Na-speechless si Jacian dahil sa live chat, napapailing niyang sinuklay ang kanyang buhok at kinuha ang mobile phone nang mag-spawned ang kanyang hero. I-dadrag niya na sana ang icon nang biglang may kuminang sa screen ng computer kung nasaan ang live chat.
[jjj11.11 has sent you a big wave. x500]
[jjj11.11 has sent you a big wave. x500]
Ang isang big wave ay katumbas ng 100 pesos at nag-send si Just ng 1000 big wave na equivalent to 100,000 pesos?! Binagsakan siya ni Just ng 100,000 pesos nang walang warning!
Jacian: "!" It's impressive but kind of what the fuck.
Mga lolo ni Boss: [Oy, another ninong apo.]
Mga CP fans: [Oh, diba? Tama ako. [LMAO.jpg]]
[Sino nagsabing hindi nanonood ng livestream si God J?]
[Okay, sorry. [Sigh.jpg]]
[Grabe 1000 big wave Just? Isang wave lang hiningi ko oh.]
[Sinasabi ba ni Just na malakas si Boss sa kanya? Mukhang Great Demon King x Trash Talk King nga talaga. Hindi siya nag-send ng ganyan kalaki nung nag-live ang mga teammates niya.]
Dahil sa malaking halaga ng gifts, nagkaroon ng effects ang username ni Just at kumikinang iyon ng ginto, bagaman #2 VIP lang ang nakuha niya sa livestream room ni Jacian dahil ang #1 ay si Your Chinese Fan na account ni XiaoWang na siyang may pinakamataaas na gifts na binigay kay Jacian.
[Grabe ka na Boss. Skin giveaway naman d'yan.]
[Psst! Tingnan niyo si White oh, naging white na ang mukha sa sobrang shock.]
[Syempre, hindi niya in-expect na nanonood si Just ng livestream ni Boss.]
[White, ano bang nangyayari d'yan sa base? Reveal naman kahit kunti.]
[Honest yang si White eh, diba White?]
Si White na tahimik sa tabi ni Jacian. "..." Gusto ko lang naman makipag-Q.
Sa katunayan, normal lang naman sa e-sports circle na i-ship at alam din ng mga pro na may mga CP sila, sumasabay nalang din sila para mas dumami ang fans. Ngunit hindi in-expect ni White na maging ang kanilang captain ay mag-fafanservice, nabigla siya sa puntong namutla ang kanyang mukha.
_
Pinatawag sila ni Lan sa meeting room para pag-usapan ang nalalapit na regular season. Nasa group C ang kanilang team at ayun sa format na isinend ng PKL committee third week pa ng March ang kanilang laban dahil mauuna ang group A at B. Hindi hinati ng PKL sa spring season at fall season ang tournament ngayon at inisang season lang, mukhang magiging mainit ang laban ngayon dahil marami silang oras para mag-practice kumpara sa nakaraang season.
Pinindot ni Lan ang remote para ipakita sa TV ang kanilang schedule, ang unang match nila sa regular season ay Team EXTRA na araw ng Lunes, meyerkules naman ay Team Fantastic Era at sa biyernes ay Team TK.
Nakalaban na nila sa practice match ang Team EXTRA at Fantastic Era ngunit hindi pa nila nasubukan ang Team TK. Hindi sila nakakaramdam ng pressure sa EXTRA at Fantastic Era dahil average lang ang level ng dalawang team ngunit ang Team TK, masasabi nilang kaya nilang manalo ngunit siguradong aabot sa ilang game.
Hindi sila masyadong pinressure ni Lan at binigyan sila ng example kung paano maglaro ang Team TK at kung ano ang mga strategy na madalas nilang gamitin. Katulad ni Boss, newcomer din si Linus sa kanilang team kaya sigurado si Lan na hindi pa ganun kalalim ang tacit understanding niya sa team kaya wala silang dapat ipag-alala.
