Chapter 67: Opening

Mabilis na lumipas ang araw at sa isang kisap ng mata ay March 8 na. Araw na para sa opening ng season na magaganap mamayang alas kwarto ng hapon. Painit ng painit ang panahon at mas lalo itong uminit nang magsimulang mag-live ang PKL para sa countdown. Maraming fans ang nagbukas ng kanilang streaming platform para mag-comment.

Dahil sobrang init ng panahon, nagdesisyong maligo si Jacian ng 2 p.m at nag-ayos ng mga kailangan niyang dalhin bago lumabas ng base at pumasok sa team van suot ang kanilang black and gold uniform.

Kahit na mataas pa ang sikat ng araw, makikita ang napakaraming fans na naka-abang sa labas ng venue habang kinakaway nila ang kanilang mga banner. Nakakabinging sigawan ang maririnig nang dumating ang team van ng Team GOT-G at isa-isang lumabas ang mga players mula sa van. Team GOT-G ang pinakamalakas ngayon sa PKL kaya walang duda kung fans nila ang pinakamaingay, makikita ang napakaraming logo at merch ng GOT-G na kumakaway habang nakasuot sila ng GOT-G team uniform.

Dumating ang ilang teams at makalipas ang kalahating oras ay dumating narin ang team van ng FTT. Maraming fans ang naka-abang sa entrance ng venue at kung hindi lang dahil may harang ay sinalubong na nila ang dumarating na team van. Nang makita nila ang team van ng FTT biglang tumahimik ang paligid at nagpatuloy lang ang ingay nang isa-isang lumabas ang players ng FTT sa pangunguna si Just.

Hinintay ni Just na makalabas ang lahat ng members at nang lumabas si Jacian inakbayan niya ito bago sila naglakad patungo sa entrance.

Agaw pansin ang black and gold uniform ng FTT, ngunit maliban sa uniform mas agaw pansin ang bagong member ng FTT. Nang lumabas si Jacian sa team van bahagyang na-shock ang mga fans nang makita si Boss sa personal, para bang gusto nilang itanong, shucks! ito si Boss sa personal? Maputi siya pero bakit ang liit niya? Hanggang tenga lang siya ng lahat ng players ng FTT, nagmukha nga siyang bata nang akbayan siya ni Just, kung hindi lang dahil may kulay ang buhok niya ay mapagkakamalan talaga siyang highschool student. Si Just ang pinakamatangkad sa kanila at makikita siya sa crowd dahil umiibabaw talaga ang tuktok ng kanyang ulo.

"God J! Good luck!"

"Good luck, FTT!"

Sigaw ng mga fans nang dumaan sila. Nakasuot si Jacian ng earphone ngunit hindi na gumagana ang isa kaya dinig niya ang sigaw ng mga fans, hindi nag-angat ng tingin si Jacian at nagpatuloy lang sa paglalakad habang inaakbayan siya ni Just.

"Good luck sa'yo Lucky! Sana malakas na ang Hou Yi mo!"

Dahil sa sigaw ng fan, hinarap ito ni Lucky at nag-thank you. Binilisan niya ang paglalakad para habulin si Gem at pinulupot ang braso sa balikat nito. Dahil sa ginawa niya nagsigawan ang mga CP fans.

Malamig siyang tiningnan ni Gem habang nasa bulsa ng pants ang dalawang kamay. "Tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ko." Sita sa kanya ni Gem ngunit wala siyang paki at inakbayan parin si Gem hanggang sa makapasok ng entrance at marating nila ang backstage kung nasaan ang break room. Saka lang siya humiwalay kay Gem nang mawala na sila sa paningin ng mga fans.

Umupo si Jacian sa sofa at nakapikit na sumandal, 3:40 p.m na at twenty minutes nalang ay magsisimula na ang match ng HUV at GOT-G para sa opening. Habang nasa ganong posisyon si Jacian naramdaman niyang lumubog ang sofa sa kanyang kanan.

"Inaantok ka?"

Idinilat ni Jacian ang kanyang mga mata at nilinga si Just. Inilingan niya ito at dinukot ang kanyang cellphone para patayin ang tugtog.

Makalipas ang twenty minutes kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabing p'wede na silang pumunta sa stage para manood ng match. Tinanong naman sila ni Lan kung pupunta pa ba sila sa audience area para mapanood ng live o dito nalang manood sa break room. May malaking TV sa loob ng break room na nakaharap sa sofa at p'wede silang manood doon kung ayaw nilang pumunta sa audience area.

