Chapter 77: Hindi 'raw siya nakapagpasalamat sa taong 'yun.

Pagkatapos sabihin iyon, idiniin ni Blue ang dulo ng sigarilyo sa harang ng balcony para tanggalin ang abo.

"Pagkatapos 'nun?" Tanong ni Jacian. Dahil sa tagal niyang hindi nagsalita bahagyang namaos ang kanyang boses.

"Pagkatapos 'nun, tinanong ko si Coach Dang. Ang sabi ni Coach Dang, ayaw ni Just na baguhin ang playing style niya dahil gusto niyang mapanood ng isang passerby ang laban niya sa World championship. Gusto niyang sabihin sa interview na may isang passerby na nagturo sa kanya maging jungler at malaman ng passerby na 'yun na nakuha niya na ang world championship trophy...." Bahagyang huminto si Blue bago nagpatuloy. "Ang sabi ni Just, hindi 'raw siya nakapagpasalamat sa taong 'yun kaya gusto niya nalang sabihin sa world champion para kapag napanood ng taong 'yun malalaman nitong siya ang nagturo sa kanya. Pero binago ni Just ang playstyle niya, pano pa siya makikilala ng taong 'yun?"

Pagkatapos ng world championship, maraming reporters ang naroon para sa interview. Nang tanungin si Just kung bakit siya lumipat sa pagiging jungler, sinagot niyang kulang ng jungler ang club kaya siya lumipat. Siya ang FMVP at may FMVP skin ni Augran ngunit kahit isang beses hindi niya ito ginamit. Bihira lang mag-livestream si Just ngunit araw-araw siyang nakatambay sa rank game, kahit si Blue ay hindi alam ang tungkol dito. Ang akala niya nagpapractice si Just ngunit narinig niya sa mga fans na ang bigat ni God J buhatin sa rank game at halos pumupunta pa ng livestream nila para sabihin 'yun. Hindi naman na-curios si Blue tungkol doon kaya ipinawalang bahala niya nalang iyon. Hanggang ngayon, maliban kay Coach Dang at kay Jacian, wala ng ibang nakakaalam kung bakit laging nakatambay sa rank game si Just.

Pagkatapos sabihin 'yun, nilinga ni Blue si Jacian na kanina pa tahimik. Nakayuko lang ito at seryusong nakikinig sa kanya.

Tinanggal ni Blue ang sigarilyo sa kanyang bibig. "Siguro naman hindi mo na ako isusumbong kay Coach Dang?"

Natinag lang si Jacian nang marinig ang sinabi ni Blue. Saglit siyang natutula bago ito inilingan. Nagpaalam na siya kay Blue at inihulog ang cup sa trash can bago lumabas ng break room at pumasok sa kanyang dorm.

Mataas na ang sikat ng araw ngunit nanatiling nakadilat ang mga mata ni Jacian, masakit niya itong ipinikit at kinapa ang kanyang cellphone sa kama para tingnan ang oras. 7:00 a.m na at siguradong gising na si Just para mag-jogging.

Bumangon siya at pumunta sa bathroom para mag-toothbrush, idinura niya ang bula sa kanyang bibig bago nag hilamos at lumabas ng bathroom habang nakasampay sa kanyang leeg ang towel. Lumapit siya sa cabinet at naghanap ng maayos na sapatos.

Nang magising si Just, pumunta siya sa kusina para kumuha ng bottled water nakasalubong niya pa ang lugmok na si Lucky na patungo sa kusina bago siya lumabas sa base. Lagi nang maagang nagigising si Lucky dahil umaga palang ay nag-lalive stream na ito, halos mapuno na nito ang quota nila sa isang buwan kahit wala pang kalahati ng month.

Paglabas ni Just sa base nakita niya si Jacian na nakatayo sa labas habang nakasuksok sa bulsa ang dalawang kamay nito. Nakasuot ito ng black t-shirt at black short, 2 inches above the knee ang short nito at kitang kita ang maputi nitong hita at kulay pink na tuhod. Walang balahibo ang mga hita ni Jacian at kung titingnan parang hita ito ng babae. May nakapasak na earphone sa kanyang kanang tenga at naka-connect iyon sa kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa.

Nang bumaba ang tingin ni Just sa hita ni Jacian, iniiwas niya ang kanyang paningin at sinara ang pinto ng base. Naglakad siya palapit at tinapik ang balikat nito.

Napalinga si Jacian sa kanyang likuran. "Captain." Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at pinatay ang music ngunit nanatiling nasa kanyang tenga ang earphone.

Naka-jogging pants si Just at dark blue hoodie jacket na may itim na t-shirt sa loob. Naka-sapatos din ito at may hawak na bottled water, halatang handa na ito mag-jogging.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Just.

"Hinihintay kita, mag-jojogging din ako." Seryusong saad ni Jacian. "Gaano ba kalayo ang tinatakbo mo?" Tanong niya at nilinga ang kalsada.

Just: "."

