Chapter 65: #GreatDemonKingxTrashTalkKingCP.

Nang buksan ni Jacian ang hot search, top 1 ang #GreatDemonKingxTrashTalkKingCP at #JustxBoss. Pinindot niya ang unang hashtag at nag-scoll para panoorin ang video.

Sa harap ng 600k viewers pinanood ni Jacian ang clip dahil sa kuryusidad, gusto niyang alamin kung anong nakita ng mga CP fans para i-ship sila ni Just. Makikita sa video, habang naglalive siya kinuha niya ang kape sa mesa at sandaling napahinto, hindi naman kita sa camera ang senaryong 'yun kaya hindi alam ng mga viewers kung anong kinuha niya tanging braso lang ang makikita sa camera, pagkatapos nun nagpalitan sila ni Just ng maiksing conversation atsaka siya pumikit, animo'y inaantok. Kalahati lamang ang kita sa katawan ni Just dahil nakatagilid ito sa camera at hanggang dibdib lang ang kita, kung hindi nga siya magsalita ay hindi siya makikilala ng mga fans, ngunit kausap niya si Jacian at dinig sa camera ang kanyang boses. Makalipas ang ilang sandali, makikita sa video na tumagilid si Jacian para yakapin ang bewang ni Just.

Normal na yakap lang ang binigay niya kay Just at halos wala siyang reaksyon nang gawin niya iyon at hindi niya rin naisip na iba ang meaning pagdating sa mga viewers, ngunit na-speechless ni Jacian nang magkaroon iyon ng effects na puro heart.

Jacian: "..."

Mukhang hindi pa na-satisfied ang nag-edit at nilagyan pa ng background music sa part sa iniangat ni Just ang kanyang kamay para hawakan siya sa ulo.

Makalipas ang ilang sandali nang kunin ni Jacian ang gatas na inilapag ni Just at ininom iyon nang isang tunggaan lang.

Sa dulo ng video mayroong line na nakaagaw ng atensyon ng mga CP fans. [Ano sa tingin niyo yung inilapag ni God J kanina?]

Halatang may hint na ang mga CP fans kaya pare-pareho ang content ng kanilang comments.

[Gatas, kape yung iniinom ni Boss tapos nung dumating si God J naging gatas.]

[Alagang alaga si Boss ah, hindi niya tinrato ng ganyan si White nung nag-live ito habang nagkakape.]

Si White na tahimik na gilid: "................" Huwag niyo akong idamay, okay?

[Baby Boy ng FTT si Boss. 11 years ang gap nila ni Blue tapos 6 years kay God J, siya yata ang pinakabatang pro sa PKL. Baby boy ng PKL.]

[Ito ba yung sinasabi ni God J na 'take good care of you in the future'?]

Almost 3 minutes ang video dahil may part na slow mo at inulit-ulit yung part na pagyakap niya sa bewang ni Just kasabay ng effects, kung tutuusin ay 33 seconds nga lang ang original video nun.

Binuksan niya pa ang ilang video na nag-popped up at nagulat nang makita ang picture nila ni Just sa MPL tournament at clip ng senaryo sa malaking tulay.

Jacian: "..."

Kahit si White ay bahagyang natigilan dahil sa clip, nakita niya lang na trending si Boss at ang kanilang captain ngunit hindi niya alam na ganun ang laman ng video. May ilang libo ring comments ang video at lahat 'yun ay pareho pareho ng content. Nagtatanong sila kung anong meron kay God J at Boss.

[So, matagal na palang magkakilala ang apo ko at si Just? Pero bakit feeling ko coincidence lang ang lahat?]

[Imposible namang coincidence lang yan, hindi lumalabas ang apo ko @FTT' Boss ng boarding house pero sa tuwing lalabas siya nandon sa senaryo si God J @FTT' Just. Ang hirap namang tanggapin na coincidence lang 'to, si Chase nga na kaibigan ni Boss wala dun.]

[Agree, ang sweet din ng hug ni Boss eh, parang LDR sila ni Just na nagkita sa personal. @FTT' Boss @FTT' Just, anniversary reveal naman d'yan.]

[Sa true, LDR din kami pero never ko siyang niyakap ng ganyan katulad ng yakap ni Boss.]

[Baka sila talaga. Wala rin namang balita na nagka-girlfriend si God J diba?]

[Oo, pero wala ring balita na may boyfriend si God J.]

[Gago, iniisip niyo bang papatulan ni Boss si Just. Kung papatol si Boss sa lalaki bakit maghahanap pa siya ng iba kung nand'yan naman si Chase.]

[Mas gago ka, hindi mo ba alam na bestfriend ang dalawa?]

[Malay mo naman diba? Sus, ganyan din kami dati.]

[Haha, p'wedeng ibahin mo ang relasyon mo, kanina ka pa ah.]

[Trending na ang clip pero wala paring paramdam ang FTT Official Page, tulog ata ang moderator. @FTT Official Page ano na? Naghihintay kami ng updates mo.]

[What if si Boss at God J nga? Anong say niyo?]

