SEdUCE

Kinaumagahan, unang nagising si Josh.

Mainit pa rin sa kwarto—yung tipong kahit electric fan, hindi sapat. Kaya kagabi, underwear lang ang suot niya sa pagtulog. Habang dahan-dahang bumababa mula sa upper bunk, sinigurado niyang walang ingay. Hindi niya gustong magising si Nick. Masyado pang maaga.

Pagkababa niya mula sa bunk bed, dumiretso agad si Josh sa banyo. Medyo antok pa, pero kabisado na ng katawan niya ang galaw—binuksan ang ilaw, inangat ang takip ng toilet, at nag-relax. Tulad ng nakasanayan, sunod-sunod na. Ihi. Tapos dumi. Sabay toothbrush habang nakapatong ang paa sa maliit na stool. Simpleng umaga, pero para kay Josh, ito ang paborito niyang sandali ng katahimikan—wala pang istorbo, walang tanong, at higit sa lahat... walang suot.

Pagbalik niya sa kwarto, diretso sa kama. Kinuha ang bedsheet, inayos ang kumot, pinalo-palo ang unan. Nakauka ang araw sa siwang ng bintana, kaya may tama ng liwanag sa katawan niyang halos hubo't hubad—tanging brief lang talaga ang saplot.

At ayun na nga. Halatang may morning wood si Josh. Maumbok at malaki.

Hindi niya 'to masyadong pinapansin. Sanay naman na siya, normal na sa kanya ang ganun. Wala rin siyang kamalay-malay na habang inaayos niya ang kama, gumalaw si Nick sa baba. Naalimpungatang gising, pero agad na bumungad sa kanya ang isang malaking sorpresa.

Mulat na mulat ang mga mata ni Nick.

Ang unang bumungad sa kanya? Ang bukol ni Josh—nasa tapat mismo ng mukha niya. Halos isang dangkal lang ang layo. 

Sa sobrang lapit nito ay hindi maiwasang mapansin ni Nick ang bahagyang amoy na lumulutang sa pagitan nila—musky, mainit, at parang... lalaking-lalaki. Galing sa bukol ni Josh.

Nakakabingi ang tibok ng puso niya. Parang ayaw siyang gumising sa tanawing 'yon. Pinagpawisan siya ng malamig kahit wala namang aircon.

'Tangina,' bulong ng isip niya. Ang laki.

At hindi siya makatingin sa iba. Titig na titig.

Wala namang kamalay-malay si Josh. Patuloy lang siya sa pag-ayos ng kama, abala sa sarili. Hindi niya kita si Nick dahil lampas-dibdib ang taas ng bunk bed.

Pero naramdaman niya ang bahagyang galaw sa ibaba—parang may kumaluskos. Napalingon siya at napayuko, sabay sulyap sa baba.

Doon niya nahuling nakatingin si Nick. Saktong sa bukol niya.

Nanlaki bahagya ang mata ni Josh, pero agad siyang nagpatay-malisya. Normal lang 'to. Lalaki sila, sanay sa ganito. Walang malisya. Kahit pa... medyo may kiliting hatid ang tingin ni Nick.

"Bro, gising ka na pala," bati niya, casual lang. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

Napapitlag si Nick. Halatang nagulat na nahuling nakatingin. Pero sinubukan pa rin niyang magpaka-kalmado. Pumikit siya at humikab kunwari, pa-cute at pa-inosente.

"Hindi nga e. Pwede bang matulog ulit?" sabay takip ng unan sa mukha.

Napangisi si Josh.

"Laki naman ng bunganga mo, bro," biro niya habang tumingin sa baba. "Kaya mo na 'kong lamunin niyan."

"Gago," sagot ni Nick, mabilis at medyo pikon ang tono.

Pero sa loob-loob niya, hindi lang basta pikon—naguguluhan na siya sa sarili. Hindi niya talaga ikinatuwa 'yung biro kasi... parang totoo eh. At ang mas nakakainis—

Gusto niya.

