Kabanata 3 Ang Quantum Gang

Carlo POV

Ang Quantum Gang ay hindi basta-bastang grupo ng mga kabataan. Ito ay isang samahan na binuo ng mga taong may iisang adhikain — ang protektahan ang aming lungsod laban sa masasamang loob, gamit ang talino, lakas, at mga makabagong imbensyon. Nagsimula ito noong tatlong taon na ang nakakaraan. Noon, napansin ko ang pagdami ng mga gang na nagpapahirap sa mga tao sa aming lungsod. Ang mga pirata, mga magnanakaw, at mga taong nagdadala ng kaguluhan ay nagpapalaganap ng takot. Hindi sapat ang pulisya lang ang lumalaban; kailangan ng mga taong may puso at kakayahan upang sugpuin ang mga ito.

Dito ko naisip na bumuo ng isang grupo — hindi lang basta mga lalaki na marunong makipaglaban, kundi mga kabataang may kanya-kanyang talento at husay na puwedeng magtulungan.

Ang mga kasama ko sa Quantum Gang ay sina:

Roger, isang eksperto sa baril. Mabilis at tumpak ang kamay niya, kaya siya ang aming tagabaril tuwing may laban.

Aris, isang master sa close combat. Hindi niya kailangan ng armas; sapat na ang kanyang mga kamao at sipa para supilin ang mga kaaway.

Lito, ang aming imbentor. Siya ang utak sa likod ng mga makabagong gadget na ginagamit namin sa aming mga operasyon. Mula sa mga drone hanggang sa mga portable shield, gawa niya lahat.

Mario, isang matibay at malakas na mandirigma. Sa laban, siya ang unang pumapasok gamit ang kanyang lakas at bilis, gamit ang kamay at paa para sa mabilis na pagkilos.

Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang kwento at dahilan kung bakit sumali sa Quantum Gang. Sa isang simpleng lugar sa tabing ilog, unang nagtipon kami. Doon ko ibinahagi ang aking pangarap — isang lungsod na ligtas, walang takot, at puno ng pag-asa.

“Hindi tayo mga kriminal,” paliwanag ko sa kanila, “kundi mga tagapagtanggol ng bayan. Ang armas natin ay talino, disiplina, at puso.”

Sa mga panahong iyon, nagturo ako ng mga disiplina sa Khali at Akido, ang sining ng tamang pakikipaglaban, upang lahat ay handa. Hindi ito simpleng labanan; ito ay sining ng kontrol at respeto.

Ang Quantum Gang ay higit pa sa isang grupo ng mga mandirigma. Isa rin kaming pamilya. Kapag may problema, nagsusulong kami ng tulong sa bawat isa. Kapag may laban, magkasama kaming lumalaban nang buong tapang.

Isang gabi, habang nagpaplano kami sa aming taguan, tiningnan ko ang aking mga kasama. “Alam niyo ba, mga kaibigan, na hindi lang tayo basta grupo? Tayo ang pag-asa ng lungsod.”

“Handa kami, Carlo!” sigaw ni Roger, hawak ang kanyang baril na laging nasa kondisyon.

“Lahat tayo dito ay may kakayahan na magbago ng mundo,” dagdag ni Lito habang nagpapakita ng bagong imbensyon na gagamitin sa laban.

Mula noon, naging simbolo kami ng Quantum Gang sa aming lungsod — isang grupo ng kabataan na handang lumaban sa dilim gamit ang liwanag ng agham, disiplina, at lakas.

Laban sa mga Pirata

Hindi basta-basta ang naging simula ng Quantum Gang. Nagsimula ito sa isang gabi kung saan ang lungsod namin ay sinalanta ng isang malupit na grupo ng pirata — animnapu katao, armadong-armado, na parang mga anino sa dilim ng gabi.

Sinalubong kami ng mayor ng lungsod sa isang madilim na lugar malapit sa baybayin. “Carlo, kailangan ko ang tulong ninyo. Ang mga pirata ay nagsimula nang manira sa kalye, nangunguha ng mga paninda at nagpapahirap sa mga tao. Limang tao lang kayo, pero sapat na kayo para sugpuin sila,” mahigpit niyang bilin.

Habang nakatayo kami ni Roger, Aris, Lito, at Mario, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. Animnapu laban sa lima — tila imposible. Ngunit hindi kami basta-basta sumusuko.

“Ingat, gamitin natin ang lahat ng makabagong imbensyon at kasanayan,” paalala ko sa kanila.

Hindi nagtagal, lumusob ang mga pirata. May mga armas silang matagal nang ginagamit para maghasik ng lagim — baril, kutsilyo, at kahit mga bomba. Ngunit may kalamangan kami: ang mga gadgets ni Lito.

“Ready na ang mga long-range taser drones,” anunsyo ni Lito, habang inaayos ang kontrol ng mga device sa tablet.

