Chapter 76: Behind

Katulad ng sinabi ni Lan, meron silang practice match sa Team Extra at Fantastic Era ngayong araw. Hindi si Lan ang nag-schedule ng practice match kundi ang coach ng dalawang team, hindi naman makatanggi si Lan dahil 'nung una team nila ang nag-request ng practice match at tinanggap ng dalawang team kaya ngayong sila naman ang nag-request syempre tinanggap din ni Lan ang request.

3:45 p.m na at 4 p.m ang practice match nila sa team extra, pumunta na sila sa second floor at inayos ang mga equipment. Mabilis namang lumipas ang oras at ilang minuto ang makalipas nang magsimula ang kanilang match. Nakalaban na nila noon ang Team Extra sa practice match at katulad ng sabi ni Coach Dang hindi ganun kalakas ang Extra dahil laging na-i-eliminate ang team nila sa regular season, hindi ganun kabigat ang pressure kaya ayun sa core-system nila sa regular season farm lane ang magiging core nila.

Pumili ang FTT ng line-up na malakas ang shield para protektahan si Lucky gamit ang signature hero nitong si Hou Yi. Natapos nila ang practice match sa Extra ng 8 minutes at nanalo sila ng 2-0 gamit ang BO3 format. Pagdating ng 5 p.m Fantastic Era nanaman ang susunod nilang schedule ng practice match at katulad sa Extra lagi ring na-i-eliminate ang team na 'to sa regular season. Hindi parin ang nagbago ang line-up ng FTT at gamit ang BO3 format nanalo uli sila ng 2-0.

Walang deaths si Lucky at apat na beses naging MVP sa match, sa ilang buwan niyang kaka-training ng Hou Yi makikita ang pag-improve ni Lucky at halos ginawa niya naring backyard ang jungle ng kalaban, mabilis mag-buff si Hou Yi pagdating ng late game kaya kahit ang blue at red ng Team Extra ay nakuha niya. Ang disadvantage lang kay Hou Yi ay mahirap mag-survive dahil wala siyang mobility at hindi pang-group ang ult niya, isang tao lang ang matatamaan ng ult niya na CC kaya kapag ginank siya ng dalawang players madali lang siya malagay sa alanganing sitwasyon. Ngunit gumamit ang FTT ng line-up na sobrang tanky, shield at healer, kahit naka-assasin ang Team EXTRA hindi nila ma-gank si Lucky dahil laging nand'yan si Gem na may shield at healer na si Boss. Sa huli, hindi nila nagawang mapatay si Lucky kahit isang beses dahil sa lakas ng shield ng FTT.

Pagkatapos ng practice match, inutusan sila ni Lan na mag-training ng ilang hero na magaling mag-push ng tower. Sinama ni Just at Jacian si Blue at nag-trio Q sila sa Brazil server habang nag-doudouble Q naman si Lucky at Gem sa Chinese server.

Pagdating ng 2 a.m kumatok si Lan sa training room at sinabing bumalik na sa dorm para magpahinga, bumalik ng dorm si Blue at Just at isang oras ang makalipas nang sumunod narin si Lucky at Gem kaya naiwan si Jacian sa training room. Sinabihan pa siya ni Lucky na tama na ang practice ngunit sinabi niyang late na siya nagising kanina kaya kailangan niya pang mag-training. Hindi narin siya kinulit ni Lucky at bumalik na ito sa dorm.

Sa loob ng training room, nakapatay na ang lahat ng ilaw at tanging gaming phone nalang na hawak ni Jacian ang umiilaw. Pagkatapos ng isang oras na solo practice, nag-solo Q siya sa Chinese server. Pagkatapos ng isang oras na solo Q tiningnan ni Jacian ang oras at 5:04 a.m na iyon ng umaga, hindi pa siya dinadalaw ng antok ngunit dinadalaw na siya ng pagod, ibinalik niya sa phone holder ang gaming phone at nagdesisyong bumalik sa dorm.

Paakyat na siya ng second floor nang tumunog ang kanyang tiyan kaya naisipan niyang dumaan muna sa break room ng second floor. Pumasok siya at kinuha ang paborito niyang cup noodles, pinili niya ang seafood flavor at extra spicy, lumapit siya sa water dispenser para lagyan ng mainit na tubig at humakbang palabas ngunit paalis na siya nang makitang bukas ang glass door ng break room na nasa balcony.

Madilim sa labas at makikita ang manipis na usok dahil sa ilaw na nanggagaling sa break room. Naningkit ang kanyang mga mata at naglakad palapit doon para tingnan kung may tao.