Putangina, gusto niyang lamunin ng buo ang bumubukol sa loob ng brief ni Josh.

Yung tipong masamid siya, mabilaukan, mabilaukan nang malala ngayong umaga. Sarap siguro nun. Tangina talaga. 

Ano ba 'to, Nick? Napaisip siya.

Napapikit siya, pilit pinapakalma ang sarili habang tinatakpan pa rin ng unan ang mukha. Pero kahit nakapikit, malinaw na malinaw pa rin sa utak niya 'yung imahe ng katawan ni Josh—yung abs na ang lakas ng tama, yung kulay tansong kutis, yung tulis ng V-line na parang pa-slide sa impyerno, at yung bukol na halos mapunit na ang brief sa gigil. Lalaking lalaki at ang laki laki. Parang tongue twister!

Pucha, umaga pa lang, pero parang gusto na niyang mag-confess—lumuhod at magkasala.

Tahimik na ilang segundo.

"Bangon na diyan breakfast na tayo sa baba." biglang anyaya ni Josh, suot pa rin ang brief at nag-stretching na parang walang nangyari.

"Magbihis ka muna, gago," sabi ni Nick habang natatakpan pa rin ng unan ang mukha niya. Pero 'di niya maiwasang sumilip.

"Bakit, natatakot ka matusok?" may halong pilyong ngiti si Josh. Di siya makatiis, gusto niyang asarin.

"Hindi ah," sagot ni Nick, pilit na chill pero halatang napapalunok.

"Kahit tusukin kita, di naman to masakit eh" dagdag pa ni Josh habang tumatawa. "Sige na, bababa na ako. Ikaw na mag-ayos ng kama mo."

Nagbihis na agad si Josh.

Paglabas ni Josh, saka lang napabuntong-hininga si Nick. Napahawak siya sa dibdib. Pucha. Ano ba 'tong nangyayari?

Tumakip siya ulit ng unan sa mukha—hindi dahil inaantok pa siya, kundi para itago ang ngiti.

Pagbaba ni Josh, naka-shorts na rin siya at puting sando. Kasunod niyang bumaba si Nick, bagong hilamos, sipilyo, at naka-oversized na t-shirt. Pagdating nila sa kusina, naka-set na ang mesa.

Umupo sila sa lamesa na puno ng pagkain—fried rice, longganisa, itlog na maalat, kamatis, sinangag, at kapeng barako na bumabango sa buong bahay. Naroon na rin sina Mama Vangie at Papa Robert tatay ni Josh, pati si Ninang Mila—ang mama ni Nick.

"Uy, sabay na kayo," bati ng Mama ni Josh. "Saktong mainit pa ang sinangag. Nick, anak, okay lang ba sa'yo longganisa? Hindi ka pa ba vegetarian gaya ng ibang bata ngayon?"

Napatawa si Nick. "Hindi po, Ninang. Masaya pa rin akong makasalanan."

Nagtawanan sila sa lamesa.

"Saka paborito ko po yang longanisang ilokano, malaman, mabango at malasa. Yun nga lang pag didighay ka maamoy."

"Pre, longganisa 'yan ha. Hindi hotdog," sabay kindat ni Josh. Siniko siya ng Mama niya. "Ang bastos mo talaga, bata ka."

Pero ngumiti lang si Josh habang naglagay ng itlog sa plato ni Nick.

"Nick, athletic ka pa rin ba?" tanong ng Ninang Vangie niya habang naglalagay ng suka sa kamatis. "Naalala mo pa ba nung nag-uunahan kayo ni Josh makapunta sa dagat?"

Napangiti si Nick, pero hindi agad sumagot. Bago siya makapagsalita, sumabat na ang Mama Mila niya.