[NO! Bilang girlfriend fan ni God J hindi kami papayag. Si Just ang heartthrob sa PKL tapos makikipagrelasyon lang sa lalaki? Hindi worth it si Boss para kay God J.]

[Sus, asang asa rin talagang magugustuhan ni Just, wag ka ng umasa girl magparank ka nalang baka madagdagan pa yang star mo. Doon ka nalang kumuha ng star.]

Sobrang init sa comsect dahil famous account ang nag-post. Maraming fans si Just at karamihan sa fans niya ay babae, samantalang puro naman lalaki ang fans ni Boss, ngunit kahit lalaki ay ayaw parin paawat at nakikipag-trash talkan sa mga babae para ipaglaban ang kanilang apo.

Makikita ang napakaraming comments sa livestream room ni Jacian ngunit wala siyang gana magbasa dahil katulad lang 'yun sa mga comment na nasa trending.

Inilapag ni Jacian ang kanyang cellphone sa mesa at walang ekspresyong nilinga ang mobile phone. "Sinong nag-edit nun? Ang galing ng editing skills ah, gusto ko siyang kuning editor ng account ko." Saad niya at kinuha ang mobile phone na nakapatong sa phone holder, nag-queuequeue sila ni White at pangalawang search match na iyon dahil hindi siya nakapag-confirm kanina. Nang lumabas ang match found pinindot niya ang confirm at pinili si Daji sa mid lane.

Hindi niya maintindihan pero gusto niyang matawa, nilagyan lang ng maraming hearts na pink at background music yung video na plain tapos may relasyon na kaagad sila ni Just? Ang yaman sa imagination ng nag-edit, not to mention na sinama pa yung picture sa MPL tournament at yung senaryo sa tulay. Sobrang tagpi-tagpi yung ginawa nung nag-edit kahit hanggang doon lang.

Hindi na nagsalita si Jacian at kinuha ang bottled water sa mesa atsaka uminom, matapos ang ban/pick ay nagsimula na ang match. Nang i-drag ni Jacian ang icon para pagalawin ang hero bigla siyang natigilan nang may maalala.

Jacian: "!" May mali!

Yung senaryo sa tulay, paano nalaman ng mga viewers na si Just ang taong 'yun?

Nilinga ni Jacian ang scrolling comments para maghanap ng sagot ngunit wala siyang mahanap. Dinampot niya uli ang kanyang cellphone para mag-search sa Melon at nang makakita ng clip ng live nila nakaraan sinubukan niya itong i-play.

White: ".........?"

Live nila iyon nung nakaraang araw para sa group stage ng regular season, na-cut na ang video at may caption na [Ito 'yung good care na sinabi ni Just para i-welcome si Boss pero matagal niya ng ginawa.[Smile.jpg]]

Sa video, katabi niya si Just habang sina Blue, Gem at Lucky ay nasa likuran, bahagya niyang tinanggal ang kamay ni Just na nasa buhok niya at nilinga ito para sagutin ang tanong. "Binigay mo sa akin yung jacket mo diba? Kung hindi ako nagkakamali yan din yung jacket na suot mo nung MPL tournament. Masyadong malakas ang pang-amoy ni Chase pagdating sa mga mamahaling pabango kaya nung maamoy niya ang jacket mo sinabi niyang ganun daw ang amoy ko nung MPL tournament. Wala naman akong ganyang pabango at ikaw lang din ang katabi ko sa VIP row na ganyan ang amoy kaya naisip kong ikaw 'yun, pareho kayo ng jacket at pareho ng pabango, imposible naman kung magkaibang tao yung katabi ko sa VIP seat at yung tao na nagligtas sa akin sa tulay."

Napa 'Mn' naman si Just.

Jacian: "..."

Si White na tahimik na nanonood: "?"

Naalala ni Jacian na nasabi niya nga pala iyon nung nag-live sila, hindi niya na namalayan at sinagot nalang ang tanong ni Just. Ito yung taong gustong gusto malaman ng mga viewers nung mag-live siya nung araw na na-discharge na siya sa hospital, hindi niya sinabi na si Just ang taong yun dahil baka maapektuhan ang career nito. Baka isipin ng mga fans, anong ginagawa nito doon ng 2 a.m at bakit kasama niya ang isang trash streamer?

Alam naman ni Jacian na isa siya sa kinakainisang streamer sa e-sports circle dahil kahit noong malaman ng mga fans ni Chase at ng Team GG na magkaibigan sila, halos kalahati ng fans ni Chase ay naging anti-fans at pumunta sa livestream niya para i-bash. Kahit si Commentator Zia at Commentator Waver ay nakatanggap din ng trash talk galing sa mga viewers nang i-follow nila si Boss, ngunit malakas ang mental state ng dalawang casters at itinuloy ang pakikipag-double queue kay Jacian.

