REN RYDOS' POV
"Good morning, sir. We have incoming investors and we need to set up meetings para sa kanila."
My secretary walked closely behind me, her heels clicking against the floor.
"Let me check my schedule," I replied calmly.
"Ah, oo nga pala 10 AM board meeting, 2 PM lunch meeting with the Pama Group, and dinner meeting kay Mr. Otamako."
Napakagat ako sa loob ng pisngi. Sunod-sunod na meetings na parang wala nang katapusan.
"Alright," maikli kong tugon bago ako tuluyang pumasok sa elevator.
Tahimik akong tumigil sandali. Hinawakan ko ang necktie ko. I never liked wearing one, pero si Mom lagi nalang itong isinasabit sa leeg ko para raw sa "image."
Pagkalabas ko ng elevator, hawak ko pa din ang necktie. Lahat ng madaanan ko bumabati some forced, some too eager. I answered them with a short nod. Just enough to be polite.
I don't like treatments like that. They call me Mr. Cold and maybe they’re right. I don't like getting close to people. Not with strangers. Not even with family.
I prefer silence. I prefer distance.
Pagkapasok ko sa opisina, sumalubong agad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Rihanna my younger sister.
"What brought you here?" tanong ko habang niluwagan ang necktie.
"I hate you!"
Sigaw niya. Napakunot ang noo ko.
"Don't act like a baby. You're not one anymore."
Binuksan ko ang unang dalawang butones ng puting polo ko at umupo sa swivel chair.
"Now tell me, what's going on?"
Hindi pa rin nawala ang simangot niya.
"You reduced my allowance!"
Sigaw ulit niya. Ngumisi lang ako at tiningnan siya nang diretso.
"I had to. You're wasting money on nonsense."
"Nonsense? I joined Programa Para sa Mga Kabataang Nagugutom! What makes that nonsense to you?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Didn’t you just buy a sports car for that damn race?"
At doon siya natahimik, parang sisiw na binuhusan ng malamig na tubig.
“That was my savings...”
Mahinang saad niya, halos pabulong.
"Come again? I didn't hear you."
Tinukso ko pa siya, lalo tuloy siyang nagmukhang kawawa.
"Whatever! I'll just talk to Mom. You're gonna regret this!"
Padabog siyang lumabas ng silid, sabay bagsak ng pinto.
Napailing ako at bahagyang natawa.
"This little woman..."
Kaka-graduate lang niya ng kolehiyo, wala pa ngang sapat na experience sa pagba-budget ng pera pero akala mo kung sinong may alam sa lahat. She's wasting her money on nonsense like she owns a bank.
No wonder si Mom ayaw akong bigyan ng control pagdating sa “princess” niya. Kasi nga, ang tigas ng ulo.
At gaya ko that has only two meters of patience di ko alam kung anong magagawa ko sa ugaling 'yon kapag sumobra na.
Pagkasara ng pinto sa opisina ko, tumahimik ang buong paligid. Finally. Silence.
Hinubad ko ang blazer at isinabit sa likod ng upuan. Sa wakas, wala munang istorbo. Binuksan ko ang drawer, inilagay ang necktie na kanina pa nakakasakal. Para akong sinakal sa buong biyahe mula bahay hanggang opisina pero ayos lang, sanay na.
Maya-maya pa, kumatok ang isa sa mga assistants.
“Sir, your coffee.”
“Pasok.”
Mainit na Americano, matapang, walang asukal. Just the way I need it. Tinanggap ko ang tasa at siniko ang leeg ko pabalik sa upuan. Habang humihigop, naramdaman kong unti-unting bumabalik ang composure ko. Mula sa tensyon na dala ng pag-aaway kay Rihanna hanggang sa early morning rush.
This… this is what keeps me sane.
Madalas nilang sabihin, cold ako. Stone-faced. Emotionless. Siguro totoo. Pero sa totoo lang, hindi ko lang ginagawang big deal ang nararamdaman ko. What for? Feelings don’t fix things. Actions do.
8:59 AM. My first meeting is in one minute.
Tumayo ako, bitbit ang tablet na may calendar ko, at lumakad patungo sa boardroom. Malinis ang polish ng sapatos, diretso ang lakad, walang ngiti. Pagpasok ko, lahat tumayo.
“Good morning, Mr. Vireaux.”
I nodded. “Let’s begin.”
10:00 AM. Board meeting.
11:30 AM. Quick call with international partners.
1:30 PM. Lunch with Pama Group.
5:00 PM. Dinner meeting with Otamako.
Sunod-sunod. Walang hinga. Pero hindi ako umaangal.
Kahit pa sabay-sabay, I stay composed. Alam ko kung paano i-handle ang pressure. That’s why I’m sitting in this chair, leading one of the biggest tech-investment firms in the country, habang ang iba ay nagpapapansin pa sa TikTok.
The board meeting went well. Minor issues sa logistics but all under control. Lumipas ang oras, palit ng tao, palit ng agenda, pero pareho lang ang approach ko: calm, direct, no BS.
Sa lunch meeting naman, puro small talk ang mga taga-Pama Group. They kept trying to break my stoic front.
“So, Mr. Vireaux, do you golf?”
“I don’t play games.”
Tumawa silang lahat, akala nila joke. Hindi ko na kinailangan ipaliwanag pa.
Pagbalik ko sa opisina, nanlamig na ang kape pero hinigop ko pa rin. Bitter, pero gising. Parang buhay.
---
4:42 PM
Nakatanggap ako ng tawag mula sa landline rare, kasi halos lahat ng tao, email or text. I answered.
“Hello?”
“Sir… si Dr. Sevilla po.”
Tumigil ang oras.
