Chapter 69: Umiiinom ka palang ng gatas, nasa world champion na kami.

Sa isang kisap ng mata ay na ACED ng GOT-G ang HUV at nag-push sa mid lane, nagawang mapabagsak ni Shadow at Lessen ang high ground tower ng HUV at nag-push sa Crystal kasama ang isang minion.

Commentator Zia: "Inaatake na ang crystal! May 3 seconds pa para mabuhay ang marksman ng HUV ngunit wala ng pag-asa at sumabog na ang crystal! CONGRATULATIONS Guardian Of The Galaxy for winning the opening match!"

Katulad ng inaasahan ng mga audience, nanalo ang GOT-G para sa opening match, sa katunayan alam naman nila nung una palang na kayang kaya talunin ng GOT-G ang HUV ngunit kung gagawin nila iyon ng mabilisan hindi na nakaka-excite ang match, may pakaba kasi maglaro ang GOT-G kaya kung matatalo sila, ang sabi nga ng mga fans kung matalo sila sa match sinadyan iyon ng GOT-G para maka-score ang kalaban. Ganun kalayo ang gap ng GOT-G sa HUV bilang pinamalakas na team sa PKL.

Matapos ang match, pumunta sa kabilang team ang GOT-G para makipag-shake hands sa HUV pagkatapos ay naglakad sila sa gitna ng stage kasama ang host na si Ms. Phara.

"Congratulations GOT-G dahil natalo niyo nanaman ang HUV sa opening." Nakangiting ani Ms. Phara.

Nagtanong ang host tungkol sa mindset nila nung huli kung bakit na-aced nalang nila bigla ang HUV, tinanong ni Ms. Phara kung sino ang nagplano, kung nung una palang ba ay hahayaan nilang kunin ng HUV ang mga objectives at i-turn around ang battlefield. Sinagot naman ng GOT-G ang lahat ng tanong ng host at halos si Shadow ang sumagot nun, talkative si Shadow at halatang brainy pa ito kaya napakabibo sumagot, hindi siya mahiyain katulad ng ibang pro players na nauutal kapag tinatanong. Sinagot niya lahat ng tanong ng host ngunit huminto siya nang bitawan ni Ms. Phara ang tanong na nakaka-speechless ngunit naghatid ng matinding sigawan sa mga CP fans.

"Shadow, sagutin mo nga ang tanong ko. Totoo ba na kayo 'raw ni Lessen?" Tanong ni Ms. Phara.

Shadow: "..." Ipinaglapat lang ni Shadow ang kanyang labi at nakangiting tiningnan ang host.

Maririnig ang nakakabinging sigawan ng mga fans kaya pati ang mga teammates ni Shadow at Lessen na seryusong nakatayo sa stage ay napangiti narin.

Samantala, si Jacian na seryusong nakikinig sa mindset ng GOT-G para makakuha ng ideya ay napa 'ha?' matapos marinig ang tanong ng host.

"Mn." Seryusong sagot ni Just habang nakatingin sa stage.

Napakurap si Jacian. "Kaya pala couple sila ng display name." Naaalala ni Jacian ang display name na 'I AM Sssdw' at 'I AM Lssn' Alam ni Jacian na couple ang dalawang player dahil sa display name ngunit nung malamang pro players iyon ay hindi niya na binigyan ng meaning ang display name ng dalawang account. Dahil sa tanong ng host ngayon medyo nagulat siya nang mapagkumpirmang si Shadow at Lessen talaga sa personal.

"So kayo nga?" Tanong uli ni Ms. Phara at iniabot kay Lessen ang mic nang mag-senyas ito.

"Yes." Sagot ni Lessen.

"Tinatago niyo ba? Kasi nalaman namin dahil may nag-leak ng convo galing sa gc niyo. Sino ba 'yung nag-leak na 'yun? Isa sa mga pro? Anong pangalan ng gc niyo?" Tanong ng host na sinagot ni Shadow.

"Professional crappy players."

Hindi mapigilan ni Ms. Phara at nagpakawala ng mahinang halakhak. "Sige, mamaya hahanapin natin kung sinong pro 'yan." Anito at nilinga ang audience para i-announce ang susunod na show. "Ito na ang pinakahinihintay natin, dahil kayo ang nanalo sa opening kailangan niyo mag-challenge ng isang team. GOT-G, maliban sa HUV anong team ang gusto niyong i-challenge?" Tanong ni Ms. Phara.

Mabilis naman na sinagot ni Shadow ang tanong nang walang pag-aalinlangan. "Team For The Throne." Nakatingin pa si Shadow sa bench kung saan makikitang naka-upo ang players ng FTT kasama ang kanilang coach at substitute jungler na si White.

Sa katunayan, in-expect na ito ni Lucky ngunit hindi niya maiwasan ang hindi kabahan. Pinahid niya ang kanyang noo kahit na wala namang namuong pawis. "Holy shit! Kinakabahan ako." Aniya at humarap kay Gem, hinawakan niya pa ang kamay ni Gem para maramdaman nito kung gaano kalamig ang kamay niya.