“Gamitin natin ang mga ito para hadlangan ang kanilang paglapit,” sabi ko.

Ang laban ay nagsimula sa tunog ng mga putok at sigawan. Nagpalipad si Lito ng mga drone na may nakakuryenteng kawad na pumapalibot sa mga pirata. Naging mahirap para sa kanila ang lumapit dahil sa mga hadlang na ito.

Si Roger naman ang nakapuwesto sa itaas ng isang maliit na gusali. Pinutukan niya ang mga lider ng pirata gamit ang kanyang sniper rifle na may laser sights — tumpak at mabilis. Mabilis siyang gumalaw, palipat-lipat ng posisyon para hindi siya matamaan.

Sa gitna ng kaguluhan, si Aris ang pinakamalapit sa mga kalaban. Ginamit niya ang kanyang masteradong close combat skills. Walang kinikilingan, mabilis at malakas ang mga suntok at sipa niya, tila isang bagyong hindi mapipigilan.

Samantala, si Mario ang nakatuon sa pagprotekta sa aming likuran. Matibay siya, parang bato, kaya siya ang unang target ng mga pirata. Ginamit niya ang kanyang lakas para matabunan ang mga kalaban, na nagbibigay sa amin ng pagkakataong mag-atake mula sa iba’t ibang anggulo.

Ako naman ay gumagamit ng Khali at Akido. Pinagsama ko ang aking mga teknik sa mabilis na galaw at diskarte. Hindi ko kailangang makipaglaban nang diretso sa bawat isa, bagkus pinipili kong gamitin ang lakas ng kalaban laban sa kanila.

“Lito, palipad mo ang bagong gadget na ‘Electric Net’!” sigaw ko.

Agad namang inilunsad ni Lito ang isang mala-harang na lambat na may mataas na boltahe. Napalibutan namin ang mga pirata na nasa gitna, na nagdulot ng pagkalito at pagkahulog sa mga kalaban.

Hindi nagtagal, isa-isa nang nahulog ang mga pirata sa aming mga taktika. Ang drone ng kuryente, ang tumpak na putok ni Roger, ang malakas na suntok ni Aris, ang proteksiyon ni Mario, at ang mabilis na kilos ko — nagsilbing isang makapangyarihang pwersa.

Sa huli, labing-lima na lamang sa animnapu ang nakatakas, at ang ilan ay nahuli ng pulis na aming ipinatawag pagkatapos ng laban. Ang Quantum Gang, limang tao lang, ay naging dahilan para mapanatag muli ang lungsod.

“Hindi lang natin ginamit ang lakas, kundi ang talino at puso,” sabi ko habang hinihipan ang pawis. “Ito ang Quantum Gang — mga kabataang handang lumaban sa dilim gamit ang liwanag ng agham at disiplina.”

Matapos ang laban, nagtipon kami sa aming taguan. “Hindi lang ito ang laban natin,” sabi ni Roger, “ito ang simula ng mas malaking misyon.”

“Gusto kong palawakin ang Quantum Gang,” dagdag ko. “Hindi tayo pwedeng limang tao lang. Kailangan natin ng mas maraming kaalaman, lakas, at kagamitan para tulungan ang lungsod.”

Operasyon Alakta

Matapos ang ilang buwang katahimikan, muling nayanig ang katahimikan ng Quantum Gang. Isang tawag ang natanggap ko bandang hatinggabi, habang abala pa ako sa pagsusulat ng tula sa gilid ng aking silid.

“Carlo, si Heneral Enriquez ito mula sa Philippine Marine Corps,” ani ng tinig sa kabilang linya, matigas at direkta. “May kailangan kaming tulong sa isang classified operation. May banyagang negosyante na dinukot ng teroristang grupo sa Isla ng Alakta. Mahigit isang daan sila, armado. Kailangan naming ang galing at teknolohiya ng Quantum Gang. Ang reward: dalawang daang milyong piso.”

Tahimik ako saglit. Hindi dahil sa halaga, kundi dahil alam kong isa na namang madugong misyon ito. Ngunit hindi kami mga tagasuko.

“Bigyan niyo kami ng briefing sa loob ng isang oras,” sagot ko. “Quantum Gang is ready.”

Sa lihim naming taguan, agad kong tinawag sina Roger, Aris, Lito, at Mario. Kahit puyat at pagod, hindi nag-alinlangan ang bawat isa.

“Isang daang kalaban?” bulalas ni Aris. “Panis ‘yan basta sabay-sabay tayong gagalaw.”

“Hindi lang basta-basta ‘to,” sagot ni Lito habang nililinis ang mga bagong hybrid weaponry. “May satellite jammers daw at AI-detection traps sa isla. Pero may nilikha ako — mga stealth armor na may anti-thermal signature. Puwede tayong makalapit nang di nila alam.”

