Ren Rydos Vireaux, isang lalaking kilala sa pagiging calm, composed, at always in control. Bilang CEO ng Vireaux Corporation, sanay siya sa routine, precision, at walang sabit na schedule. Pero biglang nagulo ang lahat nang pumanaw ang kanilang family doctor na 28 taon nang kasama nila.
Sunod-sunod ang interviews para sa bagong doctor, pero wala ni isa ang pumasa sa standards ng pamilya hanggang sa dumating ang huling aplikante: isang tahimik pero confident na babaeng bagong graduate na under a doctorate program. Hindi siya agad pansinin, pero sa gulat ng lahat, mismong matriarch ng pamilya ang pumabor sa kanya. Hindi alam ni Ren, siya ay si Jehora Menises, isang taong may koneksyon sa kapatid niyang si Rihanna, at ngayon ay unti-unting nagiging sentro ng bagong damdamin na matagal na niyang tinatanggihan.
Habang tumitibok ang puso niya sa bagong tagapangalaga ng kalusugan niya, nananatili pa rin ang isang tanong sa isip ni Ren. Makikita pa ba niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap… kung ang puso niya’y tila natagpuan na ang bago nitong tahanan?
Reveal Spoiler