Seryuso si Jacian habang nakatingin sa daan at mukhang sinusukat nito kung gaano kalayo ang tatakbuhin niya. Nilinga niya si Just nang walang marinig na sagot at sinabi niya na maganda mag-jogging ngayon dahil hindi pa mataas ang araw, ngunit makikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Just. Babad sa internet si Jacian, tamad ito mag-exercise at tanghali na nagigising, kapag nagising siya deritso kaagad sa training room para mag-training. Ito ang unang beses ni Just na makita si Jacian na nasa labas ng base habang nagpapa-araw. Maliban pa 'don gusto nitong mag-jogging.

Medyo hindi makapaniwala si Just ngunit nang mapansing desidido talaga si Jacian at hindi naman ito nagbibiro bahagya niya itong tinanguan.

Minasahe ni Just ang kanyang lalamunan. "Nag-warm up ka na ba?" Tanong ni Just at tiningnan ang oras sa suot niyang relo. Ilang sandali ang makalipas nang hindi sumagot si Jacian kaya nilinga niya ito.

"...hindi ba warm-up ang jogging?" Nag-aalanganing tanong ni Jacian pagkatapos nang ilang segundong pananahimik.

Malamig siyang tiningnan ni Just. "Hindi ka nag-i-exercise kapag nag-jogging ka nang walang warm up mabilis kang himatayin." Asad ni Just.

Hindi naman sumagot si Jacian, 7 a.m na kung wawarm-up pa siya anong oras na sila makaka-jojogging.

"Mag-warm up ka muna."

Napa-angat siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Just.

"7:20 pa ako nag-jojogging, kukuhaan lang kita ng tubig." Saad ni Just at pumasok uli sa base.

Nag-warm up naman si Jacian. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang hindi nakakapag-exercise ngunit sa warm-up palang nakaramdam na kaagad siya ng pagod, tagaktak narin ang pawis niya at pagod siyang napahawak sa kanyang tuhod, para bang tapos na siyang mag-jogging.

Pagbalik ni Just, bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita ang itsura ni Jacian. Basa na ang pink nitong buhok at dumidikit na ang ilang hibla sa basa niyang noo, inabutan niya si Jacian ng tubig nang lumunok ito.

"Thanks." Ani Jacian at tumungga lang ng dalawang beses.

Kinuha ni Just ang towel na nakasampay sa kanyang leeg at ginamit iyon para punasan ang mukha ni Jacian.

"Let's run?"

Tinanguan niya si Just at nag-jogging sila nang makalabas sa main gate ng base. Nasa tenga parin ni Jacian ang isang earphone ngunit mahina lang ang volume, maririnig niya parin kung magsasalita si Just. Tiningnan niya si Just na nasa kanyang gilid at nang maramdaman nito ang tingin niya tiningnan din siya nito pabalik.

Ilang sandali ang makalipas nang makaramdam ng hingal si Jacian, tanaw pa ang base ngunit hiningal na kaagad siya, gusto niya sanang sabihan si Just na huminto ngunit ibubuka niya na ang kanyang bibig nang kusa nang huminto si Just.

Hingal siyang napahawak sa kanyang tuhod. "Hay..nakakahingal, parang 'di ko na kaya, mamaya na captain." Saad ni Jacian habang hinihingal na parang aso. Pakiramdam niya kakapusin na siya ng hangin at kung tutuloy pa siya siguradong hihimatayin na siya sa daan.

"Jacian, kinakapos ka sa hangin kasi mali ang paraan mo ng paghinga."

"..ah?" Nagtatakang tanong niya habang hinahabol ang paghinga.

Lumapit si Just at hinawakan nito ang magkabilang balikat niya dahilan para mapatayo siya ng maayos. Kinuha ni Just ang dalawa niyang kamay at inilagay sa kanyang bewang, huminga siya ng malalim galing sa kanyang tiyan at inilabas iyon sa kanyang bibig. Pagkatapos ginawa niya 'yung breathing technique na inhale and exhale. Ilang sandali ang makalipas nang kumalma ang paghinga niya.

"Are you feeling better?"

"Mm."

"Gawin mo 'yan habang tumatakbo ka."

Awkward namang napatango si Jacian. Para kasi siyang asong hinihingal kanina habang tumatakbo kaya mabilis siyang naubusan ng hangin, hindi niya alam na may breathing technique pala kapag nag-jojogging. Nang magyaya si Just, tinuloy na nila ang kanilang jogging.

Medyo mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi iyon masakit sa balat, may hamog pa ang paligid at natatabunan pa ng puting usok ang tuktok ng bundok, tumatagos doon ang sikat ng araw at makikita ang gintong repleksyon nito sa dagat. Nang makita ni Jacian ang senaryong 'yun hindi niya mapigilan ilabas ang kanyang cellphone at buksan ang camera para kunan ng litrato.

Halos 20 minutes na silang tumatakbo kaya huminto narin si Just.

Pagkatapos kunan ng litrato, makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Jacian dahil sa labo ng picture, ibang iba iyon sa nakikita niya.

"Ang labo naman ng camera na 'to." Reklamo niya habang nilalagay sa trash ang mga pictures. Mumurahin niya na sana ang kanyang sarili kung bakit siya bumili ng ganon kalabong cellphone ngunit naalala niyang binigay nga pala ito ni Chase. Hindi ito 'yung cellphone niya.

