Chapter 68: GOT-G vs. HUV - BO1 Match

Matapos kunin si Augran at Yuhuan, kumuha ng farm lane dou ang GOT-G at ini-lock sa perfect combo na Lady Sun plus Ming. Na-shock ang dalawang commentators dahil sa komplikado ng line-up ng dalawang team, lalo na nung kunin ng HUV si Loong para sa farm lane, lahat sila ay nag-doubt. Sinong mananalo? Sa tatlong pick ng GOT-G na Mai Shiranui, Lady Sun at Ming laban sa Augran, Yuhuan at Loong. Sinong mananalo? Parehong may solid na line-up ang dalawang teams at mahirap hulaan kung sino ang magwawagi, hihintayin nalang nila pumili ng iba pang hero ang dalawang players sa pagkabilang team para i-analyze ang line-up at kung gaano kalaki ang porsyento ng kanilang win rate.

Ini-banned ng GOT-G si Guan Yu bilang respeto kay Captain Alone na siyang clash laner ng HUV, sa huli pinili ng GOT-G si Dun sa clash lane at Dian Wei sa jungling. Ini-lock naman ng HUV sa Mayene ang kanilang clash lane para kay Captain Alone at Sakeer para sa support. Makikita ang line-up ng GOT-G at HUV sa kanilang background habang ina-analyze ni Commentator Zia at Waver ang line-up ng dalawang team.

Matapos ang hero trade pumasok na sa canyon ang dalawang teams at nagsimula nanaman ang nakakabinging sigawan ng mga fans para i-cheer ang mga players, mabilis ding humupa ang ingay at nag-focus na sila sa panonood. Kahit ang Official live broadcast ng PKL ay walang tigil sa-kakascroll dahil sa dami ng mga comments. Opening palang ito ng season ngunit maraming tao ang pumunta para manood dahil laban ito ng dalawang malalakas na teams sa PKL.

36 minutes palang ang match at wala pang kaguluhang nagaganap dahil pare-pareho palang silang nasa level one. Walang mid lane 1v1 dito dahil hindi naman top player ang mid laner ng HUV ngunit hindi rin naman masama, napaka-stable nito at malinis kumilos kaya ang hirap maghanap ng timing lalo na kung isang Mai Shiranui ang gamit mo ngunit dahil si Shadow 'yan, kahit gaano pa ka-playsafe at stable ang enemy maghahanap at maghahanap parin 'yan ng butas para pwersahang mapa-charge ang opponent.

Itinuon lang ni Jacian ang kanyang atensyon sa hero ni Shadow katulad ng utos ni Just.

Sa loob ng 3 minutes, pumunta si Kai sa mid lane para tulungan i-clear ang minions, squishy pa si Augran sa early game kaya kailangan niya ng maraming gold para makabili ng equipment at maging tanky. Pang late game core ang hero ng HUV samantalang pang early naman ang GOT-G, sa line up palang ng GOT-G parang gusto na nilang tapusin ang match bago mag ten minutes, hindi rin nila pwedeng paabutin ng late game dahil malakas ang Yuhuan at Loong sa late game plus may Augran, idagdag pa ang Mayene at Sakeer. Kapag umabot ng 10 minutes siguradong naka-tank build na si Augran at mahirap na ito patayin lalo sa mga marksman katulad nila Lady Sun.

Masyadong malagkit ang line-up ng GOT-G at tinatower dive nila ang mid laner ng HUV ngunit may immunity ang mid laner ng HUV na siyang ult ni Yuhuan dahilan para hindi ito ma-slain at nagawang magamit ang CC ngunit alam ni Shadow at Lessen ang plano nito at mabilis silang umalis sa baba ng tower nang hindi natatamaan. Napilitang mag-recall ang mid laner ng HUV dahil sa atake ni Shadow at Lessen, at mukhang ito ang plano ng GOT-G dahil matapos pauwiin ang mid ng HUV sumama si Shadow kay Lessen para i-gank ang marksman ng HUV, tama ang plano ng GOT-G dahil nasa base pa ang mid laner ng HUV at hindi nito ma-assist ang marksman kapag ini-gank nila.

Dahil si Lady Sun ang marksman ng GOT-G ini-stunned nito si Loong na nasa baba ng tower at parehong nag-tower dive si Shadow at Lessen dahilan para hindi magamit ng marksman ng HUV ang ult ni Loong na iyon sana ang pag-asa para makatakas siya ngunit masyadong mabilis ang GOT-G at halos hindi na nila pina-react ang marksman ng HUV.

First blood!

Kaagad na nagsigawan ang fans ng GOT-G dahil sa gwapong first blood ni Shadow. Sobrang linis ng plano nila at walang makikitang error sa movement ni Shadow para makuha ang first blood. Mas mabilis silang gumalaw kumpara sa HUV kaya magaling sila pagdating sa skills combo.