“What about him?” tanong ko, agad nag-shift ang tono ko.
“Wala na po siya, sir… he passed away kanina lang. Cardiac arrest daw po habang nasa clinic. Sinubukan nilang i-revive pero…”
Hindi ko na narinig ang kasunod. Napahawak ako sa mesa, tinatakpan ang bibig gamit ang isa kong kamay.
Twenty-eight years. Dalawampu’t walong taon niyang inalagaan ang pamilya namin. He was more than a doctor. He was… family.
“He’s gone?” ulit ko, halos pabulong.
“Yes, sir. I’m so sorry.”
Tumango lang ako, kahit hindi niya ako nakikita. Binaba ko ang telepono.
Sa loob ng opisina, walang ibang tunog kundi ang humahagibis na second hand ng wall clock.
Twenty-eight years.
Natatandaan ko pa nung una ko siyang nakilala. Bata pa ako noon, takot sa injection. Pero sabi niya, “Walang matapang sa karayom.” At natawa pa ako kahit umiiyak.
He was there when I got my first fever from overworking. He was there when Dad collapsed. He was there when Mom couldn’t sleep dahil sa anxiety.
Now he’s just… gone.
Humigop ako ulit ng malamig na kape. Kahit mapait, tinanggap ko. Kasi minsan, kailangan mo talagang malasahan ang pait para maalala mong tao ka rin.
I sat back on my chair, eyes fixed on the city skyline outside my window. Ilang minuto lang… ilang minutong katahimikan para kay Dr. Sevilla.
Then, I took a deep breath.
Tumayo ako, inayos muli ang suot ko, at kinuha ang tablet.
Still one meeting left.
And just like that mask on again. Emotions off. Let’s finish the day.
Tatlong araw matapos ang balita.
Tahimik ang bahay. Ni si Mom, walang imik. She stayed in her room for two straight days, curtains drawn, lights off. Ang tangi lang niyang sinabi
“He was more than our doctor, Ren. He was the only one who truly knew how to deal with us.”
And she was right.
I didn’t cry. I couldn’t. But something inside me shifted.
Si Rihanna, tahimik din. For once, she didn’t rant. She just sat beside Mom and held her hand. Good. Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang drama niya ngayon.
I arranged the funeral personally. Hindi ko ipinaubaya kahit kanino. Si Dr. Sevilla deserves the best.
White lilies. Black and gray theme. Simple. No flowers too loud. No music too dramatic. Just quiet honor for a man who lived in silence but gave so much.
Paglapit ko sa kabaong niya, tumayo lang ako doon. No tears. No words.
Just silence.
Si grandma naka upo lang sa gilid at marahang hinaplos ang kabaong ng doctor.
“He never once complained,” I said, barely audible. “Not even when I refused to rest… not even when Dad’s health declined and he had to be on call for days.”
I clenched my fists.
“He served us like we were his own.”
Tumango si Mom sa likod ko, eyes red but dry. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko rin kaya.
After the ceremony, habang lahat abala sa pagpapasalamat at pag-aalaga kay Mom, at grandma, tahimik akong umalis. I didn’t tell anyone where I was going.
---
An hour later
Tumigil ako sa harap ng maliit na clinic. Sevilla Family Clinic. Nakasara na ito. May maliit na bouquet na naiwan sa pintuan, may card pang nakasabit “We’ll miss you, Doc.”
Pinihit ko ang doorknob. Locked.
Pero may extra key ako. Matagal na niya itong ibinigay noon, just in case of emergencies. I never used it until now.
Pagkapasok ko, amoy alcohol, kape, at lumang libro. The scent of him.
Walang tao, tahimik, pero ang presensya niya nandoon pa rin. Yung white coat niya nakasabit pa rin sa likod ng pintuan. Yung mug niyang may “#1 Family Doctor” nandoon pa rin sa table, may stain pa ng lumang kape.
Umikot ako sa loob. Tiningnan ang bawat detalye.
The files. The certificates. The stethoscope na madalas niyang iwan sa table, kahit paulit-ulit ko siyang pinagsasabihan na iligpit.
I smiled small, tired, but genuine.
Tumigil ako sa patient chair, umupo, at tahimik na tumingin sa kisame.
“This place won’t be the same without you, Doc.”
No answer. Siyempre. Pero sa loob ko, alam kong naririnig niya.
I don’t say much to people. I don’t show much either. Pero dito sa clinic na 'to, I always felt… human. Hindi CEO. Hindi Vireaux heir. Just Ren just a tired man trying to survive another day.
Tumayo ako, lumapit sa desk niya. May nakalagay na folder. Ang handwriting niya, pamilyar. I opened it Medical Report: Ren Rydos Vireaux.
Laging updated. Laging handa. Laging naka-monitor kahit hindi ko hinihingi. Ganoon siya ka-aalaga.
I closed the file and returned it. Marahan. Parang baka mabasag ang alaala niya.
Before I left, nilingon ko ulit ang loob ng clinic.
“Thank you, Doc. For treating more than just our bodies... for treating the wounds we didn’t know we had.”
I stepped out, locked the door again, and slid the key under the flower pot beside the door.
Tama na siguro. Let the past rest.
Back inside my car.
The city was alive, noisy, moving pero sa loob ko, may katahimikan na hindi ko maipaliwanag.
I started the engine. Another day is waiting. Another battle.
Pero ngayon, I carry something more.
Gratitude.
Respect.
Loss.
At sa ilalim ng lahat ng pressure, deadlines, and corporate chaos, may maliit na parte ng puso ko na natutong huminto… dahil sa isang doktor na tahimik lang na nag-alaga sa amin sa loob ng 28 years.