"Mainit ang kamay mo." Ani Gem.

"Ah? Mainit ba?"

Natawa si Blue na siyang nasa tabi ni Gem. "Fan service pa."

Sumama naman ang mukha ni Lucky. "Hindi ako nagfafanservice totoo talagang kinakabahan ako." Depensa niya.

Sa kabilang banda, nakangiting nilinga ni Linus si Jacian. "Boss, good luck!" Anito.

Tinanguan naman ito ni Jacian atsaka nilinga ang kanilang coach. Nakita niyang nakatayo ito habang kausap ang isang staff para i-inform sila na pumunta muna sa backstage dahil kailangan pang i-check ang mga equipment. Nilinga sila ni Lan at sinabing pumunta na sa backstage.

"Good luck, Tin." Ani Sin.

"Mn." Nakipag-fist bump si Just kay Sin bago sumunod sa kanyang teammates na pumunta sa backstage.

_

Sa backstage, lumapit sa kanila ang dalawang staff at binigyan sila ng heart rate monitoring. Isinuot iyon sa kanila ng staff sa kaliwang pulsuhan para ma-adjust nila ang kanilang heartbeat, matapos isuot ng staff ang heart rate monitoring sa kaliwang pulsuhan ni Jacian kumunot pa ang noo nito at tinitigan kung tama ba ang number na nakita niya.

"Ang taas naman." Mahinang saad ng staff ngunit hindi iyon narinig ni Jacian at umalis na ang dalawang staff.

Nakatayo sila sa backstage habang hinihintay na ayusin ng mga referees ang equipment. Sumandal si Jacian sa pader at napakamot sa kanyang kilay ngunit bahagyang natigilan nang makita ang number sa suot niyang heart rate monitoring.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hala, bakit ang taas ng heart rate ko?" Hindi makapaniwalang aniya.

Dahil sa sinabi niya, nilinga siya ng kanyang mga teammates at nadako ang kanilang mga mata sa kanyang kaliwang kamay, nasa ilalim naman ng pulsuhan ni Jacian ang kanyang heart rate monitoring kaya hindi iyon makita.

Tiningnan siya ni Lucky. "Ilan ba heart rate mo?" Kalmadong tanong niya habang nakatingin kay Jacian.

Iniangat ni Jacian ang kanyang kaliwang kamay at awkward na tiningnan ang kanyang heart rate monitoring.

"147."

Lucky: "???"

Umabot ng 147 ang heart rate ni Jacian at may nakasulat nang exercise mode doon.

Nagtataka siyang tiningnan ni Lucky. "Kinakabahan ka ba?" Casual na tanong ni Lucky at hinawakan ang balikat nito.

"Sa'yo?"

Tiningnan ni Lucky ang kanyang heart rate monitoring at sinabing, "74."

Jacian: "..."

Tiningnan siya ni Blue. "Mukhang kinakabahan si Jacian." Anito.

Binalingan ni Lucky ang katabi niyang si Gem at kukunin niya sana ang kaliwang kamay nito para i-check ngunit hindi niya pa iyon nahahawakan nang i-angat ni Gem ang sariling kamay at ito na mismo ang tumingin.

"58." Saad ni Gem habang nakatingin kay Jacian. Inilagay niya na ang dalawang kamay sa kanyang bulsa para hindi na mahawakan ni Lucky.

Kahit si Blue ay tiningnan din ang sariling heart rate. "61 ang akin." Saad nito.

Jacian: "..." Nilinga niya ang kanilang captain na nasa harapan niya habang abala sa pagtitipa. "Captain, ilan ang heart rate mo?" Tanong niya.

Tumigil si Just sa pagtipa at nag-angat ng tingin para tingnan siya, tiningnan nito ang kaliwang kamay kung nasaan ang monitoring at sinabing, "49."

Jacian: "..........." Na-shock si Jacian. 49? Diba parang sobrang baba naman ng 49? Hindi niya makapaniwalang tiningnan ang kanilang captain. "Tumitibok pa ba 'yang puso mo?" Hindi mapigilang tanong ni Jacian.

"Mn." Kalmado at malamig na sagot ni Just.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong niya na bahagyang ikinatawa ng mga teammates nila.

Alam naman ni Jacian na laging kalmado si Just at alam din ito ng mga teammates niya kaya hindi na bago sa kanila na ganito ang heart rate niya, pero 49?

"Hindi ka ba kinakabahan?" Pabirong tanong ni Jacian.

"Kinakabahan." Seryusong sagot ni Just.

"Kailan ka pa kinabahan?" Tanong uli ni Jacian at sinuksok na sa bulsa ang dalawang kamay.

Magsasalita na sana si Lucky para sagutin ang tanong ni Jacian ngunit napahinto nang magsalita ang kanilang captain.

"'Pag kasama ka."

Lahat sila: ".........................................."

Jacian: "."

Na-stunned sila dahil sa sagot ng kanilang captain, hindi nila alam kung paano mag-react at makikita ang question mark sa kanilang noo. Captain ba talaga nila 'yun? Baka nagkamali lang sila ng pandinig.