Ngunit ito ang unang beses ni Jacian makapunta ng live ng PKL kaya nag-suggest si Just na pumunta sa stage para mapanood ng live. Naroon na sa bench area ang lahat ng teams nang pumunta sila at nang makita ni Captain Sin si Just tumayo ito at binigyan si Just ng yakap. Sa kanilang limang magkakaibigang jungler, sila ni Just ang pinaka-close at normal lang na yakapin nila ang isa't isa tuwing magkikita sila.

Paupo na si Jacian sa bench nang tawagin siya ng katabi ni Sin. Nilinga niya ito at nakita niyang kumaway ito sa kanya, medyo payat iyon at matangkad lang ng kunti sa kanya, naroon pa ang babay fat nito sa mukha kaya halatang bata pa. Ngayon lang ito nakita ni Jacian at hindi niya alam ang pangalan nito kaya nginitian niya nalang ito pabalik.

Ngumiti si Sin sa kanya at pinakilala ang lalaking katabi nito. "Siya si Linus. Gusto ka raw niyang kausapin." Malumanay na saad ni Sin.

Nasa pagitan nila si Sin at Just kaya iniunat ni Jacian ang kanyang kamay para makipag-shake hands. "Hi, I'm Boss." Ani Jacian.

Nakangiti namang tinanggap ni Linus ang kanyang kamay. "Nice to meet you, Boss. Pwede ba kitang i-add sa SweetTalk?" Tanong ni Linus.

"Sure, I'll scan your QR code." Dinukot ni Jacian ang kanyang cellphone mula sa bulsa at ini-scan ang code ni Linus para mag-send ng friend request.

"Added." Nakangiting ani Linus. "Mag-solo tayo kapag may time."

"Mm." Tumango si Jacian bago umayos na ng upo nang umilaw ang mga spotlight sa stage at pumasok ang host na si Ms. Phara para magbigay ng intro.

Habang nagsasalita ang host sa harap nagpaalam siya kay Just na pumunta ng CR para umihi, tinuro ni Just kung nasaan ang bathroom kaya agad siyang tumayo at mabilis na pumunta roon. Umihi siya at nag-hugas ng kamay bago naghilamos. Mukhang napalakas yata ang pagkakawisik niya ng tubig sa mukha dahil nabasa ang kanyang buhok at kinailangan niya pang punasan iyon gamit ang tissue para hindi tumulo.

Lumabas na siya ng CR para bumalik sa bench area ngunit paliko siya ng corridor nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Grabeng opening naman 'to, dalawa kaagad ang match. Wala bang papalit sa atin?"

"Dalawang match plus isang team sa regular season. Hindi naman nakakapagod."

Jacian: "?" Pamilyar 'yung boses na 'yun.

Nang lumiko si Jacian sa corridor kung saan nanggaling ang pamilyar na boses, bahagya siyang nagulat nang makita ang dalawang commentators. Nahinto naman sa pagsasalita ang dalawang commentators at nilinga ang kanilang likuran nang makarinig ng yabag.

"Boss!" Nakangiting tawag ni Commentator Zia at kinawayan siya. Naka-coat ito ng puti at naka-high heels, formal ang outfit nito na animo'y a-attend sa meeting ng mga shareholders, maging si Commentator Waver ay naka-formal din.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Jacian at nakipag-shake hands kay Commentator Zia bago nakipag-fist bump kay Commentator Waver. Matangkad si Commentator Zia at mas tumaas pa siya dahil sa high heels, nagmukha tuloy siyang ate ni Jacian.

"Kami na ang commentator ngayon, inimbita kami kasi wala pang laban sa MPL-PH. Nasa Jakarta Indonesia sila ngayon para sa Asian Cup." Saad ni Commentator Zia at isinabit sa kanyang balikat ang shoulder bag.

"Nabanggit nga sa akin ni Chase." Ani Jacian. "Pero kayo ang commentator ngayon?"

Tumango si Commentator Waver. "Yeah, pero baka mag-sign na kami ng contract pang buong season. Nandito kami para i-support ka." Ani Commentator Waver at marahang sinuntok ang kaliwang balikat ni Jacian.

Tumango si Jacian. "Okay, galingan niyo mag-comment ah dapat ako naka-highlight." Pabirong ani Jacian.

"Don't worry Boss, I got you. Nagulat nga ako nung nalaman kong nag-sign in ka sa FTT, kaya nagmadali kaming kumuha ng contract tutal kaka-expired lang din ng contract namin." Saad ni Commentator Waver.

Saglit silang nagkamustahan bago sila nagpaalam sa isa't isa nang tawagin na ang dalawang commentators para pumunta sa booth.

