SuRGE

Kinahapunan, nakatanggap si Josh ng isang tawag mula sa mga kaibigan. Magho-host sila ng isang maliit na basketball game sa barangay court, at inanyayahan siya. Isa ito sa mga araw na inaasahan niyang makakasama ang kanyang mga kababata, kaya hindi na siya nag-atubiling mag-invite kay Nick.

"Bro, magbaskin tayo," tawag ni Josh. "Marunong ka bang magbasketball"

Napaisip si Nick saglit bago sumagot. "Medyo lang, pero hindi ako magaling ah," sagot ni Nick. "Pero okay lang siguro."

Nang dumating sila sa court, agad silang sinalubong ng mga kababata ni Josh. Pinakilala ni Josh si Nick, na bagamat kilala na nila ito dati ay parang nanibago sila kay Nick dahil may bago itong dating—maganda, at mas tahimik kaysa sa dati. Hindi na siya kasing madaldal at makulit noong bata sila.

Sa una, magka-kampi sina Josh at Nick, at agad namang lumamang ang team nila sa laro. Nakakatuwa, hindi inaasahan ni Josh na may ganung chemistry sila ni Nick sa court, lalo pa't unang beses nilang magkasama sa isang team. Likas ang instinct nila para sa laro.

"Akala ko hindi ka magaling?" sabi ng isa sa mga kababata kay Nick, na ikinagulat ng lahat.

"Pag sumasali ako samin, hindi ako magaling," sagot ni Nick, "pero nung kayo ang kalaban ko, kayo pala ang mahina."

Nagkatinginan sila, nagtawanan. "Mayabang ka pala," biro ni Josh.

"Joke lang," natatawang sagot ni Nick.

Kaya naman napagdesisyunan nilang magbuo ng dalawang teams: Team Nick at Team Josh. Sila daw kasi ang pinakamagaling sa grupo, kaya sila na lang ang maglalaban.

Habang tumatagal ang laro, nagiging mas pisikal ang bawat galaw nila—lalo na si Josh. Minsan, sinadyang idudunggol ni Josh ang bukol ang pwetan ni Nick, at hindi na rin naiwasan ang mga banat na tapik sa pwetan ni Nick tuwing nakakascore siya. Kinikindatan din ni Josh si Nick kada magkatinginan. May panunukso sa kilos niya—parang sinasadya, pero natural lang, at pareho nilang naeenjoy.

Sa isang pagkakataon, di na napigilan ni Nick—aksidenteng nahawakan niya ang crotch ni Josh. Gulat si Josh, pero 'di umalma. Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan nila, habang nagiging mas pisikal ang laro. Sa bawat tapik at banggaan, may halong galak at tukso, na pareho nilang hindi na maipaliwanag.

Matapos ang mahabang laro, basang-basa ng pawis si Josh habang nakatambay sila sa gilid ng court. May inihandang merienda ang mga kababata nila—pandesal, softdrinks, at ilang pirasong banana cue. Habang abala ang karamihan sa kuwentuhan at pagkain, umupo si Josh sa harapan ni Nick, walang suot na pang-itaas, at naka-de-kwatro.

Nakaangat ang kaliwang braso ni Josh habang pinupunasan ang batok gamit ang basang bimpo. Lantad ang kanyang kilikili—makapal, at mukhang mabango kahit pawisan. Hindi alam ni Nick kung bakit doon agad napako ang tingin niya. May kung anong magnet sa paraan ng pag-angat ni Josh ng braso, at kung paanong tila walang pakialam ang binata sa ginagawa niya.

Hindi rin nakatulong ang anggulo—tamang-tama ang de-kwatrong posisyon ni Josh kaya't tanaw na tanaw ni Nick ang puting brief na sumisilip sa awang ng kanyang shorts. Nanuyo ang lalamunan ni Nick. Napalunok siya. Para siyang nakaharap sa altar ng tukso. Hindi sinasadyang, nilalaro ni Josh ang buhok sa ilalim ng puson niya. Sandaling kinamot ang bukol, tapos balik sa karug, paikot-ikot ang daliri na parang walang malisya.

Tahimik lang si Nick. Wala siyang maintindihan sa mga kuwentuhan sa paligid. Lahat ng pansin niya, nandoon kay Josh—sa tanawing para bang sinasadya talaga para sa kanya.

Napansin iyon ni Josh, at bahagyang ngumisi. Nahuli niya na naman si Nick na nakatitig sa ilalim ng kanyang shorts.

Gusto mo ng view? Bibigyan kita ng view. bulong ng isip niya habang sinadya pang i-adjust ang upo para mas bumuka ang shorts niya.

Nagtagpo ang mga mata nila. Si Josh, may pilyong ngiti sa labi—yung tipong tanong at tukso sa isang titig lang: Gusto mo ba 'to?

Napalunok si Nick. Bahagyang nailing, at umiwas ng tingin.

"Uy Nick, ayos ka lang?" tanong ni Josh, kunwari'y inosente.

