(FTT.Just) Defeated (GOT-G.Thorn)
Na-slain ni Just ang marksman ng GOT-G at hinabol si Lessen kasama ang clash laner na si Right. Malakas ang mobility ni Lam kaya nakatakas ito ngunit pinuntirya ni Just ang kanilang clash laner.
(FTT.Just) DOUBLE KILL! (GOT-G.Right)
Si Lessen nalang ang mag-isang buhay sa GOT-G at pumunta siya sa high ground tower pero dahil lumilipad Lu Bu, ginamit ni Blue ang kanyang ult para i-tower dive si Lessen para bagsakan ng ult at tuluyan nang na-slain ni Just.
(FTT.Just) TRIPLE KILL! (GOT-G.Lessen)
Red Team unstoppable!
Sinira lang ng FTT ang tatlong high ground ng GOT-G at kinuha ang shadow overlord at tyrant bago pumunta sa jungle ng GOT-G para magnakaw ng resources. Kung noon si Just lang mag-isang pumupunta sa enemy jungle ngayon kasama niya na si Boss.
Habang nakatago sa brush, pumunta ang marksman ng GOT-G sa crimson golem para kunin iyon ngunit ginamit ni Jacian ang skill 2 kasabay ng smite ni Just, sa isang kisap ng mata na-slain ang kaka-spawn lang na si Thorn.
Instakill 91%
Dahil sa instakill, na-shock ang mga viewers sa official live broadcast ng PKL.
[Holy shit! Galit ba si Just?]
[Hindi lang si Just, buong FTT.]
[Kanina pa 'yan sila ganyan, halos hindi nga ako makapaniwala na si Just 'yan, hindi siya ganyan mag-laro diba? Ibang iba sa plano nila noon, sino ba 'tong commander ng FTT?]
[May galit yata ang FTT ngayon, naka-KWC mode eh.]
[Akala ko ba opening lang 'to, pero bakit parang nanonood ako ng World championship?]
[Ito ba ang FTT na may Boss? Parang mga asong galit eh, kahit nanonood lang ako pakiramdam ko ako yung dinudurog.[sigh.jgp]]
[Madalas bang mag-double Q si Just at Boss? Grabeng tacit understanding naman 'yan.]
[Sad to say pero hindi ko pa napanood na nag-double Q ang dalawang 'yan. Lagi silang nag-QQ as five sa international server at Chinese server. Tsaka isa pa pala, hindi sila ganyan maglaro sa training nila.] [+1....+2...+ID number]
[What????????!!!]
[Oo, soft mage lahat ng gamit ni Boss at fighter/tank naman kay Just, si Blue naman ay more on assassin at support/tank kay Gem, kay Lucky madalas niyang piliin si Hou Yi. In short si Lucky yung core nila at dinadrag nila ang match sa late game para ma-turn around ang battlefield.]
[What the fuck! Anong nangyari sa FTT ngayong season?]
Kahit ang mga fans na nanonood ng livestream ng FTT ay hindi maiwasang hindi magulat. Laging ginagamit ni Just sa training match ang mga hero na fighter/tank pero ngayon gumamit siya ng assassin, si Boss na gumagamit ng soft mage ay gumamit din ng assassin, si Blue na mahilig sa assassin at pang one-on-one hero ay gumamit ng fighter/tank na maganda sa teamfight, si Gem na gumagamit ng support/tank ay nag-switch sa soft support at si Lucky.....si Lucky na hindi makasabay sa rhythm ng team ay nakikipagsabayan narin kay Just at Boss.
Ang laki ng pinagbago ng FTT at natutula nalang ang GOT-G dahil sa aggression ng team nila.
Kasabay 'nun nag-push na ang FTT sa crystal ng GOT-G kasama ang shadow vanguard at 'yung tinatawag nilang mommy dragon na nasa mid lane at mukhang papasabugin nalang nila ang crystal ng isang push lang.
Commentator Zia: "Mukhang wala ng plano ang FTT patagalin pa ang laban at ito na nga, ginamit ni Boss ang kanyang skills combo at hinabol si Shadow mula crystal hanggang spawn point! Wow! BOSS!!!]
Viewers: [..are you still human, dude.....?]
Tamang tama ang timing ni Jacian dahil naging 'untargetable' siya nang umangat siya sa spawn point ng GOT-G at napatay si Shadow sa mismong spawn point. Dahil sa movement ni Boss, na-speechless ang mga audience sa venue at halos hindi makapaniwala na ginawa lang nito iyon kay Shadow. Ginamit ni Jacian ang kanyang flash para umalis sa spawn point ng GOT-G nang makitang mawawala na ang 'untargetable' effect.
(FTT.Boss) Defeated (GOT-G.Shadow)
Nice killing!
Viewers: [.............]
Hindi na kayang tumayo ng GOT-G dahil dinudurog na sila ng FTT sa baba ng kanilang crystal.
