CHAPTER—2

REN RYDOS' POV

Anim na araw matapos mailibing si Dr. Sevilla, balik kami sa reality. Walang pahinga ang mundo, kahit pa may nawala. And as much as I want to take my time, my family needs a new physician.

Not just any physician. A family doctor who can handle our name, our pressure, our silence.

“Ren, I want this done today.”

Boses iyon ni Grandma habang naglalagay ng scarf sa leeg. “And don’t bring me anyone who just memorized a few medical books. I want someone who listens. Someone who feels.”

“I’ll do the screening,” sagot ko, mahinahon. “You just observe.”

Nasa private hall kami ngayon, converted as an interview room. Tatlo kaming upo: ako, Grandma, at si Mom. Si Rihanna, late as usual.

Ang mga applicants, sunod-sunod ang dating. Lahat may credentials. Lahat may masters. Lahat may doctorate. Lahat… kulang.

Yung una, masyadong robotic. Puro textbook answers.

Yung pangalawa, sobrang bilib sa sarili. Halatang gustong magpa-picture with our family.

Yung pangatlo, nanginig pa habang iniinterview. Ni hindi makatingin sa mata ko.

I lost count after the seventh.

I checked my watch. “This is a waste of time,” mahinang bulong ko.

Napansin ko ring si Mom, napapikit na. Si Grandma, tinatapik ang baston niya sa sahig. That’s a bad sign.

“Tao ba itong pinapadala ng agency?” tanong ni Grandma. “O mga exam passers lang na walang puso?”

“May isa pa pong natitira, Ma’am,” sabat ni Liza, ang staff. “Pero... fresh graduate po siya. Undergoing pa lang sa doctoral program. Last minute nag-apply.”

Nag-angat ng kilay si Mom. “Fresh grad? Hindi ba’t sinabing may minimum ten years of experience?”

“Ignore it,” I said coldly. “We’re not running a clinic for interns.”

Pero bago pa maisara ang logbook, nagsalita si Grandma.

“Pasok mo siya. Gusto kong makita lahat. Fair is fair.”

Wala kaming nagawa.

Pumasok ang babae—mahinhin ang galaw, naka puting coat, maayos ang tindig. Nakasuot ng medical mask, malaking eyeglasses, at naka ponytail ang buhok. Hindi kita ang mukha.

She looked small… but composed.

“Good afternoon,” she said, boses niya malamig pero buo. “I’m Dr. Jehora Menises. Thank you for allowing me to be here despite the short notice.”

Nagtaas ako ng tingin. That name...

Jehora?

Hindi ko ipinahalata. Marami nang tao ang may parehong pangalan.

I crossed my arms and asked coldly, “What makes you think you’re fit to serve this family, Miss Menises?”

“I don’t think I am,” sagot niya, diretso ang tingin. “But I believe I can learn. I’m not here to impress. I’m here because I listen better than I speak. And I serve with respect.”

Tahimik ang kwarto. Napalingon ako sa gilid—si Grandma, biglang napatigil sa pagpalo ng baston. She leaned forward, squinting at the girl.

“You said you listen,” sabi ni Grandma. “Then tell me… what do you hear now?”

Jehora paused for a moment. Then she looked at each of us.

“I hear grief. Deep but restrained. I hear expectations—especially from the one beside you.” Tumingin siya sa akin. “I hear doubt. But no arrogance. I hear a family that lost someone they trusted. And now… you're looking for someone who won’t try to replace him, but will respect the space he left.”

My hands slightly curled into a fist.

Grandma exhaled, then looked at me.

“This one stays.”

Nagulat ako. “You’re sure?”

“I’m old, Ren. I know when someone speaks from the soul. And this girl…” nilingon niya si Jehora, “reminds me of Sevilla when he was just starting.”

Si Mom, bagamat tahimik, tumango na lang. Wala na rin siyang energy para makipag-argue.

Before we dismissed her, Jehora bowed her head respectfully and said, “Thank you for the opportunity.”

Pagkalabas niya, tumunog ang pinto at dumating si Rihanna—haggard, naka hoodie, at may milk tea pa sa kamay.

“Ay! May interview pa ba? Nakahabol ako?”

“Last applicant just left,” sagot ni Liza.

“Sayang. Sino natanggap?”

“Jehora Menises,” I answered plainly, habang nagliligpit ng tablet.

Tumigil si Rihanna. “Wait—Jehora?!”

“Yes,” sagot ni Grandma. “Do you know her?”

“...Uh, maybe?”

Kita sa mukha niya ang pagkalito. “Jehora is my friend, but... no way. That wasn’t her. I’d recognize her.”

I didn’t bother explaining. Hindi rin ako sure. Pero kung totoo man… bakit hindi siya nagpakilala?

Or maybe, she didn’t want to use any connection to get in.

Good.

---

Later that night.

I sat alone sa office, staring at her resume.

“Jehora Menises,” I muttered.

New doctor. Fresh eyes. Strong mind. Calm tone.

Sa wakas… may dumating na hindi nag-aim magustuhan kami. She just came to do her job.

Tulad ng dati… tulad ni Doc Sevilla.

Welcome to the house, Doctor.

Let’s see what you can handle.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero gising pa rin ako.

Gabi na. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang pag-tick ng wall clock sa opisina ko. Nakahawak ang isang kamay ko sa tasa ng kape habang nakatitig lang ako sa bintana, tanaw ang madilim na langit na wala man lang bituin.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawala sa isip ko ang bagong doktor. Hindi dahil sa galing niya kahit impressive naman siya sa mga dokumento at sa feedback ni Lola. Hindi rin dahil sa kakulangan ng photo sa resume. I’ve seen worse.

May kung anong hindi ko maipaliwanag.

