Welcome to Honor of Kings!
Sa unang wave ng minions pumunta si Gem sa mid lane para tulungan si Jacian mag-clear ng minions. Nasa mid lane din ang support ng GOT-G para tulungan si Shadow, wala namang nangyaring gulo sa apat na hero na nasa mid lane ngunit mararamdaman ang tensyon sa pagitan nila. Signature hero ni Gem si Dolia at dahil hawak nito ngayon ang kanyang signature hero hindi maiwasan ng GOT-G ang hindi makaramdam ng kaba.
Commentator Zia: "Mahirap kasi mag-clear ng minions ang Shangguan kapag level 1 palang kaya nandito si Gem para tumulong."
Matapos kunin ang azure golem pumunta si Just sa farm lane para kunin ang crimson golem at nakuha niya iyon gamit ang smite. Matapos makakuha ng apat na creeps naabot si Just ang level 4 habang level 3 palang si Lessen. Sa kabilang banda, nasa jungle si Jacian habang kumukuha ng resources, nang makita ni Just na mano-mano nitong pinapababa ang HP ng creeps pumunta siya sa jungle kung nasaan si Jacian at mabilis na pinababa ang HP ng creeps, hindi niya iyon kinuha at hinayaang kunin ni Jacian gamit ang kanyang skill 2, naabot ni Jacian ang level 4 matapos makuha ang dalawang creeps.
"Thanks Captain."
"Mn."
"Sa'yo na 'tong wave ng minions." Saad ni Jacian at iniwan ang mid lane kay Just para pumunta sa farm lane, tumago siya sa brush habang nakatingin sa marksman ng GOT-G na kalahati nalang ang HP.
Kumunot ang noo ni Shadow nang maramdamang may mali, mabilis niyang ininform ang kanyang mga teammates. "Nawawala si Shangguan!"
Kasabay 'nun, makikitang lumabas si Shangguan sa brush gamit ang skill 2 at hinabol ang marksman ng GOT-G gamit ang skills combo, kasama si Gem at Lucky na gumamit ng crowd control at tinatower dive ang farm lane dou ng GOT-G. Sa loob ng 1 second namatay ang marksman ng GOT-G, kahit na gumamit siya ng flash para bumalik sa tower hindi siya nakatakas sa tower dive ni Jacian at na-slain sa baba mismo ng tower.
First blood!
(FTT.Boss) DOUBLE KILL! (GOT-G.Little)
Tinapos na ni Jacian ang support ng GOT-G gamit ang kanyang second skill bago sila bumalik sa sariling defensive tower, ginamit ni Gem ang kanyang healing skill para bigyan ng HP si Jacian.
Commentator Waver: "Nakuha ni Boss ang first blood at naka-double kill! What a great start for FTT!"
Walang tigil sa pag-scroll ang official live broadcast ng PKL at halos hindi makapaniwala kaya ni-replay iyon sa malaking screen para makita ang totoong nangyari.
[Shit! Gusto kong alamin kung sino ang commander ng FTT!]
[No way! Na-slain ni Boss ang farm laner ng GOT-G?]
[Sino 'tong mid laner ng FTT......Si Boss? Galing ba 'tong training camp o qualifier?]
[Tao d'yan sa taas, hindi po galing sa training camp si Boss not to mention na sumali siya sa qualifier. Isa siyang trash streamer sa Hi! Streaming platform.]
[Shit! Streamer lang sa streaming platform?]
[H'wag mong nilalanglang ang mga streamer. [angry.jpg]]
[Sheesh! Ang galing ng apo ko!]
[Hindi pa nagsisimula ang tunay na laban pero nag-cecelebrate na ang fans ng FTT, hindi kaya kayo mapahiya mamaya?]
[Eh Ikaw bakit wala kang hiya?]
[Fuck you!]
[Your Chinese Fan has sent to FTT.Boss a big wave. x10]
[Your Chinese Fan has sent to FTT.Boss a big wave. x20]
[Your Chinese Fan has sent to FTT.Boss a big wave. x30]
Viewers: [........] At sino 'tong yayamaning viewer na nag-send ng gifts kay Boss?
Sa loob ng 4 minutes nag-spawned na ang overlord/tyrant at naunang sumayaw ang GOT-G doon sa tyrant pit para i-secured kaagad ang tyrant. Malayo ang distansya ng FTT sa tyrant pit at tanging si Gem lang ang malapit para magbigay ng vision, halatang pinapakiramdam nila ang style ng GOT-G kung paano sila kumuha ng objectives.
"Jacian, kaya mo bang mag-command?" Tanong ni Just habang nasa sarili nilang jungle para kunin ang azure golem.