(FTT.Boss) DOUBLE KILL! (GOT-G.Little)
(FTT.Boss) TRIPLE KILL! (GOT-G.Thorn)
(FTT.Lucky) Defeated (GOT-G.Right)
(FTT.Just) Defeated (GOT-G.Lessen)
Red Team unstoppable!
ACED!
Commentator Waver: "Tinarget na ang crystal at mukhang tatapusin na ng FTT ang laban, hindi na kayang mag-defend ng GOT-G at na-wipe out!"
Commentators: "LET'S CONGRATULATE TEAM FOR THE THRONE FOR WINNING THE OPENING MATCH!" Sigaw ng dalawang commentators.
Maririnig ang nakakabinging sigawan ng mga audience dahil sa intense ng laban, kahit ang Official live broadcast ng PKL ay walang tigil sa kaka-scroll.
Commentator Zia: "Nakita mo ba ang heart rate ni Boss kanina? Umabot ng 187 ang heart rate niya nung pinapabagsak niya si Shadow sa mismong spawn point samantalang kay Just 48 lang haha!" Natatawang saad ni Commentator Zia.
Commentator Waver: "Sobrang pressure ni Boss, first time niya rin dito sa professional arena kaya hindi talaga mapigilan yung kaba at excitement."
Makikita ang gold and black banners sa venue na kinakaway ng mga audience, hindi nila maitago ang excitement samantalang nababahiran ng lungkot ang mga fans ng GOT-G.
Matapos ang match, tinanggal na nila ang kanilang noise-cancelling headphones at tumayo para makipag-shake hands sa opponent. May formal ceremony ang e-sports na ang panalong team ay pupunta sa match area ng defeated team para makipag-shake hands.
Isa-isa silang nakipag-shake hands at niyakap ang players ng GOT-G. Nang magtapat si Just at Shadow, hindi niya niyakap si Shadow na siyang nakabukas na ang dalawang kamay para yakapin siya, iniunat lang ni Just ang kanyang kamay at kinuha ang kamay ni Shadow para makipag-shake hands. Dahil sa ginawa ni Just hindi mapigilan ni Shadow ang pagkawala ng tawa.
"Ang galing idol." Ani Shadow.
Tinapik lang ni Just ang balikat nito at bahagyang niyakap si Lessen.
"Tin, akala ko ba wala kayong tacit understanding? Hindi ko alam na marunong ka ng magsinungaling ngayon." Pabirong saad ni Lessen. Naalala niya pa ang sinabi ni Just noon sa bar na wala silang tacit understanding ng bago nilang mid laner ngunit ngayon, shit! Parang nag-douque sila ni Boss ng ilang taon.
"Mn. Hindi ko rin in-expect." Sagot ni Just.
Lessen: "..." Hindi in-expect? Pinagloloko mo ba ako?
Sa kabilang banda, nang magtapat si Jacian at Shadow nakipagkamay si Jacian at bahagya itong nginitian, nginitian din siya ni Shadow.
"I hope we can see each other next time." Ani Shadow.
Hindi alam ni Jacian kung negative ba iyon o positive ngunit tinanguan niya si Shadow at sinabing, "I will. How about seeing each other in your spawn point?"
Shadow: "..." To hell with seeing each other! We better farewell now!
Matapos makipag-shake hands sa GOT-G bumaba na ng stage ang FTT at bumalik sa kanilang break room. Magsisimula na ang regular season at mauuna ang group A para sa unang match, dahil group C sila third week pa ng month ang kanilang first match at mahaba pa ang oras para mag-training.
Hindi inaasahan ng FTT na magiging ganito ang opening at nakakaramdam sila ng pagod, bumalik sila sa break room para ilgpit ang mga gamit at nagdesisyong bumalik na sa base para magpahinga, dumaan sila sa back door at sumakay sa team van.
Habang nasa byahe, naroon parin ang shock ni Lucky habang kinukwento pa nito kay Gem ang match nila mula early game to late game. Sa katunayan, sapalaran lang ang match nila ngayon dahil hindi naman nila pinractice ang ganung line-up, not to mention na assassin-type mage ang ginamit ni Jacian at nakipag-double Q kay Just. Kahit si Blue at Gem ay hindi rin makapaniwala ngunit wala naman silang reaksyon at ipinikit lang ang kanilang mga mata para matulog. Nakapikit din si Jacian habang katabi nito si Just na abala sa cellphone.
Lucky: "???"
Nang marating ang base, dumeritso si Jacian sa kanyang dorm at naligo. 6 p.m na ngunit hindi naman siya nakakaramdam ng gutom kaya matapos maligo ay pinatuyo niya ang kanyang buhok gamit ang blower at humiga sa kanyang kama para matulog.
