Napansin niya ang kakaibang tingin ni Just kaya nilinga niya ito nang may pagtatanong. "Nag-double queue na ba tayo na gumamit ako ng assassin mage?" May pag-aalanganing tanong ni Jacian. Sa pagkakatanda niya ang una at huling douque nila ni Just ay 'yung time na inutusan sila ni Coach Dang na mag-doubles. Gumamit siya ng assassin-type mage pero si Mai Shiranui ang gamit niya at hindi si Shangguan, sa kasamaang palad wala silang cooperation at pareho silang nangangapa, hindi narin sila pina-training ni Coach Dang ng doubles at nag-switch si Jacian sa soft mage. Iyon lang ang naging doubles nila ni Just gamit ang assassin mage pero nakakapagtakang meron kaagad silang malalim na tacit understanding. Hindi tuloy maiwasan ni Jacian ang hindi mag-doubt kung nag-doubles na ba sila ni Just noon bukod sa doubles na utos ni Coach Dang. Pero kung may tacit understanding sila ni Just, bakit hindi nangyari 'yun nung nag-doubles sila nung una?
Hindi naman nagsalita si Just at nagpakawala lang ng mahinang 'mn' para sagutin ang tanong niya.
Nagtaka si Jacian at sinimulang hukayin sa memorya niya kung kailan pa sila nag-doubles ni Just, ngunit wala siyang matandaan.
"Nag-dou queue tayo noon bago ka pa sumali sa club." Saad ni Just.
Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ni Jacian habang hinihintay ang sasabihin ni Just.
"6 years ago." Dagdag ni Just.
Bahagyang nagulat si Jacian. 6 years ago? Nag-douque sila ni Just 6 years ago? 11 years old palang siya nun at iyon din ang edad niya kung kailan siya nagsimulang mag-online games. Pero naging streamer siya nung 13 years old na siya, paanong nagkapag-douqueue sila ni Just?
Seryusong tiningnan ni Just si Jacian habang pinagmamasdan nito kung naaalala ba ni Jacian ang sinasabi niya ngunit makikita ang komplikadong itsura ni Jacian.
Pinaliwanag naman ni Just kung paano sila nag-douque. Nagkasama sila noon sa isang rank sa international server at mid lane ang role ni Just. Hindi pa siya pro player at isang rookie mid laner palang sa youth training camp at captain ng team. Kinuha niya ang posisyon na mid lane at si Jacian naman ang kumuha sa jungling gamit ang account na may display name na Anonymous player.
Malakas na rookie si Just at siya ang Best Rookie Mid Laner sa training camp matapos matalo si Shadow ng 1v1 sa mid lane. Siya 'yung mid laner na hindi na kailangan ng assist ng jungler dahil kaya niyang baliktarin ang sitwasyon kahit mag-1v2, ngunit habang nasa match nagtaka si Just nang makitang naroon na sa enemy jungle ang kanilang jungler na si Anonymous player para magnakaw ng mga resources. Mag-isa lang ito habang ninanakaw ang crimson golem ng kalaban, iyon yung gameplay na parang iisipin ng kalaban na 'kapag binulabog ko 'tong magnanakaw na 'to mamamatay ako' may strong awra ang playstyle nito dahil sa pagkuha palang nito ng golem parang ginawa niya ng backyard ang jungle ng kalaban.
Namangha si Just nung time 'yun dahil kahit sa pagkuha ng objectives ay hindi ito humihingi ng assist at walang pakialam na nililibot ang buong mapa. Hindi ito nakikipag-communicate sa kanila kahit na sabihin ng teammates nila sa in-game mic ang kanilang plano, hindi rin bukas ang mic nito at kahit signal ng assemble sa overlord/tyrant ay hindi ito nag-sesend. Nainis ang mga teammates nila 'nung time na 'yun ngunit nang maka-level up ito, sunod-sunod itong naka-double kill at laging ACED ang enemy. Na-i-stunned si Just sa tuwing nilalapagan ni Anonymous player ng ult ni Jing ang pagitan ng enemy tower at magpalitpat-lipat ito sa mirror domain, hindi alam ni Just kung paano nito iyon nagawa ng ganun ka-perfect nang walang assist. Kahit ang jungler ng team nila ay hirap makakuha ng timing sa ult ni Jing ngunit itong passersby na jungler nila napaka-simple lang si Jing sa kamay nito.
