Chapter 64: Kapag naubos mo yan, mag-solo tayo.

Tatlong beses ng nanalo si Just sa World individual competition at kilala sa title na Great Demon King, kahit si Jacian ay alam niya ang tungkol dun dahil kalat iyon sa e-sports circle, maraming pro ang gustong makipag-1v1 kay Just ngunit ni-reject niya lahat 'yun. Kahit si Lessen at ang mga kaibigan nito sa PKL ay hindi nagkakaroon ng chance na maka-1v1 si Just.

Alam ito ng mga fans dahil madalas yayain ng mga pro players si Just ng solo tuwing naglalive ito pero sa huli ay nanood nalang ng livestream ni God J, ngunit nagulat sila nang si God J mismo ang nag-alok kay Boss ng solo!

Tama ba ang narinig nila, gustong makipag-1v1 ni God J sa isang trash talker? Ganun ka-worth it si Boss kumpara sa mga top-tier pro ng PKL?

Hindi rin nag-alanganin si Jacian at tinanggap kaagad ang alok ni Just. Sino bang pro ang ayaw makipag-1v1 sa Great Demon King, only noobs.

"Pagkatapos ko ng match na 'to, mag-solo tayo." Ani Jacian at bahagyang nilinga ang mobile phone.

"No." Ani Just at sumandal sa mesa.

Nagtataka siyang tiningnan ni Jacian. Kinuha naman ni Just ang isang basong gatas sa mesa at iniabot sa kanya.

"Kapag naubos mo yan, mag-solo tayo." Pagkatapos ay iniangat ni Just ang kanyang kaliwang kamay para i-check ang oras. "6 a.m palang, mag-jojogging lang ako."

Ang mga CP fan sa live chat: [Bakit parang ibang solo ang naririnig namin.]

Nagtaka naman ang mga lolo ni Boss kung saan nanggaling ang mga CP fans, sa pagkakaalam nila ay sila-sila lang naman nag-tatrash talkan kanina pero nung dumating si Just puro na CP fans. What's going on, bakit parang paiba ng paiba ang livestream ni Boss?

Ibinalik na ni Jacian ang kanyang atensyon sa kanyang mobile phone at inubos ang isang basong gatas ng isang inuman lang. Nag-focus na siya sa paglalaro nang magsimula ang match, sure enough may dalawang pro players sa kabilang side.

Seryuso si Boss habang nasa loob ng match at abala sa pag-clear ng minions para maka-level up at gawin ang sinasabi ng mga lolo niya na 'instakill' ng isang Daji.

Samantala ang mga CP fans na nakasaksi ng buong senaryo ay na-speechless at halos hindi makalapag ng comments. Lalo na ang mga diehard fans, girlfriend fans at madam fans ni Just, kilala si Just sa PKL circle na tahimik at cold, hindi rin ito ganun ka-close sa mga teammates niya at laging si Coach Dang lang ang kasama sa event at stage. Si God J na cold ay niyayakap-yakap lang ni Boss na isang trash talker? Hindi ba nabawasan ang dignidad ni God J? Not to mention na inalok niya itong mag-solo.

Hindi maiwasan ng mga madam fans ni God J ang hindi makaramdam ng inis dito sa bagong member ng FTT. Ang yakapin si God J ay isa sa mga pangarap ng madam fans ni God J ngunit sa kanilang lahat si Boss ang nakagawa.

Sa kabilang banda naman, nasakasihan ni Lan ang senaryong iyon nang tumayo siya para buksan ang TV ngunit napahinto nang makitang niyakap ni Jacian si Just sa bewang. Ngayon nga lang ito nakalapit sa TV at nanginginig pang sinaksak sa outlet. Makikita rin ang kakaibang tingin ni Lan kay Jacian na kasalukuyang abala sa match at pakikipag-usap sa mga viewers.

