa pro game, kung sa rg durog si Shadow sa pro game durog si Boss!]

[Di mo sure pre. Malay mo mas durog si Shadow.]

[Tsaka, galing sa ML yang si Boss pre na mythical immortal na may 1k star, 100% win rate pa yan sa Vexana.]

[Ibahin mo ang ML sa HoK pre, kung magaling siya sa ML pwes hindi sa HoK.]

[Pero mga basura kasi ang nasa PKL kumpara sa MPL, isipin mo simula M2 to M10 nasa Pilipinas ang world championship, sobrang lakas ng Pinas sa MLBB pero basura sa HOK. Hindi niyo man lang inayos sobrang nakakahiya.]

[Gago ka ba? Alam mo bang HoK community 'to, wag mong i-bring up ang ibang laro dahil magkaiba ang dalawa.]

[Kahit ano pa 'yan Boss parin malakas, galing ML yan eh.]

[Huwag magsalita ng tapos wala pa ngang experience yang pro na pinagtatanggol mo. Ibang iba ang professional sa rank.]

[Nandito nanaman ang mga fans ni Boss na tahol na tahol.]

[Nagkakagulo nanaman, pwede ba suportahan niyo nalang pareho ang professional league para din naman sa Pilipinas 'to at parehong league ang nag-rerepresent ng bansa natin. Ano ba yan, wala bang katapusan 'to.]

[Yanga, basta ako support ko lahat ng pro players ng Pinas. Pinas lang malakas!]

Habang nag-iingay ang fans at anti-fans sa live chat ng PKL puro naman tanong ang makikita sa live chat ng official livestream room ng FTT.