Buong match ito hindi nakipag-communicate sa kanila at matapos ang match meron itong K/D/A na 27-0-0. Dahil sa gameplay nito nag-send si Just ng friend request, mahabang sandali pa iyon bago tinanggap ni Anonymous player dahil mukhang nag-enter ulit ito para sa isang match. Nag-message si Just ng simpleng 'good game' ngunit wala siyang natanggap na reply. Isang linggo pa ang makalipas bago siya nakatanggap ng reply at tanging question mark lang ang reply ni Anonymous player.
Napagtanto ni Just na sobrang cold ng tao na 'to kaya hindi na siya nang-isturbo at direct na nag-send ng invitation para yayain sa isang match. Nag-double Q sila at siya ang mid laner at si Anonymous player ang jungler, naka-open lang ang mic ni Just ngunit nanatiling off-mic ang ka-dou niya. Hindi niya alam kung ka-dou niya ba talaga iyon o kasama lang sa match, ngunit lagi rin siya nitong nililigtas sa tuwing siya ang target ng kalaban, minsan naman tinutulungan niya itong kunin ang objectives dahilan para maramdaman ni Just na may ka-dou nga siya.
Isang araw lang sila nag-double Q dahil nag-request siya kay Anonymous player ng 1v1 gamit ang jungler hero. Nung una hindi pumayag si Anonymous player ngunit sinabi niyang gusto niyang magpaturo mag-jungling at bibigyan niya ito ng skin per match. Tinanggap ni Anonymous player ang request niya at nag-1v1 sila, tinuruan niya si Just gumamit ng jungler hero simula sa basic hanggang sa nakawan ng objectives at gumala sa buong map para magbigay ng assist.
Nag-1v1 sila sa loob ng 6 months at sa loob ng kalahating taon, tumayong mid laner si Anonymous player kay Just para samahan itong gumala sa buong map at tulungang kumuha ng objectives. Ngunit sa loob ng kalahating taon, hindi man lang naging warm si Anonymous player, isang beses niya lang narinig ang boses nito nung time na aksidente nitong na-open ang mic at marinig ni Just na binati ito ng 'happy 12th birthday' sinagot naman ito ni Anonymous player ng 'thank you' at doon napagtanto ni Just na bata pa ang kalaro niya.
Nang malamang birthday ng kalaro niya, binati niya ito at binigyan ng 5,000 diamonds bilang birthday gift. Hindi niya na narinig ang boses ni Anonymous player at mukhang ini-off na nito ang mic, nakita niya lang na nag-send ito ng 'no need' bago nag-offline.
Sa sumunod na araw, nang mag-sign in si Just sa FTT bilang bagong jungler ng team sinabi ni Coach Dang na i-invite niya 'yung teacher na nagturo sa kanya ng jungling ngunit pag-send ni Just ng invitation sinabi ni Anonymous player na hindi siya marunong mag-jungling at kabibili niya lang ng account. Doon napagtanto ni Just na pinabenta nito ang account.Pagkatapos nun wala na siyang contact kay Anonymous player.
Nang marinig ni Jacian ang buong kwento, hindi niya maintindihan pero may kung anong emosyon ang bumalot sa kanya. Napayuko siya at mapait na ngumiti.
"Ikaw si Anonymous player, tama?" Tanong ni Just.
Tiningnan niya si Just atsaka tumango. Nang makita ang pagtango ni Jacian, makikita ang ngiti sa labi ni Just atsaka nag-iwas ng tingin.
"Jacian."
"Mm?"
"It was you who taught me how to play jungling."
Hindi sumagot si Jacian, tahimik lang siya habang nakikinig sa sinasabi ni Just. Kinuha ni Just ang bottled water sa mesa atsaka uminom dahil bahagyang nanuyo ang kanyang lalamunan. Sa katunayan, matagal nang gustong sabihin ni Just ang tungkol dito ngunit masyado silang busy sa practice at hindi niya naman makukumpirmang si Jacian 'yun kung itatanong niya lang kung siya ba si Anonymous player, siguradong hindi maaalala ni Jacian. Sa dami ng account na pinabenta nito siguradong nakalimutan na nito ang account na Anonymous player.
"Paano mo nalamang ako si Anonymous player? Isang beses mo lang naman narinig ang boses ko." Tanong ni Jacian.
"Gameplay. May duda na ako nung unang game natin sa international server, nung gumamit ka ng Shangguan. I just confirmed when we played doubles." Saad ni Just.
Tumango si Jacian atsaka ngumiti. "What a coincidence, sobrang liit ng mundo." Mabagal na saad niya. Kaya pala ang lalim ng tacit understanding nila ni Just nung match nila sa GOT-G. Nung unang doubles nila ni Just sobrang nangangapa sila sa isa't isa dahil magkaiba ang kanilang playstyle, pero ngayong match sobrang lakas na ng cooperation nila at halatang ginamit ni Just ang original niyang playing style. Parehong assassin din ang ginamit nila at ganong type ng hero ang pinractice nila 6 years ago.