Bumukas ang spotlight sa stage at makikita ang mga players ng Team GOT-G nang tawagin sila ng babaeng host na si Ms. Phara, isa-isang naglakad ang limang players ng Team GOT-G patungo sa malaking stage suot ang kanilang team uniform na kulay violet. Umakyat narin ng stage ang limang players ng Team HUV sa pangunguna ni Captain Alone na siyang clash laner. Maririnig ang nakakabinging sigawan galing sa mga audience nang simulang ipakilala ni Ms. Phara ang mga players at i-congrats sa match nila last season.

Dahil laban ng dalawang malalakas na teams hindi mawawala ang trash talk segment bilang pampainit, iniabot ni Ms. Phara ang mic kay Lessen at nag-step forward naman ito.

Sa bench ng mga players, bahagyang kinabig ni Lucky ang katabi niyang si Jacian dahil seryuso ito habang nakatingin sa stage.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ka d'yan, sana tayo ang piliin ng GOT-G. Sigurado akong ikaw pipiliin ni Ms. Phara sa trash talkan." Ani Lucky.

Tiningnan niya lang si Lucky gamit ang peripheral vision bago ibinalik ang tingin sa stage, ngunit naramdaman niyang nakatingin sa kanya ang kanilang captain kaya nilinga niya ito.

Jacian: "?"

"Tingnan mo maglaro si Shadow, siya ang top mid laner sa PKL kaya isa siya sa makakalaban mo pagnagkataon." Paalala ni Just na bahagya pang lumapit sa kanya para bumulong.

Tumango si Jacian.

Sa kabilang banda, pinaalalahanan din ni Captain Sin si Linus na pag-aralan ang playing style ni Captain Shadow, narinig pa ni Jacian ang 'Got it, Captain' ni Linus bago natapos ang trash talk segment. Si Lessen at Kai lang ang nagpalitan ng salita bago nag-fist bump at naglakad patungo sa kanikanilang gaming chair para sa match. Sinuot nila ang kanilang noise-cancelling headphones habang hinihintay ang ban/pick phase. May suot din silang heart rate monitoring na nakalagay sa kanilang kaliwang pulsuhan at makikita ang kanilang heart rate sa malaking screen katabi ng kanilang hero.

Nang magsimula ang ban/pick napunta sa Blue Team ang GOT-G at Red Team naman ang HUV. Kinuha kaagad ng GOT-G si Mai Shiranui para kay Shadow matapos i-banned ng HUV si Heino at Gan&Mo, halatang si Captain Shadow ang kanilang target. Kung hindi kukuha ng mid lane hero ang GOT-G malaki ang posibilidad na p'wede pang i-banned ng HUV ang ibang mages at hindi magamit ni Shadow ang kanyang mga best hero.

Tumawa si Commentator Zia dahil sa ban spot ng HUV. "Ito 'yun eh, 'pag kalaban niyo raw ang GOT-G matik daw na i-banned ang isang Heino dahil signature hero ito ni Captain Shadow."

Commentator Waver: "Kaya pala Heino ang first ban, pero syempre kailangan talaga i-banned itong si Gan&Mo dahil masakit ang poke niya at malakas pa sa meta. Hindi rin naka-banned si Mozi, sabi nga nila Mozi plus Gan&Mo masakit eh."

"Masakit talaga, ang layo ng mga skills eh, bago ka makalapit ubos na ang HP mo-- pero Oh! Augran! Kinuha ng HUV si Augran para sa kanilang first pick!" Excited na ani Commentator Zia.

Commentator Waver: "Augran plus Yuhuan!"

Commentator Zia: "Wow, perfect combo!"

Kinuha ng HUV si Augran at Yuhuan para sa kanilang first and second pick. Hinayaan nilang gamitin ni Kai si Augran at mukhang siya ang magiging center ng teamfight, kailangan lang ni Augran ng teammates na malakas ang crowd control dahil continues damage ang skills niya at perfect teammate talaga para kay Augran ay si Yuhuan dahil malakas ang kanyang crowd control. Ma-poprotektahan niya si Augran pagdating sa mga assassin hero kaya hindi siya basta basta ma-gank.

"Augran." Ani Jacian. "Nakalabas narin sa ban list." Natatawang aniya.

Tumawa rin si Lucky. "Oo, nasa ban list lang naman 'yan tuwing FTT ang kalaban. Maliban kay Captain wala ng ibang pro ang kinakatakutan gumamit niyan."

Hindi nagsalita si Just at binuksan ang takip ng bottled water atsaka uminom, pinunasan niya ang kanyang bibig atsaka itinuon ang atensyon sa stage. Ngunit bahagya siyang kinabig ni Sin na nasa kaliwa niya kaya nilinga niya ito.

"Malakas ba ang Augran ni Kai?" Malumanay na tanong ni Sin.

Umiling si Just: "He can't beat me."

Tumawa si Sin. "Of course."