Nakita niya si Blue na nakasandal sa balcony habang naninigarilyo, basa pa ang buhok nito at halatang kakatapos lang maligo. Naalala ni Jacian na maaaga itong bumalik sa dorm kanina kasama si Just at 5 a.m na ngayon, mukhang bumalik ito sa dorm hindi para magpahinga kundi para maligo at pumunta sa balcony para manigarilyo.

Nakatalikod ito sa kanya kaya kinatok niya ang class door gamit ang kanyang knuckles. Nilinga siya ni Blue at bahagya itong nagulat nang makita siya.

Naglakad si Jacian at sumandal din sa harang ng balcony. "Dito ka pala naninigarilyo? Buti wala si Coach Dang ngayon."

Blue: "..." Tinanggal ni Blue ang sigarilyo sa kanyang bibig at nilinga si Jacian. "Wag mo akong isumbong. Wala akong 5,000 para sa fined."

Inilapag ni Jacian ang cup noodles sa pinapatungan ng kanyang kamay at sinimulan itong haluin. Inilingan niya si Blue atsaka kumain. Nakahinga naman ng maluwag si Blue kahit halos maubo na siya sa dami ng usok na hinigop niya.

Sinabi noon ni Coach Dang na ang sinong makikita niyang naninigarilyo ay magmumulta ng 5,000 pesos at ang sinong makakahuli na may naninigarilyo ay sa kanya mapupunta ang multa. Nahuli na noon ni Jacian si Just na naninigarilyo sa garden pero hindi niya sinumbong kay Coach Dang, ngayon naman si Blue, kung isusumbong niya kay Coach Dang ang dalawa meron na siyang 10,000.

"Gusto mo?" Tanong ni Jacian atsaka inilapit ang cup noodles kay Blue. Kinuha naman ni Blue ang disposable na tinidor atsaka sumandok, pagkatapos, ibinalik niya uli iyon sa cup ni Jacian.

"Lasang sigarilyo." Saad ni Blue, itinapon niya sa trash can ang upos at kumuha uli ng isang stick.

Pinagpatuloy na ni Jacian ang kanyang kinakain ngunit napakunot-noo nang may maalala. "5,000 ang multa kapag nanigarilyo diba?" Tanong ni Jacian.

Blue: "???" Diba sabi mo hindi mo ako isusumbong? Sana hindi na ako kumain ng cup noodles mo!

Nahinto ang paghithit ni Blue at nakasulat sa kanyang mukha ang salitang, 'what-do-you-want?' nang balingan niya si Jacian.

"Kapag sinagot mo ang tanong ko hindi kita isusumbong kay Coach Dang." Ani Jacian.

"Ano 'yun?" Tanong ni Blue at itinuloy ang paninigarilyo. Hindi niya maiwasan ang hindi matawa sa ugali ni Jacian, 11 years ang gap nila pero kung pakipag-usap ito parang mag-kaedad lang.

Narinig niya noon na si Blue ang pinakamatagal na player ng FTT, naging teammate pa ito ni Coach Dang kaya mas nauna itong pumasok sa team kumpara kay Just. Nilamon si Jacian ng kuryusidad sa dating team ng FTT kung saan si Lan pa ang kanilang mid laner at captain, gusto niyang malaman kung bakit nasa hindi magandang sitwasyon si Just at Lan ngayon. Kung iisipin, napaka-imposibleng mag-away ang dalawang players na minsan nang nanalo sa world championship, kahit sino mapapansin na hindi gustong makipag-usap ni Just kay Lan dahil sa tuwing matatapos ang training ay didiretso kaagad ito sa dorm para mag-solo practice. Nag-walk out din si Just nung oras na sabihin ni Coach Dang na si Lan ang pansamantala nilang magiging coach sa regular season. Para kay Jacian, hindi lang galit si Just dahil pinabago ang playstyle niya, bakit naman magagalit si Just na binago ang playstyle niya kung napanalo naman nila ang world championship? Kaya naisip ni Jacian na baka may iba pang dahilan.

Nang marinig ang tanong ni Jacian, bahagyang natigilan si Blue, hindi niya inaasahang ito ang magiging tanong ni Jacian.

Nagtataka naman siyang tiningnan ni Jacian. "Bakit? Hindi ba p'wedeng ipagkalat? Kung privacy ni Captain at Coach Lan hindi naman kita pipilitin mapipilitan ka lang magmulta ng 5,000."

Blue: "..." Umiling si Blue at humithit uli sa sigarilyo. "Nung nanalo kami ng World championship isa rin ako sa nagtaka, pero sinabi rin sa akin ni Coach Dang ang dahilan kaya naintindihan ko. Alam mo hindi naging madali kay Tin na baguhin ang playing style niya." Saad ni Blue.