Si Jacian na malapit sa tyrant pit para maghanap ng magandang posisyon ay bahagyang huminto. Hinahayaan ba siya ni Just na mag-command? Sa tuwing may practice match sila laging si Just ang kanilang commander at kung wala ito sa mood magsalita ay si Gem ang nagiging commander, although hindi naman mahirap ang mid lane-commander ngunit hindi ganun kataas ang confident ni Jacian na tama lahat ng desisyon niya. Ngunit naisip ni Jacian na opening match palang naman 'to at hindi official match, p'wede siyang mag-command.
"Okay." Saad ni Jacian at bahagyang nag-retreat sa tyrant. Tiningnan niya ang tyrant na kinukuha ng GOT-G at tiningnan ang bawat posisyon nila, nandun narin malapit sa tyrant si Lucky habang inaatake ang GOT-G. Hindi fully secured ng GOT-G ang tyrant dahil nabibitawan pa nila ito dahilan para maka-refresh pa ang HP ng tyrant ngunit wala silang planong bitawan. Gumala ang kanilang support para i-check ang mga brush kung meron bang tumatagong enemies. Nakatago si Jacian sa brush at inutusan si Lucky na pumunta sa farm lane para i-clear ang minions at mag-focus sa tower.
"Captain, push sa mid lane. Blue, kailangan ko ng ult mo sa tyrant."
"Noted Boss. Papunta na ako d'yan."
"Lucky, retreat muna ng kunti nawawala si Lam."
Napakurap si Lucky at ngayon niya lang 'din napansin na nawala si Lam. Fuck! Ngunit tamang tama lang naman ang pag-inform sa kanya ni Boss dahil palabas na si Lessen sa brush nang gamitin ni Lucky ang kanyang flash at bumalik sa defensive tower.
Kalahati nalang ang HP ng tyrant at na-secured na ito ng GOT-G dahil kinukuha iyon ni Lessen habang nasa labas ng pit si Shadow para mag-poke. Nasa mid lane pa si Just habang si Blue ay nasa river, 30% nalang ang HP ng tyrant nang itapon ni Jacian ang kanyang second skill kay Dyadia at gumamit ng skills combo patungo sa tyrant pit, hindi niya planong kunin ang tyrant dahil ang plano niya ay patayin ang support ng GOT-G, hindi nakayanan ang damage at na-slain si Dyadia.
Gustong atakehin ni Lessen si Jacian matapos magamit lahat ng skills ngunit makikitang lumipad si Lu Bu at ginamit nito ang ult sa tyrant ngunit hindi iyon sapat, iisipin na sana ng mga viewers na mali ang plano ng FTT ngunit biglang sumulpot si Just sa tyrant pit at ginamit ang kanyang smite. Isang basic attack at smite lang, nakuha niya ng tyrant.
(FTT.Just) Defeated (Tyrant)
Nakuha ng FTT ang tyrant ngunit hindi naman basta batsa hahayan ng GOT-G na hindi sila makakakuha ng kill matapos agawin sa kamay nila ang tyrant, tinarget nila si Blue na siyang nasa loob pa ng pit ngunit mabilis namang nag-assist si Gem at ginamit ang healing skills at common skill na heal. Ngunit sa lakas ng damage naubos parin ang HP ni Blue at nagawa niya paring makatakas habang nasa critical health. Hindi na nag-dalawang isip si Just at mabilis na ginamit ang malakas niyang mobility para lapitan at patayin si Shadow na tumatago sa likuran, nag-assist naman si Lessen ngunit sakto na ang damage ni Just para mamatay si Shadow. Kalahati nalang ang HP ni Just at naka-cooldown ang kanyang skills, isang skill combo lang ni Lam ay kayang kaya siyang patayin ni Lessen ngunit ni-refresh ni Gem ang ult ni Jacian at ginamit naman ni Jacian ang kanyang skills combo para sagipin si Just at hinabol si Lam. Hindi nagawang mapatay ni Lessen si Just at nag-retreat sa sariling tower para mag-recall.
Dahil na-suppress ang GOT-G, pumunta si Just at Jacian sa jungle ng GOT-G at nagnakaw ng azure golem. Kinuha rin nila ang maliliit na creeps at kahit ang river sprite ay hindi pinalampas.
Samantala, na-shock ang commentator sa performance ng FTT. Ni-replay pa iyon para makita ng maayos.
Commentator Zia: "Itong unang wave ng teamfight, napaka-brutal no? Halos hindi ako makasalita habang naglalaban sila kasi hindi naman ito 'yung FTT na kilala natin." Hindi makapaniwalang saad ni Commentator Zia.
Commentator Waver: "Tama ka, first time ni Just gumamit ng assassin hero na siya ang core ng grupo. Alam mo nung nakita ko ang gameplay ni Just ngayon parang may nagbago eh. Parang hindi ganito 'yung playstyle niya, akala ko nga si Boss ang jungler nila ngayon eh pero naaalala ko mid lane pala si Boss, haha! Pareho ng playstyle."
Sumang-ayon naman si Commentator Zia pati narin ang mga viewers sa official live broadcast ng PKL.