Kasama nila si Coach Dang sa meeting habang naka-video call ito sa loob ng hospital, mukhang hindi parin magaling ang girlfriend nito matapos ma-cesarean kaya hindi parin nakakalabas ng hospital. Bilang pinakamatagal na coach sa PKL pamilyar si Coach Dang sa playing style ng bawat teams kaya mas madali sana kung siya ang magiging coach nila sa regular season, ilang taon ding nasa hospital si Lan para sa recovery dahil injured ito pagkatapos ng World championship S3, marami siyang na-miss na tournament at hindi masyadong pamilyar sa playing style ng mga bagong teams kaya kinailangan niya pang tawagan si Coach Dang para humingi ng ideya.
_
Mabilis na lumipas ang araw at nang magising si Jacian may mga di-pamilyar na mukha ang makikita sa loob ng training room. Nagtaka siya hanggang sa pumasok si Just sa loob ng training room at sabihing second-string iyon ng FTT, mga players na naglalaro sa secondary League. Nandito sila sa base dahil nagdesisyon si Coach Dang na magkakaroon sila ng match sa second-string bago sumabak sa opening, ayun sa PKL maglalaban ang dalawang domestic championship at ang mananalo ay mag-chachallenge ng isang team gamit ang BO1 format.
Team HUV at GOT-G ang champion sa Philippine competition zone at lahat ng teams ay may chance na mapili para i-challenge ng winner. May masamang kutob si Coach Dang na baka FTT ang piliin ng GOT-G kung sila ang winner dahil minsan nang nadurog ni Boss si Captain Shadow at Lessen, siguradong mag-rerevenge ang kanilang team ngayong napaaga ang kanilang opportunity, nag-hohold ng grudges ang team GOT-G at dinudurog talaga nila yung mga teams na may atraso sa kanila. Kaya nag-desisyon si Coach Dang na mag-training sila kasama ang second-string para mag-warm up.
Samantala, bahagya namang natawa si Jacian dahil sa sinabi ni Coach Dang na ngayon ay katawag si Just.
"Huwag kang mag-alala Coach, hinding hindi ako madudurog." Saad ni Jacian at bahagyang lumapit kay Just na siyang may hawak ng cellphone.
Natawa lang si Just dahil sa sagot ni Jacian at nagtuloy-tuloy ang kanilang kwentuhan hanggang sa marinig nilang tinawag ng nurse si Coach Dang. Pareho silang kakikitaan ng pag-aalala ngunit sinabi ni Coach Dang na ayos lang naman ang mag-ina niya ngunit matagal pa silang makakalabas ng hospital dahil sa recovery ng girlfriend niya.
"Okay, Good luck sa opening, manonood ako sa livestream ng PKL at kung piliin kayo ng HUV or GOGT-G, mag-se-send ako ng gifts sa unang makakuha ng kill." Saad ni Coach Dang. "Tinatawag na ako ng nurse, galingan niyo."
"Mn." Saad ni Just bago binaba ang tawag.
May point naman si Coach Dang, kung mananalo ang GOT-G siguradong sila talaga ang pipiliin. Ang kailangan lang nila gawin ay panoorin ng mabuti ang match ng HUV at GOT-G sa opening para magkaroon ng hint, hindi naman mahalaga kung manalo o matalo sila sa challenge dahil hindi naman iyon kasama sa points. Ngunit para kay Jacian, hindi excuses na dahil hindi kasama sa points ay ayos lang kung hindi na sila mananalo, simula nung pumasok siya sa professional league sineseryuso niya ang bawat practice match at hindi hinahayaang matalo ang kanilang team. Kaya kung pipiliin sila para sa challenge seseryusuhin niya ang laban kahit hindi kasama sa points, binayaran din siya ng 5.5 million para sa signing fee kaya gusto niyang ma-satisfied si Mrs. Sojurn na owner ng club.
Inilagay ni Just ang cellphone sa kanyang bulsa at nilinga si Jacian. "Napanood mo na ba kung paano maglaro ang GOT-G?" Tanong ni Just.
