"Hindi mo alam?" Tanong ni Lucky.
"Sige alam ko nalang kunyari."
Lucky: "..." Yeah, Right. "Trending kayo dahil dun sa conversation niyo sa backstage. Panoorin mo." Ani Lucky at iniharap kay Jacian ang kanyang cellphone.
Iyon 'yung conversation nila ni Just nang tanungin niya ito tungkol sa heart rate. Hindi naman interesado si Jacian sa mga ganitong bagay at matapos mapanood ang clip buryong niyang nilinga si Lucky at ibinalik ang atensyon sa gaming phone.
Samantala, nagtataka siyang nilinga ni Lucky. "Hindi ka ba marunong sumabay, nagfafanservice si Captain para sa CP niyo pero dinedeadma mo. Tsaka, para sabihin ko sa'yo ah, ngayon lang nag-fanservice si Captain kasi hindi naman 'yun interesado pagdating sa mga ganitong boring na bagay." Dagdag pa ni Lucky. Nilinga niya si Jacian at nagulat nang makitang naka-live si Jacian, lumapit siya sa computer nito at tiningnan kung naka-on ang mic ngunit nakahinga siya nang maluwag nang makitang naka-off. Kapag narinig ng mga CP fans na fan service lang ang ginawa ni Just siguradong hindi na maniniwala ang mga fans.
Hindi na pinansin ni Jacian si Lucky at nag-desisyong mag-search match ngunit kumunot ang noo niya nang makitang may kasama siya sa isang room.
Kumunot ang noo ni Lucky nang makita ang pamilyar na account. "Account ni Ning 'yan ah, naglalaro kayo?" Tanong ni Lucky.
Iniisip ni Jacian kung paano nakapasok ng room niya si Ning ngunit naalala niyang nabangga ni Lucky ang kanyang braso kanina at aksidente niyang napindot ang screen.
Mabilis namang nag-type si Jacian para mag-send ng message.
[FTT.Boss: Sorry, wrong send.]
Lucky: "???" Nang-invite ka tapos sasabihin mong wrong send?
[Silence.Ning: How about one game?]
Nang mabasa ni Jacian ang message, nag-send siya 'ok' at nag-search match, hindi naman maganda kung papaalisin niya ng game room si Captain Ning.
Samantala, nang makita ng mga viewers na i-nin-vite niya si Ning hindi nila mapigilan ang hindi mapamura.
[Itong bagong player ng FTT, makikipag-dou kay Captain Ning? WTF!]
[Wrong send nga diba? Sana nabasa mo 'yung chat ni Boss.]
[Kabago-bago niya palang sa FTT pero friend niya kaagad yung traitor, ayos.]
[Ano kayang iniisip nitong trash streamer, siguro gagayahin niya yung trash traitor. Goal pa naman ng FTT na makuha ang world championship trophy, baka isang season lang 'to.]
[Paki-kick out si Ning sa game room. Ayokong mapanood ang gameplay niya.]
[Kung hindi mo ikikick-out si Ning, hindi na ako manonood ng livestream mo!]
Nang mabasa ni Jacian ang scrolling comments, nagsalubong ang kilay niya. Dumilim ang kanyang mukha at sa isang tingin palang halatang nakakaramdam siya ng inis sa comment ng mga viewers.
Si Lucky na tahimik na nag-scroll sa cellphone nito ay nagtaka nang makita ang ekspresyon niya. Para siyang napatay ng 16 times sa opening kahit wala siyang deaths.
"Bakit? Tina-trash talk ka?" Tanong ni Lucky.
Ibinalik ni Jacian ang mobile phone sa phone holder at inilingan si Lucky. Mukhang alam naman ni Lucky kung bakit ito nainis dahil puro mura kay Ning ang nasa live chat ng scrolling comments.
Umangat ang kilay ni Lucky. Nainis si Boss dahil sa mga anti-fans ni Ning? Hindi makapaniwalang saad ni Lucky sa kanyang isipan.
Kilala si Ning sa PKL na isang traitor dahil umalis ito sa Team RG nung season na nagplano ang RG na makuha ang world championship trophy. Malakas si Ning at malakas ang tacit understanding nila ni Captain Water, matagal na silang magkakilala at bukod kay Ning wala ng ibang nakakasabay kay Captain Water, wala ring ibang malapit kay Ning bukod kay Captain Water. Sa tuwing nand'yan si Ning, hindi namamatay si Captain Water sa match at siya ang may pinakakunting deaths ngunit may pinakamataaas na kills sa Global.
Kahit ang RG ay hindi alam kung bakit bigla nalang umalis si Ning sa club nila para pumunta sa North America at bumuo ng bagong Team. Ngunit kahit sinong coach nakakaramdam talaga ng paghihinayang sa dating players ng Team RG.
"Kung ayaw mong panoorin ang gameplay ng teammates ko, ikaw ang umalis." Malamig na saad ni Jacian.
