Binuksan uli ni Jacian ang kanyang bottled water atsaka uminom nang maramdamang nanuyo ang kanyang lalamunan, hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Napakamot siya sa kanyang lalamunan at minasahe iyon.
"Bakit naisipan mong mag-jogging ngayon?" Tanong ni Just.
Hindi sumagot si Jacian, nakayuko lang siya habang nakapatong sa kanyang tuhod ang kanyang braso, hawak niya ang bottled water na wala ng laman at marahan iyong pinipiga.
"Captain," tawag ni Jacian gamit ang malamig na tono, hindi niya alam kung nilinga siya ni Just o hindi ngunit pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "..naka-usap ko si Coach Dang, sinabi niya sa akin na lagi kang nakatambay sa rank game para hanapin..," huminto si Jacian, hindi niya alam kung itutuloy niya ba ang salitang 'ako' o hindi, pakiramdam niya para siyang masyadong espesyal kung ituturo niya ang kanyang sarili. Hindi kaya isipin ni Just na masyado niyang inaangat ang kanyang sarili? Isa lang naman siyang passerby na tinuruan si Just gumamit ng jungler hero, mahalaga pa bang i-bring up pa 'to ngayong mataas na ang naabot ni Just. Sobrang tagal na 'nun at nagpalit narin si Just ng playstyle, kung i-bibring up niya pa 'to mapaghahalataan siyang proud sa kanyang sarili. Dahil sa dami ng senaryo na nabuo sa isipan ni Jacian sa loob ng isang segundo, nag-alanganin siya at bahagyang umiling.
Nilinga niya si Just at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.
"Lagi akong nasa rank game para hanapin ka." Deritsong saad ni Just.
Bahagyang huminto ang pagtibok ng puso ni Jacian, tinitigan niya si Just ng ilang segundo bago nag-iwas ng tingin at yumuko. "Kailan pa?" Mahinang tanong ni Jacian, halos pabulong lang iyon ngunit dinig parin ni Just dahil sa katahimikan.
"Simula nung hindi kita ma-contact hanggang ngayon." Sagot ni Just. Hindi sumagot si Jacian nanatili siyang nakayuko na animo'y na freeze sa ganong posisyon. Kung nagsimula ito nung hindi siya ma-contact, ibigsabihin 5 years nang nakatambay si Just sa rank game. Nang makitang tahimik si Jacian, nilinga niya ito at napa-angat ang isang kilay nang may ma-realize. "So, sumama ka sa'kin ngayon para dito?" Tanong ni Just.
Tumango lang si Jacian. Inalis niya ang kanyang buhok na tumakip sa kanyang mga mata nang umihip ang hangin.
"..umalis ako nang hindi nagpaalam, at... nakakaramdam ako ng guilt." Ani Jacian at inilapag sa kanyang gilid ang plastic bottle. 6 months silang nag-Q ni Just at matapos 'yun nawala siya na parang bula, siguradong nagtaka si Just nung mga sandaling iyon. Anong reaksyon ni Just nung niyaya niyang mag-Q 'yung taong pinagbentahan niya ng account? Anong natanggap niyang sagot? Naalala ni Jacian na hindi pa naman maayos kausap ang taong 'yun, ayaw niya nga sanang ibenta dahil sa dami ng skin ngunit pinilit siya ng sitwasyon.
"Nag-quit ka ba mag-HOK? Tinanong ko sa taong nakabili ng account mo kung may contact siya sa'yo pero sinabi niyang naka-block na ang contact niya." Saad ni Just. "Bakit umalis ka nang hindi nagpaalam?" Walang makikitang ekspresyon sa mukha ni Just ngunit sinabi niya iyon gamit ang malumanay na tono.
Makikita ang maliit na ngiti sa labi ni Jacian at umupo siya ng maayos, nakalapag ang dalawa niyang palad sa sementadong upuan para alalayan ang kanyang sarili. Habang nasa ganong posisyon sinagot niya ang tanong ni Just.
"Hindi kasi ako mabilis ma-attach, iniisip ko noon na kapag natutu ka ng mag-jungling aalis ka rin naman." Saad ni Jacian at bahagyang tumingin sa baba. "Nung time na 'yun, naghiwalay ang mama at papa ko at naiwan ako sa boarding kasama ang papa ko. Sobrang close ko sa mama ko at nakakalungkot nung umalis siya, pero wala naman akong magagawa. Nung umalis siya, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako ma-aattach. Sa tuwing may nakakausap ako ng matagal, iniisip ko na aalis din naman 'to, aalis din naman sila bakit kailangan ko pang mag-paalam." Kwento ni Jacian at nilinga si Just.