Nung season na nanalo ang FTT sa world championship, si Lan ang kanilang captain at ka-teammates nito si Just at Blue. Support pa ang posisyon ni Blue nung time 'yun at wala pa sa team si Lucky at Gem at ibang pro players pa ang kasama nila. Pareho ng mindset si Just at Blue at gusto nilang magkaroon ng jungle/support dou dahil hindi kayang sabayan ni Lan si Just gamit ang assassin hero ngunit kayang sabayan ni Blue. Ngunit dahil si Lan ang captain at commander nung time na 'yun, mas malakas ang desisyon niya pagdating sa mga coach.

Gusto ni Lan na magkaroon ng mid/jungle dou ang FTT ngunit hindi nito kayang sabayan si Just dahilan para mapilitang baguhin ni Just ang kanyang playstyle dahil sa utos ng mga coach. Alam ni Just na iba ang mindset niya kumpara sa ka-teammates niya at iba rin ang kanyang strategy, hindi ito akma sa playstyle ng kanyang teammates dahilan para magmukhang wala silang tacit understanding.

Binago ni Just ang kanyang playstyle dahil sa kagustuhan ni Lan na magkaroon ng mid/jungle dou at halos isang linggo niyang pinanood ang gameplay ni Lan para lang i-practice ang rhythm nito, wala siyang tulog, wala siyang pahinga, hindi narin siya lumabas ng kanyang dorm at tanging si Blue lang ang nakakapasok sa kanyang dorm para dalhan siya ng pagkain. Kilala ni Blue si Just, alam niya nung time yun na nainis si Just ngunit tahimik lang ito at hindi ugaling humarang sa desisyon ng mga coach, kaya nung sabihin ni Coach Dang na baguhin ang kanyang playstyle para makasabay si Lan hindi na siya sumagot, tinanguan niya lang si Coach Dang at bumalik sa kanyang dorm para mag-training.

Malapit si Coach Dang at Just ngunit hindi lang si Coach Dang ang coach ng FTT noon kaya wala rin siyang magagawa kundi pakinggan ang desisyon ng ibang coach, alam din ni Just ang tungkol dito at hindi nakaramdam ng sama ng loob kay Coach Dang.

Sa loob ng isang buwan, namaster ni Just ang rhythm ni Lan at nagkaroon ng mid/jungle dou ang FTT. Sa tuwing mananalo ang team nila hindi man lang ngumingiti si Just at deri-deritso lang ito mula sa pagtanggal ng noise-cancelling headphones at maglakad sa kabilang side para makipag-shake hands sa opponent. Kahit si Blue ay nainis din noon dahil sa desisyon ng coach. Sa katunayan, kaya naman nilang sabayan ang rhythm ni Just at kung tutuosin si Lan ang hindi makasabay sa kanilang apat. Hindi na dapat kailangang baguhin ang playing style noon ni Just ngunit dahil sa kagustuhan ni Lan na magkaroon ng mid/jungle dou napilitan si Just.

Mula sa assassin hero nag-switch si Just sa fighter at doon niya ginamit si Augran, doon niya nakuha ang title na Great Demon King at Jungler King matapos makakuha ng dalawang pentakill sa finals at three consecutive wins sa Global individual competition. Alam ni Blue na hindi masaya si Just nung araw nang world championship dahil matapos i-angat ang trophy bumaba na kaagad siya ng stage at sinabing magpapahinga siya. Kahit ngiti man lang sa camera ay hindi niya ginawa.

Ang iniisip ng mga fans noon ay dahil cold si Just kaya normal lang dito na hindi ngumiti, sa katunayan mas magtataka pa sila kung ngumiti si Just, hindi naman nag-overthink ang mga fans at kahit ang mga teammates nila, kahit si Lan nga ay hindi rin napansin ang mabigat na presensya ni Just dahil abala ito sa pagtanggap ng awards.

Maraming puri ang natanggap ni Lan galing sa mga coach dahil sa mid/jungle dou nila ni Just, bukod kay Lan wala nang ibang mid laner ang nakakasabay kay Just at kilala siya sa e-sports circle na magaling makipag-cooperate kaya mataas ang tingin sa kanya ng mga coach. Sinasabi nilang may dalawang God ang FTT, si God J at God L may nagsasabi 'ring kung hindi dahil kay God Lan hindi magiging FMVP si Just, dapat si Lan ang nakakuha ng FMVP skin at hindi si Just. Hindi nila alam na si Just ang nag-adjust para lang makasabay si Lan, wala siyang natanggap na credit.