Lucky: "!!!" Nagulat si Lucky dahil sa sinabi niya, ngunit naaalala niyang si Boss nga pala ang katabi niya at normal lang dito na makarinig sila ng ganun. Iniisip ni Lucky kung ano ang magiging reaksyon ng mga viewers niya at sure enough, halos masuka sila ng dugo sa pagkainis.
[Fuck! Pinagtatanggol niya pa ang traitor.]
[Tina-trash talk ba tayo ng trash streamer na 'to. Kala mo malakas ka dahil napatay mo si Shadow? Tsk! Tingnan natin sa mismong tournament.]
"Bakit ko naman iisipin na malakas ako dahil lang napatay ko si Shadow? Si Shadow ba ang standard?" Matapos sabihin iyon, pinili niya si Nuwa sa mid lane.
[Tina-trash talk niya si Shadow! Report! Pakireport 'tong pro na 'to.]
[Oo nga noh? Nag-record niyo ba? I-send natin sa PKL committee para ma-fine siya. Tingnan natin kung makatrash talk pa 'to.]
"Ngayon, pro player na ako? Edi i-report niyo, 5,000 to 10,000 lang naman ang fined, meron pa akong 5 million."
[Bakit nga ba kinuha 'to ng FTT, lumuhod siguro 'to sa harap ng base.]
[Una palang alam ko ng walang magandang mangyayari sa FTT nung nakita ko 'tong trash streamer na 'to eh. Ang lakas din ng kapit kay God J.]
[Kahit si God J nadadamay niya sa mga CP, sinusubukan niya bang sulutin ang mga fans ng Great Demon King?]
Nangalit ang ngipin ni Jacian nang mabasa ang mga comments. Hindi niya na namalayang siya ang naka-first blood matapos i-tower dive ang enemy mid laner na si Milady, pero wait, si Nuwa nag-tower dive?
Hindi na siya nagdalawang isip at kaagad na ini-block ang mga anti-fans.
_
Nagising si Just dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone, kinapa niya iyon sa kanyang kama at nakitang nag-send ng voice message si Lessen. Pinindot niya iyon ngunit bahagya niyang nailayo nang marinig ang sigaw sa kabilang linya.
[Holy shit! Ngayon ka lang nagising?!]
Kumunot ang noo ni Just dahil sa sinabi nito. 11 a.m palang naman at hindi pa iyon tanghali para sa mga pro players na nagt-training hanggang madaling araw. Bumangon siya at dumeritso sa CR para mag-toothbrush at maghilamos, kinuha niya ang maliit na towel na nakasampay at ginamit iyon para tuyuin ang kanyang mukha.
[Just: ?]
Ilang segundo ang makalipas nang mag-reply si Lessen.
[Lessen: Trending ka sa Melon, Tin. Ay mali pala, trending kayo ng bago niyong mid laner.]
Sa baba ng message ni Lessen ay makikitang nag-send ito ng video. Pinindot ni Just ang ilang segundong video na naka-portrait at matapos panoorin nag-send siya ng reply.
[Just: So?]
[Lessen: So, kayo na?]
Kumunot ang noo ni Just. Lumabas siya sa bathroom habang nakaikot sa kanyang leeg ang towel.
[Just: . ]
[Lessen: Sheesh! I knew it, kailan pa? Nakita ko ang post ng CP fans ilang beses na pala kayong nag-meet ni Boss. Imposible namang coincidence lang 'to diba.]
[Just: Mn. Coincidence lang.]
[Lessen: Tsk. Matatanda na tayo dito, Tin. Tsaka, ano sa tingin mo si Boss? Actually, maayos naman si Boss, maputi, cute, malakas. Kung hindi lang siya magsasalita maraming babae ang maghahabol dun, siguradong hindi ka mapapansin. Fortunately...]
[Just: Fortunately, he's single.] Tamad na reply ni Just.
[Lessen: Anong meron sa inyo ng bago niyong mid laner?]
[Just: Nothing.]
[Lessen: Sa ngayon. Tingnan natin sa mga susunod.]
Napailing si Just sa chat nito at nag-type ng reply.
[Just: Wala ba kayong training? Dami mong free time sa tsismis.]
[Lessen: Kung ikaw ba naman pagtsitsismisan, marami talaga akong free time. [Smile.jpg]]
[Just: . ]
Sa kanilang limang magtotropa, e-sports career lang ni Just ang tahimik at hindi nalilink sa kahit na anong rumor, wala silang mapagtsismisan tungkol kay Just kaya tuwing makakasagap sila ng rumor na kasama si Just si Lessen kaagad ang #1 marites. Kanina nang makita niyang nasa hot search ang pangalan ni Just, si Lessen na 3 p.m nagigising ay napabalikwas ng bangon ng 10 a.m para i-message si Just.
Lumabas si Just sa kanyang dorm at kumuha ng bottled water sa kusina para pumunta sa gym, ngunit tumunog ang kanyang cellphone at nag-popped up ang bagong message galing kay Lessen.