"Gamitin mo 'yung akin." Saad ni Just at kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang hoodie. "Hindi ko alam kung mataas ang resolution, subukan mo." Saad niya at iniabot kay Jacian ang cellphone.

Nag-aalanganin naman itong kinuha ni Jacian, hindi siya mahilig humiram ng gamit dahil natatakot siyang masira niya kaya awkward niya itong tinanggap gamit ang dalawang kamay. Kumunot ang noo ni Just. Binuksan niya ang bottled water at umupo sa sementadong upuan.

Walang lock ang cellphone ni Just at nang buksan niya ito bumungad sa kanya ang wallpaper. Naka-upo si Just sa sofa at naka-suot ng black oversized shirt at black sunglasses na makapal ang frame, hindi ito sa loob ng kanilang base dahil may malaking hagdan na magkasalubong sa background, hindi ganito ang itsura ng loob ng kanilang base. Sa gilid ni Just, may malaking golden retriever na naka-upo habang kagat-kagat nito ang kulay blue na laruan, nakatingin ito kay Just habang hawak ni Just ang camera. Sa isang click lang pwede na itong pang wallpaper.

Hindi talaga maitatanggi na nakapa-photogenic ng kanilang captain, kahit anong anggulo sobrang ganda ng outline ng mukha. Lalo na 'yung kilay at mataas nitong ilong na pinapatungan ng sunglasses, hindi talaga magugulat si Jacian kung sobrang perfect 'nun sa side profile.

Binuksan ni Jacian ang camera at kinuhanan ng litrato ang kalmadong tanawin, matapos kunan ng litrato naglakad siya palapit sa pwesto ni Just at umupo 'rin doon. Sobrang linaw ng camera ng cellphone ni Just at nang tingnan niya kung anong brand ito, sure enough naka-Redmi Note ang kanilang captain.

Sa hindi malamang kadahilaan, tiningnan ni Jacian ang paligid at nang ma-satisfied sa background naisip niyang kumuha ng litrato.

"Ang ganda mag-selfie dito." Wala sa sariling saad niya.

Nilinga siya ni Just. "Mag-selfie ka."

"Hindi ka full storage?"

Umiling si Just. "No."

Ngumiti si Jacian. "...Sige," asad niya at binuksan uli ang camera ng cellphone ni Just, tiningnan niya si Just na ngayon ay nakatingin sa kanya. "H'wag ka daw tumingin." Awkward na sita niya at bahagyang tinulak ang balikat ni Just.

Makikitang umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Just at bahagya siyang tumagilid.

Makalipas ang ilang segundo at sinabi ni Jacian na 'done'. Binuksan ni Jacian ang sarili niyang cellphone at shinare ang dalawa niyang selfie, matapos ipasa binalik niya ang cellphone kay Just.

"Makikita ko parin naman." Asad ni Just at kinalikot ang cellphone niya.

"Deleted na." Sagot ni Jacian pagkatapos binuksan niya ang Melon app.

"Meron akong recently deleted box."

Jacian: "..."

Binuksan niya ang Melon at pinost ang dalawang picture ng tanawin at isang selfie. Bukod sa mga post ng club at PKL na kailangan nilang i-share wala ng post ang makikita sa timeline niya, minsan lang siya mag-online at ang kanilang club manager pa ang nag-share ng mga dapat i-share sa timeline niya. Bahagya tuloy siyang nagtaka nang makita ang mga post sa account niya na hindi niya naman pinost. Nasa 200+ lang din ang reactors niya dahil sa sobrang boring ng kanyang account. Ilang segundo ang makalipas nang makatanggap siya ng notification.

[FTT.Just reacted to your post.]

Jacian: "?" Nilinga niya si Just sa kanyang gilid at nagpakawala ng mahinang tawa, sa lahat ng followers niya si Just palang ang unang nag-react.

"Ang galing mo pala mag-captured." Saad ni Just.

"Talaga?"

"Mn."

Binuksan ni Jacian ang kanyang bottled water atsaka uminom. Hindi niya alam kung ilang minuto nag-jojogging si Just ngunit nang makitang umupo na ito at walang balak magpatuloy, hindi narin siya kumibo at umupo nalang.

Nang tumahimik sa pagitan nila ni Just, saka niya lang naalala ang dahilan kung bakit siya sumama kay Just mag-jogging. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maka-usap si Just matapos marinig ang sinabi ni Coach Dang at Blue, ngunit pakiramdam niya kapag hindi niya sinabi kay Just ang dahilan hindi siya makakatulog sa guilty. Kaya nandito siya ngayon para kausapin si Just, sa katunayan hindi naman big deal kay Jacian 'yung mga ganitong bagay dahil wala naman siyang pakialam kung iba ang impression sa kanya ng mga tao ngunit pagdating kay Just, bakit pakiramdam niya responsibilidad niyang magpaliwanag? Para bang gusto niyang malaman ni Just na meron siyang dahilan kaya niya ginawa 'yun, kaya hindi siya nakapagpaalam.