"May dumaang camera kanina para kunan tayo ng video." Sagot ni Just at doon lang nakahinga ang na-suffocate na FTT players.

Tiningnan nila ang paligid at may cameraman nga na dumaan at patungo na ito sa stage. Nakahinga ng maluwag si Lucky at binalikan ang sinabi ni Just, bakit sinabi iyon ng kanilang captain sa harap ng camera? Nag-fafanservice ba ang kanilang captain? Wait what?! Si Just nag-fafanservice? Hindi makapaniwalang tiningnan ni Lucky si Just at mukhang naramdaman ni Just ang kanyang presensya dahil nilinga siya nito.

"What?" Tanong ni Just.

Hindi sumagot si Lucky, humarap siya kay Gem na ngayon ay nakasandal sa pader habang nasa bulsa parin ang dalawang kamay. Sumandal siya rito habang nakakapit sa braso ni Gem.

"Babe~ kinakabahan din ako~"

Malamig siyang tiningnan ni Gem. "Wag ka ng maglaro."

Lucky: "???"

_

Tinawag na ng host ang dalawang team na pumunta sa stage kaya umakyat na ang FTT ganun din ang GOT-G habang nasa pagitan nila si Ms. Phara. Hindi maitago ang ngiti ng host habang nakatingin kay Jacian, nakayuko naman si Jacian na siyang nasa likuran ni Just dahil sa sobrang liwanag ng stage.

"Okay, nandito na ang GOT-G at FTT. Mauna tayo sa GOT-G, pinili niyo ang FTT dahil gusto niyo silang i-challenge, right? So, anong palag niyo sa FTT ngayong meron silang bagong player?" Tanong ni Ms. Phara.

Kinuha ni Shadow ang mic at nag-step forward. Hinarap niya ang FTT ngunit makikitang na kay Jacian ang kanyang paningin.

"Para sa bagong mid laner ng FTT, ito ang unang beses mo sa competitive arena, normal lang naman kabahan since isa kang baguhan. Ganyan 'din ako noon." Dahil sa sinabi ni Shadow maririnig ang nakakabinging hiyawan ng mga audience at ini-cheer pa si Shadow.

Sobrang provocative ng linya niya dahil idiniin pa talaga nito ang salitang 'baguhan' para iparamdam kay Jacian na hindi niya kayang makipagsabayan sa kanila na silang matagal na sa professional league. Wala itong pinagkaiba sa linyang, 'Umiiinom ka palang ng gatas, nasa world champion na kami.'

Si Jacian na biglang minention ay bahagyang napa-angat ng tingin, nasa likuran pa siya ni Just para hindi tamaan ng spotlight ngunit binigyan siya ng space ng mga teammates niya at itinulak sa harapan.

Binalingan siya ni Ms. Phara. "Boss, ano namang palag mo para patunayan na hindi ka lang isang baguhan?"

Kinuha ni Jacian ang mic sa kamay ng host at tiningnan si Shadow. "Tama ka naman, kinabahan ako nung umakyat ako ng stage kanina, pero 'nung nakita kita...... natanggal 'yung kaba ko."

Dahil sa trash talk ni Boss mas matinding hiyawan ang maririnig sa mga audience, kahit nung pagpasok palang ng FTT kanina ay malakas na ang sigawan nang makitang umakyat sa stage ang lalaking kulay pink ang buhok.

"Ikaw talaga 'yan, Boss!"

"Trash Talk King!" Sigaw ng mga audience.

Shadow: "?"

"Trash talker nga." Ani Lessen.

"Okay, fist bump!" Nakangiting saad ni Ms. Phara.

Nag-fist bump sila ni Shadow at sinabihan na siya nitong 'goodluck' na agad niyang tinanguan bago siya sumunod sa kanyang teammates para pumunta sa match area. Sinuot nila ang kanilang noise-cancelling headphones at hinintay ang ban/pick phase.

"Opening match lang 'to, hindi ko kayo hihigpitan at gamitin niyo kung anong hero ang gusto niyong gamitin." Ani Lan habang nakatayo sa likod ng gaming chair ni Just.

Dahil challenge team sila, nasa red side sila at maliit ang advantage sa pagkuha ng tyrant, ngunit malaki naman ang advantage nila sa overlord dahil malapit iyon sa kanilang jungle kaya meron silang advantage kapag umabot sa 10 minute mark.

Commentator Zia: "Pasok na tayo sa ban/pick phase, at yun na nga i-rerespeto ng GOT-G si Augran na siyang signature hero ni Just na nakadalawang naka-pentakill nung world championship."

Sa match area ng FTT, kumunot ang noo ni Lan. "Seryuso talaga ang GOT-G." Saad nito ngunit may bahid ng kung anong saya.

Laging nababanned si Augran sa tournament dahil sa mid/jungle dou nila ni Just nung S3, nababahiran ng proud ang boses ni Lan dahil sino ba namang tao ang hindi magiging proud kung ikaw mismo ang nag-iwan ng title sa taong gusto mo.