Pasado na iyon 10 p.m nang magising si Jacian dahil sa gutom. Naririnig niya ang pagkulo ng kanyang tiyan at naaalala niyang hindi siya kumain kanina pag-alis sa base. Sinubukan niya pang matulog ngunit mas lalong kumulo ang kanyang sikmura at mukhang hindi siya papatulugin ng gutom kaya nagdesisyon nalang siyang bumaba sa kusina para kumuha ng makakain. Siguradong tulog na ang mga teammates niya ngayon dahil wala naman silang gagawin bukas maliban sa training, hindi niya alam kung tinabihan ba siya ng pagkain.
Hindi na nag-abala pang magluto si Jacian matapos makumpirmang walang tinira sa kanya, nagdesisyon nalang siyang pumunta sa break room para kumuha ng cup noodles. Binuksan niya ang pinto ng break room ngunit nakita niyang naroon si Just habang kumukuha ng lulutuin, nasa tenga nito ang cellphone at halatang may katawag. Hindi naman siya napansin ni Just kaya kinatok niya ang bukas na pinto, naisip na baka importante ang pinag-uusapan nito at hindi pwedeng marinig ng iba.
Nilinga siya ni Just at sinenyasang pumasok. Dumeritso si Jacian sa shelf kung saan nakalagay ang mga cup noodles at pumili ng gusto niyang flavor, pinili niya ang malaking cup noodles na seafood at extra spicy. Aalis na sana siya nang hawakan ni Just ang kanyang braso, kausap parin nito ang tao sa kabilang linya at makalipas ang ilang segundo nang bitawan narin siya ni Just. Inilagay ni Just ang kanyang cellphone sa bulsa at nilinga ang hawak niya.
"'Yan ang kakain mo?" Tanong ni Just.
"Mm. Kumain na ba ang ibang kasama natin?"
Tinanguan siya ni Just. "Tapos na sila, nag-text ako sa'yo na pumunta ka sa kusina. Natulog ka ba?" Kinuha ni Just ang basket na ibinaba niya at pinagpatuloy ang pagkuha sa shelf.
"Natulog ako." Saad niya at lumapit sa water dispenser para lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ngunit pinigilan siya ni Just.
"Wag kang kumain niyan, magluluto ako." Ani Just.
Tiningnan naman ni Jacian ang cup noodles na hawak niya atsaka tumango bago ibinalik iyon sa shelf. Paborito niya pa naman ang seafood flavor with extra spicy ngunit ibinalik niya iyon at nagdesisyon na kainin nalang sa ibang araw. Tinulungan niya si Just kumuha ng mga ingredients at pumunta sa kusina, nilutuan siya ni Just ng meryenda habang hinihintay na maluto ang sinigang na karne at ibang dishes.
Makalipas ang ilang sandali matapos maluto, inilapag na nila iyon sa mesa at nagsimulang kumain. Hindi ugali ni Jacian ang magsalita habang kumakain kaya tahimik siya habang nakayuko, nang matikman niya ang luto ni Just nagpasalamat siyang hindi niya binuksan ang cup noodles, kung hindi mamimissed niya ang masarap na luto na 'to. Bakit sobrang galing magluto ng kanilang captain? Kung ganito lang siya kasarap magluto at maraming pera siguradong mabubusog siya araw-araw at hindi aasa sa Payless pancit canton.
"Bibigyan ko ng 5 star ang luto mo." Ani Jacian at pinunasan ang kanyang bibig.
Nginitian siya ni Just na minsan lang nito gawin at inilapit pa kay Jacian ang mga dishes. Nilinga niya ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa nang umilaw iyon at mag-popped ang notification. "Napanood ni Coach Dang ang match natin sa GOT-G. Nagulat siya sa performance natin at hindi siya makapaniwala na meron tayong tacit understanding." Ani Just at ibinaba ang kutsara.
Bumagal naman ang pagnguya ni Jacian at nilunok ang pagkain na nasa kanyang bibig. "Kahit ako nagulat din, hindi ko in-expect na magkakaroon tayo ng cooperation kahit hindi tayo nag-training ng mid/jungle dou." Ani Jacian at ipinagpatuloy ang kanyang pagnguya.
Sa katunayan, kapag mid/jungle ang core ng team kinakailangan ng malalim na understanding ng dalawang players dahil sila ang maghahanap ng pace na sasabayan ng kanilang teammates. Sa madaling salita, hindi pwede ang maraming failed pagdating sa ganitong comp. Mahabang training ang kinakailangan para magkaroon ng tacit understanding ang dalawang players kaya hindi talaga maiwasan ang hindi magtaka kung bakit ganun kalalim ang tacit understanding nila ni Just. Kalimutan na 'yung part na wala silang tacit understanding ni Just pero ang mas nakakatawa pa, bihira lang sila mag-queue ni Just. Paanong nagkaroon sila ng ganung tacit understanding?