Sa loob ng training room, makikita ang limang players na nakaharap sa kani-kanilang mobile phone habang seryusong nag-t-training. Pinractice nila ang technique na sinabi ni Jacian habang si Lucky ang tumayong core. Ginamit ni Lucky at Gem sina Lady Sun at Ming para sa farm lane dou na siyang malakas na combo sa farm lane.
Sa tournament, hindi hinahayaan ng mga coach na makuha ang dalawang hero na 'to dahil sobrang lakas mambuhat, lalo na kapag Team RG ang naka-upo sa kabilang side. Kapag nakitang kinuha si Lady Sun auto ban kaagad si Ming, o di kaya'y kukunin nila si Loong na siyang pang-counter kay Lady Sun. Ngunit, hindi kasing level ni Lucky si Captain Water kaya kahit kunin ni Lucky si Lady Sun hindi i-babanned ng kabilang team si Ming, hindi rin sila kukuha ng hero na pang-counter kay Lady Sun bagkus mag-babanned at kukuha sila ng hero na ipangtatapat kay Just.
Ang sabi nga ng mga coach, as long as namatay si Just madali nalang mapapatay ang ibang players. Si Just lang naman ang nagpapasakit sa ulo nila kaya ang kailangan nilang gawin ay i-target lock si Just. Ano pa bang magagawa ng FTT kung patay na si Just, hindi naman nila pwedeng i-drag sa late game dahil mahinang marksman si Lucky. Kaya pagdating sa Team RG sanay na ang FTT at mga fans na laging talo.
Ngunit iba ngayon, kampanteng mag-push si Lucky dahil nand'yan si Boss na laging dumadalaw sa farm lane para mag-assist. Sa loob ng ilang minuto nagawa nilang mag-push at pasabugin ang enemy's crystal.
Nag-training sila simula 11 a.m at madilim na nang sabihin ni Lan na p'wede na silang magpahinga. Nagdesisyong bumalik ng dorm ang mga teammates ni Jacian ngunit naiwan siya sa training room para mag-solo practice.
Tinuloy ni Jacian ang kanyang training at kumuha lang siya ng cup noodles sa break room at nilagyan iyon ng mainit na tubig bago bumalik sa training room para ipagpatuloy ang practice. Matapos ang ilang match na puro victory, nakaramdam siya ng satisfied at inaantok na humikab.
11 p.m na at halos 13 hours na siyang nakaharap sa mobile phone. Naramdaman niyang nanunuyo na ang kanyang mga mata at namamanhid ang kanyang kamay, ibinalik niya sa phone holder ang mobile phone at sumandal sa gaming chair para hilotin ang kanyang palad. Ilang sandali ang makalipas nang tumunog ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at nag-popped up ang message ni Just.
[Just: Wag kang mag puyat. Bumalik ka na sa dorm.]
Nang mabasa ang chat ni Just, nag-reply lang siya ng 'mm' bago iyon inilagay sa kanyang bulsa, humikab uli siya at nang makaramdam ng antok nagdesisyon siyang bumalik na sa dorm. Sakto namang pumasok si Lan sa training room bitbit ang isang basong kape, makikita ang gulat sa kanyang mga mata nang makitang naroon parin si Jacian sa loob ng training room, kanina pa bumalik sa dorm ang mga teammates niya para magpahinga dahil plano niyang magpa-schedule ng practice match sa ibang team, ngunit hindi niya in-expect na nandito parin si Jacian para mag-training.
Naglakad si Lan palapit sa mesa at inilapag ang bitbit niyang kape. "Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba napapagod?" Tanong niya at inilapit kay Jacian and kape. "Sa'yo na 'to."
"Hindi na Coach, babalik narin ako sa dorm." Saad niya at inayos ang gaming chair. Aalis na sana siya nang tawagin siya ni Lan.
Inilagay ni Lan sa gilid ang ilang hibla ng kanyang buhok na nahulog sa kanyang mukha bago nagsalita, "Nasa hot search kayo ni Justin kagabi tungkol dun sa conversation niyo sa backstage." Saad ni Lan. Hindi naman sumagot si Jacian at tinanguan lang ito, sinabi narin sa kanya 'to ni Lucky kaninang umaga kaya niya nalaman. "Kakasimula palang ng regular season ayoko sanang magkaroon ng issue ang club natin, especially sa career ni Justin, masyadong obsessed ang mga fans niya at hindi nila gustong nalilink si Justin sa kahit na anong CP." Asad ni Lan at bahagyang inayos ang suot nitong salamin. "So, wag kang magbigay ng hint na ikaka-ship ng mga CP fans."
Dahil sa sinabi ni Lan, mapapansin ang kung anong reaksyon sa mukha ni Jacian. Binalikan niya ang conversation nila ni Just sa backstage ngunit wala naman siyang matandaang may kakaiba sa sinabi niya, sa katunayan si Just ang nagbigay ng hint dahil sa sinabi nito, hindi ba dapat si Just ang puntahan ng kanilang Coach para sabihin 'to?