Hindi nagsalita si Lan at bumalik sa inuupuan nitong gaming chair bitbit ang notebook, tiningnan niya pa uli si Jacian bago itinuon ang atensyon sa kanyang ginagawa. Narinig niya ang buong conversation ng dalawa at may kung anong emosyon ang bumalot sa kanya, isang season niya lang naging teammate si Just bago siya mag-retired at sa isang season na 'yun ay hindi siya niyaya ni Just mag-solo, dahilan para manginig ang kanyang kamay. Cold si Just at maliban sa kanya ay wala ng nakakalapit dito na team members, hindi niya rin nayakap si Just kahit nung matches nila noon dahil tuwing matatapos ang match ay umaalis kaagad ito ng sound prof room para makipag-shake hands sa opponent. Nang makitang niyakap ito ni Boss ngayon, mukhang hindi na ganun ka-cold si Just. Napansin niya rin na ngumingiti na ito ngayon na hindi nito ginagawa noon kahit nung nanalo sila ng world champion.

_

Makalipas ang kalahating oras, bumalik na si Just sa base at dumeritso sa training room pagkatapos niyang maligo para yayain ng solo si Jacian ngunit biglang nag-chat si Lan sa kanilang gc at sinabing mag-Q silang lima sa Chinese server. Nag-send din ito ng panibagong line-up na gagamitin nila para sa Team EXTRA na unang team na makakalaban nila sa regular season.

Hindi natuloy ang solo game nila at inayos ang mga equipment para sa training. Naisip ni Jacian na mas importante ang training nila ngayon kesa sa solo game or double Q, kunting araw nalang at magsisimula na ang regular season at kakapasok niya palang sa FTT kaya kailangan talaga ng team coordination. Kapag nakalaban nila ang team na malakas mag macro at lane management siguradong madaling mahanap ang breakthrough point nila.

Magaling ang mga Chinese sa HoK at maraming nagsasabi na sa lahat ng server ay ito ang pinakamahirap, karamihan din sa professional team ay sa Chinese server nagpapractice. Dahil lima silang nag-Q sa isang match siguradong may pro players silang makakasalamuha, ilang beses na itong nangyari kay Jacian at naranasan niya naring madurog, iyon yung panahon na hindi niya pa gamay ang King of Glory ngunit nung alam niya na ang mechanic ay isa na rin siya sa nandudurog. Lumipat lang siya sa international server nung lumakas narin ang mga players doon at nagsimula na siyang magbenta ng account. Ngunit kung ipagkukumpara talaga, mas malakas ang Chinese server.

Mabilis na lumipas ang oras at matapos kumain ay bumalik na si Jacian sa kanyang dorm. Maaga siyang nagising kaninang umaga at buong araw silang nag-training, naubos lahat ng lakas niya kaya nang makita niya ang kanyang kama bigla siyang nanlambot at kaagad pumikit ang kanyang mga mata.

Kinabukasan, dumaan muna siya sa break room na nasa second floor para kumuha ng makakain bago dumeritso sa training room para mag-live. Pikit mata niya pang inayos ang kanyang equipment ngunit mabilis naman siyang inalalayan ng staff nang dumulas ang mouse.

"Thank you." Ani Jacian at nagsimula na siyang mag-live.

[Grabe Boss, umaga palang pero kuhang kuha mo na ang inis ko.]

[Bakit masyado namang maaga Boss. Matutulog na sana ako eh.]

[Umagang may trash talk ata 'to.]

[Nagwawala ang mga CP fans sa nangyari kahapon apo, bilisan mo patahimikin mo na sila.]

Napakamot si Jacian sa kanyang kilay at binasa ang scrolling comments, inaaliw niya ang kanyang sarili dahil inaantok pa siya sa puntong kapag binigyan siya ng unan ay makakatulog siya kaagad. "CP fans? Wala si Gem at Lucky ngayon baka tulog pa." Saad niya. Bahagya niyang tinakpan ang kanyang bibig nang bigla siyang mapahikab.

Mag-isa lang siya sa training room ngayon bukod sa mga staff na nasa gilid para ayusin ang projector, mukhang may meeting nanaman sila mamaya. Hindi niya alam kung anong oras natulog ang mga teammates niya ngunit base sa mag-isa lang siya ngayon sa training room siguradong late narin natulog ang mga iyon.