Sa loob ng 4 minute mark, nag-spawned na ang overlord/tyrant. Mataas na ang gold ng GOT-G at kung makukuha pa nila ang tyrant siguradong magkakaroon ng malaking gap ang gold nila sa HUV na siyang magiging disadvantage ng HUV. Ngunit pang late game naman ng line-up ng HUV kaya pwede pa nilang i-drag sa 10 to 15 minutes ang match para magkaroon sila ng advantage.

Habang sumasayaw sa tyrant ang dalawang team, gumalaw si Just at bahagyang sumandal kay Jacian para bumulong. "Sino sa tingin mo ang makakakuha ng tyrant?" Tanong ni Just.

Nilinga ni Jacian ang screen para i-check ang posisyon ng dalawang team, pabor sa GOT-G ang tyrant ngunit kung skills ang pagbabasehan nakikita ni Jacian na p'wede pang ma-snatch ng HUV ang tyrant.

"Marunong ba ng dirty tricks ang jungler ng HUV?" Seryusong tanong niya at tiningnan si Just na ngayon ay nakakunot-noo dahil sa sinabi niya.

"What dirty tricks?" Tanong ni Just.

"Tinatanong ko kung marunong siya magnakaw."

Tumango si Just. "Mn."

"HUV." Sagot niya sa tanong ni Just.

Madali lang naman nakawin ang tyrant gamit ang skills ni Augran, as long as calculado mo ng HP ng tyrant pwede mong gamitin ang skill 1 ni Augran para nakawin ang tyrant o di kaya'y skill 1 sabay smite. Ngunit masyadong malagkit ang GOT-G at halos ayaw bitawan ang tyrant. Kung makukuha ng GOT-G ang tyrant, magiging 4 thousand na ang lamang nila sa gold ngunit kung makukuha ng HUV ang tyrant magiging tie ang kanilang gold.

Sobrang init nang laban sa pagkuha ng tyrant ngayong match, bumalik pa ang tyrant sa pit at naging full health ngunit mabilis nilang pinababa uli ang HP hanggang sa magkaroon ng teamfight. Halatang umiiwas pa sa teamfight ang HUV dahil hindi nila hinahayaang makakuha ng kill ang GOT-G, matapos ang kaunting kaguluhan sa tyrant pit wala namang namatay sa parehong team ngunit mababa na ang HP ng mga players ng HUV at wala silang choice kundi ang mag-retreat.

Secured na ng GOT-G ang tyrant at mukhang si Shadow pa ang makakakuha dahil hinahayaan lang ito ni Lessen at tanging assist lang ang binibigay. Ngunit na-shock sila sa galaw ng HUV habang dalawang bar nalang ang HP ng tyrant nang makitang lumabas si Augran mula sa brush na malapit sa tyrant pit.

Commentator Zia: "Oh? Bumalik!" Gulat na saad niya, maging ang mga viewers ay nagulat din.

Bumalik si HUV' Kai sa tyrant pit at ginamit ang skill 1 at hinayaang tumama sa tyrant ang dulo non, hindi pa nakikita ang result ngunit nag-retreat na siya sa sariling jungle.

Sa isang kisap ng mata.

(HUV' Kai)Defeated(Tyrant)

Commentators: "???" Na-speechless sila sa ginawa ni HUV Kai at tanging hindi makapaniwalang tunog lang ang lumabas sa kanilang bibig

Samantala napangisi si Jacian. "Perfect." Saad niya at bahagyang nilinga si Just na nasa kanyang kaliwa, nakatingin din ito sa kanya at hindi nababahiran ng kahit na anong ekspresyon ang kanyang mukha. Malamig ang mga mata ni Just at masungit ang mukha nito, bahagya pang nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kilay kaya natigilan si Jacian. Gusto niya sanang sabihin na magaling mag-dirty tricks ang HUV ngunit hindi niya magawa dahil sa ekspresyon ng kanilang captain. Iiwas na sana siya ng tingin dahil sa attitude ni Just ngunit hindi niya magawa dahil nakatitig ito malalim sa mga mata niya, animo'y kahit gumalaw siya ay hindi parin ito matitinag.

"Oh shit!" Biglang mura ni Lucky.

Doon lang natinag si Just at nag-iwas ng tingin, kumunot naman ang noo ni Jacian sa pagtataka at pareho na nilang itinuon ang atensyon sa screen.

10 minute mark na ang match at makikitang lamang sa gold ang HUV matapos makuha ang overlord. Bagsak na ang pangalawang turrets ng GOT-G at mukhang mag-pupush na nga sa mid lane high ground ang HUV kasama ang shadow vanguard.

"Holy shit! Mukhang mawawala pa ang high ground ng GOT-G!" Mahinang sigaw ni Lucky.