Tiningnan siya ni Jacian at bahagyang umiling. "Hindi ako nanonood ng match ng GOT-G." Saad niya. "Pero, mid/jungle dou rin ang strategy ng GOT-G, diba? Parang pareho lang sa Team TK." Saad niya.
Tumango si Just at sumandal sa pinto ng training room habang naka-ekis ang mga braso. "Mn, pero mas aggressive sila kumpara sa TK. Mid/jungle dou ang strategy ng GOT-G gamit ang assassin-fighter hero, ang TK naman ay mahilig sa soft-fighter hero. Kung pipiliin tayo ng GOT-G ano sa tingin mo ang line-up natin?" Tanong ni Just habang seryusong nakatingin sa kanya.
Napaisip naman si Jacian, sa katunayan pinaka-common na double que na ang mid/jungle dou dahil karamihan sa KPL or King Pro League sa China ay laging ganoong comp ang ginagamit, kahit si Ziling at Reyi na mid laner at jungler ng Team WH ay ginagamit ang ganoong combo, yung mga ganong strategy sila yung mga team na mahilig mang-gank o di kaya'y manggulo ng battlefield. Base sa coordination ng mid at jungler ng GOT-G siguradong malakas ang tacit understanding ng dalawang players, habang sila ni Just ay parang passers-by na walang signal sa right corner ng kanilang game settings, yung tipong hindi alam kung kailan mag-sisignal ng charge, retreat at assemble, parehong taliwas ang kanilang desisyon. Kung gagamit din sila ng mid/jungle dou system diba para narin silang nag-concede ng surrender? Nag-double Q na sila ni Just gamit ang assassin type hero pero 20% lang talaga ang win rate at hindi pwedeng ilabas sa tournament.
Pagdating naman sa line-up, sa tingin ni Jacian p'wede naman sila gumamit ng kahit na anong hero depende sa line-up at ban/pick ng kalaban. Kung malakas ang GOT-G sa teamfight pwede silang nag-focus sa lane management para makakuha ng advantage at mabaliktad ang battlefield. Ngunit hindi ganun kadali ang lane management dahil kailangan ng team coordination at malakas na game awareness.
"Anong signature hero ni Shadow?" Tanong ni Jacian habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip.
"Heino." Sagot ni Just.
Napa-angat ang isang kilay ni Jacian at nagtatakang tiningnan si Just. "Heino?" May pagdududang tanong niya.
Makikita ang pag-angat ng magkabilang gilid ng labi ni Just kasabay ng pagtango. "Nahihinaan ka ba sa Heino ni Shadow?" Tanong ni Just, nadurog ni Jacian si Shadow sa rank game habang gamit nito si Heino na tanky samantalang soft mage lang ang gamit ni Jacian, kaya naiintindihan niya si Jacian kung bakit ito nagtaka.
Hindi naman sumagot si Jacian, tiningnan niya si Just atsaka umiling. "Malakas ang Heino ni Shadow, pero masyado niyang ina-underestimate ang kalaban niya kaya mabilis siyang magkamali sa posisyon, tingin ko ito ang kahinaan ng team nila." Sagot niya at tinanong si Just. "Alam mo ba kung bakit ko siya napatay noon sa rg?"
Tiningnan siya ni Just at nagpakawala ng mahinang 'mn'
"Ikaw ang commander sa team niyo, tama ba?" Tanong niya na tinanguan ni Jacian.
