Chapter 70: FTT vs. GOT-G

Ini-banned ng GOT-G si Augran at hindi rin naging magalang ang FTT at binan si Heino dahil sa utos ni Lan. Binan ng GOT-G si Jing na siyang hero ni Just para sa kanilang second ban spot at napunta naman kay Liang ang second ban spot ng FTT.

Commentator Zia: "Banned si Jing, alam mo hindi ko alam kung bakit binabanned si Jing kapag FTT ang kalaban, kasi hindi naman nagamit ni Just ang jungler na 'to sa tournament."

Sumang-ayon si Commentator Waver: "Tama ka, ako nga nagtataka rin eh especially kung binan pa ang Arke, hindi naman nagamit ni Just si Jing at Arke sa tournament pero nagtataka tayo kung bakit laging naka-banned."

Commentator Zia: "Alam mo ba kung bakit?"

Commentator Waver: "Napanood ko kasi sa livestream room ni Just, magaling siyang gumamit ng assassin hero at sobrang galing niya sa Jing at Arke. Tingin ko ito ang dahilan kung bakit nila binabanned ang Jing at Arke, ayaw nilang ipahawak kay Just ang dalawang assassin na 'to sa tournament."

Commentator Zia: "Wow, dahil alam naman natin na magaling talaga ang ating Great Demon King pagdating sa jungling at ano nalang ang mangyayari kung hawak niya pa ang dalawang assassin na 'to. Hindi naman magiging Great Demon King

Of the league 'yan kung hindi siya nanalo sa World individual competition ng tatlong beses. Actually, marami pa naman, may Lam, Lanling..."

Commentator Waver: "Oo, naka-banned narin ang Liang eh kaya pwede na silang pumili ng assassin hero."

Parehong jungler ang nasa ban spot ng GOT-G at makikitang si Just ang kanilang target, ngunit sa ban spot naman ng FTT ay naka-banned ang dalawang mages na si Shadow ang target. Ginagamit si Liang sa mid lane at support ngunit magaling si Shadow sa Liang kaya para kay Shadow ang pagbabanned nila ng Liang.

Pagkatapos ng dalawang ban spot sa parehong team, pick phase na at walang pag-aalinlangang kinuha ng GOT-G si Gan&Mo para kay Shadow.

Commentator Zia: "Nakalabas si Gan&Mo, isa sa mga hero ni Shadow. Tingnan natin kung anong sagot ng FTT, ano kayang ipangtatapat nila dito kay Gan&Mo?"

Sa match area ng FTT, tiningnan ni Jacian ang kanyang heart rate at nakita niyang 120 nalang ito, hindi niya alam kung bakit ang taas ng heart rate niya kahit hindi naman siya kinakabahan. Tiningnan niya ang screen ng mobile phone at narinig niya ang boses ni Lan mula sa noise-cancelling headphones.

"Whatever, just pick your best hero." Ani Lan habang may hawak na notebook.

Ini-scroll ni Jacian ang mga hero habang nagsasalita si Lan mula sa kanilang headphones, ngunit maya-maya lang nang marinig niya ang boses ni Just.

"Jacian."

"Hmm?"

"Gamitin mo ang signature hero mo." Malamig na saad ni Just dahilan para matigilan si Jacian.

Hindi niya alam kung alam ni Just ang kanyang signature hero pero sinabi niya noon na mas gusto niya ang assassin-type mage kumpara sa soft mage. Wala namang problema sa kanya kung gagamit siya ng assassin-type mage ngunit hindi pa kasi sila nag-training gamit ang assassin mid line-up. Opening match lang naman ito at sinabi din sila ni Lan na gamitin nila ang hero kung saan sila magaling ngunit kung gagamitin niya ang kanyang signature hero at hindi sila manalo mababawasan ang dignidad niya. Not to mention na wala pa silang tacit understanding ni Just at hindi ito makasabay sa kanya kapag gumamit siya ng assassin mage.

Ayaw ni Jacian na mangyari sa tournament 'yung nangyari sa rank game, baka lalabas ang pwet ng mga audience kakatawa kapag nakita nilang nag-charge si Boss samantalang nag-retreat si Just. Kapag nangyari yun para niya naring deniliver ang ulo niya sa kalaban para makakuha ng free kill ang opponent.

Ngunit seryuso ang boses ni Just kaya hindi niya maiwasan ang hindi tingnan ang kanilang captain na nasa kanyang kaliwa. Tiningnan din siya ni Just.

"Assassin mage, right?" Tanong ni Just.

Nagulat si Jacian. "Pero hindi tayo nag-training na gumamit ako ng assassin mage."

"Plano niyo bang i-dog show ang tournament?" Pabirong saad ni Lan.

"Wala namang problema, kaya ko naman sabayan ang assassin mage ni Jacian." Saad ni Blue.