[Lessen: Mid laner niyo pinagtatanggol si Ning sa livestream.[tornheart.jpg.]]
Binuksan ni Just ang bottled water atsaka uminom, hindi na siya pumunta sa gym at dumeritso sa training room.
Sa loob ng training room, binuksan ni Lan ang flat screen TV at pinakita ang magiging line-up nila para sa Team Extra na makakalaban nila sa unang match ng regular season. Tatlong teams ang makakalaban nila at ang una ay Team Extra, next week ang Fantastic Era at sa sumunod na linggo ay Team TK. Hindi naman ganun kabigat ang pressure pagdating sa Team Extra at Fantastic Era, pareho na nilang nakalaban sa practice match ang dalawang team at kaya nilang makakuha ng clean wins kahit si Lucky ang gawin nilang core. Hindi pa si Lan nakakapag-schedule ng practice match sa TK dahil gusto niyang mag-focus muna sila sa Team Extra at Fantastic Era. Alam naman nilang kayang kaya nila talunin ang Extra at Fantastic Era kahit na hindi nila pag-aralan ang playing style ng dalawang team, kaya anong point na kailangan pa nilang panoorin ang gameplay ng dalawang teams, magsasayang lang sila ng oras. Makikita ang kung anong ekspresyon sa mukha ng FTT dahil sa plano ni Lan pero sinunod nalang nila dahil siya ang coach.
Para sa unang match nila sa regular season, nag-desisyon si Lan na si Lucky ang magiging core ng grupo at i-drag sa late game ang match. Wala namang problema kay Lucky dahil alam niyang malakas na ang cooperation nila ngayon lalo na't ilang araw na silang nag-doudouble Q ni Gem.
Tumango si Lan at pinakita ang map ng HOK sa malaking screen. "Hindi pa natin alam kung anong side tayo mapupunta, pero mas prefer ko ang blue, mas malapit sa tyrant mas malaki ang advantage. Ano sa tingin niyo?" Tanong ni Lan at tumingin sa kanila.
Sinabi ni Lucky na 'blue' samantalang sabay na nagsalita si Jacian at Just ng 'red'
Nagkatinginan sila at mukhang nagkaroon ng pagkakaintindihan. "Naisip mo rin?" Tanong ni Jacian at nilinga nito si Just sa kanyang kaliwa.
"Mn."
Sa kabilang banda, kumunot ang noo ni Lucky at tumingin sa map na nasa TV. "Wait. Mas prefer niyo ang red? Pero mas madaling kumilos kapag nasa Blue Team." Asad niya.
Sa blue side, nasa kaliwa ang clash lane at nasa kanan ang farm lane, kabaliktaran naman iyon ng red side dahil ang kaliwa nila ay farm lane at kanan ang clash lane, dahilan para magkaroon si Lucky ng komplikadong posisyon. Pagdating sa tournament, laging pinipili ng mga coach ang blue side dahil maliban sa malapit ang tyrant sa kanilang jungle mas madaling maghanap ng posisyon.
Tiningnan ni Lan si Jacian. "May plano ka?" Tanong ni Lan at bahagyang naglakad patungo sa gaming chair at kinuha ang note nito.
Marahang umiling si Jacian. "Meron lang akong idea at sa tingin ko 'yun din ang iniisip ni Captain."
Tiningnan ni Lan si Just bago ibinalik ang tingin kay Jacian. "What is it?"
"Naisip ko, mas malaki ang advantage sa
Red Team. Since mas dikit sa jungle ng Blue Team ang tyrant hayaan natin silang kunin ang tyrant at mag-fucos sa lane management, hindi naman malaki ang lamang kapag nakuha nila ang tyrant sa 4 minute mark at kayang kaya pang habulin. Pwede nating kunin ang shadow overlord pagdating ng 10 minute mark. Tsaka pagdating sa Ban/pick mas malaki ang advantage natin kasi makakakakuha kaagad tayo ng dou." Paliwanag ni Jacian.
Kumunot ang noo ni Lucky habang iniisip ang sinabi ni Jacian ngunit may part na hindi niya maintindihan. "Kapag kinuha nila ang tyrant anong gagawin natin?"
Si Jacian na seryusong naghihintay ng agreement ni Lan ay nagtatakang binalingan si Lucky sa kanyang kanan. "Hindi ka ba nakikinig? Kapag kinuha nila ang tyrant kukunin natin ang tower nila."
Mabilis na tumango si Lucky bago pa maka-react si Blue, itinaas niya ang hintuturo at itinutok iyon kay Jacian.
"Got it, Boss." Nakangiting aniya.
Tumango si Lan, ngunit nilinga nito si Just. "Justin, what about yours?"
Tumango si Just at itinuro si Jacian gamit ang kanyang ulo. "Same as him."
Tumango uli si Lan. "Okay, pwede na kayong mag-training."