"Naku, puro libro at cellphone ang hawak niyan. Kung hindi, computer. Di mo na 'yan makitang lumabas. Di ko nga alam kung may kaibigan ba 'yan sa school, wala halos napupunta sa bahay. Di tulad dati nung nandito pa kami, halos maubos 'yung luto ko sa dami ng iniinvite niyang kalaro."

Tumingin si Josh kay Nick. Mukhang nahiya ito, kaya agad siyang sumalo.

"Ay, pareho kami niyan, Ninang. Pero si Nick, iba 'yan—smart pa rin hanggang ngayon. Narinig ko nga kay Mama, consistent honor student daw 'yan. Ako, average lang talaga sa academics. Pero pagdating sa sports, wala pa ring tatalo sa akin."

"Yun naman ang pinagpapasalamat ko sa Diyos, Masipag sa eskwela."

Nahiya nang tuluyan si Nick.

Saka ngumiti ang Mama ni Josh. "Mabuti kung ganun. Itong si Josh kasi, athletic talaga. Gold medalist sa Regionals sa swimming, tapos silver sa Palarong Pambansa. Yung kwarto niyan puno ng medalya at basang brief."

"Ma!" reklamo ni Josh, natatawa.

"Eh totoo naman!" sabay tawa rin ng papa Robert niya. "Pero seryoso, Nick. May mga kaibigan ka ba sa school? Hindi ka naman loner, 'di ba?"

"Meron naman po Ninong," sagot ni Nick, medyo nahihiyang ngumiti. "Introvert lang talaga."

"Ikaw Josh marami ka bang kaibigan o ka-ibigan?" Tanong ng ninang Mila niya.

"Oo, meron 'yan," sabat ng Mama Vangie. "Pero bihira lang pumunta sa bahay. Wala ding pinapakilalang babae. Medyo mahiyain kasi to sa babae. Kung meron man, isa lang ata. Sino yun nak yung binilhan natin ng bulaklak nung Valentine's Day?"

Biglang sumabat ang Papa Robert habang ngumunguya ng longganisa, "Eh ano gusto mo, matulad siya sa kuya niya? Puro pagkukulong sa kwarto ginagawa sa mga babaeng iniuuwi niya. Parang may motel sa taas ng bahay eh."

"Naku nagsalita, mana siguro yung anak mo sayo, ako nga nanligaw sayo noon eh." Pabirong sabi ng nanay ni Josh

Nagtawanan ang lahat.

Napayuko si Nick, pero natatawa na rin. Umiiwas ng tingin kay Josh. Pero si Josh, chill lang. Pansin niyang medyo kinakabahan si Nick sa mga tanong.

"Eh, may nililigawan ka ba ngayon, Nick?" tanong bigla ni Ninang Vangie.

Bago pa makasagot si Nick, sumalo ulit si Josh.

"May nililigawan siya sa library. Librarian. Tahimik pero dangerous." sabay tawa ulit.

"Walang hiya ka talaga," sabi ni Nick, pero may ngiti na sa labi niya. At sa loob-loob niya, Kahit may halong asar ang breakfast na 'to, masaya pala ulit sa probinsya.

Pagkatapos mag agahan ay bumalik sila sa kwarto, at habang nagbabasa ng libro si Nick sa kama, biglang narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa CR. Napalingon siya—nakabukas ang pinto. Hindi tuluyang bukas, pero sapat ang awang para makita ang loob.

At ang nakita niya, halos ikahulog ng kanyang panga.

Si Josh. Hubad. Basang-basa.

Habang nagsasabon, tumitindi ang definition ng katawan nito—moreno, toned arms, defined back, at ang mga patak ng tubig na dumadaloy sa balat niya, na para bang sinadya nitong magsabog ng init at tukso sa hangin. Umikot si Josh sa ilalim ng shower at dumaan sa paningin ni Nick ang umbok ng puwet niya. Mabilog. Matigas. At sa harapan—kahit hindi matigas ang longganisa, halatang laman na laman. Solid. Ilokano.