Tumayo ako, kinuha ang folder mula sa drawer at muling sinuri ang resume. "Dr. Jehora Menises." Kompleto ang credentials, may licensure, may mga certifications. Pero wala ni isang ID picture o kahit simpleng kuha man lang. Unusual. Lalo na sa isang posisyong may kinalaman sa pamilya naming Vireaux.

Nagdesisyon akong puntahan si Lola sa kanyang silid.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakaupo sa lumang rocking chair, may hawak na album at parang malalim ang iniisip.

“Lola,” mahinahong bati ko.

“Rydos, ano iyon?” tanong niya habang ibinaba ang album.

“In review ko lang po ulit yung file ng bagong doktor natin. May concern lang po ako…”

Tumango siya, inaasahang seryoso ang sasabihin ko.

“Wala pong litrato. Wala ring official ID o photo kahit isa. Hindi ba dapat masusi tayong pumili lalo na’t pamilya ang tinataya natin dito?”

Ngumiti lang si Lola. “Ay, apo… I know what I’m doing. I met her. Nakausap ko. At sa dami ng mga nag-apply na mas matanda at may mas mahabang karanasan, siya lang ang nagpakita ng puso at respeto.”

“Pero...”

“Ipinaglaban ko siya dahil may naramdaman akong mabuti sa kanya. You know I trust my instincts. At kung credentials ang usapan, pasado siya sa lahat.”

Napakagat ako ng labi, pilit iniintindi ang punto ni Lola. Ayoko namang balewalain ang tiwala niya. Pero bilang head ng household operations, responsibilidad ko rin na tiyakin ang seguridad at katapatan ng mga taong pinapapasok sa inner circle.

Tumango ako. “Sige po, Lola. But I’ll still keep an eye on her.”

“Gawin mo ‘yan. Pero wag kang magmadali sa paghuhusga.”

---

At bago pa ako tuluyang lamunin ng sariling iniisip, biglang nag-ring ang phone ko.

"Bro, nasa Pinas na kami. Sama ka, bar tayo." Hezie on the other line

Kasunod nun ang boses ni Cadred, tapos si Miura.

Miura:"Wag kang killjoy. Nandito kami sa Black Lush."

Napatingin ako sa orasan. 10:48 PM.

Umiling ako. Pagod ako. Meetings buong araw, tatlong investors na ang kinausap ko, tapos may internal assessment pa ng mga bagong business models.

Pero...

Maybe I needed this. Maybe I needed noise to silence the one echoing thought in my head.

“Give me fifteen minutes.”

---

Pagdating ko sa bar, agad kong nakita ang tatlo sa usual corner namin. Si Miura, nakasalubong ang mga braso at ngumiti ng bahagya. Si Hezie at Cadred, parehong may hawak nang inumin.

“CEO Ren finally gave in,” sabi ni Cadred, nagtatawa.

“Wala na ba sa calendar mo ang kalayaan?” dagdag ni Hezie.

Umupo ako. “I’m not here for small talk. One drink lang.”

Pero hindi pa man lumilipas ang isang round ng alak, may dumating na grupo sa kabilang gilid. Tumigil si Miura sa pagsasalita, at napatingin si Hezie sa likuran ko.

“Uy, si Rihanna yata ‘yon.”

Napalingon ako.

At tama nga. Si Rihanna, papalapit, bitbit ang dalawang babae.

“Kuya,” bati niya, sabay yakap. “Hindi ko alam na nandito rin kayo.”

“Small world,” sagot ko.

Agad niyang ipinakilala ang kasama. “This is Jehora De Rosie, my friend from med school. And this is Alina Alfanta”.

Napalingon ako sa babaeng tinawag na De Rosie, may salamin, naka-all black. Tahimik lang habang busy sa cellphone. Pero may kakaiba sa paraan ng pagkilos niya. Parang pamilyar. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya dahil sa lights.

Ngumiti lang siya saglit, bahagyang tumango bilang pagbati.

“Menises ba ‘yan?” tanong ko bigla.

Umiling si Rihanna. “Hindi noh, Menises ‘yung family doctor natin.Jehora Menises si Jehora De Rosie, ka-batch ko sa university. Magkaiba sila.”

Tumango ako. “Right.”

Pero kahit sinabi ni Rihanna na iba, hindi maalis ang titig ko. May parehong aura ‘yung tahimik pero matalim. Yung presensyang hindi nagpapakita ng intensyon, pero ramdam mong may laman ang bawat galaw.

She sat beside Rihanna, opposite me. Hindi siya halos nakikihalubilo. Nakatutok sa phone, parang may kausap sa text o call.

Meanwhile, si Rihanna? Nagsimulang maningkit ang mga mata habang panay ang sulyap kay Miura.

“Miura, remember si Rihanna crush ka niya noong high school,” biro ni Hezie.

Namula si Rihanna. “Hezie!”

Ngumisi lang si Miura at nag-toast. “To old admirers and new friends.”

Nakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako natuwa. Ayoko lang siguro ng ganitong eksena lalo na kapag kasangkot ang kapatid ko.

Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Kasi kahit kasabay ng ingay, tawa, at ilaw sa paligid, panay ang sulyap ko sa babaeng tahimik sa tabi ng kapatid ko.

And I don’t know why.

May gusto akong malaman. May gusto akong basagin.

Minsan siyang tumingin sa direksyon ko. Maiksi lang. Pero sapat para manginig ang baso sa kamay ko kahit wala akong ininom pa ulit.

Who are you?

Bakit pamilyar ka?

Bakit hindi kita maalis sa isip?

At bakit kahit anong ipaliwanag ng kapatid ko, hindi ka nagiging estranghero sa paningin ko?

The night went on, full of clinks, lights, and stories.

But my eyes? They were stuck on one mystery across the table.

Still quiet. Still calm. Still her.