"Pwedeng magsalita ka ng tahimik? Umaabot na sa break room ang boses mo." Malamig na sita ni Gem sa kanya. Masama ang mukha ni Lucky habang nakatingin sa malaking screen.

Gustong pabagsakin ng HUV ang high ground ng GOT-G ngunit dinidepensahan ito ng GOT-G, mukhang hindi nila hahayaang makuha ng HUV ang kanilang high ground at pwersahang nagkaroon ng teamfight!

Magaling sa teamfight ang GOT-G at kung mapapansin ay pan-teamfight talaga ang kanilang line-up dahil aggressive sila maglaro, mahina sila sa lane management ngunit solid sila sa teamfight. Nakakakuha lang sila ng advantage dahil sa mga teamfight ay maliliit na kill, ito rin ang hinihintay ng GOT-G, ang magkaroon ng teamfight dahil kanina pa nagp-playsafe ang HUV na naglagay sa kanila sa disadvantage na sitwasyon at nagawang mag-push sa kanilang high ground.

Tinarget ng GOT-G ang marksman ng HUV kaya napilitan itong gumamit ng ult para hindi mamatay, wala ng ult si Loong kaya naging komportable ang GOT-G sa team fight at inunang pinatay ni Shadow ang marksman ng HUV. Makalipas ang ilang segundo ay makikita ang ilang corpses na na nakahiga sa baba ng tower.

Namatay ang marksman ng HUV, namatay ang mid laner at support matapos gamitan ng skills combo ni Shadow at Lessen, ngunit na-slain din ang marksman ng GOT-G nang ma-execute ito ng passive ni Augran, tanging si Captain Alone na clash laner at Kai na jungler nalang ang natitira sa team HUV samantalang apat pa na players ang meron sa GOT-G.

Kaya ba nilang makipag-4v2? Masyadong malalim ang kanilang push kaya huli na para mag-retreat silang dalawa. Makikitang nasa disadvantage na sitwasyon na si Captain Alone at Kai, full pa naman si Augran at halos puno parin ang HP ng hero ni Captain Alone na si Mayene ngunit sobrang hirap para sa kanila ang makipag 4v2.

Dahil may suot silang heart rate monitoring, makikita ang heart rate nila sa malaking screen katabi ng kanilang hero.

Napailing si Lucky: "Sobrang stable ng heart rate ng HUV, tingnan mo 69 lang kay Captain Alone tapos kay Kai 74. Kung ako sa sitwasyon nila at nasa disadvantage na sitwasyon baka 180 na ang heart rate ko ngayon." Ani Lucky.

Kahit si Jacian ay napatingin din sa heart rate ng mga players na biglang nag-popped up sa screen para alamin ang kanilang heart beat. Sobrang stable nga ng heartbeat ng HUV na siyang ebidensya na hindi sila kinakabahan kahit nasa ganong sitwasyon, kung tutuosin mas mataas pa ang heart rate ng GOT-G kahit sila ang nasa magandang sitwasyon. Makikita sa screen na umabot sa 146 ang heart rate ni Shadow at 130 kay Lessen, kahit ang tatlong teammates nila ay napakatakas ng heart rate at mukhang nakakaramdam sila ng pressure dahil sa pag-push ng HUV kanina.

"Ang taas ng heart rate ng GOT-G." Saad ni Jacian at kinuha ang bottled water na nasa kanyang paanan at uminom.

Napa 'Mn' naman si Just na nasa kanyang gilid.

Mabilis ma-pressure ang GOT-G ngunit hindi iyon makikita sa performance nila. Kahit gaaano pa kataas ang heart rate nila nakakamanghang hindi sila nakakagawa ng mali. Kahit nakakaramdam sila ng sobrang pressure ay hindi iyon nakakaapekto sa kanilang rhythm, the more na mataas ang kanilang heart rate the more na nagiging effective ang kanilang gameplay na siyang nakakapagtaka.

Commentator Zia: "Wow, medyo mataas ang heart rate ng GOT-G, mukhang nakakaramdam sila ng pressure."

Commentator Waver: "Oo, pero ito na nga, sinugod na ng dalawang players ng GOT-G si Kai pero tanging bawas lamang ng HP ang kanilang nagawa, tinulungan ni Captain Alone si Kai dahil sa masasakit na skills ng GOT-G at NAGAWA PANG MAKAKUHA NG KILL SI KAI!" Sigaw ni Commentator Waver.

(HUV' Kai) Defeated(GOT-G' Little)

(HUV' Kai) DOUBLE KILL! (GOT-G' Right)

Enemy Double kill!

Nagawa pang maka-double kill ni Kai!

Commentator Waver: "What a great counterattack! Para kay HUV' Kai!"

Huli na para mag-retreat si HUV' Alone at Kai kanina kaya ang ginawa nalang nila ay nakipag-4v2! Nagawang maka-double kill ni Kai ngunit hindi kinaya ang sunod na attack at na-slain ni Shadow.