"Ha? Oo naman," sagot ni Nick, medyo alanganin habang pilit na ibinalik ang sarili sa kasalukuyan.

"Mainit ba diyan?" tanong ni Josh, sabay dukot muli sa bimpo niya at pinunasan ang abs, pababa, hanggang umabot ulit sa garter ng brief niya. "Baka natutuyuan ka lang, gusto mo ng pamaypay?"

Tumawa ang mga kaibigan nila sa biruan, pero si Nick ay tahimik. Parang bawat kilos ni Josh ay sinadya para guluhin ang loob niya.

Habang umiinom ng softdrinks si Josh, nakatitig lang siya kay Nick, parang binabasa ang isip nito. Hindi bastos, pero may halong tukso. Parang sinasabing, 'Tumingin ka lang. Di naman ako tututol.

Pagbalik ng tingin ni Nick, ganoon pa rin si Josh—nakatitig, nakangisi, pero this time, mas malagkit. May landi sa mata. Halos may init na dumadaloy sa pagitan nilang dalawa kahit wala silang sinasabi.

Sa loob-loob ni Nick, gusto na niyang kumawala sa tingin ni Josh. Pero sa totoo lang, gusto niya ring manatili doon.

Mag-a-alas singko na ng hapon nang magdesisyon silang umuwi. Pagod man, parehong may ngiti sa labi habang nililigpit ang gamit. Si Josh, naka-motor pa rin ang porma—hubad ang pang-itaas, nakasabit lang ang sando sa balikat, parang wala lang sa kanya. Pero para kay Nick, ibang usapan 'yon.

Umangkas si Nick sa likod ni Josh. Lapat ang dibdib niya sa pawisang likod ng binata. Amoy na amoy niya ang natural na halimuyak ng pagkalalaki—pawis, araw, at pheromones na parang sinadya ng langit para guluhin ang isip ni Nick.

Hindi siya makakibo. Gusto niya sanang dumikit pa, pero baka mapansin ni Josh.

Habang binabagtas nila ang kalsada pauwi, napansin nila ang dagat sa di kalayuan—kumukutitap sa ilalim ng ginintuang araw na papalubog. Parang tumatawag.

"Bro," sigaw ni Josh laban sa hangin, "magdagat muna tayo? Ang ganda, oh. G ka ba?"

Napatingin si Nick. Ang liwanag ng araw ay naglalaro sa mga alon—kulay ginto, kumikislap na parang kwintas ng mga alaala. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"G. Tara, bro."

Nagpark sila sa gilid ng kalsada at sabay na naglakad papuntang buhanginan. Tahimik. Walang ibang tunog kundi ang alon, ang hangin, at ang langit na tila humihinga ng malalim. Sa bawat hakbang nila sa buhangin, para bang bumabagal ang oras.

Umupo sila sa tabing-dagat, sakto sa buhanginan kung saan hindi na umaabot ang mga alon, pero tanaw pa rin ang buong kaharian ng araw na unti-unting lumulubog sa kanluran.

Biglang tumayo si Josh, walang sabi-sabi, at dahan-dahang hinubad ang kanyang shorts. Nakatitig lang si Nick habang nakatayo si Josh sa harap niya, ang araw ay naglalaro sa katawan nito—ang balat niya ay kumikinang sa ginintuang liwanag, bawat linya ng kanyang katawan ay dinadampian ng init ng hapon. Wala itong saplot kundi ang puting brief na medyo basa pa mula sa pawis.

Tumingin si Josh kay Nick, at may ngiting parang bata.

"Tara," yaya niya, sabay lakad papunta sa dagat. Walang pag-aalinlangan. Walang hiya.

Hindi maintindihan ni Nick ang nararamdaman. Oo, sexy si Josh—walang duda—pero imbes na matigilan siya ng pagnanasa, may mas malalim siyang naramdaman. Parang may lumuwag sa dibdib niya. Parang may pader na bumagsak.

Tahimik niyang hinubad ang sarili niyang shorts at damit. Naka-brief na rin siya habang tinatahak ang buhanginan, papunta kay Josh.

At doon, sa gitna ng tubig, sa gitna ng ginto at bughaw, parang nawala ang lahat ng inhibisyon ni Nick. Naghabulan sila. Nagbasaan. Nagtampisaw. Tumawa ng walang pigil. Nagsisigawan. Parang mga batang pinakawalan sa dagat ng alaala. Lahat ng bigat ay napalitan ng puro, ligaw na kasayahan.

Pagkatapos ng ilang minuto ng habulan at tawanan, pareho silang bumalik sa buhanginan, hingal at basang-basa. Umupo sila sa tabing-dagat, naka-brief pa rin, pero tila walang pakialam sa mundo.

Si Josh, nakabukaka, nakasandal ang mga siko sa likod habang tanaw ang langit. Relax. Walang tension. Parang sinasabi ng katawan niya na komportable siya sa sarili, at higit sa lahat, sa tabi ni Nick.