"Napatay ko siya kasi pinagtulungan namin siya nung jungler, hindi ko siya kayang i-solo kill gamit si Xiao Qiao sobrang tanky ni Heino idagdag pa ng ult niya na healing at cc immune, imposible talagang mapatay siya ng isang Xiao Qiao. Ang unang tinarget namin sa team nila yung tatlo nilang kasama, hindi kasi nakikisama yung tatlo nilang teammates kaya doon kami nagkaroon ng advantage." Paliwanag ni Jacian. Nung time na 'yun, sobrang solid ng team nila at nakikinig sa command niya samantala sa kabilang team ay si Shadow at Lessen lang ang may cooperation. Kahit gaano pa kagaling ang dalawang players kung walang cooperation ang tatlo hindi parin nila kayang bumuhat lalo na kung may cooperation ang lima sa kabilang side. 5v5 ang HoK at mababa lang ang win rate kung makikipag 2v5 kayo sa match.
Random ang match-fixing kaya hindi talaga maiwasan na may makasama kang hindi nakikipag-cooperate.
"Napanood ko ang match niyo, ni-record ni Shadow at sinend niya sa gc. Walang commander sa team nila." Saad ni Just.
Napatango-tango naman si Jacian. "Kung Team natin ang pipiliin ng GOT-G, kailangan natin si Lucky para sa lane management, haha." Natatawang ani Jacian.
Napa 'mn' naman si Just.
Sa katunayan hindi nila alam kung sino ang mananalo sa pagitan ng HUV at GOT-G pero malaki ang posibilidad na Team GOT-G dahil team nila ang laging nakakapasok sa global competition at nakakaabot ng quarter finals. Pati ang mga fans sa e-sports circle ay kampante na sila ang mananalo, kahit naman nung mga nakaraang opening ng season ay lagi nilang natatalo ang HUV.
Makalipas ang ilang sandali, bahagyang kumunot ang noo ni Just nang may maalala.
"Sino yung number 1 honored VIP sa livestream room mo?" Tanong niya kay Jacian.
Nag-send siya sa livestream room ni Jacian ng 1000 big wave pero sa laki ng halaga ng gifts niya ay #2VIP lang ang nakuha niyang posisyon sa livestream room ni Jacian. Hindi niya alam kung sino yung big spender na nag-send ng gifts para makuha ang #1HonoredVIP.
Saglit na natigilan si Jacian bago sinagot ang tanong ni Just. "Ah yun, si XiaoWang." Sagot niya.
"How much did he send to you?" Tanong ni Just habang naka-cross arm.
"Hindi ko na maalala, pero nag-send siya sa ng 1000 big wave para bumili ng 1000 games. Nag-sesend din siya sa SweetTalk." Saad niya.
"Friend mo siya sa SweetTalk?" Tanong ni Just.
"Mm, kailangan niya akong i-chat kung kailan niya gusto makipag-queue."
"Tapos niyo na ang 1000 games?"
"Hindi pa, meron pang 475 games." Saad niya.
Tumango si Just. "Lagi mo siyang nakaka-chat?"
Nabahiran ng pagtataka ang mukha ni Jacian dahil sa mga tanong ni Just, hindi ba kanina bag-uusap lang sila ng magiging line-up nila para sa GOT-G, bakit biglang napunta sa kanya ang topic?
Hindi siya sumagot at nakangiting tiningnan si Just. "Bakit tinatanong mo?" Natatawang aniya at inilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Just at bahagya lang umiling. "Akala ko wala ka ng ibang nakaka-chat maliban kay Chase."
Nagpakawala ng mahinang tawa si Jacian at isinuksok narin sa bulsa ang isa pang kamay.
Dinukot ni Just ang kanyang cellphone sa bulsa nang tumunog ito. Nag-chat sa kanilang gc si Lan na pinapunta na sila nito sa malaking training room ng second floor kasama ang second-string para sa practice match.
Tumayo ng maayos si Just mula sa pagkakasandal sa pinto at nilinga ang second string na kanina pa nagkukwentuhan sa loob ng training room, sinabi niyang pumunta na sa second floor para sa match. Nang umalis na sila ni Jacian, nagkatinginan ang mga players ng second string at pare-parehong nagtanong kung bakit close ang captain ng FTT at yung trash streamer.
Hindi pa natapos iyon hanggang sa sitahin sila ng kanilang captain at sabihing umakyat na sa second floor.