Hindi na nag-isip ng kung ano si Jacian dahil sa pagod at wala sa sariling tinanguan nalang ang kanilang Coach bago lumabas sa training room. Pagbalik sa dorm naligo siya at tinuyo ang kanyang buhok gamit ang towel bago pumasok sa kanyang kwarto para matulog, dahil ilang oras nakaharap sa screen 30 minutes pa ang makalipas bago tuluyang nakatulog si Jacian.
Sa sumunod na araw, tanghali na nang magising siya. Nakita niya ang chat ni Lan sa kanilang gc na may practice match sila sa team Extra at Fantastic Era mamayang gabi sa training room ng second floor, 5 hrs ago na iyon na-send at tanging si Lucky lang ang nag-reply. Inilapag ni Jacian ang kanyang cellphone sa mesa at pumasok sa bathroom para mag-toothbrush, nagmumog siya at naghilamos bago lumabas sa bathroom habang pinupunasan ang mukha gamit ang towel.
Lumapit siya sa mesa at kinuha ang cellphone nang makitang umilaw 'yun. Makikita ang chat ni Coach Dang na nag-popped up sa lockscreen.
[Coach Dang: Good news! Meron na kayong cooperation ni Just.]
Binasa niya ang chat ni Coach Dang at nagtipa para mag-reply, nag-send lang siya ng paborito niyang emoticon.
[Just Call Me Boss: (◠‿◕)]
[Coach Dang: Lagi na ba kayong nagdoudouqueue? Mukhang mas magaling mag-coach si Lan kesa sa akin. Pero bakit biglang naging mid/jungle dou ang system natin akala ko si Lucky ang core.]
[Coach Dang: Nagbago siya ng core-system? Hindi niya nabanggit sa akin 'to.]
[Just Call Me Boss: Sa opening lang, si Lucky parin ang core sa regular season.]
Matapos i-send iyon, kinuha niya ang towel na nakasampay sa kanyang balikat at inihagis sa basket.
[Coach Dang: ok.]
[Coach Dang: So, lagi kayong nag-doudouqueue ni Just? Alam mo naman si Just tamad makipag-douque 'yan, kahit sa teammates niya noon ganyan siya.]
Umangat ang kilay ni Jacian nang mabasa ang reply ni Coach Dang. Tamad makipag-douque si Just? Napansin niya rin dahil ilang buwan na siya sa base pero bilang lang na nag-douque sila, ngunit kumunot ang noo niya nang maalalang niyaya siya ni Just mag-douqueue nakaraan. Sa katunayan, ilang beses na sana silang nagkapag-douqueue ngunit sa tuwing magsisimula na sila nag-sesend si Lan ng line-up sa kanilang gc at sinasabing mag-Q sa international server.
Hindi rin naman mahilig si Jacian makipag-douque dahil nakakaramdam siya ng bored tuwing may kasama sa match, lalo na kung magaling ang kasama niya, mas gusto niya kasama yung mga players na pabuhat at sinasad'yang ipatalo ang match. Bagaman, mga pro players sila at sa ayaw at sa gusto nila kailangan nilang makipag-douque sa ka-teammate, wala namang problema kay Jacian at mukhang wala 'ring problema kay Just sad'yang hindi lang nila magawa dahil mas priority ng coach na mag-Q sila as five.
Hindi rin naman nila kailangan mag-Q dahil may tacit understanding na sila ni Just matapos malaman na nag-douque na sila noon ng anim na buwan, matagal narin pero hindi naman nag-bago ang playing style ni Jacian, playing style lang ni Just ang nagbago ngunit kaya niya namang sabayan.
Kinagat ni Jacian ang kanyang hintuturo at nag-aalanganin kung sasabihin niya ba kay Coach Dang, hindi niya alam kung tinatago ba ni Just ang background nito kung bakit siya lumipat ng lane para maging jungler ngunit malapit si Just kay Coach Dang kaya naisip niya na alam ni Coach Dang ang tungkol doon. Makalipas ang ilang segundong pag-aalanganin, nagdesisyon siyang sabihin.
[Just Call Me Boss: Coach, may alam ka bang kalaro ni Captain na nagturo sa kanya mag-jungling?]
Tanong niya at hinintay ang reply ni Coach Dang, ilang segundo pa ang makalipas bago nag-reply si Coach Dang at halatang matagal nitong pinag-isipan ang i-re-reply.
[Coach Dang: Sinabi niya rin sa akin 'yan.]
Napakurap si Jacian.
[Coach Dang: So, alam mo na? Sinabi niya sa'yo?]
Nang maintindihan ang sinabi ni Coach Dang nag-reply siya nang 'mm' Mukhang alam ni Coach Dang ang tungkol sa pagiging jungler ni Just at alam din nito na siya ang nakalaro ni Just.