Tahimik lang si Just habang seryusong nakikinig. Habang nagsasalita si Jacian, naramdaman niyang may pumiga sa kanyang puso, ganito 'yung pakiramdam nung nakita niya si Jacian sa malaking tulay para mag-suicide. Walang pag-asa ang makikita sa mga mata ni Jacian nung time na 'yun at kahit sinomang makakakita ay mawawalan din ng pag-asa. Sa bigat ng problema na iniisip nito, siguradong hindi nito nakayanan at pinili nalang na tapusin ang buhay. Ngunit kung titingnan, parang walang problema si Jacian, lagi siyang nakangiti, nag-jojoke kapag nag-t-training at tina-trash talk si Lucky. Sobrang hirap isipin na ang isang taong lively ay may ganito kadilim na past.
Ini-ingat ni Jacian ang kanyang mukha at nagpatuloy. "...kaya lahat ng mga taong nakasalamuha ko sa past, hindi ko na tinitressure, iniisip ko 'yung mga taong mamemeet ko sa susunod. Pero hindi ko in-expect na magkikita tayo sa personal, kung meron man ditong kailangan magpasalamat...ako 'yun." Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Blue na hinahanap ni Just ang isang passerby dahil hindi siya nakapagpasalamat noon. "Kung hindi ka nakipag-Q sa akin noon kapalit ng mga skins, hindi ko mabebenta ang account ko ng mahal." Yumuko si Jacian, gusto niyang sabihin, 'kung hindi ka nakipag-Q sa akin, hindi ko mabebenta ang account ko ng mahal at bubugbugin ako ni Henry kapag wala akong maibigay na pera', Ngunit nagdesisyon siyang hindi sabihin dahil wala rin namang point. "Captain, thank you." Saad ni Jacian nang hindi nililingon si Just, abala siya sa pagtingin ng mga ibon na lumilipad.
Minsan lang malagay sa ganitong sitwasyon si Jacian, panoorin ang mga ibon habang sinisikatan siya ng araw, habang pinapanood ang ganong senaryo unti-unting kumalma ang emosyong namuo sa kanyang dibdib at gumaan ang kanyang pakiramdam. Makalipas ang ilang sandali nang mapagtanto ni Jacian na kanina pa tahimik ang kanilang captain, nilinga niya ito at nakita niyang nakatingin lang ito ng deritso habang pinipiga ang bottled water. Mahirap alamin kung anong iniisip ni Just ngunit base sa pagkatulala niya halatang may malalim itong iniisip.
Tinawag siya ni Jacian at mabilis naman siyang nabalik sa reyalidad. Tinanong ni Jacian kung itutuloy pa nila ang pag-jogging ngunit sinabi ni Just na mataas na ang sikat ng araw at nagyaya nang bumalik sa base. Tumango si Jacian at nagsimula na silang naglakad.
Pabalik sa base, nag-chat si Lan sa kanilang gc na meron silang meeting ng 10 a.m. Ini-off ni Just ang kanyang cellphone matapos iyong basahin at inilagay sa bulsa ng kanyang hoodie. Inakbayan niya si Jacian at bahagyang pinisil ang tenga nito.
"Jacian."
"Mm?"
"Hindi ako aalis." Kalmadong asad ni Just, ang kamay niya na nakapatong sa balikat ni Jacian ay napunta sa ulo nito at bahagyang ginulo ang kulay pink nitong buhok.
Hindi sumagot si Jacian, nanatili lang siyang nakatingin sa daan para ipagpatuloy ang paglalakad.
_
At 10 a.m pumunta sila sa meeting room matapos mag-training ng ilang hero. Pinakinggan nila si Lan habang nagsasalita ito sa harap para i-discuss ang kanilang plano. Pagkatapos ng dalawang oras na meeting nag-send si Lan ng line-up sa gc kasama ang kanilang alt account para mag-Q sa international server.
Pagkatapos nilang mag-Q nag-doubles si Jacian at Gem. Maliban sa jungler, kailangan din ng mid laner ng malakas na tacit understanding sa support, dahil katulad niya na pumupunta sa side lane trabaho rin ng support ang gumala sa mapa para mag-assist sa mga teammates.
Ginamit ni Jacian si Princess Frost at ginamit naman ni Gem si Liang sa roaming. Maganda ang combo ng dalawang hero na 'to dahil kapag tinamaan ka ng ult ni Princess Frost at Liang literal na hindi ka makakagalaw, ito 'yung sinasabi nilang p'wede ka pang kumuha ng meryenda dahil sa tagal mong na-stun doon sa dalawang ult. Maganda ito gamitin kapag si Shouyue ang marksman dahil hindi makagalaw ang kalaban malaya siyang makakapagbaril sa likuran. Madalas ding nasa ban spot si Liang dahil ito talaga ang hero na magaling pumigil ng mga assassins jungler na malakas sa meta.