Parang sumikip ang dibdib ni Nick. At hindi lang dibdib.

Namasa ang palad niya. Hindi niya alam kung dahil sa pawis o kaba o libog. Gusto niyang umiwas, puwedeng tumalikod, pero imbes na gumalaw, lalo pa siyang nanatili. Panay ang sulyap. Panay ang titig. Parang sinasadyang i-memorize ang bawat detalye.

Habang si Josh naman ay parang walang pake. Kumakanta pa sa loob ng banyo, parang concert ng isang half-naked Adonis.

Hanggang sa... lumingon si Josh sa may pinto.

Nagtagpo ang mga mata nila.

Halos mahulog si Nick sa kama. Halata sa mga mata ni Josh ang pilyong ngiti.

"Anong tinititigan mo diyan, bro?" tanong ni Josh, sabay tawa.

"A—ha? Wala," sagot ni Nick, mabilis. Nagkukunwaring wala siyang nakita—nagpatay-malisya.

Sumilip si Josh ulit sa pinto, hawak ang bote ng body wash. "Bro, pwedeng suyuin si Mama ng shampoo? Naubos na pala shampoo ko."

Muntik mapasaludo si Nick. Yes! Excuse para makalabas at makalayo.

Agad siyang bumaba, nilapitan si Ninang Vangie, at nahingian ng sachet ng shampoo. Pagbalik niya sa kwarto, sinalubong siya ng tanawin na mas nakakabaliw kaysa kanina.

Si Josh. Hubad pa rin. Basang-basa. Inabot ang shampoo sa bukas na pinto.

"Salamat, bro," sabay tango at kindat. Hindi bastos, pero may kurot sa ilalim.

Pagkasara ng pinto, hinampas ni Nick ang sarili ng unan. Tangina mo Nick, calm down. Kalma lang. Ligo lang 'yon. Hindi sex tape.

Paglabas ni Josh mula sa banyo, towel lang ang suot—fresh na fresh. Amoy sabon at amoy ng lalaking-lalaki. Basa pa ang buhok, dumadaloy ang tubig sa katawan. Naglakad siya pabalik sa kama, halos magkalapit na sila ni Nick, at hindi maiwasang mapansin ni Nick ang bawat galaw ni Josh...at ang kanyang bukol, gumuguhit sa tuwalya ang longanisa ni Josh.

At walang pasabi, nagtanggal ng tuwalya.

Boom.

Tumambad sa kanya ang toned na katawan ni Josh. Sa malapitan nakakaakit ang V-line nito. At ang LONGANISA. Dumaan sa peripheral vision ni Nick ang kabuuan ng longganisa king. Hindi nakatutok sa kanya, pero kitang-kita pa rin. Muli, hindi pa matigas, pero halos mas malaki pa rin kaysa sa ordinaryong size ng pinoy. Napa-adjust si Nick ng upo, binatak ang unan at itinakip sa sarili.

Tahimik lang siya.

Si Josh naman, walang ka-malay-malay kuno. Sanay na. Wala sa kanya ang maghubad sa harap ng kapwa lalaki. Athlete nga naman. Pero may kakaibang saya sa mga mata niya, para bang sinasabi sa sarili:

Tignan mo ako, Nick. Ganito na 'ko "kalaki" ngayon.

Saglit lang, mabilis siyang nakapagbihis. White shirt, maikling shorts, tapos sabay hawi ng buhok sa naka spiky fade haircut. Gwapo. Walang effort. 

Shit Sa isip ni Nick.

Tahimik silang dalawa.

Pero sa loob ng kwarto, ang tension, ramdam na ramdam. Parang bumulong ang hangin: May isa pang mas mainit sa summer.

Habang nagsusuklay si Josh ay dumaan siya sa tabi ni Nick, bahagyang yumuko, tapos bulong...

"Bro... okay ka lang? Ang init mo yata."

Sabay ngumiti ng pilyo. Tapos umalis.