Halos hindi makapaniwala si Jacian na nag-meet na pala sila ni Just noon sa online, bakit nga ba nakalimutan niyang nangyari 'yun. Siguro, dahil sa dami ng mga client niya nung nagsimula na siyang mag-stream at halos araw-araw na may nakikipag-1v1 at nakikipag-doubles. Nag-focus din siya sa MLBB nung naging streamer siya at naglalaro lang sa HOK kapag nagpapabenta siya ng account, ngunit bihira nalang na may nakakalaro siyang pro dahil sa tuwing umaabot ng Grandmaster rank ang account niya ay binenbenta niya rin kaagad.
Ngunit sa lahat ng naging client niya hindi niya in-expect na si Just ang una. Si Just na isang Best Mid laner sa youth training camp nag-switch ng lane matapos mapanood ang gameplay niya at nagpaturo sa kanya gumamit ng jungler hero, ngayon isa na itong Great Demon King at Jungle King of the league. Satisfied si Jacian sa naging title nito, at least hindi nasayang yung mga skin na binigay sa kanya ni Just bawat match.
Pagkatapos nilang kumain ni Just, nagdesisyon na silang bumalik sa dorm para matulog. Niyaya siya ni Just na mag-doubles kapag wala silang training, wala namang problema kay Jacian at sinabing mag-doubles sila kapag wala ang coach. Masyadong mahigpit si Lan pagdating sa training at practice match nila, kapag nakita sila nitong nag-sosolo practice mag-se-send kaagad ito ng line-up sa gc at uutasan silang mag-Q sa international server gamit ang line-up na sinend nito. Kaya wala silang oras mag-doubles, tanging si Lucky at Gem lang ang pinupwersa nitong mag-doubles dahil farm lane dou ang dalawa.
_
10 a.m na nang magising si Jacian at matapos maligo dumeritso siya sa training room para mag-live. Naunang nagising si Lucky at 7 a.m palang ay naka-live na ito kaya makikita ang million nitong viewers, sa kanilang lahat live broadcast room ni Lucky ang laging pinupuntahan ng fans dahil masyado itong maingay at nakikipag-interact sa mga viewers, kahit ang mga fans ng taga-ibang team ay nasa live broadcast room niya ngunit hindi para manood ng gameplay, kundi para mangalap ng marites.
Nasa kanan ni Jacian si Lucky kaya kitang kita niya ang scrolling comments sa live chat ng computer nito nang umupo siya habang inaayos ng staff ang kanyang equipment. Tatanggi sana si Jacian sa staff na nag-aayos ng equipment niya dahil marunong naman siyang mag-assemble pero sinabi ng staff na trabaho nila iyon kaya tumango nalang si Jacian at hinayaan ito.
Si Lucky at Gem palang ang naroon sa training room habang nag-lalive, naka-on din ang webcam ni Gem ngunit nakatutok iyon kay Lucky dahilan para magmukhang si Lucky ang naglalive.
"Babe kailangan ko ng heal!" Malakas na saad ni Lucky nang makitang wala na siyang oras bumalik sa tower para kunin ang healing dew. Binigyan naman siya ni Gem ng heal gamit ang support hero na si Dyadia. "Thanks Babe."
Jacian: "..."
Staff: "......"
Matapos i-assemble ang equipment niya, binuksan ni Jacian ang kanyang livestream account para magsimulang maglaro. Hindi pa siya nag-search match at nag-claim lang ng rewards, pagkatapos tiningnan niya kung sino ang top 1 sa national leaderboard.
Nang matapos ang doubles ni Lucky at Gem, nagpaalam si Lucky sa kanyang viewers at nag-exit sa streaming platform. Tiningnan niya si Jacian na abala sa pag-scroll sa gaming phone habang nasa leeg nito ang headphones.
Habang ini-scroll ang mga friends niya sa kanyang account at naghahanap ng pwedeng i-invite, bahagya niyang napindot ang screen nang kabigin ni Lucky ang kanyang braso. Sinamaan niya ng tingin si Lucky ngunit hindi naman iyon binigyan ng atensyon ni Lucky.
"Hoy, alam mo bang trending kayo ni Captain kagabi?" Saad ni Lucky nang dukutin nito ang cellphone sa bulsa at nag-scroll sa Melon.
"Trending, dahil?" Pumunta si Jacian sa shop atsaka naghanap ng mga skin na p'wede niyang bilhin.