Tumango din si Lucky. "Wala ring problema sa akin, alam ko kung paano maglaro si Jacian, nanonood ako ng livestream niya nung 14 years old palang siya kaya kahit mapa MLBB or HOK kaya ko siyang sabayan." Bahagyang natawa si Jacian sa sinabi ni Lucky.

"Let Jacian play his assassin mage." Dagdag ni Gem.

Hindi alam ni Jacian kung maiyayak ba siya o matatawa dahil sa desisyon ng teammates niya, sa katunayan gigil na gigil narin siya gumamit ng assassin mage dahil matagal na siyang hindi gumagamit nun simula nung sumali siya sa FTT. Since opening match lang ito hindi naman siguro seseryusuhin ng GOT-G ang laban sa puntong naka-tournament mode sila maglaro.

"Huwag niyo akong sisihin 'pag natalo ah." Pauna kaagad ni Jacian.

Tumawa si Lucky. "Huwag ka mag-alala Boss, 'pag natalo tayo manlilibre ka."

Tumango si Jacian. "Sige, okay na siguro sa'yo 'yung talbos ng kamote no?"

"Fuck!" Mura ni Lucky.

Inayos ni Jacian ang kanyang mobile phone at nag-suggest na piliin si Shangguan. Dahil Red Team sila dalawang hero ang kailangan nilang piliin at pinili naman ni Gem si Dolia para sa double ultimate, si Shangguan 'yung hero na nag-rerely lang sa ultimate at kapag wala siyang ultimate magiging useless siya at hindi makasabay sa teamfight kaya best choice talaga si Dolia para sa support dahil marerefresh niya ang ult ni Shangguan.

Nang lumabas ang dalawang pick ng FTT na-shock ang mga audience pati narin ang commentators, kahit ang Team GOT-G na nasa kabilang side ay nagulat din. Kanina lang ay pinag-uusapan nilang soft mage ang pipiliin ng FTT dahil magaling si Jacian sa Xiao Qiao, wala naman silang planong mag-banned ng mages dahil priority nila ang i-pressure si Just ngunit hindi nila in-expect na lalabas si Shangguan na ipinartner pa kay Dolia.

Alam nila kung gaano kalakas ang dalawang hero na 'to dahil kahit sina Shadow at Kirsty na dalawang best mid laner ng PKL ay hirap i-drive ang hero na 'to, hindi sa hindi nila kayang gamitin, ito ay dahil mahirap gumawa ng plano kapag may isang Shangguan sa team, once a blue moon lang kasi ang ult ni Shangguan kaya kailangan ito i-tresssure. Bihira 'rin makita si Shangguan sa PKL dahil mahirap sabayan ang rhythm nito kung walang plano at tacit understanding sa dalawang player na mag-doudouble queue.

Pagkatapos nun, sinagot naman ng GOT-G ng Dun at Dyadia para sa kanilang clash lane at roaming.

Napailing si Jacian. "Grabe, seryuso talaga sila." Mahinang saad ni Jacian ngunit narinig iyon ni Just at sinagot siya nito ng mahinang 'mn' sinabi ni Just na mag-rerevenge ang GOT-G ngayon kaya kailangan niyang mag-ingat.

Ang sumunod na pick ng FTT ay si Musashi na gagamitin ni Just sa jungling. Sa katunayan, nagulat ang mga audience at mga viewers dahil sa biglaang pagpili ni Just. Noon, laging nahuhuli pumili si Just dahil lahat ng signature hero niya ay binabanned at susunod nalang siya sa line-up na pipiliin ng mga teammates niya. Siya rin ang target kapag gagamit siya ng jungler core kaya mahirap para sa kanya ang mag-set ng rhythm, kaya para hindi maging target ng opponent gumagamit siya ng fighter or tank jungler heroes na hindi niya naman specialize.

Ngunit ngayong lumabas si Musashi, isang assassin hero na hindi pa nagagamit ni Just sa tournament, lahat sila ay nagulat maging si Lan.

"Justin, sigurado kang gagamit ka ng assassin hero?" Paninigurado ni Lan. Ilang years na ang makalipas nung huling gumamit si Just ng assassin hero kasama ang mga teammates niya kaya hindi nakakapagtaka kung hindi siya sila magiging sync sa isa't isa. Not to mention na Shangguan ang pick ni Jacian sa kabila nang hindi pa sila nagt-training gamit ang assassin mid/jungle line-up. Hindi niya mapigilan kundi ang kumpirmahin pa si Just habang hindi niya pa ito na-lolock.

"Mn." Sagot lamang ni Just at ini-lock na sa Musashi ang kanyang hero.

Sobrang na-speechless si Lan habang ipinagpalit-palit ang tingin kay Jacian at Just.

Binan nila si Arli na isa sa pinakamagaling na marksman at binan naman ng GOT-G si Xiang Yu na malakas ang crowd control. Ang sumunod na naging choices ng FTT ay napunta kay Loong para sa farm lane at Lu Bu para sa clash lane, habang ang GOT-G naman ay pinili si Lam na malakas mambuhat ng team para sa kanilang jungler at Marco Polo para sa kanilang marksman.