Matapos basagin ang enemy's crystal pinindot uli ni Jacian ang search match at nag-Q uli sila ni Gem. Pinili uli nila si Princess Frost at Liang para ma-adopt ang rhythm ng isa't isa. Malakas ang tacit understanding nilang dalawa at hindi na nila kailangan i-inform ang isa't isa kung anong gagawin, pagkatapos unahan ni Gem ng skills ay sasabayan din ito ni Jacian. Parehong malakas ang kanilang game awareness dahil pareho silang commander ng team, pareho ng strategy at alam nila kung saan sila magkikita sa mapa. Para bang meron silang iisang utak, nababasa nila ang galaw ng isa't isa. Dahil doon sobrang smooth ng kanilang win streak.
Sa kabilang banda, nag-doudoubles din si Blue at Lucky. Ayun sa meeting nila kanina sinabi ni Lan na posible nilang kunin si Liu Bang para protektahan si Lucky, kaya nitong mag-teleport sa kanyang teammates at madali nitong masasagip si Lucky na nasa farm lane kapag nasa balag ito ng alanganin. Ngunit walang tacit understanding si Blue at Lucky at ilang beses ng namatay si Lucky sa farm lane dahil wala sa timing ang teleportation ni Blue, bitin din sa oras ang pag-bigay ni Lucky ng signal kaya tuwing darating si Blue corpse nalang ni Lucky na nakahiga sa damuhan ang naaabutan niya.
Makikita ang inis sa mukha ni Lucky sa puntong halos ibato na nito ang gaming phone. Ngunit kahit wala silang tacit understanding nagawa parin nilang makuha ang victory sa bawat match dahil sa lakas ni Blue. Sa early game, hindi nalagay sa disadvantage na sitwasyon ang clash lane at nagawa pa nitong i-push ang tower ng mag-isa, kaya niyang makipag 1v3 at i-suppress ang enemies kahit ilang enemies pa ang bumisita sa kanya sa clash lane. Sa buong match, naka-triple kill siya ng walang assist at makikita sa kanyang ekspresyon ang pagka-bored. Isang top-tier clash laner si Blue at kahit sa tournament, hindi na kailangang bumisita ni Just sa clash lane para tulungan ito, dumadalaw lang siya kapag kailangang i-push ng mabilisan ang tower sa clash lane lalo na kung nasa disadvantage na sitwasyon ang farm lane.
Makalipas ang mahabang sandali..... Walang ganang sumandal si Lucky sa gaming chair habang nakatingin sa victory na nakasulat sa screen. Bagaman, wala naman silang talo ngunit hindi parin kakikitaan ng tuwa ang mukha ni Lucky, ito ang consecutive win streak na hindi siya matutuwa.... At sinong matutuwa sa win streak na may KDA na 2-6-12? 6 times siyang namatay sa isang game, at sa ilang oras nilang nag-doubles ni Blue kung ipagsasama-sama lahat ng deaths niya mas mataas pa ang deaths niya sa rank game kaysa sa tournament. Hindi siya nakaranas ng ganitong deaths sa tuwing nag-doudoubles sila ni Gem.
Pagkatapos nun, inis na binalingan ni Lucky si Blue na nasa kanyang gilid ngunit makikitang pinindot lang ni Blue ang icon para bumalik sa lobby. Ilang segundo ang makalipas nang tingnan siya ni Blue.
"Maglalaro ka pa ba o hindi?" Tanong ni Blue.
"Hindi na, kaya na namin to ni Gem, walang kwenta 'yang Liu Bang mo." Nangangalit ang ngiping saad ni Lucky.
"Mas walang kwenta 'yang Hou Yi mo, hindi maka-push ng mag-isa. Kailangan pa ng support." Segunda ni Blue.
Hindi makapaniwala si Lucky. "Kapag si Gem ang ka-doubles ko hindi ako namamatay, tapos 'pag ikaw ang ka-dou ko hindi ako maka-develop. Mabuti nalang hindi ikaw ang support."
"Hindi talaga, ayokong maging support ng isang marksman na mas malakas pa ang damage ko."
Hindi na talaga kaya ni Lucky, sumasakit ang puso niya nang buksan niya ang kanyang match history at makita and KDA na may 6 to 7 times deaths. Sa kabilang banda naman tumayo si Blue at lumabas ng training room.
Samantala, nag-doudoubles parin si Jacian at Gem, nasa kalagitnaan sila ng teamfight at matapos nilang gamitan ng skills combo ang enemies nakakuha si Jacian ng double kill at isang kill kay Gem ngunit meron siyang dalawang assist. At dahil doon, na-ACED nila ang kabilang side. Dumeritso na sila sa enemy high ground patungo sa crystal.
Hindi mapigilan ni Lucky ang hindi kumapit sa braso ni Gem at sumandal doon. Hindi naman siya pinansin ni Gem at abala ito sa pag-attack ng tower. Habang nasa ganong posisyon, tinatawag niyang 'Babe' si Gem para yayaing mag-dou.