Bago pa man tumama ang liwanag ng araw, nakaakyat na kami sa military vessel papuntang Isla ng Alakta. Sa loob ng barko, pinakita sa amin ng heneral ang topograpiya ng isla, layout ng kampo, at posisyon ng hostage — isang Amerikanong tech mogul na dinukot para sa ransom at impormasyon sa defense systems.

Habang lumalapit kami sa isla, isinuot namin ang Quantum Stealth Suits. May kamuflaj, AI-disruption field, at noise cancellation ang mga ito. Ang bawat miyembro ay may dalang *hybrid weaponry:

Roger – Multi-mode Rifle na puwedeng gawing sniper, burst, at grenade launcher.

Aris – Kinetic Knuckles na may shockwave punch.

Mario – Titan Gauntlets at Plasma Shield.

Lito – Holo-Drones, EM-pulse Blasters, at hacking gloves.

Ako– Quantum Blade na siningit ko sa sistema, gawa sa pinagsamang sinaunang metal at modernong tech, may energy pulse at tracking feature.

Pagsapit ng alas-dos ng madaling araw, bumaba kami sa timog na bahagi ng isla gamit ang silent gliders. Walang kaingay-ingay ang bagsak ng aming mga paa. Sa harap namin, mga punong niyog, batuhan, at kampo ng terorista.

Tumango ako kay Roger. Sa isang iglap, lumipad ang dalawang drone ni Lito sa ere, at nag-broadcast ng 3D map sa aming mga lenses. Kitang-kita namin ang eksaktong galaw ng mga terorista.

“Tatlong bantay sa east post,” bulong ni Aris. “Ako na bahala.”

Isang mabilis na galaw — WHACK! WHACK! WHACK! — tatlong katawan ang sabay-sabay na bumagsak.

Pumuwesto si Roger sa tuktok ng puno at inisniper ang mga lookout. Bawat putok ay eksaktong sa ulo, walang sablay. Si Mario naman ang pasabog — literal. Gamit ang kanyang plasma shield, inararo niya ang harapang grupo ng terorista sa kampo.

BOOM! CRACK! THUD!

Kahit sampu ang kasabay niyang umatake, walang nakalusot. Tumilapon ang mga kalaban sa bawat suntok.

Nagpasabog ako ng energy pulse gamit ang aking Agimat Blade. Para itong kidlat na gumuhit sa hangin. Lumambot ang tuhod ng limang terorista na tinamaan.

“Isang gabing kay dilim, may ningas na walang kapantay.

Ang liwanag ay dumating, tagapagmana ng araw.”

Tahimik kong binigkas habang hinihiwa ang hangin.

Nakalapit kami sa mismong gusali kung saan nakakadena ang banyagang hostage. Pero may isang problema — may tripwires at motion sensors ang buong perimeter. Isa lang ang maling hakbang, puputok ang buong lugar.

“Lito, ikaw na.”

Agad niyang kinonekta ang hacking gloves sa control panel habang ang kanyang holo-drones ay lumilikha ng distraction. May mga hologram ng sundalong pumasok sa kabilang gilid ng kampo, at doon tumakbo ang mga terorista.

“Bukas na!” bulalas ni Lito.

Agad naming pinasok ang gusali. Nakita namin ang hostage — nakaupo, may takip ang mata, at may bomba sa dibdib. “May time bomb ito,” sabi ni Mario, habang tinatanggal ang explosive.

Ngunit bago kami makaalis, dumating ang huling yugtô ng laban — reinforcements. Dalawampu’t limang heavily armed na terorista ang nagpakita mula sa itaas ng bundok.

“Retreat na ba?” tanong ni Aris.

“Hindi. Tayo ang Quantum Gang!” sigaw ko.

Nagpaulan ng laser fire si Roger, habang ang mga drone ni Lito ay nag-deploy ng shockwave na nagpahinto sa mga kalaban. Tumalon si Aris at Mario sa harap ng huling linya ng depensa, habang ako’y sumugod sa gitna gamit ang Agimat Blade, umiikot sa anyo ng isang energy whip.

“Sa dilim ng dahas at gulo,

May limang aninong lumalaban.

Ang liwanag ng agham at puso,

Ay sapat upang mundo'y mapagtagumpayan.”

Sa loob ng limang minuto, bagsak ang buong kampo. Ilan sa mga kalaban ay tumakbo na lang, iniwan ang armas at dignidad.

Pagbalik namin sa base, sinalubong kami ng Heneral.

“Mission accomplished. Hostage secured. Terorista sugatan, iba arestado. Hindi kayo mga sundalo, pero para kayong lima’t limampung mandirigma.”

Binigay sa amin ang kalahati ng reward sa paunang bayad. Ang natitirang halaga ay nakareserba para sa pagpapatayo ng bagong Quantum base — mas malaki, mas makabago.