Si Just ang sikat sa PKL dahil sa three consecutive wins nito sa World individual championship at sa achievements palang malalaman kaagad kung gaano ka-powerful ang kanyang fans, ayaw niya namang maging powerful anti-fans yung mga powerful fans ni Just kaya hindi niya sinabing si Just iyon ngunit hindi in-expect ni Jacian na aksidente niya itong masabi sa livestream, at sa livestream pa ng FTT official.

Hawak ni Jacian ang cellphone sa kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay nakasabunot sa kanyang buhok, mabuti nalang at maraming shippers dahilan para matuon ang kanilang atensyon sa CP at hindi sa topic kung bakit nandun si Just sa tulay ng 2 a.m para iligtas ang isang trash streamer.

Problema dapat yun eh, kung fan siya ni Just na walang pakialam sa CP at nakita niyang kasama nito ang trash streamer ng e-sports circle pupunta siya sa livestream room ni God J at sasabihing bakit niya kasama si Boss, hindi mo ba alam na si Lucky ang unang tinrash talk niyan sa PKL? Siguradong hindi rin papayag ang management na i-recruit si Boss sa FTT kung nagkataong nasira ang career ni Just.

Ngunit malapad ang imagination ng mga CP fans at masyado silang marami kaya hindi rin maka-overthink ang mga fans ni Just kung bakit nga ba nandun siya sa tulay ng 2 a.m. Ngayon, CP na ang pinag-aawayan nila.

Hindi na nagsalita si Jacian at nakipag-Q nalang kay White, gamit ni White si Prince of Lanling para sa jungling. Kung hindi siya nagkakamali ay itong hero din ang ginamit ni White nung makipag-1v1 ito sa kanya, ginamit din ito ni White sa tournament last season at nagawa niyang mapatay si Crowd, ang jungler ng Team RG.

Makalipas ang ilang sandali nilinga ni Jacian ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa nang tumunog iyon. Nasa kalagitnaan siya ng teamfight at wala sa sariling pinindot ang voice message na nag-popped up.

Sa harap ng libo-libong viewers at CP fans maririnig ang husky na boses ni Just na halatang kagigising lang nito.

"Good morning."

Viewers: [........................]

White: "........."

Samantala, si Jacian na nasa kalagitnaan ng teamfight ay bahagyang napahinto.

What the fuck.

Ang akala niya si Chase ang nag-send ng voice message dahil maliban kay Chase ay wala naman siyang ibang nakakausap, hindi niya na rin tiningnan ang sender at wala sa sariling pinindot iyon.

First blood!

Jacian: "?"

Nakita nalang ni Jacian na dumilim ang screen ng kanyang mobile phone habang nakahandusay sa damuhan ang kanyang hero. Sa ilang taong paglalaro niya ito ang unang beses na na-first blood siya nang naka-live.

White: "???"

Viewers: [Boss?]

[Nag-hang ba ang cellphone mo Boss? Bakit naman humihinto ka sa kalagitnaan ng teamfight? Nag-AFK ka ba?]

[Baka mahina signal sa base ng FTT.]

[Anong mahina ang signal tingnan mo nga ang Lanling ni White oh, napakabangis.]

[So, bakit huminto ang hero ni Boss?]

[Hindi mahina ang signal, epekto yan ng good morning ni God J.[Sigh.jpg].]

[Nagulat ata si Boss sa good morning ni Just. Well, kahit ako nagulat din eh, hindi naman kasi ganun si Just, nasanay na tayong cold ang taong yun tapos biglang mag-se-send ng voicemail. Kung hindi pa naka-live si Boss ngayon hindi pa natin alam na may ganung side so God J.]

[Kay Boss lang yan ganyan. Ngumiti nga si Just nung live nila nakaraan eh, hindi naman yun ngumingiti kahit nga nung nanalo siya ng World Individual championship hindi talaga ngumiti. Parang nakarinig ng kanta ni Moira. [Smile.jpg]]

[JustxBoss talaga real!]

[Pardon? Bata pa po ang apo ko.]

[Baka komportable lang talaga si Just kay Boss, tsaka nakakatuwa rin naman talaga si Boss eh. Hindi kompleto ang e-sports circle kung wala yang trash streamer.]

[Panibagong CP ba 'to ng FTT? Kasi GemLuck CP yung pinakamatatag eh wala nga lang label.]

[May mga CP rin si Just noon diba? May mid/jungle dou CP sila ni Lan noon pero parang hindi naman lumayag. Wala kasing pakialam si God J eh, pagkatapos ng match hindi man lang nilingon si Lan deritso kaagad sa backstage kaya hindi talaga lumayag.]

[Haha, mas lalo naman kay Savage. Parang stranger nga ang turing ni God J doon, halos ayaw ngang makipag-double queue kapag nag-stream si Savage.]

[Si Boss lang talaga malakas kay God J, sige nga isang big wave nga d'yan Great Demon King kung totoo ang sinasabi ko. [Joke.jpg]]

[Haha, as if naman nanonood si God J eh hindi naman mahilig manood ng livestream 'yun.]

[Kaya nga may joke sa huli diba?[Sigh.jpg]]

[Malay mo naman, si Boss 'to eh.]