Matapos ang pick ay 20 seconds para sa hero trades. Habang hinihintay na mag-adjust ng hero ang mga players napunta sa commentators ang camera para i-analyze ang line-up ng dalawang team.

Commentator Zia: "Sa katunayan na-shock tayo diba kasi pumili si Just ng assassin hero ngayon which is first time natin siyang makita na gagamit ng assassin hero. Sa line-up ng FTT, marami silang assassin noh? And then tank fighter dito kay Lu Bu, Loong para sa crowd control at Dyadia na may double ultimate. Very aggressive and I think.... mas may advantage sila sa teamfight kasi nand'yan si Musashi, Shangguan, Lu Bu, Loong at Dolia for double ultimate para dito kay Shangguan..." Hindi mapigilan ni Commentator Zia ang hindi ma-shock. "My gosh, sobrang perfect ng line-up!"

Commentator Waver: "Haha, kaya nga ako natahimik nung lumabas yung Musashi eh, kasi alam ko magiging mid/jungle/clash combo ang mangyayari dito."

Commentator Zia: "Para naman sa GOT-G, si Dun na malakas ang crowd control, best teammates for Gan&Mo, and then nandito si Lam na isa ring assassin, si Marco Polo at Dyadia. Sobrang perfect din, kasi nand'yan si Dyadia na taga-heal at taga-protect kay Gan&Mo at nandito rin si Dun na may CC at makakapag-deal itong si Gan&Mo ng damage mula sa likod. Kung magiging accurate ang sa pag-deal si Shadow ang masasabi ko lang ay sobrang perfect din ng line-up."

Commentator Zia: "Diba? Ang hirap alamin kung sino ang mananalo kasi parehong malakas ang kanilang line-up. Ang magiging output ng match na 'to ay naka-depende sa galing ng players, kasi kung titingnan sobrang perfect pareho ng line-up nila."

Commentator Waver: "Pero bakit parang nakikita ko pwedeng maging core lahat ng players ng FTT?"

Kumunot ang noo ni Commentator Zia ngunit nagpakawala siya ng halakhak. "Tama ka, lahat p'wedeng maging core kasi lahat may damage."

Makalipas ang ilang minuto ay pinakita na ang line-up ng dalawang team at nag-shake hands naman ang coach ng FTT at GOT-G bago pumunta sa bench area.

Commentator Zia: "Pasok na tayo sa match, Blue Team: Team Guardian Of The Galaxy. Red Team: Team For The Throne."

Commentator Waver: "Ngayon, meron tayong makikitang Shangguan at mukhang maraming dugo ang dadanak."

Sa kabilang banda, matapos patulugin ni Coach Dang ang kanyang anak ay nag-loggin siya sa streaming platform at nanood ng official live ng PKL. Nang nag-loggin siya ay lampas na iyon 5 p.m at tapos na ang unang match dahilan para manghinayang siya. Hindi na siya nagulat nang makitang panalo ang Team GOT-G nang makita ang pamilyar na line-up ngunit nagtaka siya nang makita kung bakit hindi FTT ang pinili ng GOT-G na i-challenge, akala niya ay FTT na ang pinili ng GOT-G ngunit nang makita ang line-up nakaramdam ng dismayado si Coach Dang. Hindi niya pa iyon nahalata hanggang sa pumasok ng match ang dalawang team at sabihin ng commentator na Red Team: Team For The Throne.

Na-shock si Coach Dang sa puntong luluwa ang kanyang mga mata. Ano?! Si Just gagamit ng assassin jungler?! Ngunit mas lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang Shangguan ni Jacian.

Sobrang na-speechless si Coach Dang sa puntong hindi niya matanggap ang line-up. Walang tacit understanding si Just at Boss sa assassin heroes pero ngayon pareho pa silang pumili ng assassin hero at may lakas pa ng loob ng mag-double Q? Sa harap pa mismo ng GOT-G?!

Coach Dang: "!!!!!" Holy shit!

_

Note* [Para sa mga readers na hindi gamer >⁠.⁠<]

Ban/Pick Phase

Blue Team ban #1- Augran

Red Team ban #1- Heino

Blue Team ban #2- Jing

Red Team ban #2- Liang

Blue Team pick #1- Gan&Mo

Red Team pick #1&2 - Shangguan&Dolia

Blue Team pick #2&3 - Dun&Dyadia

Red Team pick #3 - Musashi

Red Team ban #3 - Arli

Blue Team ban #3 - Xiang Yu

Red Team ban #4 - Prince of Lanling

Blue Team ban #4 - Allain

Red Team pick #4 - Loong

Blue Team pick #4&5 - Lam&Marco Polo

Red Team pick #5- Lu Bu

Hero trades