Commentator Zia: "Tingin ko hindi ganun kabilis mag-gather ang GOT-G kumpara sa FTT. Kasi sa FTT kapag nand'yan si Boss makikita mo nand'yan kaagad si Just at Blue tapos darating si Gem at Lucky. Mabilis silang mag-gather kumpara sa GOT-G."
Commentator Waver: "Oo, ganun pala yung plano no? Pinatay ni Boss si Dyadia at pinatay naman ni Just si Gan&Mo matapos makuha ang tyrant."
Commentator Zia: "Mm, kasi kung hindi papatayin ni Boss si Dyadia p'wede pa nitong bigyan ng heal at protektahan si Gan&Mo, kaya best choice talaga na patayin si Dyadia para walang proteksyon si Gan&Mo, nung pinatay ni Boss si Little kinuha ni Just ang tyrant at dumeritso kay Shadow para patayin 'yung Gan&Mo."
Na-shock si Commentator Waver. "Parang mid/jungle dou ito no? Mukhang malalim kaagad ang tacit understanding ni Boss sa FTT, lalo na kay Just. Siguro laging nag-doudouble Q ang dalawang 'to."
Commentator Zia: "Syempre, tingnan mo kung paano nila hinabol ang GOT-G. Ang isa ay Great Demon King ang isa naman ay Trash Talk King, wow perfect! Double King Connection!"
Commentator Waver: "Oo nga noh? Kaya pala ang lalim ng tacit understanding ng dalawa naka double K connection pala sila."
Sa loob ng 10 minute mark, bilang pinakamalakas na team sa PKL hindi rin ganun kadali sa FTT ang ilagay sila sa disadvantage na sitwasyon. Nasira ng GOT-G ang kanilang tower sa clash lane at nagawang pasukin ang jungle ng FTT. Kinukuha ng GOT-G ang crimson golem ng FTT habang denedepensahan ito ng FTT, halatang walang planong ibigay ang kanilang resources.
"Kunin ang red at retreat kaagad!" Utos ni Shadow.
"Hindi ba tayo magt-teamfight?" Tanong ng support.
"Hindi pwede, mataas ang gold ng FTT at kakaiba ang playing style nila ngayon. Hindi natin masisiguro na 100% natin silang matatalo." May pagka-iritang saad ni Shadow. Katulad niya ay nakakaramdam narin ng pressure ang kanyang teammates.
Sobrang lakas ng impact ng performance ng FTT ngayon dahil hindi sila sanay na magaling ang FTT sa teamfight, hindi na sila nag-reretreat ngayon at charge lang charge, sobrang unstoppable ng performance nila sa puntong sasakit ang ulo ng GOT-G kakaisip kung paano ba nila pipigilan ang aggressive na playing style ng FTT. Ito na yata ang pinakamaingat nilang match sa lahat ng naging match nila.
Makikitang sumasayaw sa crimson golem ng FTT ang dalawang team ngunit hawak ito ng GOT-G, mapapansing nag-iingat ang GOT-G dahil hindi sila ganun kalalim mag-push at natatakot sa surprise attack ng FTT. Matapos kunin ni Lessen ang crimson golem gamit ang smite, nag-command si Shadow ng 'Retreat!' na agad namang sinunod ng teammates niya ayun sa kanilang plano. Handa na silang umalis sa jungle ng FTT, ngunit ginamit ni Jacian ang kanyang skills combo at hinabol ang nag-retreat na GOT-G at pinuntirya ang support, nang mag-initiate si Jacian mabilis na sumunod ang kanyang teammates at ginamit ang kanyang flash para umalis sa gitna ng teamfight.
Nasa likuran si Shadow habang nag-popoke ito ngunit ni-refresh ni Gem ang ult ni Jacian at ginamit iyon ni Jacian para patayin si Shadow dahilan para mapilitang mag-flash si Shadow. Hindi siya napatay ni Jacian ngunit nand'yan si Just at ito na ang tumapos sa kanya.
"Fuck!" Mura ni Shadow. Para siyang ginisa sa sarili niyang mantika. Sino bang makakatakas sa skills combo ng Shangguan at Musashi, baka nga kahit i-tank build niya pa si Gan&Mo mamamatay parin siya! Not to mention na mag-counterattack.
Kahit na sinagip siya ni Lessen hindi iyon sapat para mabuhay si Shadow dahil sa bilis ni Boss at Just. Nagawa namang mapatay ni Lessen si Lucky matapos itong i-stunned ng kanilang clash laner at tinarget si Gem.
(GOT-G.Lessen) DOUBLE KILL! (FTT.Gem)
Naka-double kill si Lessen at nagawang ipa-retreat ang FTT, nag-retreat ang FTT ngunit hindi sila bumalik sa base, bagkus nag-retreat lang sila ng konti at hinabol uli ang GOT-G na hindi pa nakakaalis sa kanilang jungle.
Lessen: "...." Shit!