[Hindi si Gem at Lucky! Ikaw at si God J!]

[Dumb streamer! Hindi mo ba nakita ang mga comments kahapon?]

[Boss trending kayo sa Melon. May nag-cut ng video na niyakap mo si God J at ipinost sa Melon, ngayon pati ang mga girlfriend fans ni God J ay nasa account mo na.]

[Bakit mo nga pala niyakap si God J?]

Natulala siya dahil sa magulong live chat na walang tigil sa kaka-scroll, medyo inaantok pa siya at halos hindi pa mag-fucos ang kanyang paningin kaya kinailangan niya pa itong basahin uli para maintindihan. Nang mabasa ang scrolling comments mas lalo siyang naguluhan.

Jacian: "?"

Trending sila ni Just sa Melon dahil sa livestream kahapon? Big deal bang yakapin si Just? Hindi niya ba pwedeng yakapin ang sarili niyang captain?

Sa Team GG napapanood ni Jacian na hinahalikan pa nga si Chase ng teammates niya pero hindi naman big deal. Niyakap niya lang naman si Just, hindi ba normal sa teammates na yakapin ang isa't isa, magyayakapan din naman sila sa tournament.

Crack.

Bumukas ang pinto ng training room at pumasok si White bitbit ang isang balot na chips, binati siya nito na agad niyang tinugunan.

"...boss." Nag-aalanganing tawag ni White nang makitang abala si Jacian sa paglalive. Naglakad si White palapit sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin.

"Ano yun?" Tanong niya.

Napakamot si White sa kanyang tenga. "Ahm.... gusto ko sanang makipag-Q." Awkward na saad nito, mukhang nahihiya parin ito sa result nung huling solo game nila. Natalo siya ni Jacian ng 10 games at naubos ang 1000 pesos niya, bilang pro player sobrang nakakahiya na matalo sa isang streamer. Pero anong magagawa niya kung pang pro ang level ng streamer.

Abala si Jacian sa pagbabasa ngunit agad niya namang tinanguan si White. "Pwede, mag-se-send--"

"Ako na mag-send ng invitation." Singit ni White at dali daling kinuha ang mobile phone na nakalapag sa kabilang mesa at umupo sa tabi ni Jacian.

Tinanggap ni Jacian ang invitation at nag-search match na si White. Habang hinihintay ang match fixing binasa ni Jacian ang mga comments, ganon parin ang scrolling comments halatang pinipilit nilang mag-confess si Boss kung anong relasyon nila ni God J.

Nabasa ni White ang scrolling comments na siyang nasa tabi ni Jacian, tiningnan niya si Jacian na ngayon ay sinusuklay ang buhok.

"...nga pala Boss, nakita ko sa Melon na trending kayo ni Captain..." Mabagal na saad ni White.

Jacian: "."

Natigil ang ginagawang pagsuklay ni Jacian sa sarili niyang buhok at nilinga si White na nasa tabi niya. "Seryuso?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ang akala ni Jacian ay niloloko lang siya ng mga viewers na nag-cocomment nang sabihin nilang trending sila ni Just ngunit nang si White mismo ang nagsabi nun dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at dali daling binuksan ang Melon.

Mukhang naintindihan ng mga viewers ang ginawa niya kaya hindi nila maiwasang hindi mapamura sa live chat.

[Dumb streamer! Iniisip mo bang nagsisinungaling kami?!]

[Akala mo ba hindi totoo ang sinasabi namin? Sige buksan mo ang Melon para makita mo.]

[Hindi na ako magtataka kung may relasyon sila ni God J, hindi pa nag-react nung makita ang live chat na trending sila ni God J, nagpapanggap na kalmado. Pero nung sinabi ni White kitang kita yung panic oh. Hindi siya nag-panic nang ganyan nung pinasok siya ni Yin sa ult gamit niya Vexana.]

[Grabe Boss, halatado ka masyado.]

[Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong side si Boss.]

[???]