Matagal nang alam ni Coach Dang ang tungkol sa pagiging jungler ni Just at bukod sa kanya wala ng ibang nakakaalam. Nalaman niya lang na si Jacian iyon nang sabihin ni Jacian na account niya ang Kupal Ka Ba Boss, iyon 'yung match na nagkasama sila ni Just sa international server. Si Coach Dang lang ang nakakaalam ng lahat tungkol kay Just dahil bukod sa kanya wala ng ibang pinagsasabihan si Just.
Nang mabasa ang chat ni Coach Dang, hindi nagbago ang reaksyon ni Jacian nakatingin lang siya sa screen ng cellphone para basahin ang panibagong chat.
[Coach Dang: tsk.tsk.tsk. Alam mo bang lagi 'yang nakatambay sa international server para hanapin 'yung passersby na nagturo sa kanya? Hindi 'raw siya nakapagpaalam sa'yo kaya laging nasa rank game para hanapin ang kaparehas mong playstyle. Nagrereklamo na nga ang mga fans dahil sa bigat niyang buhatin.]
[Coach Dang: btw, grabeng coincidence. Kahit ako hindi ko in-expect na ikaw si Anonymous player. [Smile.jpg.]]
Jacian: "..."
Bahagyang nagulat si Jacian dahil sa sinabi ni Coach Dang. Laging nakatambay si Just sa rank game ng international server para hanapin siya? Kaya pala 'nung kasama niya ito sa isa pang rank dinaanan lang siya nito. Iyun 'yung livestream na gusto ng mga viewers na gumamit siya ng Dyadia na couple skin nila ni Augran at titingnan kung may ka-couple skin siya, gumamit siya ng Dyadia at gumamit si Just ng Augran, pareho silang naka-couple skin pero magkaibang team.
Alam niyang si Just ang jungler ng kabila ngunit muntik na siyang mag-doubt na baka fan lang ni Just at ginaya ang display name. Pumunta sila sa jungle ng kabila para magnakaw ngunit nagtaka si Jacian nang daanan lang sila ni Just at hindi pinatay, hinayaan lang sila nito magnakaw sa sarili nitong jungle. Kahit sinong makakakita ay matatawa kung malalaman nilang ang Great Demon King at Jungle King 'yun ng HOK Global.
Ang Great Demon King at Jungle King ng HOK Global hinahayaang manakawan ang sariling jungle, deserve niya ba ang title na 'to?
Kaya pala nag-rereklamo ang mga fans dahil sa bigat niya, siya lang ang pro players na ayaw nilang maka-teammate sa rank game. Pero hindi pumunta si Just sa rank game para magpa-rank kundi para hanapin si Anonymous player.
Makikita ang komplikadong ekspresyon sa mukha ni Jacian. Sa ilang milyong players na meron ang HOK at sampung players lang bawat match, meron lang 1% out of 100% na p'wede mong makasamula sa rank ang nakasama mo noon. Hindi ba naisip ni Just na mag-give up? What if hindi na pala naglalaro ang taong 'yun?
Nang sumagi iyon sa isipan ni Jacian, hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng guilty. Napagtanto niya, bakit nga ba hindi siya nagpaalam kay Just nung time 'yun? Nag-douque, nag-solo at nagpa-rank sila si Just ng 6 months pero pagkatapos 'nun bigla siyang nawala na parang bula. Walang bakas at walang clue kung saan na siya napunta.
11 years old palang siya nung time 'yun at iyon 'yung taon na umalis 'yung mama niya para sumama sa ibang lalaki, naiwan siya sa boarding house kasama si Henry na isang beses lang sa isang buwan umuwi. Doon na nagsimula ang pagiging cold ni Jacian at hindi niya binibigyan ng inetrest ang mga taong nakakasamula niya, bukod sa kumita ng pera wala na siyang ibang iniisip pa.
Sa sobrang busy niya sa online games hindi niya na namalayang birthday niya pala, binati siya ni Nay Sita ng happy birthday at kung hindi lang dahil kay Nay Sita hindi niya maaalalang birthday niya pala. Wala na siyang makain nung time na 'yun ngunit buti nalang may nag-post sa isang group na naghahanap ng account na Master rank dahil kailangan daw nito sumali sa Peak tournament. Pinabinta ni Jacian ang account niya na Anonymous player na Grandmaster rank, maraming skin ang account niya dahil sa mga skin na binibigay ni Just kaya nabenta niya iyon ng mataas na presyo.
Ngunit naubus din ang pera niya dahil sakto namang bumalik si Henry kasama ang mga barkada nito at kinuha lahat ng pera niya sa bank account.
Nang sumagi iyon sa isipan ni Jacian, makikita ang pagdilim ng kanyang mukha at ilang sandali pa bago siya kumalma at napagtantong kailangan pa nilang mag-training.