Si Nick naman, nakaupo ng pa-kupot. Naka-halukipkip at yakap ang sariling mga tuhod, pero hindi dahil sa lamig—parang may hawak siyang damdaming hindi niya pa kayang buksan.

Tahimik silang pareho. Ngunit sa pagitan ng katahimikan, may koneksyong hindi kailangan ng salita. Isang uri ng kalmadong intimacy na hindi madaling pangalanan.

Walang nagsasalita sa una. Tahimik lang sila. Parehong nakatingin sa araw na unti-unting lumulubog—parang pagod na ring nagpapaalam sa araw.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita si Josh. Mababa ang boses, parang hindi niya sanay ipakita 'to, pero hindi niya na rin kayang hindi itanong.

"Na-miss mo ba 'to, Nick?" tanong ni Josh. "'Yung... ganito. Yung buhay dito. Ako. Tayo."

Napalingon si Nick, bahagyang nagulat. Hindi niya in-expect na si Josh ang unang maglalabas ng ganung tanong.

"Oo, bro. Sobra," sagot ni Nick, diretsong tingin sa kanya. "Akala ko nga... hindi na ako babalik eh. Pero nung nakita kita ulit, parang... may part sa akin na kumpletong bumalik."

Napangiti si Josh, pero may lungkot sa mata. Pinulot niya ang isang maliit na bato sa tabi at inihagis sa dagat.

"Akala ko rin dati, hindi na kita makikita ulit," sabi niya. "Tas nung nakita kita... bigla kong naalala yung lahat—yung dati. Pero iba ka na ngayon, Nick. Lalo kang naging ikaw."

Natawa si Nick, bahagyang tumango. "Mas mysterious na ba ako ngayon?"

"Hindi 'yon," sagot ni Josh, tumingin kay Nick. "Mas parang... nakita ko na kung sino ka talaga. Minsan, may misteryo pa, pero ngayon, mas ramdam ko na ang totoo mong sarili."

Sandaling katahimikan.

"Kahit minsan, parang hindi ko na rin alam kung sino ako," bulong ni Nick. "Pero tuwing kasama kita... parang may clarity. Weird, 'no?"

Tumingin si Josh kay Nick, seryoso na. 'Hindi weird. Kasi ako rin... tuwing nandiyan ka, hindi ako nagpipigil. Parang... 'pag kasama kita, gusto kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin.'"

Nagtagpo ang mga mata nila. Matagal. Walang biro. Walang ngisi. Isang saglit ng ganap na pag-unawa.

"So sabihin mo," bulong ni Nick.

Tumigil si Josh sa paglalaro ng bato. Tumingin siya kay Nick, diretso, walang paligoy. Ang liwanag ng papalubog na araw ay sumasalamin sa mata niya, parang may apoy na kinikimkim.

"Gusto ko sanang sabihin na..." may halong pag-aalinlangan. "Na minsan... kapag nandiyan ka... hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa sarili ko."

Hindi sumagot si Nick. Hindi rin umiwas ng tingin.

"Alam mo ba 'yung feeling na may tinatago kang matagal, tapos hindi mo maintindihan kung bakit? Tapos pag dumating 'yung tao, parang gusto mo nang ibigay lahat, kahit malabo at walang kasiguraduhan."

Huminga ng malalim si Josh. Napakamot sa batok, parang nagdadalawang-isip.

"Tangina, Nick..." bahagyang napangiti si Josh, pilit. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero sigurado ako, hindi lang 'to dahil maganda ang tanawin. Hindi lang dahil ang lakas ng dating mo. Kundi... kasi ikaw 'yung gusto kong kasama sa ganito—sa tahimik, sa totoo."

Tahimik. Parang tumigil ang mundo.

"Hindi ako nagpapatawa, ha," dagdag ni Josh, habang nakangisi pero halatang seryoso ang loob. "Kung tatanungin mo ako kung gusto kita... oo. Pero hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin non. Gusto lang kitang maramdaman. Sa tabi ko."

Nagkatinginan sila, nakaharap sa harap ng ginintuang dalampasigan. Unti-unting naglapit ang mga mukha nila, at kusang naglapat ang mga labi. First time. Romantic. Maalat pero maalab. Hindi nila sigurado kung tama ba ang ginagawa nila, pero sa mga sandaling iyon, parang naging malaya sila. Lumalim ang halik, naging mas mapangahas, parang ang lahat ng nararamdaman nila ay sumasalamin sa bawat halik.

Nagkatinginan ulit sila, parehong walang masabi. Ang hangin at alon lang ang sumasalubong sa katahimikan nila.

"Hindi na ba tayo babalik?" tanong ni Nick, ang boses niya ay parang may alinlangan, pero may kasamang init.

Ngunit bago pa makasagot si Josh, nagsimulang magdapo ang mga alon sa kanilang mga katawan, parang tinatawag sila pabalik. Ngunit ang sagot, parang hindi pa tapos ang gabi—parang may higit pang gustong mangyari.